webnovel

CHAPTER 9

YUL

I called for a short break to quench my thirst. I drank Gatorade and grabbed the towel to wipe my sweat. Nagawi ang aking mga mata sa bleachers. Natanaw ko si Jewel. Di ko inaasahang siya pala ang pupunta. Lumapit ako at tumayo siya upang bumati.

"Nasan ang pipirmahan ko?"humahangos pang sabi ko.

"Mamaya na po. Bilin po sa akin ni Ma'am Nora na papirmahin kayo pag tapos na kayong maglaro," nakangiting sagot niya.

"Sigurado ka? Mamaya pa kami matatapos baka mainip ka," tanong ko habang nagpupunas pa rin ng pawis.

"Okay lang ho ako sir. Maghihintay po ako."

Natatawa ako sa sobrang pagiging magalang ka. Though she's my employee now, I'm still presume that we can be casual to each other once in a while. " We're not in office and it's just the two of us talking, you can stop being too courteous."

"Okay na ho yung ganito para masanay ako baka mamaya malito pa ako pag nasa opisina na tayo."

"Okay if that's what you want. Pero sure ka bang willing kang maghintay? Baka gabihin ka masyado sa pag-uwi."

"Huwag ho kayong mag-alala magtataxi na lang ho ako pauwi."

I partially like to the idea. Pakiramdam ko ay mas lalo akong gaganahan sa paglalaro now that I have an audience. Especially she is someone who used to witness my plays during college.

Nang bumalik ako sa paglalaro ay mas lalo kong ginalingan. Showing- off that my skill hasn't faded yet. Sa tuwing nakaka-score ako ay napapalingon ako kay Jewel. Di ko napipigilan ang aking ngiti kapag nakikita siyang marahang pumapalakpak.

"Tol masyado mo naman atang siniseryoso ang laro, katuwaan lang to," puna nang isa sa aking mga kalaban.

"I need to get serious once in a while para hindi ako kalawangin," katwiran ko.

Natapos ang aming paglalaro nang hindi ako nakaramdam ng pagod.

"Tol sino yang babaeng naghihintay sayo?" tanong ni Armand, ang kalaro kong pinakamadalas mag-aya sa akin ng basketball. My closest member of Lux Club.

"Bagong secretary. Kapalit ni Krizza."

"Ang ganda ah."

"Pang-ilan ka na sa nagsabi niyan ngayon," tatawa-tawang tugon ko. "At kung may balak kang magpapansin, huwag mo nang ituloy. Manhid yan."

"Paano mo naman nasabi?"

"Si Luigi nga hindi omoobra, ikaw pa kaya." Sa tingin ko ay dapat ko nang sanayin ang sarili sa mga atensiyong nakukuha ni Jewel.

"Kahit na pakilala mo na lang ako pare," hirit pa rin niya.

"Huwag na. Andito siya dahil sa trabaho baka pag-isipan pa ako nang masama kapag pinakilala kita." Iniwan ko ang aking kausap at muling lumapit kay Jewel. "You can wait for me at the lounge. Magshoshower lang ako. I remember I have to review the contract before signing it may mga pinabago pala ako diyan."

"Sige sir dun ko na lang po kayo hintayin."

"Nag-dinner ka na ba? There's a sandwich bar there, you can eat while waiting."

"Huwag na po sa bahay na lang. Tiyak na hinihintay po ako ng nanay ko kumain."

Na-guilty ako bigla sa sinabi niya. "Give me the folder, I'll sign it now."

"Mamaya na sir. Magpalit na po muna kayo. Mas mainam pong magreview ng kontrata kapag nakapag refresh na kayo ng sarili."

"I'm worried about your mother baka nagugutom na yun."

Naglaho ang ngiti niya at seryosong tumingin sa akin. "Sir I hope you stop making me feel awkward for doing my job. Please treat me the same way as how you normally treat your ordinary secretaries."

"S-Sure," medyo natatemeng sabi ko. I don't understand why she sounds offended. Can't she be more appreciative instead? Yes we have secret agreement but are we not allowed anymore to be a bit friendlier to each other? Until now she has still her way of handling situation based only on her own perspective.

JEWEL

Tumingin ako sa aking relos. 9:20pm na. Hindi ko naman sukat akalain na may katagalan din palang maligo si Sir Yul. Medyo kumakalam na ang aking sikmura at maya't mayang nang nagchachat si Mommy. Ilang ulit nang nagpapaalala na mag-iingat ako sa byahe. Hindi sanay ang nanay ko na umuuwi ako ng gabi. Sa dati ko kasing trabaho ay ginagabi lang ako kapag may mga company parties. What Lorraine mentioned about working overtime is indeed true kaya sa palagay ko ay dapat ko na ring i-orient ang nanay ko. Sa unang araw ko pa lang ay ganito na ang nangyayari what more kung mas maraming trabaho na ang ipagkatiwala sa akin.

Kumislap ang aking mga mata nang matanaw si Sir Yul. May bitbit siyang gym bag. He's wearing a gray shirt, black walking short and white rubber shoes. Taglay niya pa rin pala ang pagiging sporty niya. Tahimik siyang lumapit sa akin at nakatayong inabot ko sa kanya ang kontrata.

He took it from my hand without saying a word. Naupo siya sa gold victorian couch na nasa harapan ko at seryosong nagbasa. Naupo na rin ulit ako. I watch him silently. From my seat, I can smell his manly fragrance.

"Pen."

Napakurap ako at tarantang naghanap sa aking bag. Ba't ko nga naman hindi naihanda ito?

"Here sir." He received the pen without looking at me. His mood seems to have changed.

Binalik niya sa akin ang folder. I double checked the contract kung lahat ng pages na kailangan ng pirma ay napirmahan. "Okay na po sir. Salamat po. Pasensiya na ho sa istorbo."

Binigyan niya lang ako ng simpleng tango.

"Pwede na po ba akong magpaalam?"

"Go ahead."

"Salamat po. Ingat kayo sa pag-uwi-" Nahinto ako sa pagsasalita sabay napanganga nang magawi ang aking paningin sa isang babaeng naglalakad patungo sa aming direksiyon. Ngayon lang ata ulit ako nakakita nang ganito kagandang babae sa personal. Parang pinagsamang kagandahan nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach na mas sopistikada pa ang dating. She's wearing a tight black leggings and pink crop top paired with pink Nike jelly rubber shoes. Lumapit siya kay Sir Yul at pinulupot ang kamay sa leeg nito. Kulang na lang ay malaglag ang aking panga. Don't tell me she's Ma'am Stella?

"Love alis na tayo. Dad called. He has some important things to discuss with me."

Confirmed. Siya nga si Ma'am Stella!

"Let's go. Tapos na rin naman ako."

They look so good together. I'm really happy that Sir Yul found an incredible woman. Napansin ako ni Ma'am Stella habang nakanganga pa rin.

"Who is she?" she asked Sir Yul. She's smiling but her eyes are suspicious.

I grinned widely. Inihanda ko ang aking sarili sa pagpapakilalaang gagawin ni Sir Yul. Inayos ko rin ang aking postura.

"She's Jewel, my new secretary. Jewel, Ma'am Stella mo."

"Hi Ma'am! Nice to meet you. Ang ganda-ganda niyo po!" di napigilang paghanga ko.

"Thank you. Ikaw din naman, maganda rin," ngiti niya.

Nahihiyang napahawak ako sa aking pisngi. "Naku wala po ito kumpara sa ganda niyo." I know she's just flattering me yet her compliment makes me feel shy and happy.

She returned her attention to her boyfriend. "Why is you're secretary here?"

"May pinapirmahan siyang kontrata na kailangan bukas nang maaga."

"Ma'am Stella, Sir Yul, una na po ako. Nice meeting you na lang po ulit Ma'am." Paalam ko para hindi na ako makaistorbo sa kanilang dalawa.

Pagdating sa labas ay bigla akong namroblema. Papaano nga pala ako makakakuha ng taxi sa loob ng golf course na to? Pag mag grab ako, papasukin naman kaya ng gwardiya? Eh kung kanina nga ay ang haba na ng interview sa amin bago kami pinagbuksan ng gate. Maglakad na lang siguro ako palabas, kaya lang parang ang layo pa nun dito. Dapat pala nagbabaon din ako ng flat shoes sa trabaho kong to.

YUL

I called Alfred to pick us at the entrance of sports complex. Siniko ako ni Stella. Napatingin ako sa kanya at ngumuso siya sa kaliwang bahagi namin.

"Your secretary is still here."

Nakita ko si Jewel sa bandang gilid ng entrance. She's closing her eyes and seems contemplating over serious matter.

"Can I talk to her for a moment?" paalam ko sa aking girlfriend.

"Sure," pero pabirong umirap siya tanda na hindi ako pwedeng makipag-usap nang matagal.

"Andito ka pa rin?" I asked.

Jewel opened her eyes and instantly smiled after seeing me. "Sir kahiya-hiya man pero pwede bang makisabay hanggang labasan. K-Kung hindi naman ho pwede, pwede naman akong maglakad na lang palabas."

Bahagya akong inusig ng konsensiya. Bakit hindi ko naisip kanina pa na wala nga pala siyang masasakyan papalabas. Nasanay na kasi ako sa ibang mga sekretarya na may mga sari-sarili nilang sasakyan.

"Sige sumabay ka na," walang pagdadalawang-isip na saad ko. "You should have said it earlier. Pinahatid na muna sana kita hanggang labasan kay Alfred."

"Itanong niyo po muna kay Ma'am Stella, baka hindi pumayag."

"It's not big deal. Bakit kailangan ko pang itanong?" taka ko.

"Sige na Sir Yul magpaalam ka muna," giit niya.

Walang nagawang bumalik ako kay Stella. "Pwede bang makisabay sa atin si Jewel hanggang labasan?"

"Okay no problem," she shrugged.

Lumapit ulit ako kay Jewel. "Okay lang daw. I told you so."

Ngumiti siya nang malapad at sumunod sa akin. Tumayo siya sa hilera namin nang may bahagyang distansiya.

"Saan ka nakatira Jewel?" Stella asked.

"Sa San Juan po."

"It's not that far from here. Too bad I'm in a hurry, hindi ka na namin maihahatid hanggang sa inyo," medyo may lungkot na wika ni Stella.

"Naku sobra-sobra na po yun! Okay na ho sa akin hanggang sa labasan lang."

Stella is also good at reading people. Pansin kong iba agad ang impression niya kay Jewel kumpara sa ibang mga magagandang babaeng malalapit sa akin. She is giving her the benefit of the doubts.

Pumarada ang aking Jeep Wrangler sa tapat namin. Alfred opened the backseat door. Pinauna kong sumakay si Stella. Hinawakan ang braso niya at inalalayan. Jewel remained standing outside. Nang makasakay kami ni Stella, saka lang siya sumakay sa unahan.

"Love I'm going to Macau on weekend. Our family will attend the birthday party of Venetian Hotel president. Do you want to join?"

"I love to but I don't want to be a party crasher," tatawa-tawang sagot ko.

"You don't have to attend if you don't want to. The party is on Saturday you can just rest in the hotel then let's stroll on Sunday," excited na plano niya.

"Let me check my schedule first."

"Sige na Love. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapamasyal abroad nang magkasama," malambing na wika niya. Tumingin siya sa napakatahimik naming kasabay. "Hey Jewel, can I kidnapped my boyfriend this weekend?"

Litong lumingon sa kanya si Jewel. "Ho? B-bakit naman po hindi? Sa palagay ko pwedeng-pwede ho!" siguradong-siguradong sagot niya

I laughed at her answer."She's not asking for your opinion, she's talking about my schedule," paglinaw ko.

Napapahiyang ngumiti siya. "Pasensiya na po Ma'am Stella. Bago lang po ako. Wala pa po akong kaalam-alam sa mga schedule ni Sir Yul," biglang mahinang paliwanag niya.

"Shall I call Nora now?" Stella asked me.

"Huwag na baka nagpapahinga na yung tao. Minsan lang yun makauwi nang maaga. Aalamin ko bukas and I'll inform you right away," I explained.

"Jewel can you be my angel too?" my girlfriend said out of the blue.

"Ano pong ibig ninyong sabihin ng angel ma'am?" Parang ako ang napapagod sa leeg niya sa maya't mayang paglingon sa kanyang likuran.

"Just like what Nora is doing. Reporting to me all the movements of your Sir Yul," pilya at ngingisi-ngising wika ni Stella. There she goes again, nakahanap na naman ng bagong bibiktimahing taga-report niya. She explained why she loves getting reports from my secretary. Not because she doubts me but because she loves hearing stories about me from other people's perception. It's like one way of fueling our romance and also her stress reliever. I find it weird but sweet at same time.

"I don't think I can do it Ma'am. Hindi pa nga po ako pinapayagan ni Sir na pumasok sa opisina niya kaya paano ko naman po malalaman ang mga galaw niya."

Kunway ngumiwi sa akin si Stella. "Hindi ka pinapayagan pumasok sa opisina niya pero pinapasakay ka sa kotse niya?I don't think it makes sense."

Jewel gives me a meaningful look. She looks worried that my girlfriend is getting jealous.

"Hey Love are you jealous? Remember I asked your permission first bago ko siya pinasakay?" tanong ko upang mapalagay ang loob ng nag-aalala naming kasakay.

"I'm not jealous. I just don't understand why you're not allowing her to enter your office. I don't think she's a bad person, you can definitely trust her. Right Jewel?"

"Oo naman ma'am, mapagkakatiwalaan niyo ako," she answered without hesitation.

"Then what do you think of my boyfriend. Ang gwapo di ba?"

Napapailing ako sa style ng nobya ko. She really wants to confirm to herself na safe ako sa bago kong sekretarya.

Dagling tumitig nang mabuti si Jewel sa akin. I'm excited to hear her answer. Tumingin siya kay Stella nang may natural niyang nakangiting mukha. "Sa ganda niyong yan ma'am sa tingin ko hindi naman kayo papatol sa pangit."

"So gwapo ang boyfriend ko di ba?"

"Syempre naman ho. I think Sir Yul is the typical ideal man of many women."

"Ikaw, anong ideal man mo?"

Their topic is getting entertaining.

"Hmmm... wala ho sa bokabularyo ko ang paglilista ng mga katangian ng gusto kong lalaki. Hindi rin ho ako masyadong tumitingin sa hitsura. I'm more on the personality part."

"Yul has great personality and same time a very handsome man."

"I agree with you Ma'am. Kaya nga napakaswerte niyo sa kanya at siyempre si Sir Yul din napakaswerte sa inyo. Bibihira na po ngayon ang kagaya niya. Karamihan sa gwapo ngayon ay di makuntento sa iisang babae at yung iba naman gwapo rin ang hanap- Ay Kuya sa tabi na lang ho ako. May dumadaan ng mga taxi dito," she suddenly said to my driver. Nanghinayang ako. Nag-ienjoy pa naman akong pakinggan ang mga opinyon niya. "Dito na lang ho ako sir, ma'am. Pasensiya na sa abala. Next time na lang po ulit tayo magkwentuhan Ma'am Stella."

Napansin kong medyo madilim ang lugar na gusto niyang babaan. "Diretso lang Alfred. Drop her in safer place. Yung matao at maliwanag," utos ko. Biglang napatingin sa akin si Stella. Nabasa ko agad ang tumatakbo sa isip niya. "She's keeping a very important document," kusang paliwanag ko.

Chương tiếp theo