"Nagmahal ka na ba?" Tanong nito. Napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Nagmahal ka na ba ng todo?" Tanong muli nito. Gusto kong sumagot ng Oo nagmahal na ako pero hindi ko pa naranasan ang todo na sinasabi nito. "Bakit ganun..." nakita ko ang pagbuo at pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. "Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa din sapat..." - Carly "Carly..." panimula ko. Tumingin ito sa aking mga mata. "Wala naman yan sa kung sapat ba o kulang ang ibinigay mong pagmamahal. Di ba ang mahalaga naman ay nagmahal ka. Yung minahal mo siya sa paraan na alam mo." -Igo *Warning: It contains several sad chapters :( ***This is the original one I've made written in Filipino language***
"Carly.."
"Carly.."
"Carly.."
"CARLY!" narinig ko ang boses ng isang lalake.
"CARLY!!" Pag-ulit pa nito. Parang may mali? Bakit nag-iba yung boses?
Para akong hinugot sa realidad nang biglang may humawak sa aking balikat. "Carly?" Naging mahinahon na ang boses nito.
Lumingon ako sa lalakeng pumukaw ng aking atensyon nang hindi ko namamalayan na tumulo na pala aking luha. Agad ko itong pinunasan gamit aking bisig lalo nang makita ko ang mukha ni Dax na puno ng simpatiya. Si Dax ang instructor ko dito sa gym nag-Muay Thai kasi ako bilang workout ko at mga 2 months ko din itong ginagawa.
"Carly.. nakatulala ka na naman sa punching bag.. pahinga ka kaya muna?" Bakas ang pag-aalala sa tono nito.
Pinilit kong ngumiti. "Okay lang ako Dax" ikinibit ko ang aking balikat kaya naman inalis na ni Dax ang kanyang kamay. Sinuntok ko ang punching bag ng buong lakas. Paulit ulit ko itong sinuntok at sinipa. Parang nung pinipilit kong pumasok sa loob ng surgery room habang pinipigilan ako ng mga nurse at ng mga guard.
Tumigil ako sandali at tumingala sa itaas. Inilagay ko ang dalawang kamay ko na may boxing gloves sa aking tagiliran. Humahangos ako ng todo para akong mawawalan ng hangin.
Sa aking pag-yuko isa-isang tumulo ang aking pawis at ang aking mga luha. Yung tipong gusto mong umiyak pero alam mong hindi pwede. Yung kaunti na lang sasabog na ang kalooban mo pero kailangan mong ipunin at ikulong ang lahat.
Nagtungo ako sa bangko sa may gilid, tinanggal ko ang aking boxing gloves at tinaas ang paa ko sa aking inuupuan. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking tuhod at ipinatong ang ulo ko doon habang unti-unting pumapatak ang mas madami ko pang luha.
Naramdaman ko ang pagtabon ng tuwalya sa aking ulo at ang pagyakap nito sa akin. Hindi ko na kailangan silipin pa kung sino ang may gawa nito. Hindi ko napigilan ang aking paghikbi. Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha.
"Sige lang ilabas mo lang iyan Carly andito lang kami.." habang tinatapik ni Letty ang aking balikat. Mag-asawa sina Dax at Letty at kanila ang gym na ito.
Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa aking lalamunan. Gusto ko nang mawala para matapos na ang lahat at higit sa lahat hindi ko alam kung paano ulit sisimulan ang aking buhay.
Ginamit ko ang tuwalya upang punasan ang aking luha at ang aking mukha. Mugto na naman ang mga mata ko. Inabot sa akin ni Dax ang tubig na dala ni Letty at ininom ko ito.
Narinig ko ang mahinang bulong ni Letty kay Dax, "Dy, hatid na natin si Carly baka kung saan-saan na naman mapadpad yan" nag-aalalang tono nito. Ilang araw na ba akong ganito? Baka nga ilang linggo na eh. I lost track of time. Parang tumigil ang mundo ko. Pinipilit kong ipagpatuloy pero ang totoo I'm stuck somewhere. Hindi ako makaalis. Hindi ako maka-move on.
"Sige My ako na bahala kay Carly. Mag-ayos na tayo dito at isara na natin ang gym." Tugon ni Dax. Ganito na ang madalas kong routine, pupunta ako ng alas-siyete ng gabi matatapos ako ng mga alas-nuwebe pero ngayon pupunta ako ng alas-nuwebe at inaantay lang matapos lahat ng tao at tutunganga. Para akong ligaw na kaluluwa dito sa gym. Kusa lang akong dinadala dito ng mga paa ko.
Isa-isa kong nilalagay ang mga gamit ko sa aking bag at pagkasara ng zipper ay tinawag na ako ng mag-asawa para umalis na. Inakay ako ni Letty papunta sa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang mga ilaw sa bawat madaanang poste.
"Carly andito na tayo sa bahay ninyo" saad ni Letty. Nasa tapat na kami ng aming two-storey na bahay.
"Salamat Dax and Letty" ngumiti ako ng bahagya para hindi na sila mag-alala. Hinintay nila akong makapasok sa gate bago tuluyang umalis.
Sigurado akong wala na naman sina Mama at Papa at ang kapatid ko lang ang nasa loob. Alam kong tulog na din siya. Mabuti nga yun para wala nang magtatanong sa akin at mangangamusta. Para hindi na ako magsisinungaling na okay lang ako. Para hindi ko na pipilitin maging masaya. Para hindi na nila makita na umiyak na naman ako. Para hindi na nila sabihin na wala naman daw mangyayari ang pag-iyak ko.
Kasi kahit kahit ilang litro pa ng luha ang ilabas ko hindi na siya babalik...
Hindi na niya magagawa pang punasan ang mga luha ko...
3-30-2018