webnovel

INDECENT PROPOSAL

"We will give you three months to show your worth to us. Kapag di niyo naipakita samin ang kaya niyong gawin para sa kumpanya, I'll take back my share from this company." paghamon ng may katandaan nang ginoo sa binata saka tumayo at mabilis na lumabas ng silid, halatang di nagustuhan ang nalaman nito ngayon.

'So, they're share holders!' hiyaw ng isip ni Marble.

Nagsunuran ang iba pa hanggang sa sila ni lang ni Vendrick ang natira.

Tahimik lang siyang nakaupo habang dinadigest sa utak kung anong dahilan ng binata bakit nito iyon ginawa sa kanya?

"What are you waiting for? Wala na silang lahat. Makakaalis ka na." malamig na uli nitong pukaw sa tila natuyo niyang utak.

Hindi siya sumagot. Tiim-bagang lang na tumayo at naglakad palayo.

Pero maya-maya'y hinawakan nito ang kanyang braso.

Bigla siyang pumihit paharap dito at sa isang iglang ay dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. Naibiling nito ang pisngi, halatang nasaktan sa ginawa niya, nang bumaling sa kanya'y naniningkit na ang mga mata nito.

"Are you happy now? Nangyari na ang gusto mo. Naipahiya mo na ako sa mga taong yun. Masaya ka na ba?" nanunumbat niyang sambit, namumula ang mga mukha, halatang nagpipigil lang maiyak.

No, she'll never shed tears in front of this man! Never!

"This is just the beginning." matigas ang boses na sagot nito, nagpipigil sa kung anumang galit nitong nararamdaman.

Naguluhan siya. Bakit ganun? Bakit tila anlaki ng galit nito sa kanya? Kung tutuusin, siya pa nga dapat ang maging ganun dito kasi siya itong biktima sa ginawa ng ama nito noon. Pero bakit baligtad yata? Di niya alam kung saan nanggagaling ang galit na nakikita niya sa mga mata nito.

'Beginning'. Ibig sabihin marami pa itong gustong gawin para ipahiya siya. Hindi na siya magtataka kung mangyari nga yun. Sa nakikita niyang kasamaan ng ugali nito, ano pa bang di nito kayang gawin sa kanya?

"Okay, fine! Show it all. Let's see who would be the loser in the end." pagtanggap niya sa hamon nito bago siya tumalikod at lalabas na sana ng silid na yun nang biglang bumukas ang pinto niyon, pumasok ang isang lalaking di nalalayo sa 40 ang edad, may dala itong atache case at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata, pagkuwa'y lumapit sa kanya.

"If i'm not mistaken, you're Miss Marble Dimatalo Sanchez, right?" kumpirma ng lalaki.

Marahan lang siyang tumango, di ipinakita ang halu-halong emosyong nararamdaman nang mga sandaling yun.

"By the way, i'm Mr. Marvin Del Monte, the late Senyor Leo's personal attorney." pakilala nito sabay lahad ng kanang kamay sa kanya.

Nakipagkamay din siya.

"I called you on your phone many times before i came here. Pero di mo sinasagot ang tawag ko." anito sa kanya.

Noon niya lang naalala ang kanyang phone. Hinablot pala yun ni Vendrick kaninang kaharap niya si Gab sa kalsada.

Humarap siya sa binata.

"Give me my phone." Utos niya.

Nagkibit itong balikat bago ibinalik sa kanya ang hinihingi.

Pagalit niya iyong hinablot at tiningnan kung totoo nga ang sinasabi nito. Merun ngang 20 times missed called pero number lang ang nakarehistro sa screen ng phone. Number na nga marahil yun ng abugado.

"I guess you already know about what happened to Senyor Leo. He is already dead and he gave you 90% of his wealth." walang gatol na pagbabalita ng abugado sa kanya.

Of course kanina pa niya yun naisip nang malaman kung bakit siya dinala duon ni Vendrick para ipahiya lang sa mga shareholders, dahil siya ang ginawang tagapagmana ng matanda sa kayamanan nito. Natural lang na magalit ito sa kanya.

Pero ang malamang patay na ang kanyang alaga, matagal na niya yung natanggap ngunit iba pa rin pala pag na-confirm na niyang pumanaw na ito.

Pakiramdam niya, bigla siyang nawalan ng lakas para ihakbang ang isang paa kaya napakapit siya sa malapit na upuan at sandaling naupo duon. Gusto niyang ilabas ang mga luhang kanina pa namimintana sa kanyang mga mata pero sa muli, kinagat niya lang ang ibabang labi para pigilan iyon.

Hinila na rin ng abugado ang isang upuan at humarap sa kanya sa pagkakaupo.

"Let's talk about Senyor Leo's wealth." patuloy ng abugado.

"Gusto kong ibigay yun sa apo niyang si Vendrick." biglang kumawala sa kanyang bibig ang mga katagang yun.

Kumunot ang noo ng binata sa kanyang likuran ngunit napangisi ito pagkuwan.

Segurado na siya kung ano talaga ang dahilan bakit nito ginawa yun sa kanya kanina, para i-discourage siya sa mamanahin niyang kayamanan upang mapilitan siyang ibalik yun sa pamilya ng matanda.

Natahimik ang abugado, pinaglipat-lipat na uli ang tingin sa kanilang dalawa.

"Do you think ganun lang kadali ang pagbabalik ng yamang yun sakin?" sabad ng binata.

Maang na napatingin siya sa abugado.

"What does he mean?" usisa niya.

"Kailangan mong magpakasal sakin para maibalik samin ang yaman ni lolo." ang binata uli ang sumagot.

"What?! Are you kidding me?!" bulalas niya, napatayo sa kinauupuan sa pagkagimbal.

Siya na nga itong nagkukusang ibalik ang perang yun, siya pa ang pupwersahing magpakasal sa walang pusong lalaking to? No way! Ano siya, tanga!?

Tumayo na rin ang abugado at bumuka na ang bibig para sumagot but Vendrick gave him a warning look dahilan upang matahimik ito.

"No! Hindi ako pakakasal sa tarantadong yan!" hiyaw niya na sa abugado nakatingin pero ang isang daliri'y nakaduro sa binata.

"Over my dead body!" pagtatapos niya at nagdadabog na humakbang palayo sa dalawa at bubuksan na sana ang pinto nang muling magsalita si Vendrick.

"Ang pagkakatanda ko, merun kang utang sakin." habol nito.

Napahinto siya sa paglalakad.

Bumulong ito sa abugado, maya-maya'y sandaling lumayo ang huli sa kanila, umupo sa headchair na kanina'y kinauupuan niya.

Ang binata nama'y lumapit sa kanya.

"What do you want from me, you brute!" paasik niyang sigaw rito nang biglang pumihit paharap sa binata.

"Marry me and you're free from this burden. If not, you'll still have to pay your long time debt by marrying me. Choose. Marry me or marry me." seryoso nitong saad, ni di kumukurap habang nakatitig sa kanya.

Pero kahit anong gawin niya, di niya kayang tapatan ang mga titig nito kaya iniiwas niya ang tingin.

"You're such an asshole! Wala ka segurong magawa sa buhay mo kaya ako ang gusto mong pagtripan." she muttered angrily.

He could hear the grinding of her teeth dahil sa galit but he smiled mockingly instead of comforting her.

Tumalikod ito, naglakad palapit sa abugado.

"You can ask Attorney Del Monte about the detailed will and testament. Nakasaad dun na kailangan mo akong pakasalan bago mo maibigay sakin ang yaman ni Lolo. If you don't want to give it back to me, nakita mo naman seguro ang ugali ng mga shareholders mo, di ka pa man nakakapagsalita, kino-condemn ka na. You'll gain nothing but pressure and stress." patuloy nito.

Nagtaas-baba ang kanyang dibdib sa galit. Wala siyang pakialam sa letseng yaman na yan! Mabubuhay siya nang masaya kahit wala yan!

Walamg sabi-sabing lumabas siya ng silid na yun, hindi na pinatapos ang binata sa pagsasalita.

"Why did you do that?" kampanteng tanong ng abugado kahit sa mga mata nito ay puno ng pagtataka sa sinabi ni Vendrick.

Ngumisi lang ito.

"Don't worry. I know what i'm doing." confiedent nitong sagot, muli na namang sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi.

He knows how to play a game on her.

Subalit nang maalala nito ang huli niyang sinabi, biglang nagtagis ang bagang nito.

"I'll make sure you'll pay for what you've done." mariin nitong sambit.

Chương tiếp theo