webnovel

CHAPTER 10

JEWEL

"Hanap ka nga ng magandang Japanese restaurant for Mr. Takakura meeting on Friday."

Mabilis akong nag-search online habang may kinokonek na tawag sa linya ni Sir Yul. "Anong oras po Ma'am Nora?"

"Dinner time."

Naghanap ako ng listahan ng mga japanese restaurant na nasa loob ng mga five star hotels."Sir si Mr. Morales po sa line 3," wika ko kay Sir Yul nang sagutin niya ang phone. Pagkakonek ko sa kanila nagfocus ako sa utos ni Ma'am Nora.

"Jewel," nakasimangot na tawag ni Joanna habang papasok sa aming pintuan. Inabot niya sa akin ang isang folder. Iritable ang kanyang hitsura.

"Anong gagawin ko dito?" taka ko habang nakatingin sa folder.

"Dalhin mo sa opisina ni Sir Luigi."

"Galing ka na dun di ba?" ani Lorraine.

"Kaya nga ako naiinis. Ayaw niyang tanggapin unless si Jewel ang magdala. Ang tagal kong nakatanga dun pero ayaw talaga akong pansinin. Hayst napaka-childish talaga!"

"Shh. Yung bibig mo Joana baka may makarinig sayo," sita ni Ma'am Nora. "Kahit ano pa man ang gawin niya alalahanin niyong isa pa rin siya mga nakatataas sa atin."

"Sorry po ma'am."

Tumayo si Ma'am Nora at nagtungo sa office ni Sir Yul.

"Dadalhin ko na para matapos na," tayo ko. Mamaya ko na lang itutuloy ang paghananap ng restaurant.

Bumalik si Ma'am Nora. "Jewel tawag ka ni Sir Yul."

Marahan muna akong kumatok sa pinto ni Sir Yul. Tatlong linggo na ako sa CGC at ngayon nga ay komportable na ang aking amo na pumapasok ako sa opisina niya.

"Come in."

"Tawag niyo daw po ako?" Lumapit ako sa mesa niya.

He gave me a quick glance. "Can you order flowers for Stella? She's quite stressed nowadays because of the opening of their new resort. I want to lift her moods. Ipadeliver mo sa office niya."

"Ano po bang paboritong bulaklak ni Ma'am Stella?"

"Red tulips."

"Sige sir maghahanap po ako." Napatingin siya sa folder na hawak ko.

"Is that for signature? Akin na't pipirmahan ko."

"Tapos na po to. Ihahatid ko lang sa office ni Sir Luigi."

Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Pinahatid ko na yan kay Joanna ah."

"Ako na lang sir. May ginagawa pa po kasi si Joanna."

"Don't lie. Alam kong hindi niya tinanggap unless ikaw ang magdala."

"Hayaan niyo na po sir. Maliit na bagay lang naman to. Sige ho dadalhin ko na para makapaghanap na ako ng ipapadalang bulaklak kay Ma'am Stella."

Paglabas ko ay papasok naman si Ma'am Nora. "Tutal bababa ka naman dumiretso ka na sa ground floor. Please order 3 cups of cappuccino and 2 cups of espresso sa Sweet Aroma. Ihatid nila ng 12:58 dito para sa 1pm meeting ni Sir Yul."

"Okay ma'am."

Inipit ko sa braso ang folder at itinuloy sa cellphone ang paghahanap ng Japanese restaurant. Walang tigil ako sa paghahanap hanggang sa elevator at pati sa pasilyo patungo sa opisina ni Sir Luigi. Pinagsasabay ko ang tingin sa phone at sa sahig na aking nilalakaran.

Bigla kong nabitawan ang aking telepono nang may bumangga sa aking noo mabuti na lang ay may kamay na sumalo. Pag-angat ko ng mukha ay bumungad agad ang nakakalokong ngisi ni Sir Luigi. Mabilis akong umatras papalayo sa katawan niya at luminga sa paligid. Nasa pinto na pala ako ng kanyang opisina.

"You owe me one." He waved my phone in front of my face.

"Thank you sir." Kinuha ko ang aking cellphone kahit hindi niya pa inaabot. "Pasensiya na kayo. Naghahanap kasi ako online ng magandang venue ng meeting kay Mr. Takakura. Kailangan na kasi ni Ma'am Nora para mafinalize na. May iniutos din sa akin si Sir Yul na dapat kong maipadeliver kay Ma'am Stella as soon as possible kaya kailangan kong mag multi-tasking." I give him an obligatory smile. "Ah siya nga pala eto na po yung pinapirmahan niyo kay Sir Yul." Sana naman mahalata niya na nakakasagabal na sa trabaho namin itong kapritso niya.

Kinuha niya ang folder at bumalik sa kanyang mesa.

"Alis na po ako sir."

"Teka lang. Irereview ko muna," salita niya. Umayos pa nang upo at tinuwid ang kurbata.

I remain standing near his desk. Tatatlong pirasong papel lang naman yung dala ko pero fifteen minutes na akong nakatunganga. Nahihirapan atang hanapin kung saang banda ang pirma ni Sir Yul.

"Okay na po ba sir? Pwede na po ba akong umalis?" kunway ngiti ko nang di ko na matagalan ang pagkainip. Ang dami ko pang gagawin for pete's sake!

Tumingin siya sa relos. "Malapit ng maglunch break. Gusto mo Lily sabay na tayong kumain?" Pinanindigan na talaga niya ang pagtawag sa akin ng Lily kaya unti-unti ko na rin itong nakakasanayan. Basta may tumawag sa akin na Lily at boses niya, napapalingon na ako.

"Baka di na ho ako maglunch break marami pa po akong nakapilang gagawin."

"How about tonight? Do you want to have dinner with me? I'll treat you to an expensive restaurant?" may kahanginang sabi niya.

"Salamat ho sa imbitasyon pero pinapauwi po ako nang maaga mamaya ng nanay ko."

"How about this weekend baka gusto mong mamasyal? I'll bring you to beautiful places near Metro Manila."

"Salamat ho pero maglalaba po kami ng nanay ko this weekend magagalit yun kapag hindi ko siya tinulungan. Pwede na po ba akong umalis sir?"

"G-Ganun ba? O-Okay sige. Ingat ka lagi Lily. See you again soon," suko niya.

"Thank you sir." Pagtalikod ko'y nakahinga agad ako nang maluwag. Buti hindi na umabot sa kalahating oras ang pinaghintay ko. Mukhang tinablan rin sa pasaring ko.

Patakbo kong tinungo ang elevator upang bumaba sa Sweet Aroma. Nanghina ako sa naabutan ko sa coffee shop. Ang haba ng pila, hanggang labas na. Wala akong nagawa kundi magtiyaga na lamang. Wala pa rin akong sinayang na oras. Itinuloy ko ang paghahanap ng restaurant hanggang sa finally nakapag pa-reserve din ako. Naging abala ako sa pakikipag-usap sa cellphone. Eksaktong pagkatapos ma-confirm sa reservation ay ako na ang kasunod sa pila.

"Hi Ms. Jewel. Ano pong order nila?" Kilala na ako ng mga crew sa dalas kong maging tagabili ng kape.

"3 medium cups of capuccino and 2 medium cups of espresso. Pakideliver ng eksaktong 12:58. Tandaan mo ang oras ha, 12:58. Hindi 12:57 o 12:59. Huwag kang magkakamali or else patay ako kay Ma'am Nora."

"Okay po."

Pagkalabas ko nang Sweet Aroma. Ang bulaklak naman ni Ma'am Stella ang hinanap ko sa aking cellphone. Habang naglalakad nang nakatungo, may nakita akong pares ng sapatos sa aking dadaanan. Umiwas ako pero kung saan ako pupunta ay sumusunod siya. Nag-angat ako nang mukha at biglang pinanindigan ako ng balahibo nang makita kung sino ang nasa aking harapan. It's Jonjie Lee. Ang intsik na pilit ipinapakasal noon sa akin ng aking ama.

His looking at me in disbelief. " Jewel ikaw ba yan?"

Nakaramdam ako ng nerbiyos at pandidiri. Hindi ko siya sinagot kunway wala akong narinig at hindi ko siya nakilala. Nilakihan ko ang aking mga hakbang. My hands are cold. May trauma pa rin ako sa kanya lalo na nang makita ko na naman ang mala-demonyo niyang ngisi. Dali-dali akong sumakay sa elevator. Gusto kong masuka ngayong nakita ko na naman ang mala-manyakis niyang mga tingin. Dati ay madalas akong makaranas ng mga panghihipo mula sa kanya. Mabait siya sa harap ng aking tatay pero pag nakatalikod ay mahilig siyang umakbay at humawak sa kung saan-saang parte ng aking katawan.

Kinalma ko ang sarili nang malapit na ako sa opisina. Si Lorraine lamang ang tao dito.

"Halika mag-lunchbreak muna tayo. Nasa cafeteria na sina Ma'am Nora at Joanna," aya niya.

"Ikaw na lang muna. May utos pa sa akin si Sir Yul." Isa pa ay nawalan na rin ako ng gana dahil sa taong nakasalubong ko sa ground floor. Ano kaya ang ginagawa nun dito sa CGC?

"Alright. Ikaw na muna bahala dito sa office." Tumayo siya at iniwan akong mag-isa.

Bago ko makalimutan, inilista ko muna ang pangalan ng restaurant at ang oras ng reservation sa post-it. Dinikit ko yun sa table ni Ma'am Nora. Bumalik ako sa aking mesa para maghanap muli ng ipapadalang bulaklak kay Ma'am Stella. Napalingon ako sa opisina ni Sir Yul. Natanaw ko siyang abala pa rin sa kanyang mesa. Muli akong tumayo at kumatok sa kanyang pinto.

"Come in," he said without looking.

"Sir it's already lunchtime. Gusto niyo bang magpabili ng pagkain?" Sumilip lang ako sa kanyang pintuan.

"I'm not hungry."

"Sige po. Sabihin niyo lang sa akin pag nagugutom kayo, ipaghahanda ko kayo ng makakain."

Bumalik ako sa aking mesa at itinuloy ang paghahanap ng bulaklak. Hindi ako gaanong makapag-concentrate. Ang nakakasukang mukha ni Jonjie Lee ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. I have deep hatred to him and to his family. Malakas ang kutob kong may kinalaman sila sa bankruptcy ni Daddy. They are manipulative people. I knew na napilitan din lang si Daddy na ipagkasundo ako dahil di hamak na mas maimpluwensiya sa kanya ang mga Lee.

Napapalakas ang tipa ko sa keyboard sa panggigigil until finally, I found the perfect flowers. A dozen of red tulips and white baby's breath arranged in transparent glass tied with red ribbon. Binuksan ko ang site sa aking cellphone para maipakita ang litrato kay Sir Yul. Mas mabuti na yung may approval niya muna.

Kumatok ako sa opisina niya at pumasok. "Sir nakahanap na po ako ng bulaklak. Ipapakita ko po muna sayo bago ko i-purchase."

"Let me see."

Lumapit ako sa kanya at pinakita ang larawan.

"I'm not seeing any flower," he uttered.

"Huh?" Kunot noong tiningnan ko ang aking cellphone. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang selfie ko na nakafacial mask. "Sorry sir!" namumulang wika ko. Tarantang pinindot ko ang telepono at ibinalik sa site ng bulaklak. "Eto na po."

"I'm still not seeing any flower." He sighed.

Nanlaki na naman ang aking mga mata nang ang lumabas ay conversation namin sa messenger ng nanay ko.

"Eto na po talaga." Hiyang-hiya nang wika ko.

"Finally, I'm seeing a flower now."

"Sorry po," asiwang ngiti ko. "Okay na po to?"

"Yes. It's pretty. Tiyak na magugustuhan ni Stella yan." He's playing the pen with his finger.

"Sige ipapa-go ko na po."

Paalis na ako pero hindi ko makatiis na hindi magtanong kahit pa busy ang aking amo. "Sir may kilala po ba kayong Jonjie Lee?"

"Yes. He's the owner of Lee Con Enterprise. Sila ang subcontractor ng mga lalagyan ng ating cooking oil products," he answered right away.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Para akong binagsakan ng kisame. Damang-dama ko ang aking panlalamig at pamumutla.

"Bakit mo naitanong? Kilala mo ba siya?" he asked.

"N-Nakasalubong ko lang ho kanina. S-Sabi niya nga k-kilala niya daw po kayo," pagsisinungaling ko.

Natutulalang tumalikod ako. Unti-unti akong binalot ng takot. Ibig sabihin ng aking narinig ay maaring makita ko siya ulit o maaring ilang beses ko pa siyang makita. Wala sa sariling naglakad ako hanggang sa may biglang tumama nang malakas sa aking noo. Natumba ako at napahiga sa sahig. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa bandang ulo. Nagdilim ang aking paligid. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang tarantang mukha ni Sir Yul. I can feel his hand holding my nape and my arm. His face is slightly blurry.

"Jewel! Jewel can you hear me? Are you okay?!"

Hindi ako makasagot. Ilang sandaling pinakiramdaman ko muna ang pananakit ng aking noo. Nang unti-unting humupa ang sakit ay saka pa lang nanumbalik ang wisyo ko. Dali-dali akong tumayo at inalalayan niya ako. Tiningnan ko ang pinto. Nag-alala ako na baka nabasag.

"Nahihilo ka ba? Kaya mo nang tumayo?" He's still in panic.

"Pasensiya na po kayo Sir Yul," napapayukong wika ko. Ngayon naman ay gusto kong himatayan sa kahihiyan. Ano bang kapalpakan ito?

"Why are you apologizing? Ang intindihin mo ay ang sarili mo. Pulang-pula ang noo mo."

Hinawakan ko ang aking noo. Napangiwi na naman ako sa sakit. "Okay na po ako," taliwas na sagot ko sa totoong nararamdaman.

"Anong okay? Hindi okay ang ganyan kapula." May dinampot siyang susi sa mesa at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako papalabas. "Let's go to the hospital."

Nagulat ako sa desisyon niya pero walang nagawang sumunod din naman ako sa paglalakad.

"Sir okay lang po talaga ako. Wala na po akong nararamdamang sakit. Huwag na po tayong pumunta ng hospital," walang tigil na kumbinsi ko habang nasa elevator kami.

"Hindi maganda ang pagkakabagsak mo. Your head also hit the floor. Saglit ka pa ngang nawalan ng malay," matigas na sabi niya.

Sa basement, mas lalo akong nahiya nang siya mismo ang nagmaneho ng kotse. He called Ma'am Nora while driving. "Nora move my meeting at 2pm. I'm rushing Jewel to the hospital right now. She had an accident. And also called Dr. Adriano that we'll be arriving at ER in twenty minutes."

Lalo akong nanliit sa kahihiyan na ipinaalam niya pa sa iba ang nangyari.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba? Inaantok ka or what?" lingon niya sa akin habang mabilis na nagmamaneho.

"Normal na ho ang pakiramdam ko." Nagsasabi ako ng totoo. Wala ng gaanong kirot ang aking noo. "Huwag no ho tayong tumuloy.

Hindi pa rin siya nagpapigil. Diretso pa rin kami sa hospital. Pumunta kami ng ER at dito ay naghihintay na ang doktor na tinawagan niya. Inasikaso agad ako. Nakipag-cooperate na ako para lang matapos agad. I took an MRI at lumabas sa resulta na normal naman lahat maliban sa tumubong napakalaking bukol sa aking noo.

Ilang minutong nilagyan ng cold compress ang noo ko. Binigyan din ako ng pain reliever. Bago lumabas sa clinic ni Dr. Adriano ay nanalamin muna ako. Napangiwi ako nang makita ang hitsura ng aking bukol. Agaw- pansin ito. Nanghingi ako ng band-aid kay doc at tinakpan ito.

Paglabas ko ng clinic ay napatayo agad sa kinauupuan niya si Sir Yul. He is on the phone and he instantly cut the conversation.

Lulugo-lugong nilapitan ko siya. "Normal naman ho ang resulta. Sabi ko naman po sa inyo okay lang ako. " tila batang sambit ko na may tonong paninisi. I had to undergo all this embarrassment because of him. Sino ba naman ang susugod sa ER at magpapa MRI dahil lang nauntog sa pinto?

"Mas mabuti na yung nakakasigurado tayo. Malay mo nagka blood clot ka pala." Napatingin siya sa aking noo sabay halatang nagpipigil tumawa. Kahit kasi tinakpan ko ng band-aid kita pa rin ang nakaumbok na gilid ng bukol. Kunway napapaubo siya pero kinakagat naman ang labi. Parang nakikini-kinita ko ang nilalaro ng kanyang isip.

Tinakpan ko ng kamay ang aking noo at nakabusangot na tumingin sa kanya. "Don't you dare laugh." Dahil sa matinding kahihiyan, I suddenly drop my politeness.

Chương tiếp theo