webnovel

Dare to Love (Filipino, Tagalog) - An Arranged Marriage Story

Tác giả: Sofia_PHR
Tổng hợp
Hoàn thành · 456.3K Lượt xem
  • 24 ch
    Nội dung
  • 4.8
    14 số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

“I will never marry a coldhearted bastard like you! Wala kang alam sa pagmamahal. Walang mahalaga sa iyo kundi ang sarili mo!” Those were Atasha’s exact words when Kurt asked to marry her. Hindi naman siya nito mahal. He was after her family’s political record. But nothing could stop him from being a part of her family. Pinsan na niya ang nauto nitong magpakasal dito. Her cousin who was in love with her long lost boyfriend whom they thought died. She needed to save her cousin from a heartless marriage. At hahadlangan niya si Kurt sa pagsira sa buhay ng pinsan niya. Kahit na ano ang maging kapalit. An arranged marriage story of a cold aspiring politician and the rebel daughter who replaces her runaway bride cousin.

Thẻ
1 thẻ
Chapter 1Chapter 1

"No, Tito Horacio! Hindi ako magpapakasal sa Kurt na iyon!" mariing tutol ni Atasha. Nasa library sila sa ancestral house ng mga Gatchitorena sa Davao.

"But we have no other choice. Lubog na ang pamilya natin sa utang. Walang naiwang pamana sa atin ang lolo mo kundi ang mga utang niya," paliwanag nito.

Mariin niyang nakuyom ang palad habang tinitingnan ang Tito Horacio niya at Tita Bettina. Mahigit isang buwan na mula nang mamatay ang lolo niya. Saka lang nila nalaman kung gaano kalaking financial crisis ang kinakaharap ng pamilya.

Ang mga ito na ang itinuring niyang magulang mula nang magkasunod na namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan. At ang mga ito na lang din ang natitira niyang kamag-anak. Handa siyang tumulong sa problema. Pero hindi niya matanggap ang ihinahaing solusyon ng mga ito.

"Sa dinami-dami ng pwedeng utangan ni Lolo, bakit doon pa sa Kurt Rieza na iyon?" nakasimangot niyang sintir. Hindi niya maiwasang sisihin ang namayapang lolo. She didn't like Kurt Rieza to start with. Unang kita pa lang niya dito ay hindi na maganda ang impresyon niya dito.

"Dahil si Kurt lang ang hindi nagbibigay ng interes. Malaking konsiderasyon ang ibinigay niya sa pamilya natin. Ilang buwan na dapat nailit ang lahat ng ari-arian natin dahil na hindi na natin mababawi pa ang milyon-milyong ginastos ng Daddy mo noong eleksiyon," anang si Horacio na hindi maitago ang magkahalong lungkot at desperasyon. Wala rin kasi itong magawa para bayaran ang mga utang. Nag-invest din ito sa sariling negosyo na kasisimula pa lang.

Dating itong may malaking wine vineyard sa States. Ngunit nang mamatay ang mga magulang niya ay umuwi ang mga ito sa Pilipinas upang tulungan ang lolo niya sa pamamahala ng hacienda. Subalit hindi rin naging maayos ang lahat dahil sa dami ng salot at tagtuyot na nanalasa sa mga pananim noon. Bukod sa dati ng utang, nadagdagan pa ang mga gastusin hanggang tuluyan na silang mabaon.

"The price is too high. I didn't realize that he would ask for my neck."

"He asked for your hand," pagtatama ni Horacio. "Come to think of it, Atasha. All he needs is a wife for convenience."

"He needs a woman who will authenticate his existence in the political world. And I don't want to be used!" Kung ikakasal niya, gusto niya ay sa lalaking mahal niya at hindi sa isang oportunistang tulad ni Kurt.

"The union will be beneficial for both of you. You will be well provided as his wife. You don't even have to consummate your marriage. All he needs is a wife. And you are perfect," kalmadong paliwanag ni Horacio.

"And if I refuse?"

"Sa kalye na tayo matutulog kapag binawi na niya ang lahat sa atin." Mula sa pagiging kalmado ay nabahiran ng histerya ang boses ni Horacio. Ilan sa mga madalang na pagkakataon kapag nawawalan ito ng kontrol sa sitwasyon.

"Like I would care!" she said between her gritted teeth.

Wala siyang pakialam sa kayamanan ng pamilya o sa magandang estado nila sa mundo ng pulitika. It looked ideal to others. She was usually the envy of people. Pero sa pagkakataong ito, walang sinuman ang maiinggit sa kanya. Puro sakit lang ng ulo ang dala ng kayamanan ng pamilya nila.

"Wala ka bang pakialam sa amin?" galit na tanong ni Horacio sa mataas na boses. Tumitiklop na ang mga tao sa paligid kapag ganoon ang tono nito. Pero hindi siya. She had that stubborn Gatchitorena blood in her. Hindi siya mapipilit sa isang bagay na ayaw niya. Habang ginigipit, lalo siyang nagrerebelde.

"Horacio," mahinahong saway ng Tita Bettina niya dito at hinawakan ito sa balikat. Nakangiti siya nitong binalingan nang tumatimik si Horacio. "Atasha, ano ba ang ayaw mo kay Kurt? He is a very good businessman. He is only thirty-five but he already made it big in the business world all by his self. He is virile, intelligent, gorgeous and rich. Many women are after him. You are lucky."

"Lucky?" sarkastiko niyang ulit sa huling salitang sinabi nito. "How would I feel lucky if I would marry a guy with no emotions? Ni hindi siya marunong ngumiti maliban na lang kapag may kinalaman sa negosyo at pulitika ang pinag-uusapan."

Hindi maiwasang ngumiti ni Bettina. "So you are keenly observing Kurt. That is good. Maybe you are interested in him," nanunukso nitong sabi.

"Interested?" sarkastiko niyang usal. "He is ambitious, cold, unemotional, showy and a bloodsucker. All he cares about is money. I wonder if he has a heart."

And she would probably yawn if he kissed her…if he knew how to kiss.

"I don't really care if he doesn't have a heart! May utang tayo na kailangang bayaran sa kanya. Naniningil na siya. I don't want to beg on the streets. Ayokong mapahiya sa mga tao," mariing sabi ni Horacio.

"I don't want to be a politician's wife, Tito," aniya sa malungkot na boses.

Pamilya sila ng pulitiko. Naging gobernador ang Lolo Edmundo niya at gusto nitong ipagpatuloy ang nasimulan. Daddy niya na si Ernesto ang nakakuha sa hilig nito. Ngunit nang maging pulitiko ang Daddy niya, saka niya naranasan kung gaano kaabnormal ang buhay niya. Tapat namang manungkulan ang Daddy niya. Pero mas marami pa itong oras na inilalagi sa munisipyo kaysa sa bahay nila. Mas marami pang oras para sa mga constituents nito kaysa sa kanilang mag-ina. May mga pagkakataon pa na hindi nila ito nakakasamang magdiwang sa mga importanteng okasyon tulad ng birthday niya. It was tough being a politician's daughter.

But it was tougher being a politician's wife. Nakita niya kung paanong magpakamartir ang Mommy niya na si Eva. She had been supportive of her father's career. Kapag may krisis, lagi itong nakaalalay. At tahimik na umiiyak sa mga gabing hindi nakakauwi ang Daddy niya dahil sa trabaho.

Nabaril ang Daddy niya sa munisipyo magda-dalawang taon na ang nakakaraan. Kasisimula pa lang ng second term nito bilang city mayor ng Davao. Hindi pa tapos ang pagluluksa niya nang sumunod ang Mommy niya dito at naiwan siyang ulila. Hindi kasi nito nakayanan ang pagkawala ng Daddy niya.

Simula noon, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magiging bahagi pa ng pulitika. She wanted to live a normal life. And that would mean marrying a normal man. Not someone with political ambition. Doon lang mapuputol ang paghihirap ng kanyang kalooban.

"Napakadali sa iyong itapon ang lahat ng pinaghirapan ng Lolo Edmundo mo at ng Daddy mo? Mas gugustuhin mo pang mamalimos sa kalsada kaysa isalba ang lahat ng dapat ay maipapamana nila sa iyo."

"I know how to work, Tito," she countered unconcerned of their worries. "I don't want to beg, you know. I have too much pride to do that."

"You'd rather lose everything than do something to retain our assets?"

"Matagal na itong nawala sa atin! Mas makakapaglakad pa ako nang taas-noo sa kalye kung pulubi ako kaysa magpakasal sa isang manggagagamit."

"Pwes, hindi ko iyon kaya. Hindi mo ba naiisip ang huling habilin ng Lolo Edmundo mo? Huwag daw tayong papayag na tuluyang mawala ang kayamanang ito sa atin. At dapat nating ipagpatuloy ang nasimulan nila ng Daddy mo."

"You can always run, Tito. You will surely win." Malakas pa rin ang impluwensiya ng pamilya nila sa lalawigan ng Davao. Mas gusto niya itong suportahan kaysa ang isang oportunistang tulad ni Kurt Rieza.

Napayuko ito. "Mula simula, gusto ko nang takasan ang anino ng lolo mo at ng daddy mo. Ayokong maging pulitiko tulad nila. And politics is a very dirty business. At kung gustuhin ko mang sundin ang habilin nila, hindi ko na rin magagawa dahil wala na tayong pera."

"There are things that we simply have to let go."

"Hindi ako basta-basta sumusuko. Kurt could provide us everything. Kung pakakasalan mo siya, hindi lang natin mababawi ang lahat ng maaring mawala sa atin. Mananatili pa rin ang pamana sa atin ng lolo at daddy mo dahil siya na ang magpapatuloy ng nasimulan nila. With our help, he could be a great politician."

"I don't want to be a puppet."

"And I don't want to be a beggar," he countered.

For someone who was dominant, hindi madali para sa Tito Horacio niya na magpakababa. Hindi rin nito ugaling basta-basta sumunod sa ibang tao. Mukhang mas pipiliin nitong maging sunud-sunuran kaysa maghirap.

Nanghihinayang din siya sa maaring mawala sa kanila. Mula pagkabata ay tahanan na niya ang Hacienda Gatchitorena. Pero may sarili rin siyang paninindigan.

Malamig ang mata niya itong tinitigan. "My answer is still the same. I want to marry a man of my own choice. Someone whom I will marry because of love and not because I want to aide his political ambition."

"At ano ang gagawin natin kay Kurt? Wala tayong maipambabayad…"

"You can't force me!" giit niya. "Mas gusto ko pang magpakain sa buwaya kaysa magpakasal sa oportunistang Kurt na iyon. At least, kapag kinain ako ng buwaya, it would be an easy death. Hindi ko kailangang maghirap nang matagal."

Parehong napipilan ang dalawa. Madalas niyang marinig na sabihing matigas ang ulo niya kahit noong bata pa siya. When she made up her mind, nobody could change it. Lalo na't alam niyang tama siya.

"Please consider it, Atasha," malumanay na pakiusap ni Bettina.

Bahagya siyang lumambot. She was very kind to her, treating her like her own daughter. Lalo na't nasa ibang bansa ang nag-iisang anak nitong si Kimberly. "I can't promise anything, Tita."

Subalit nanatili pa ring mabigat ang loob niya. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa gulong iyon. Kung ang uncle at auntie niya o ang lolo niya. Sa huli, isa lang ang nabuntunan niya ng sisi-si Kurt Rieza.

NAKAUPO sa isa sa mga bench sa malawak ng garden ng mansion ng gobernador si Atasha habang tahimik na pinakikinggan ang classic music na tumutugtog mula sa loob ng mansion. That was what she wanted. Solitude with a glass of chilled wine.

Wala siyang pakialam kung sino-sinong matataas at kilalang tao ang kasama sa party. Ayaw niyang sumama doon kung hindi siya pinilit ng kababatang si Denzel. But he was too tied up with a conversation with Davao's city council. Ito ang vice mayor ng lungsod. Isa itong konsehal bago pumanaw ang papa niya.

But she hated political parties. Kaysa magyayang umuwi at magpaka-killjoy, pinili na lang niyang tumalilis at mapag-isa sa garden. Mas tahimik doon at mas malamig ang hangin. Di tulad sa loob ng mansion kung saan napupuno na ng usok ng tabako ang baga niya.

"May I join you?"

Napapitlag siya nang may magsalita sa likuran niya. "Mr. Rieza? What are you doing here?" He was holding a glass of wine. He was wearing evening clothes, like the other men present, but he had elegance in him that made him stand apart.

Iniwas niya ang mata sa maganda nitong mga mata. They were deep-set in a dark, handsome face with straight nose, and a sexy mouth. She must agree with other women's opinion that he was gorgeous. Pero hanggang doon lang iyon. Kurt Rieza was very confident and he acted like he was better than other people most of the time. She hated people who were intimidating like him.

"Napansin ko na nagpunta ka dito sa garden nang mag-isa. Hindi ka dapat hinahayaan ng ka-date mo nang mag-isa."

"I want to be alone, thank you."

"But it is dangerous. Mas mabuti nang may kasama ka."

"I feel much safer if I am all alone."

"Ayokong may masamang mangyari sa iyo."

Tiningala niya ito. "Pakiramdam ko nga mas may masamang mangyayari sa akin kapag nasa paligid ka. So if you don't mind, I want my solitude back."

"I'm just protecting my future wife."

Tumawa siya nang nakaka-insulto. "Sorry. Pero mukhang mali ka ng pinoprotektahan. We don't have a future together."

"I suppose, nasabi na sa iyo ang tungkol sa…"

"Oh, yes! About the loveless, politically inclined marriage-business proposal you offered. I am not interested. Wala akong plano na maging pambayad-utang sa isang ambisyosong political aspirant na tulad mo," she said sweetly and smiled.

Subalit kabaligtaran ang nararamdaman niya. Gusto niyang pagkakalmutin ang guwapong mukha nito.

Humalukipkip ito subalit wala siyang mabakas na anuman mula sa mukha nito. That was very Kurt Rieza. Mas madalas itong hindi magpakita ng emosyon. Kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.

"I thought my proposal was so noble. Pero ayaw mo pa rin," he said in a flat tone. "Ano ang gusto mong idagdag sa kasunduan? We can have a compromise."

Tinaasan niya ito ng kilay. "I am not in the position to give terms. Because I am not going to sell myself. I won't marry you no matter how noble your proposal is. I still think that it's a garbage," mariin niyang sabi. "Got it?"

He stared at her with those cold black eyes. She suddenly held her breath. She flushed hot all over then shivered with cold at the same time. Iyon ang epekto ng mga titig nito sa kanya na hindi nagagawa ng iba. It sent her a bit over the edge.

"Still living in the fairy tale world, huh?"

"Yes. I am in the world where big bad wolves like you are not allowed." nakataas ang kilay niyang sabi habang pinagtatakpan ang kakaibang reaksiyon niya dito. She must admit that she found him physically desirable. It must be a natural physical reaction to someone who was physically gorgeous like him. Pero hanggang doon lang iyon. She hated him.

Natigilan siya nang umupo ito sa tabi niya at bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. "Back to the world of reality, Princess. How will you pay your family's debts?"

Bạn cũng có thể thích

Del Fierro Brothers Trilogy 1: Uncontrollably Fond (Completed)

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | R-18 "You turned me into a needy without me knowing about it, Candy. Im a beggar for your love and that irritates me." SYNOPSIS Candy is sweet just like her name. Maalaga siya at malambing. Walang bahid ng pait kahit naging napakalupit ng mundo sa dalaga. Kaya naman hindi maiwasan ni Hector na mahulog ang loob dito. She's for keeps. Alam iyon ni Hector. That's why he did everything just to win her. At nagtagumpay siya. Candy became his. Parehas nilang pinagsaluhan ang init at tamis ng pag-ibig na kanilang nadarama. But that was a long time ago. Hindi alam ni Hector kung bakit sila nagkahiwalay ng landas ni Candy. He was devastated and hurt, to the point that he never wanted to see her again. Ang buong akala niya ay limot na ang mga damdamin para sa dalaga. Ang buong akala niya ay makakapag-move on siya kapag narinig niya ang mga paliwanag nito. Iyon ang akala niya. Candy came back and pulled the romantic feelings he has for her from being burried in the deepest part of his heart. Kasabay no'n ay ang pagpukaw ng pamilyar na init na tanging ito lang ang kayang magparamdam sa kaniya ng paulit-ulit. He's a Del Fierro. And as a Del Fierro, he should not break his words. Dapat ay hindi niya sirain ang pangako sa sarili na hindi na muling maakit pa sa dalaga pero taksil ang puso't katawan dahil sa mga nadarama. He's a Del Fierro. And everyone knows that being a Del Fierro means getting everything they will ever need and want at all cost. And that includes her. Why? Simple. He needs her more than his life and he wants to make love with her every single chance he gets. Yup. He's a Del Fierro and he doesn't give a damn. He will have her again, even if he ends up breaking his own words and his heart into pieces again and again. He's a Del Fierro. And he'll do everything just to lock her in his arms once again. But this time, he wouldn't let go of her anymore, even if it means breaking his morals just to be with her. So, he blackmailed her. ______ Warning: Contains explicit scenes and graphic terms. Please read at your own risk.

missbellavanilla · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
16 Chs

I’ll reach the stars and moon for you

This is a story of a young woman with a great interest in serving people and fighting for their rights and well to live. Isabella Han or Ella is a fresh graduate from Stanford University, Stanford Law School in California and returned to Beijing to practice law and served her country. Arriving at Beijing airport Ella who is used to be fetched by her parents or their driver is now taking a cab to where her friend's apartment. Upon seating in the backseat car, Ella who is just leaning her back to the seat and about to take her nap was disturbed by the sudden buzz of her phone. She opens her eyes and reached her bag to get her phone and see who message her. Message: Hi there, sending you this message to warn you to please notify me once you reached Beijing at least a message will do. You already knew my apartments' password and there is food in the fridge. Fill your tummy before you take your rest I’ll be coming late so feel at home. Welcome back home friend. Mwwwuuaahh. A smile appears in her face as she reads Usa's messages. Susana Wen or Usa was her classmate since elementary and her best friend when her father disown her Usa was there to support her from time to time. Until she passed the scholarship in California. It was Usa knew what was her struggles with, so when her friend message or call her she felt warm in her heart. She replied: Hahahaha okay. Nag, nag, nag why acting like a mom?! Is that what you learned working at the firm? By the way, thank you for your undying care hahaha I'm on my way to your place. And take care of yourself too. As she finished typing and clicks the send buttons her phone buzz again and on the notification bar she saw it was a message from her nanny. Message: Young miss I just want to inform you that your father knew you arrived and madam wishes you to be safe and sound. I miss you so much, young miss. sob sob She starred to the screen for a few seconds and decided to delete the messages without replying to her nanny. ’Does he hates me to the Core? Doesn't he love me anymore? I missed them so much. But what should I do?’ _____________________________________________ (scene from chapter 13) 12 midnight. Christian: "where were you? Book me a room at this hotel, now!" he hung the call leaving his assistant frightened by his sudden call and to think of it, it's still in the middle of the night. "And where might be him right now...?" assistant Tang thought to himself as he dials his boss number. "H--hello, Mr. L--Lee, If possible where would you want me to book you? At this moment I don't have the idea where were y--"when the sentences were cut by Christian. "Clubtango, Dongcheng," Christian said impatiently. 'Why does my body felt like burning all of sudden?' the question himself as he waited for his secretary. 1 am Reaching the 10th floor, the elevator ding as it reached its destination with the door open. The presidential suite of the hotel is located on the 10th floor of the building and is composed of 10 rooms unlike on the other floors the whole floor consists of 100 rooms. As the elevator door, open Ella walk out sluggishly and a bit tipsy. She scans the place and realizes the long and wide hallway with white walls. "I should just tell them to book me an ordinary room, sigh, it's a long way for me." She looks at her hotel card and saw her room number "9" She walks through and through until she reached the room."Oh, there you are"a smirk could be seen in her face as she manages to get through the card but to no avail. Yet as she almost lost her footing and she leans on the door to her surprise it was already open. "Oh, that's why I can't open it because of it already open. What kind of staff they have left the door open after cleaning. tsk, tsk." she mumbles till she reached the bedroom and jump on the bed and she falls from her dreamland.

anne_2 · Tổng hợp
4.1
16 Chs