HALF-SISTERS
Sa mundong ginagalawan mo, nakaharap mo na ba ng personal o harapan ang iyong replika?
Hindi ito iyon sinasabing kakambal mo o isang Doppelganger kung hindi isang estrangherong katulad mo pero mayroon kayong iisang mukha.
Ano ang gagawin mo o magiging reaksiyon mo kapag nakaharap mo na ang iyong kamukha?
Ganoon ang nangyari sa dalawang magkaibang tao. Nagkaharap ang dalawang magkaibang babae at mayroon silang iisang mukha. Ngunit nagmula sila sa magkaibang henerasyon at magkaibang mundo.
Parehong nagmula sa mundong hindi alam ng mga pangkaraniwan na tao na mayroon palang ganoon mundo. Mundong ang mga namumuhay ay mga nilalang na hindi pangkaraniwan.
Mga nilalang na ang akala ng nakararami ay sa libro, mga palabas o pelikula lamang makikita ngunit nagkakamali ang mga tao sa akala nilang ang mundo ay para lamang sa mga ordinaryong tao.
Dalawang angkan o lahi ang nangingibabaw o tanyag ang pangalan pagdating sa mga kababalaghan o misteryong nagaganap sa mundo. Mga angkan ng Bampira at mga Taong-Lobo.
Sa dalawang angkan na ito magmumula ang dalawang nakatakdang maging bagong pinuno ng bawat angkan. Mga pinunong itinuturing na pinakamalakas sa lahat ng mga lahing Immortal. Ang mga nakatakdang magsasalba sa dalawang angkan at sinasabing sasakop sa mundo ng mga tao at magpapatuloy na palaganapin ang kanilang mga kapangyarihan.
Paano kung iisang dugo pala ang nananalantay sa mga ugat ng dalawang babae bukod sa pagkakaroon ng iisang mukha ng mga ito?
Pero paano nila tatanggapin at kikilalanin ang isa't isa kung magkaibang henerasyon ang kanilang pinanggalingan kahit iisang dugo ang dumadaloy sa kanilang dalawa?
At paano na lang kung magkalaban pala sila dahil sa magkaiba nang uri sila ng pagiging Immortal?
Sino ang magwawagi at tatanghalin pinakamalakas at makapangyarihan sa lahat ng Immortal na siyang sinasabing mamumuno sa buong mundo?