Ang alam niya, papunta sila sa main office ng lalaki bilang CEO ng LSO Bank. Ihahanda na niya ang sarili, ina-anticipate na niya kung anong mangyayari.
Papagtimplahin siya nito ng kape---cappuccino, latte, Americano, espresso, Doppio o Arabica. Alam na niya ang lasa ng mga yun, kahit alin jan ang ipatimpla sa kanya, di siya nito kayang ipahiya dahil lang duon. Habang iniisip iyo'y nakataas ang kanyang noo, confident na confident sa sariling kakayahan.
O tatambakan siya agad ng paperworks? Pwede rin. Di bale, kagabi pa niya pinaghandaan ang lahat nang yun. Gusto niyang ipakita rito na qualified siya sa trabahong pinag-aaplayan. Nakahanda siyang tiisin ang anumang pagdadaanan niya sa mga kamay ng gagong lalaking to.
Bigla itong huminto maglakad sa tapat ng isang pinto, muntik na siyang mapasubsob sa likod nito kung di niya napigilan ang isa pang hakbang ng paa.
Ilang segundo itong nanatiling nakatayo ruon. Ganun ang ginawa niya.
Huminga ito nang malalim na para bang kinakabahan. Ganun din ang ginawa niya.
Duon lang ito salubong ang mga kilay na lumingon sa kanya, iwas siya agad ng tingin kunyari ay di alam kung bakit ito napatingin.
Sa wakas ay binuksan nito ang nakapinid na pinto.
Pumasok ang binata sa loob, pumasok rin siya, muling huminga nang malalim saka inikot ng tingin ang buong paligid upang mapahinto lang din agad sa paghakbang at blangko ang mukhang napatitig sa mga taong nasa loob ng silid na yun na akala niya'y opisina pero conference room pala.
Oh my! Anong ginagawa nila dito? Isasabak siya agad ng hambog na lalaking to sa conference? Wala naman itong sinasabi sa kanya kaninang dito pala sila pupunta.
Bigla ang pamumutla ng kanyang pisngi at ilang beses na napalunok. Pakiramdam niya, nasa korte siya, tingin pa lang ng mga naruon sa kanya, pakiwari niya, hinuhusgahan na siya agad bilang kriminal.
Napaatras siya bigla, parang lahat ng lakas ng loob niya bago makapasok ruon ay biglang naglaho, napalitan ng takot.
Hindi niya inaasahan ang gantong pangyayari.
Kung hindi pa siya binalikan ni Vendrick at hinawakan sa kamay para igiya sa upuan niya'y di niya seguro magagawang ihakbang ang mga paa.
But to her surprise again, sa halip na sa uluhan ng conference table umupo ang binata ay sa gawing kanan niya ito umupo, siya ang pinaupo sa headchair.
Nagtataka ang mga matang bumaling siya rito. Bakit???
"Good morning everyone!" simula nito nang makaupo na.
"As promised, Marble Dimatalo Sanchez is here." kampante nitong pagpapakilala sa kanya sa mga nagpakaformal suit na mga bisita.
Bisita, o siya lang ang bisita duon? Ewan, wala siyang alam. Ni di nga niya alam kung bakit pinaukupa sa kanya ang upuang alam niyang para lang sa Chairman o CEO ng kumpanya. Wew! Anong merun ngayon sa lugar na to? Wala man lang siyang clue. Gusto niyang sapakin ang binata nang mga sandaling yun. O balak na naman siya nitong ipahiya sa harap ng mga naruon?
Pero hindi siya dapat magpatalo sa nararamdaman. Higit niyang kailangan ang kapal ng mukha ngayon kaya sinubukan niyang ngumiti para pawiin ang kaba sa dibdib, sinabayan na niya ng kaway sa mga ito.
"Hi! Hello! Good morning po. I'm Marble Dimatalo Sanchez po. Nice meeting you here." bati niya, naalalang kunin ang kanyang ID card na ibinigay ng matanda noon, nagbabakasakaling may maidulot na maganda yun ngayon tulad nang nangyari kahapon.
Subalit lalo lang siyang naguluhan nang magbulungan ang lahat sa isa't isa.
"She's really Marble Sanchez." kumpirma ng isang ginoong halata sa suot ang dignified nitong personalidad.
Sino pala ang mga taong to?
Lito siyang napatingin kay Vendrick na wala yatang balak na magpaliwanag sa kanya, nanatili lang nakababa ang tingin sa mesa, pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa mga kasama nila sa silid na yun.
Tumikhim ang isang may katandaan nang lalaki, meaning magsitahimik ang lahat. Nagsitahimik nga ang lahat.
"Ahm--Good morning Miss Sanchez." bati nito sa kanya.
Pinakawalan niya uli ang isang pilit na ngiti.
"Good morning po." sagot niya.
"Since you're here, i assume you already know about your status and about us." simula ng ginoo.
Agad siyang tumango. Alam niya, Executive secretary siya, yun ang inaaplayan niya. Pero napansin niyang mapaklang napangiti si Vendrick. Hindi niya yun pinansin.
"So what can you do to our company, I mean to your company?" tanong na nito.
Alanganin siyang tumayo at inisa-isang tingnan ang mga mukha ng mga naruon, pilit inuungkat sa isip ang isasagot.
"Being an executive secretary is surely a challenging career---"
Biglang nag-ingay ang lahat, nagtanungan na uli sa isa't isa, yung iba'y napalakas na ang tawa.
Kahit si Vendrick ay nakitawa na rin.
Namumutla na siyang napatingin sa binata.
"Why are you laughing? Am i not an executive secretary here?" usisa na niya rito.
"Excuse me Mr.Ortega. Are you mocking us? This girl you've brought here doesn't even know her status. Pano kami maniniwalang kaya niyang pamahalaan ang LSO Bank?" yamot nang sabad ng isang ginoo sa di kalayuan sa kanyang kinaruruonan. Kasingtanda lang marahil ito ng kanyang ama.
Lalo lang siyang namutla sa pagkapahiya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" lakas-loob niyang tanong sa ginoo.
"Exactly! That's my point!" bulalas ng binata, tumayo agad sa kinauupuan.
"Didn't you all mocked me when you learned i'm the new CEO of my grandfather's business? Weren't you all looking for this girl? And now that i gave you his heiress, you're still complaining about her capability! What do you want, huh?" tumaas bigla ang boses nito, tila ba isang hari na nanenermon sa kanyang mga alipin.
Natahimik bigla ang lahat.
'Heiress?!' hiyaw ng kanyang isip, nanlalaki amg mga matang napatitig sa binatang di sinasadyang napatitig din sa kanya.
'Tarantado ka! Anong heiress ang sinasabi mong siraulo ka?!' gusto niyang isambulat dito ngunit makahulugan lang itong tumitig sa kanya, tila ba sinasabing umupo na siya.
Pero di niya ginawa yun, sa halip ay humarap sa mga naruon.
"Nagkakamali po kayo. Hindi po ako yung heiress na tinutukoy ng CEO. Sa katunayan po--" sabad niya.
"Shut up!" pigil sa kanya ng binata, hinawakan na ang kanyang braso at pilit siyang iniupo sa headchair saka inilapit ang mukha sa kanyang tenga.
"Zip that mouth of yours, okay!" mahina lang pero matigas nitong sambit, puno ng awtoridad sa boses nito.
But no, kailangan niyang magsalita. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga to.
Subalit nang ibubuka na niya ang bibig, naningkit bigla ang mga mata nito na tila sinasabi uling, "I'm warning you!"
Natigilan siya, hindi na nakapagslita.
Umayos ito nang tindig sabay tumayo sa kanyang likuran paharap sa lahat maliban sa kanya.
"I have no intention to mock at anyone. I just wanted to introduce Miss Marble. Please be considerate, siya man ay nabigla sa kanyang nalaman. You see, she's a very humble lady." lumambot na ang boses nito, dahan-dahang pumihit paharap sa kanya, binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti.
Why?? Anong ibig sabihin nun?
"Mr, Ortega, we are talking about money here. I don't care about her character. All i care is how she would run the business dahil unti-unti na tayong nalulugi, bumababa na ang profit natin!" matigas na ding sabat ng isa pang di-katandaang lalaki.
Kung bibilangin niya ang lahat ng mga naruon, aabot sa 30 mahigit ang mga to. Anong posisyon ng mga yun? Mga managers? Board of directors? Executive officers? O shareholders?
Nakagat niya ang ibabang labi. Ito na ang pinaka-degrading na nangyari sa buong buhay niya. Lahat ng yun, dahil sa hayup na Vendrick na to!