Kung noo'y ginawa ni Keven ang lahat para lang mapalayas si Marble sa pamamahay nito, ngayon naman, gagawin nito ang lahat para lang mapapayag si Vendrick na pakasalan ang dalaga.
"Gawin mo ang lahat ng paraan para mabawi sa babaeng yun ang yaman ni Papa!" mariing utos nito sa anak.
"What do you want me to do, ha?! Ayaw niyang ibigay ang pera sakin. Gusto mong lumuhod ako sa harapan niya para lang mabawi ang yaman ni Lolo?" matigas ang boses na sabad ni Vendrick sa ama habang nagpaparuo't parito sa sala.
Tumayo si Cielo at nilapitan na ang anak. Kahit magmakaawa siya rito para lang mapapayag itong hanapin si Marble at yayaing magpakasal para lang makuha nila ang yaman ng kanyang byenan, gagawin niya yun.
"Nakita mo na ba si Marble, anak? Asan siya ngayon? Hayaan mong puntahan ko siya. Magmamakaawa akong pakasalan ka niya. Pero wag mong sasabihin sa kanyang pera lang ni Papa ang habol natin. Baka lalo siyang hindi pumayag na magpakasal sayo." sambit niya sa anak.
"Fuck!" ang sagot lang nito sabay harap sa kanya pagkuwa'y tumawa nang malakas, nakakainsultong tawa.
"You really want to go? Okay go. I'll give you her address if you really want to degrade yourself in front of her." anang binata.
Natameme siya. Para sa pamilya niya, wala siyang hindi gagawin. Pera lang naman ang katapat sa lahat ng kanilang problema ngayon. Kung bakit kasi di man lang pinahawak ng byenan ang kanyang asawa sa mga ari-arian nito nung nabubuhay pa. Di sana sila naghihirap ng ganto ngayon. Sa halip na umangat sila, palubog pa sila nang palubog. Sina Karl, Chloe at Vendrick lang ang binigyan ng matanda ng karapatan sa mga pag-aari nitong negosyo. At ang pagmamay-ari ng halos lahat ng mga yun ay ibinigay kay Marble.
"What if you court her, huh?" suhestyon ng kanyang asawa.
Napaawang ang labi ng binata sa pagkadismaya.
"Are you serious, Papa? You're gonna let me court that bitch? Huh, it will never happen!" pagmamatigas ng binata.
Lalo lang siyang natuliro sa narinig.
"Ako na lang ang pupunta anak. Give me her address. Pupuntahan ko siya ngayon din." giit niya.
Sandali siyang tinitigan ng binata pagkuwa'y yumuko upang kunin sa bulsa ang phone nito subalit di niya nakita ang makahulugan nito g ngiti.
Duon lang nakahinga nang maluwang si Keven na noo'y nakaupo sa sofa ngunit nakarehistro sa mukha ang pagkabahala.
Si Manang Viola naman sa may labas ng kusina ay nakikiusyoso lang, kunwari ay pinupunasan ang pinto niyon pero ang lapad ng tenga sa pakikinig sa tatlo.
----------@@@@@----------
Nakakailang sulyap na si Erland kay Marble habang nakatitig ang huli sa ginagawa ng anak sa isang customer ngunit wala naman duon ang kanyang isip, naglalakbay sa kawalan papunta sa nangyari kanina sa loob ng conference room na yun.
Ilang beses na ring dumaan ang binata sa harap niya ngunit nanatili lang siyang nakatanga, walang kurap na nakatitig sa anak.
Kaya nang sikuhin siya nito, namutla agad ang kanyang mukha, ngunit nang masilayan ang kunut-noong mukha ni Erland ay napairap na siya sabay tingin na uli sa batang busy sa paggupit sa isang customer.
Hinila ni Erland ang isang silya at tumabi sa kanya sa pagkakaupo.
"Hanggang ngayon di mo pa rin ikinukwento ang nangyari sa pag-aapply mo. Natanggap ka ba? Papasok ka na bukas? Tell me something new." sunud-sunod na ungkat nito.
Sumilay bigla ang lungkot sa kanyang mga mata saka bumaling dito.
"Erland--"
"Yes?"
"Pag ba may namilit na pakasal sayo, ano'ng ibig sabihin nun?" painosente niyang tanong, humarap na sa binata at tumitig dito nang mabuti, tila atat sa sagot nito.
Mahina itong tumawa sabay yuko.
"I'm serious." kaswal niyang usal, di pa rin inaalis ang tingin dito.
Bumaling uli ito sa kanya, tumitig din, tila inaarok kung seryoso nga talaga siya sa tanong na yun, pagkuwa'y ngumiti ito, mapakla.
"He loves you." sagot nito.
Agad siyang umayos nang upo, pakiramdam kasi niya, bigla siyang naging uncomfortable sa kinauupuan, yung feeling na bigla siyang nasakal.
"No, not that." salungat niya sa binata, tumitig na uli rito. "Except that love."
Mahina na uli itong tumawa pero nakatitig pa rin sa kanya, may inaalam na mensahe sa kanyang mga mata.
"What could it be aside from love?" komento nito.
Mariin siyang tumitig sa mga mata nito.
Imposible yun. Wala siyang nararamdamang kahit na ano sa hambog na yun malibang di niya ito kayang titigan. Knowing Vendrick now, malibang galit ito sa kanya, wala na siyang ibang mahagilap na rason bakit gusto nitong gawing pambayad-utang ang pagpapakasal niya rito.
Alam naman niyang malaki ang utang niya sa gagong lalaking yun pero wala sa hinagap niyang yun ang kondisyong hihingin nito sa kanya.
"Marble---" usal ng binata.
"What about Cathy? Bakit ayaw mo siyang ayain ng kasal kahit may gusto ka rin sa kanya?" pag-iiba niya ng usapan.
Namula bigla ang pisngi ng binata, sandali na uling nagbaba ng tingin.
"Cathy isn't like you. Mabilis siyang magsawa sa lalaki." seryoso nitong sagot.
Natameme siya, hindi agad nakuha ang gusto nitong sabihin.
"If i had to marry her, after a year or three, magdi-divorce lang din kami. And the ultimate fear in my heart is that thing." paliwanag nito.
"So you're afraid to propose to him because of that?" curious niyang tanong.
Sa halip na sumagot, nag-angat ito ng mukha at nakangiting bumaling sa kanya.
"What about Vendrick? Are you willing to Marry him?" walang pakundangan nitong tanong.
Siya naman ang namula at agad iniiwas ang tingin sabay tayo.
"Pag natapos na manggupit ang anak ko, uuwi na kami." pag-iiba na uli niya sa usapan, ngunit bigla ring napabaling na uli sa kausap at kunut-noong napatitig rito.
Pano nito nalamang si Vendrick ang tinutukoy niya sa tanong kanina? May alam ba ito tungkol sa kanila ni Vendrick? Imposible yun!
"Mommy, i'm done!" tawag ni Kaelo sa kanya.
Napunta sa bata ang kanyang atensyon.
"Okay anak, uwi na tayo." sagot niya't nagmamadali nang pumasok sa opisina ni Erland at kinuha ang bag ng bata saka bumalik sa kinaruruonan ng dalawa.
"Daddy Lan, wala na po kaming pasok next week. Aren't you planning for a picnic?" usisa ng bata sa lalaki, hawak na nito ang kamay ng huli.
Sumulyap muna ang binata bago sumagot.
"Maybe we should ask your Mommy about it. Baka kasi may work na siya mula bukas." anito sa bata.
"Wala! Wala pa akong work. Maghahanap na uli akong trabaho bukas." bigla niyang sabad at lumapit na sa mga ito, binawi ang kamay ng bata sa lalaki.
"Yehey!" hiyaw ng bata. "Daddy Lan, let's go to Enchanted Kingdom next week, okay?"
Kunut-noo namang napatingin ang binata sa kanya.
Isang matamis na ngiti lang ang kanyang iginanti saka iginiya na ang anak palabas ng salon pero bigla rin siyang napahinto at tila naging tuod sa kinatatayuan nang makita ang papasok na bisita.