webnovel

Balang Araw

Nagising ako sa tunog ng malakas at humuhuning hangin na maging ang kurtina sa aking silid ay nagliliparan sa tindi nito. Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim pa. Mukhang may bagyo ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina upang ihanda ang mga kandila at nag-ipon na din ang tubig para kung sakaling malawan ng kuryente. Isinara ko din ang mga bintana sa buong bahay. Nahiga na lamang ako sa sala para mabilis akong magising kung sakaling mas titindi pa ang bagyo.

Nagising akong muli at sumilip sa binatana. Madilim ang kalangitan kahit alas siyete na ng umaga.

"Ang araw kahapon tapos ang ulan naman ngayon" sambit ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa at tumingin sa kisame. Balak ko pa naman sana magjogging sa labas kagaya ng nakagawian ko sa may amin. Hay... naalala ko tuloy ang pamilya ko doon. Kamusta na kaya sila? Para akong nalungkot bigla. Gusto ko silang makasama bigla. Dumulas ako pahiga at tumingin sa paligid. Nakakalungkot pala talagang mag-isa...

Napabuntong hininga ako. Parang ngayon mas napansin ko na napalaki talaga ng bahay para sa iisang tao. Napakadaming kwarto para sa iisang tao. Madaming upuan sa hapagkainan para sa iisang tao. Ang daming plato para sa iisang tao. Ang daming pares ng kutsara at tinidor para sa iisang tao. Ngayon ko lang naramdaman na mag-isa pala ako. Siguro nung nakaraan hindi ko yun mapansin kasi nakakulong ako sa mundo ko. Akala ko ay mas okay na mapag-isa ako pero ang totoo pala malungkot mag-isa.

Bumangon ako at nagtungo sa kusina. Sinubukan kong buksan ang ilaw upang malaman kung may kuryente pa pero wala na. Hinawakan ko ang kandila at ang pospuro na inihanda ko sa lamesa. Nagdadalawang isip ako kung sisindihan ba ito o hindi. Tutal hindi pa naman ganoon kadilim mamaya na lang siguro hapon o kaya sa kagabi.

Hindi rin katagalan ay tumindi ang lakas ng hangin at lumakas din ang buhos ng ulan. Malamang ay hindi muna pupunta si Igo dito dahil sa sama ng panahon. Nakakatakot din dahil baka may mga magliparang yero. Sayang naman yung araw. Apat na araw na lang kasama ngayon ay aalis na din si Igo. Wrong timing naman itong sama ng panahon. Bumalik na lang ako sa paghiga at pumikit.

•••

"Igo, isara mo ang bintana." Utos ni Tita Celia sa akin. Pero para bang natulala ako sa panahon sa labas at napaisip sa pinaplano ko sana para sa araw na ito. Apat na araw na lang ako dito tapos ganito pa. Nakakainis. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Eco ang kamay ko nakahawak sa bintana at isinara ito.

"Kung gusto mo makasama si Ate Carly magraincoat ka at suungin mo ang bagyo." Saad ni Eco.

"Pasaway" sambit ko. Nang-aasar pa itong pinsan ko. Naupo ako sa sofa at napapalumbaba. Nakakainis ang sama ng panahon. Wala pang kuryente. Buti na lang ay nagcharge ako kagabi. Ayaw din ako payagan ni Tita Cely na lumabas dahil sa sama ng panahon. Okay lang kaya si Carly doon?  Di ko din siya mamessage kasi wala pala akong number niya kaya napakamot ako sa aking ulo. Nakakayamot naman.

Sayang ang isang araw...

•••

Kinabukasan ay medyo humihina na ang ulan at ang hangin. Mga bandang hapon ay tuluyan nang lumiwanag. Naririnig ko na ang ingay sa labas ng mga taong naguusap usap at mukhang nagliligpit sa labas.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kalat ng mga dahon sa aking bakuran. Napainat ako at dinama ang magandang sikat ng araw. Kumuha ako ng walis tingting at dustpan. Nagsimula na din akong magwalis at magligpit sa aking bakuran.

Mayamaya ay pumasok na sa Igo sa aming bakuran at tinulungan din akong maglinis. Natutuwa akong makita siya ulit kahit ba isang araw lang ang lumipas.

Ngayon ko mas na-appreciate yung mga taong dumadamay sa akin noong sinosolo ko ang pinagdaraanan ko. Kahit anong iwas ko sa kanila pinaparamdam pa din nila na hindi ako nag-iisa. Pwede ko silang sandalan, kausapin, yakapin at makasama sa mga madidilim na panahon ng buhay ko. Kapag bumalik ako sa siyudad, sa amin, papasalamatan ko silang lahat lalo na ang pamilya ko. Oo nakakatampo noong umpisa na pinadala nila ako dito kasi parang hinayaan nila akong mag-isa pero siguro nakita nila na kailangan ko din ng panahon para mag-isip at pagbulaybulayan ang mga pangyayaring ito.

Alam kong sobrang bigat ng dinadala ko. Hindi ko alam kung paano ikukwento ang lahat. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Susubukan ko pa lang magkwento ay para bang naiipit ang dila ko. Napupuuno ng pag-aalala ang isip ko. Baka ganito, baka ganyan. Baka madisappoint sila sa akin. Baka sisihin nila ako lalo. Kaya mas minabuti ko na lang na sarilinin ang lahat ng ito.

Ngunit sa kabilang banda gusto ko na ding lumaya sa pasaning ito pero paano? Naisip ko na lamang ay siguro kung papalipasin ko ito ay kusa ding maghihilom ang lahat. Sa pagdaan siguro ng panahon ay kusa ko na lang makakalimutan ang lahat. Makakalimutan ko nga ba kung laging kong maiisip na kasalanan ko lahat? Unti unti na akong nilalamon ng pagkakasala ko. Minsan napapaisip ako isang araw kaya lalaya na ang puso at isip ko? Kailan kaya ang araw na iyon?

"Balang araw" sambit ni Igo. Anong balang araw? Nababasa ba ni Igo ang naiisip ko.

Natawa ito at dinugtungan ang sinasabi. "Isang araw makikita ko din ang totoong ngiti mo Carly" malapad ang ngiti nito na para bang sigurado siya na matutupad iyon. Napansin ko na lang na pumatak ang luha sa aking mga pisngi. Agad ko itong pinunasan at naglabas ng matipig na ngiti kay Igo.

"Sorry..." pagpapaumanhin ko. Hinatak ako nito papalapit sa kanya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. Tinitigan nito ang aking mga mata.

"Di ba sabi ko gagawa tayo ng masayang alala? Kaya huwag ka na umiyak diyan. Sayang ang luha mo" at pagkatapos sabihin ito ay niyakap ako.

Five down... Two to go...

Itutuloy...

05-03-2018

Chương tiếp theo