webnovel

Chapter 35 Resignation

Nang magtama ang mata nila ni Jion ay inirapan ito ni Yra, ' tingnan natin kung hanggang kailan ka didikit jan sa Caroline na yan' nasa isip ni Yra bago niya hinubad ang suot na beach dress. Tumambad sa lahat ang pang bikini model na hubog ng kanyang katawan habang suot suot niya ang fuschia pink na two piece na lalong nagpalitaw ng mala crema niyang kutis.

Halos manlaglag ang mga mata ng lahat ng kalalakihan doon na nakatingin sa kanya habang inggit naman at paghanga naman sa mga kababaihan nasa malapit sa kanya.

"Grabe ka Miss Yra, nakakahiya naman tumabi sayo!" biglang tinakluban ni Lorena ang sariling dibdib "para akong batang pinamumukulan lang sa tabi mo."

"Ay grabeh sya!" ani Maricon "Kung si Lorena ay pinamumukulan palang edi ako naman ay sampung taong gulang. Dyos ko Miss Yra, kung alam ko lang na pang baywatch pala yang katawan mo di sana yung may padding ang two piece n binili ko!"

"Tara na!" Natatawang yaya ni Yra sa dalawang kasama niya, "langoy na tayo!" nagpati una siya palapit sa dagat. Pero bago pa mabasa ng tubig ang mga paa niya ay may kung anong bumalot sa katawan niya.

"Dont you dare do that again!" hinubad pala ni Jion ang sarili nitong Puting tshirt at isinuot sa kanya.

Ito naman ang pinagtinginan ng mga tao dahil nakadisplay ang mamasel na dibdib at eight pack abs nito.

"para siyang model ng underware!" tilian ng mga babae doon.

"Its payback time!" saad ni Jion bago siya binuhat nito na parang sako ng bigas at inihagis sa dagat. Nagtawanan lahat ng mga naroroon.

Napaubo si Yra ng makalutang na sya sa tubig dahil nakainom siya ng tubig alat. kaagad niyang hinanap ang nobyo pero hindi niya ito makita ng bigla itong lumutang sa tabi niya at hinawi ang buhok na tumabing sa mukha nito.

"Bakit mo naman ako inihagis?" naiinis na tanong niya dito.

"Its your fault! sino bang nagsabi sayo sayo na pwede kang maghubad dito?"

"Nasa beach tayo Sir, kaya natural lang na mag two piece ako! alangan namang maglong sleeves ako habang lumalangoy!" angil niya dito.

"Oo mahal ko, at kung kinakailangan mag pantalon ka na rin maliwanag ba!" gigil na sagot nito sa kanya.

"Nasan ang saya ng pagsuswimming kung ganon?" maktol pa rin niya.

"Kung gusto mo talagang mag two piece pwede naman, yun nga lang doon ka lalangoy sa kama ko!" nakangising tugon nito.

"Iba ka rin Miss Yra, pati si Sir Jion hindi nakatakas sa alindog mo!" sabi ng isa sa mga babaeng kasama ni Yra na nakapalibot sa bonfire.

"Nakakatawa ang itsura ni Sir Jion ng takluban ka ng damit niya, parang maaagawan ng candy ng iba!" sabi naman ng isa pa.

Pinipigil ni Yra ang sayang nararamdaman sa mga oras na iyon, ayaw niya kasing maka halata ang mga kasamahan sa tinatago nilang relasyon.

"Hindi yun ganon," sagot niya sa mga ito. "Napagtripan lang ako nun kanina.

"Wow, sana all mapagtripan ni Sir! ako kaya kailan makaka experience ng trip ni Sir?" kaagad namang binato ni Maricon si Lorena ng kapirasong kahoy.

"Ambisyosa!" sabi pa nito.

Lumalalim na ang gabi kaya nagsipasok na sa kanikanilang cottages ang mga emleyado, Si Yra naman ay pumasok na sa beach house ng mga Guia, ang tangi niyang rason sa mga kasamahan ay PA sya kaya doon nakatalaga ang kwarto nila ni Minjy at ng iba pang mga bisita.

Wala ng tao sa sala ng makapasok siya sa loob ng bahay, 'Siguro ay nasa kanya-kanya ng silid ang mga iyon' naisip ni Yra kaya minabuti niyang umakyat sa second floor, pero nakakailang baitang pa lamang siya ay bumulaga na sa kanyang mga mata ang dalawang bulto ng katawan na naghahalikan sa ituktok ng hagdan.

Natutop ni Yra ang kanyang bibig, 'Dyos ko! hindi maari ito!' "Anong ginagawa niyo?" naibulalas niya.

Bigla namang itinulak ni Jion sa Caroline ng makita syang nakatayo sa hagdan. "Yra, let me explain!" kaagad itong lumapit sa kanya.

"Ipaliwanag ang alin? ang pakikipaghalikan mo sa ibang babae habang nalingat lang ako sandali?" maanghang niyang sagot.

"I'm sorry." tanging sabi nito.

"Tigilan mo na ang pagsosorry Jion dahil hindi matatanggal ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko." tinalikuran na niya ito at pumasok sa kanyang silid.

Sinundan naman siya ni Jion doon, kaya ibinuhos ni Yra lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ibinato niya rito lahat ng bagay na mahawakan niya, wala syang pakialam kahit sa mukha pa ito tinamaan ng cellphone niya at dumugo ang labi nito. Hindi naman nito iniwasan lahat ng mga bagay na iyon.

"Bakit mo nagawa sa akin to Jion? bakit?" nang mapagod siya ay hinayaan lang niyang bumigay ang tuhod kasabay ng paghagulhol niya.

Tahimik namang lumapit si Jion at lumuhod sa kanyang harapan "Patawarin mo ako Yra." yun lang ang sinabi nito, walang paliwanag, walang excuses, basta paghingi lang ng tawad ang paulit ulit na namumutawi sa mga labi nito.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa at dahil hindi rin naman kita kayang patawarin sa ginawa mo, mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo." nanghihinang sabi niya dito.

"Wag mong gawin sakin to mahal ko!" tangka siyang yayakapin nito.

"Sana naisip mo yan bago ka nakipaghalikan sa babaeng yon!" itinulak niya ito palayo. Bago siya tumayo at inempake lahat ng gamit niya.

Nang maayos niya lang gamit ay lumabas siya sa silid na iyon, Sinalubong siya ni Caroline sa at humarang sa gitna ng dadaanan niya.

"Hindi niya ako hinalikan Yra. I kissed him, I took the initiative to kiss him. He didn't kissed me back." Paliwanag nito.

Tiningnan lamang ito ni Yra ng masama, "I dont care Who kiss who! kung hinalikan mo siya at hindi ka niya pinigilan ibig sabihin ginusto nya rin iyon, kaya wag ka ng magpaliwanag." tinabig ni Yra si caroline kaya bumagsak ito sa sahig. "Wag niyo na akong subukang pigilan kung ayaw ninyong masaktan." nagbabanta ang kanyang mga mata, kaya wala na itong nagawa kundi hayaan siyang umalis.

Pagbaba niya sa hagdan ay nakasalubong niya si Minjy, "Hey what happened?" nagaalalang tanong nito sa kanya.

"Minjy, ipapadala ko sayo bukas ang resignation letter ko. Papirmahan mo sa boss mo." bago sya tuluyang lumabas sa bahay na iyon.

Chương tiếp theo