webnovel

Chapter 44 | The Confession and The Kiss

Chapter 44 | The Confession and The Kiss

Kira's POV

"Naayos na ba ang lahat para sa graduation next week?"

Napaangat ang tingin ko kay Kyle, bago napatango. "Yes. Maging ang mga invitations ay naipadala na rin namin sa mga magulang ng CA students."

Kasalukuyan kaming nandito sa mansyon. Sa wakas ay natapos din ang madugong exams.

Halos ayos naman na ang lahat. Tanging ang pagdating ng araw ng graduation na lamang ang hinihintay namin. Bukod ro'n ay ilang araw na lang at lalabas na ang mga nakuha naming grado para sa huling pagkakataon.

Ngunit wala pa man din ang resulta ay alam naman na namin kung sinu-sino ang aakyat sa entablado at mabibigyan ng pagkilala at parangal.

Dahil aalis na nga rin kami rito sa academy ay sina Rei at Miley na lang ang matitira sa pamamahala sa student body. Pero bago kami umalis ay sisiguraduhin naming maaasahan at mapapagkatiwalaan din ang mga bampira na papalit sa puwesto namin.

It felt so happy, yet so sad. Pakiramdam ko kasi sa oras na umalis na ko rito ay mayroong parte ko na maiiwan.

But we will surely visit the academy from time to time. Balang araw ay kami na rin naman ang mamumuno rito. Kapalit ng mga kasalukuyang nakatataas na opisyal.

The elders.

"Okay, good. I'll just go to the palace. May kailangan lang kaming pag-usapan nila Dad. Kayo na muna ang bahala rito. Hindi rin naman ako magtatagal."

Napatango ako sa kanya. Ngunit natigilan ako nang may biglang maalala.

"Hindi na ba talaga natin sila susundan?" Mahigit isang oras na rin kasi magmula ng umalis sina Nicole. Wala pati si Steph ngayon at maagang pinatawag sa palasyo kanina.

Saglit na natigilan si Kyle, bago umiling. "Nah. I don't want to kill the mood. Isa pa ay kasama naman nila si Gino. Alam kong hindi niya pababayaan ang mga prinsesa natin." Mataman niya kong tinitigan kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

Mariin kong naitikom ang bibig. Hindi ko alam kung bakit ako tinamaan sa sinabi niyang prinsesa natin. I know that it's just a simple word. Pero para kasing may iba pa siyang gustong ipahiwatig sa sinabi niya.

Nakakahalata na kaya siya?

Natigilan na naman ako nang dahil sa naisip.

Teka, nakakahalata ba saan?

Saktong papalabas na si Kyle ng bigla namang bumukas ang pinto. Hindi na kami nagulat ng pumasok siya. Nitong mga nakaraan ay nasanay na lang din kami sa pagiging MIA niya. Pero kahit ganyan ang isang 'yan ay pasok pa rin siya sa mabibigyan ng pagkilala sa darating na graduation. If I'm not mistaken, he took a special exam in just a day.

Well, the perks of being a Clarkson.

"Where are you going?" tanong niya kay Kyle.

Nabitin sa akmang pagsubo si Hiro na kaharap ko ngayon at kumakain. Alam ko na miss na niya ang best friend niya. It may sound so gay, but it's true.

"Palace. Wanna go with me? Gusto ka rin sana makausap nila Dad, eh." Seryoso siyang tinitigan ni Kyle.

Saglit na nag-isip si Vince, bago nagkibit balikat. "Okay. I'll go with you then. Sa totoo lang ay may gusto rin akong hinging pabor sa kanila."

Nagkatinginan naman kami ni Hiro nang dahil sa sinabi niya.

Napakunot ng noo si Kyle. "Pwede ba naming malaman kung ano 'yon?" puno ng kuryosidad niyang tanong.

"Oo nga naman, best friend. Ilang araw rin kaming hindi nanggulo sa 'yo at nanahimik. Kaya sana naman ay magsabi ka na sa 'min ngayon." Pinalungkot pa ni Hiro ang boses niya na tila nagtatampo.

Napailing na lang ako. I really wonder how a happy-go-lucky like he became a best bud of this serious man.

Oh, well. On the other side, we are just in the same feather.

Vince scrunched his nose. "I'll tell you all once we get back."

"Kailan ka na naman kaya ulit babalik?" bulong ni Hiro na rinig ko naman, bago muling nagpatuloy sa pagkain.

Kyle heaved a defeated sigh. "Fine. Let's go then."

Sa isang iglap ay wala na sila sa harap namin.

Napatayo naman ako. Magkukulong na lang muna ko sa kwarto ko. Tutal ay wala rin naman akong maisip na gawin.

Nang madaanan ko si Hiro ay napatigil ako. Lately, I noticed that he's been eating as if it was his last day on Earth. Ito ata ang tinatawag ng mga tao na stress eating.

"Hiro? Ang lakas mo naman ata kumain nitong mga nakaraang araw? Is there something bothering you?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Si Kyle ang madalas kong kasama at sila naman ni Vince ang laging nagkakausap. Pero kahit gano'n ay kilalang-kilala na namin ang bawat isa, lalo na kapag may problema ang isa sa 'min.

Kung si Vince ay nang dahil sa ginagawa niyang pag-iwas, si Hiro naman ay ang madalas na pagkain.

Pero kahit mayroon akong napapansin ay mas pinili ko muna ang manahimik. Isa pa ay alam kong may iba siyang gustong makausap at pagsabihan ng mga bagay na bumabagabag sa kanya.

But this time, I just want to give it a try.

Bigla siyang natigilan at pilit na ngumiti. "Wala naman. Just random thoughts." He sighed.

Tumaas ang kilay ko nang dahil sa sagot niya. Now this is getting more interesting. "Random thoughts? Care to tell at least one of those?" nagdududa kong tanong sa kanya.

Napailing naman siya at tumayo. "I'll tell you once I confirmed about it." Naglakad na siya pabalik sa kusina.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Matalik na magkaibigan nga silang dalawa.

Naiiling na tinungo ko na ang kuwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. This is such an exhausted day. Pakiramdam ko ay natuyo ang utak ko nang dahil sa dumaang exams.

Papikit na sana ko ng mapadako ang tingin ko sa malaking kabinet na kaharap ng kama ko.

I get up and walked towards it. Binuksan ko 'to at kinuha ang isang bagay na nakabalot sa isang kulay asul na tela.

A smile formed on my lips. I know that she will like this. Mahilig siya kay Spongebob, pero alam ko na mas gusto niya si Pikachu. Such a child.

Napatitig ako rito. I don't really know why I bought this in the first place. This is my first time to give a stuff toy to a girl.

I was wondering around the mall last week when I saw this. At siya agad ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko nga 'to. I was hesitant at first because I am worried about what might Kyle thinks if he found out.

Or on what will she think.

But right at this moment, I know that I can't deny it to myself anymore.

Napahawak ako sa kaliwang parte ng dibdib ko. I can feel my heart beating so fast.

This time, I'm sure that it's for her. My princess.

Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula.

All I know is that, she's my favorite unexpected.

-----

Miley's POV

"Do you have fun?" Ate Nicky asked the moment we all stepped out of her car.

Saglit pa kong napapikit ng salubungin ako ng malakas at malamig na hangin. Ewan ko ba. Pero pakiramdam ko ay may kung anong pamilyar na presensya akong naramdaman bigla sa paligid.

Pareho naman kaming napatango ni Rei bilang sagot na ikinangiti naman niya.

"Good then. Kaya n'yo na bang bitbitin ang lahat ng 'yan? I can call for someone to help you."

"Wag na, Ate! We can manage." I assured her. "What is the use of our strength then?" I winked at her and giggled.

Natawa naman siya bago tumango. "All right then. Sige na at pumunta na kayo sa mansyon. Malapit na mag-alas-diyes ng gabi. Malalagot tayo sa Kuya n'yo kapag nagkataon."

Napasimangot naman kami bigla. As if we care about Kuya. Sanay naman kaming palagi nilang nasesermunan.

"Sige po, Ate. Alis na po kami," paalam ko sa kanya. She gave us a peck on the cheek before she waved a goodbye.

Agad naman kaming dumiretso ni Rei patungong mansyon. Pero napakunot noo kami nang sa pagdating namin ay katahimikan ang sumalubong sa 'min.

"Nasaan kaya sila?" Nagtataka kong inilibot ang tingin sa paligid.

Sanay naman na kaming wala si Kuya Vince, pero nasaan kaya si Kuya Kyle? Nagmadali pa naman kami at baka mapagalitan nga niya kami.

Rei shrugged. "Baka may mga pinuntahan rin sila. Ipapasok ko lang muna 'to sa kwarto." Itinaas niya ang mga hawak na paper bags.

Napatango ako at dumiretso na rin muna sa kwarto ko.

Pagkapasok ay agad na hinanap ko ang switch ng ilaw. I dropped all the paper bags on my bed and placed my stuff toy on the headboard.

"Ayan. Ang dami n'yo na. May bago na naman kayong kapatid." Tila bata na bumungisngis ako, habang pinagmamasdan ang mga koleksyon ko. Ang cute talaga ni Pikachu!

"Who gave that to you?"

My smile suddenly fades away and I almost jump in surprise upon hearing his voice. Anong ginagawa niya rito?

Before I could even react, I already felt his warm breath touches my nape that made me stunned. Napasinghap ako. He's too close and I can't make any single move.

"I repeat. Who gave that thing to you?"

Napataas ang kilay ko nang dahil sa tono ng boses niya at maging sa tanong niya. Hindi ako sanay ng ganito siya kaseryoso. Sa totoo lang ay ngayon ko lang siya narinig na nagsalita nang ganito kalamig at may halong pagbabanta. It made me confused.

I took a step forward before I faced him and placed my hands on my hips. "Why do you care? Hindi naman bawal ang regaluhan ako, ah!"

Nakakainis! Ang gulo talaga niya. Hindi ko na talaga maintindihan at mabasa kung ano ba ang iniisip niya.

Naalala ko naman bigla ang panahon na sinundan niya ko no'n sa ilog sa kagubatan...

"We need to talk. No more but's, no more excuses. Cause I won't let you escape and run away with me this time."

Biglang tinambol ng kaba ang puso ko. Alam na kaya niya? Masyado ba kong halata?

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. "Tell me. Why are you avoiding me these past few days? May nagawa ba kong kasalanan na hindi ko alam?"

Bakas ang lungkot sa boses at sa mga mata niya. And I can't help it but to feel guilty.

I bit my lower lip and bowed my head. Nilaro-laro ko ang laylayan ng blouse ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya.

Should I tell him my feelings now?

But I can't. I just don't want to take a risk. Ayokong mabago ang kung anumang mayroon kami ngayon.

Natatakot ako. Natatakot ako na sa oras na malaman niya ay lalayuan niya ko. Natatakot ako na baka dumating ang araw na kailangan niyang mamili at hindi ako ang pipiliin niya.

"You have..." malalim akong napabuntong hininga. "You already have a new princess," nahihiya at tila batang sumbong ko sa kanya.

Ramdam ko na nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko, pero pinipigilan ko lang ang mga luha na gustong kumawala mula rito.

Bata pa lang kami ay palagi na niyang sinasabi sa 'kin na ako lang ang prinsesa niya. I know that he will think it that way that's why I reasoned it out.

Dahil ayoko munang ipaalam sa kanya ang kung anumang nararamdaman ko. Baka kasi maguluhan lang siya at hindi niya maintindihan.

Ilang minutong katahimikan din ang dumaan. Dahil do'n ay dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.

My lips parted when I saw him smiling genuinely at me. Those smiles. Dati-rati ay ako lang ang nginingitian niya ng ganyan.

Pero ngayon...

Lumapit siya sa 'kin at ginulo ang buhok ko. "Kaya naman pala. May nagtatampong bata."

Hinampas ko siya sa braso at natawa lang siya.

"Hindi ako bata!" I crossed my arms and looked away. Isa pa 'to sa kinaiinisan ko sa kanya, eh. Hanggang ngayon kasi ay bata pa rin ang tingin niya sa 'kin.

When will he notice that I am already a lady? A woman?

Ginulo niya ulit ang buhok ko at halos mawalan ako ng ulirat nang bigla na lang niya kong hinila palapit sa kanya at niyakap.

"Don't worry. You will always be my princess."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin do'n. Pero sa ngayon ay sapat na sa 'kin na maging prinsesa muna niya.

Even if it's not in the romantic way.

Tila bigla naman siyang natauhan. Mayamaya pa ay bigla na lang siyang humalakhak na ikinagulat ko.

"Oo nga naman. Saka bakit ba ko naiinis na may nagbigay sa 'yo ng bagay na 'yan? Sige, alis na ko."

Saglit akong natigilan.

Naiinis siya? Why? Is he jealous?

Naipilig ko naman ang ulo ko. That's impossible! Kapatid na prinsesa lang naman ang turing niya sa 'kin, 'di ba? So why would he?

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na tumatakbo palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap mula sa likod.

"Why are you mad?"

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Gusto ko marinig ang sagot mula sa kanya. Gusto ko malaman ang sagot.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. These past few months, I just can't explain what I am feeling. It is something that I can't put a name. I don't know," sagot niya sa mababang tono na parang naguguluhan.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. I think, it is about time for me to tell him what I feel.

It's now or never. Sa totoo lang ay balak ko ng magtapat sa kanya pagkatapos ng graduation nila.

Pero hindi naman siguro masama kung mapapaaga, right?

"Kira..." I called him out.

He didn't answer. So I buried my face in his back while suppressing the tears that wants to let out of my eyes.

"I want you to be my prince. Not as a sister's prince. But because I'm your princess, your woman. The one that you will be loved."

Hindi ko alam kung saan ba ko humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang 'yon. Pero tila ang puso ko na mismo ang nagsalita para sa 'kin.

Muling namayani ang katahimikan. Tanging ang mabilis na pagpintig lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Sorry."

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Pero unti-unti rin akong napangiti nang mapait.

I knew it. I knew that this will happen. Matagal ko ng inihanda ang sarili ko sa pagkakataong 'to.

Pero masakit pa rin pala na direkta kang tanggihan ng lalaking mahal mo. Ang sakit-sakit.

"Its ok—"

"I'm sorry if it took me a long time before I realize that..." tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sa 'kin. "I love you."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?

He loves me too?

"Y-You w-what?" nauutal kong tanong. Hindi makapaniwalang nakatitig lang ako sa kanya.

He didn't answer. Instead, he crossed the distance between us and before I knew it...

He is already kissing me.

Oh, hell. That's the sweetest answer that I have ever received.

Chương tiếp theo