webnovel

03

THE SEVEN PRINCE'S AND THE SEVEN PRINCESSES

Galaxia ~ The Invisible Planet. Planetang tila nagtatago ngunit bahagi rin ito ng Solar System. At dahil invisible ang Planeta, hindi pa ito nadidiskubre ng mga Siyentipiko at nang NASA. Kung matutuklasan ito, maiihelera ito sa mga Dwarfs Planet, mga Planetang halos katulad ng ibang mga Planetang nakapalibot sa buong Solar System, ang kaibahan lang ay hindi pa sapat ang mga impormasyon nakakalap bago masabing Planeta nga ang mga ito.

Kingdom Skyia ~ Isang maliit na kastilyong nakapaloob sa isang malaki-laking hugis Espera na tila ito ay Transparent na salamin. Ang Espera ay mayroon butas sa pinakailalim nito at nasa may bandang gitna ng Espera nakapuwesto ang nasabing butas. Dito dumadaan ang Hari at Reyna kapag nais nilang bumaba sa lupa. Ang Espera ay nasa ibabaw ng kalangitan at wala ito sa kalupaan. Yari sa Kristal ang buong kastilyo at mala-Garden of Eden naman ang buong kapaligiran na nakapalibot sa Kastilyo.

Kada isang daan libong taon napapalitan ang Hari at Reyna at bumababa sila mula sa kanilang mga Trono.

Isang paligsahan din ang nagaganap bago bumaba sa Trono ang Hari at Reyna. Ang bawat kalahok ay magmumula sa mga iba't ibang lahi o angkan. Mga anak-anak ng mga namumuno o pinuno ng bawat lahi.

Ngunit tanging Pitong Prinsepe at Pitong Prinsesa lamang ang may tiyansang umabot sa pinakadulo ng paligsahan at sa Pitong kalahok na iyon manggagaling ang magiging bagong Hari at Reyna na magiging gabay ng buong Skyia. Matutupad din ang kanilang mga kahilingan.

Sa oras na maging Hari at Reyna ang mga nanalo, nagiging Immortal sila sa mahabang panahon.

Tunghayan kung sino-sino ang mga Prinsepe at Prinsesa na magkakaroon ng tiyansang maging Hari at Reyna ng Kingdom Skyia at ang kanilang pakikipagsapalaran.

Chương tiếp theo