Chapter 45 | A Night to Remember
Kyle Ethan's POV
"I'm done. Let's go?"
Nabaling ang atensyon ko sa hawak niyang maleta na ngayon ay sarado na.
"Okay." Nilingon ko naman si Steph na tapos na rin mag-ayos ng mga gamit niya. "Steph, you may now go ahead there first. We'll just follow."
Kunot noong humarap si Nicole sa 'kin. "Bakit hindi pa tayo sasabay?"
I smirked and nodded at Steph. Mukha namang naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto.
"Ano na naman bang trip mo, Kyle?" She placed her hands on her hips while glaring at me.
Natawa naman ako sa hitsura niya. Bakit ba ang ganda pa rin niya kahit nagsusungit siya?
I didn't answer her. Instead, I pulled her with me and we both landed on her soft bed.
"K-Kyle... A-Ano bang g-ginagawa mo?"
Napangiti naman ako nang maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Just like mine. Mula noon hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang epekto niya sa 'kin.
"Will you not spoil the moment, babe? I just miss this. I miss being near with you like this. I miss to lay beside you while we were both talking about the future and stuff. I just miss you," I sincerely said.
Palagi naman kaming nagkakasama at nagkikita. Pero iba pa rin talaga ang pakiramdam na mayroon kayong oras na dalawa para sa isa't isa. 'Yong kayo lang at wala ng iba pang iniisip kung hindi ang mga plano n'yo sa buhay. I didn't even recall when was the last time that we are like this.
"Okay, babe. Pero baka kasi kung ano ang isipin ng mga 'yon, eh." She pouted and how I love to kiss her lips now.
But instead, I kissed her forehead and hugged her tight. Mas nagsumiksik naman siya sa leeg ko at natawa na lang ako ng singhot-singhutin niya 'to.
"Why so bango, babe?"
I pinched her cheeks. "And why so cute of you, babe?" I asked back.
I felt she shrugged. "I don't know. I was just born this way and I can't do anything about it. I don't have any other choice but to get used to it."
I made a humorous laugh because of what she said. Sinamaan naman niya ko ng tingin at bahagyang kinurot sa tagiliran.
"Hey! Stop that! You know babe, too much confidence is bad."
Napasimangot naman siya. I find it cute on how her expression change in a snap. "Coming from you. Insecure ka lang, eh!"
"Baka ma-insecure. If I know, patay na patay ka sa 'kin." I wiggled my eyebrows and she lightly hit my arm.
"Asa ka!"
Hindi ko naman napigilang pagmasdan ang maamo niyang mukha nang makitang nakapikit na siya. This time, with a smile formed on her lips.
And I swear that I will do and risk everything just to see that smile of hers all over again.
-----
Reiri's POV
"Nasan na ba sila Kuya? Bakit hanggang ngayon ay wala pa sila?"
Napailing na lang ako kay Miley na kanina pa nagmamaktol sa tabi ko. Excited na kasi kami sa kauna-unahan naming sleep over. Ngayon lang mangyayari 'to sa ilang taon namin dito and it's a date to remember.
Pero nasaan na nga kaya sila? What took them so long? Samantalang kanina pa nandito si Ate Steph.
"Ano pa bang ginagawa nila ro'n, Ate Steph?" I asked out when I turned to her.
Pero mukhang hindi niya ata ko narinig dahil ang mga mata niya ay nakatuon kay...
Kuya.
Napailing na lang ako. Sana lang talaga ay bumalik na sila sa rati. She's like a sister to me already. At siya lang ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko para kay Kuya.
"Steph?" Bahagya ko siyang tinapik at halos mapatalon pa siya sa gulat.
"Oh. May sinasabi ka ba, Rei?"
I was about to ask her again when the door suddenly opened. Then there they were.
"Ate!" Sabay kaming napatakbo ni Miley palapit sa kanya para yakapin siya.
I bet that this is going to be a good day. Oh scratch that, a good night rather.
-----
Hiro's POV
"Wala ka bang napapansin sa kanya?"
Bahagyang natigilan si Kira sa akmang pagbalik niya sa mansyon. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa training area para mag-ensayo. Having a special ability and a power doesn't mean that we don't need to train at all.
"Mayroon. But I think it's better if we leave it to him. All we need to do right now is to trust him."
Napabuntong hininga naman ako. Alam ko namang wala pa rin kaming karapatan na magsaya at maging kampante sa ngayon.
The worst has yet to happen.
Tumayo na rin ako. "Yeah. You're right. For now, let's all enjoy the night. Malamang ay nando'n na sila."
-----
Nicole Jane's POV
I almost lost my balance because of these girls that is hugging me to death right now.
"Hey! She can't breathe! Humiwalay na nga kayong dalawa!" Sinamaan lang si Kyle ng tingin ng mag-pinsan.
Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga royals. Pinauwi na rin kasi kanina ang lahat ng CA students para makapaghanda sa darating na graduation sa susunod na araw.
At dahil kaming dalawa na lang din naman ni Steph ang matitira sa dorm ay minabuti nilang dito na kami manatili hanggang sa dumating ang espesyal na araw na 'yon.
I can say that I really love the idea. Tila isa kaming malaking pamilya na nandito ngayon. Kahit pa nakatulog na rin naman ako rito dati ay iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag kumpleto kayo.
"It looks like we need to use the exclusive room right now! Matagal-tagal na rin kasi magmula ng nagamit natin 'yon!" Miley giggled.
"Exlusive room?" I asked. Saan 'yon? Saka bakit parang ngayon ko lang ata narinig ang tungkol do'n?
"Isa 'yong malaking kwarto kung saan kasya tayong lahat. Kaya do'n tayo matutulog ng sama-sama ngayon." Napalingon ako kay Hiro at Kira na kararating lang.
Oh. Hindi ko alam na may ganoong parte pala ang mansyon. Ilang beses na rin naman akong nakapaglibot dito at bukod sa mga kwarto nila ay dalawang naglalakihang guest rooms lang naman ang nakita ko.
"Yey! Now what's the plan? Movie marathon?" tanong ni Rei nang makumpleto na kami rito sa living room. Mabuti na lang at nandito na rin si Vince kahit papaano.
"I like that! Tutal ay may entertainment area rin naman sa exlusive room. It looks like we're actually watching in a cinema," Miley said.
Sabagay. Sa dami ng mga inasikaso at inintindi namin nitong mga nakaraang araw ay nawala na sa isip namin ang maglibang.
I smiled when something popped in my mind. "I have a better idea."
It made them turned to my direction.
"Why do I feel like it's not going to be good?" natatawang tanong ni Kira.
I just smirked at them. "I swear. This will feel good."
-----
"Truth or Dare? Nah. I'm out". Vince was about to leave when I blocked his way.
"Why? You afraid?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Sinamaan naman niya ko bigla ng tingin. "Me? Afraid? Why would I?" he answered while pointing himself.
I shrugged. "If you're not, then prove it. Ilang linggo ka na naming pinagbigyan at hinayaang manahimik. Kaya sana ay kami naman ang pagbigyan mo this time."
"Fine!" he said then walked back to his spot.
Nandito na kami ngayon sa tinatawag nilang exlusive room. Nasa underground pala 'to kaya hindi ko nakita rati. Sa sobrang laki ng kwarto na 'to ay nagmistula na rin 'tong isang bahay.
Isa-isa ko silang pinagmasdan bago naupo. Ramdam ko ang tensyon sa bawat isa sa kanila. I can smell some secrets that will be revealed here.
"Siguro naman ay alam n'yo na ang mechanics ng game na 'to. Bawal ang pass, okay? Let's start."
"Ate, hindi ba talaga pwedeng movie marathon na lang?" Rei asked.
"Nope. We can do it tomorrow if you guys insist," I said with finality.
Hindi ko naiwasan ang mapangisi. Mukhang magiging exciting talaga ang gabing 'to. I can even see through peripheral vision the weird look that Kyle is giving me.
"Okay," she said defeatedly.
Gusto kong matawa nang dahil sa reaksyon niya pero pinigilan ko lang. Mukha kasi silang mga nahuling kriminal na sasailalim sa isang interogasyon.
Pinaikot ko na ang bote para magsimula. Halos mamutla si Steph nang sa kanya 'to unang natapat.
"Truth or Dare?" I asked out.
Hindi nakaligtas sa 'kin ang bahagyang paglunok niya. "T-Tr... D-Dare!"
I bit my lower lip. "Okay. Slap the one who hurt you the most." Their jaw dropped because of what I said.
"What? I didn't say to slap hard. Even just a light slap will do," I said defensively.
Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. She even let out a deep breath.
"You know what? This is crazy. Hindi na dap—" natigil sa pagsasalita si Vince nang dumapo sa pisngi niya ang kamay ni Steph.
"What the hell?" Gulat na napatingin siya rito.
"Sorry," she said while avoiding his gaze.
Nagtawanan naman kaming lahat. Hindi naman na ko nagulat sa ginawa niya. I just know that Vince deserves that one. Baka lang sakaling matauhan siya.
Si Steph na ang sunod na nagpa-ikot ng bote at tumapat naman 'to kay Reiri.
"Dare," diretso niyang sabi.
Napailing na lang ako dahil parang nakahanda na talaga siya sa kung ano ang isasagot niya.
Saglit na nag-isip si Steph. "Hug the one you hate the most."
Maang na napatingin sa kanya si Rei. "Is that serious?" Tumango naman 'to.
Rei looked at Vince with pleading eyes.
"What? You don't even disagree with this on the first place. So you must do it."
Bahagya pa niyang hinilot ang sentido habang mariing napapikit. "Fine!"
"Woah!" Napuno ng asaran ang buong kwarto ng yakapin niya ang katabing si Hiro. Kahit pa saglit lang 'yon ay hindi nakaligtas sa 'kin ang pamumula nilang dalawa. Habang si Vince naman ay napakunot na lang ang noo.
Pagkatapos ni Rei ay kay Kyle naman sunod na natapat ang bote.
"Dare," he said that while looking at me directly.
Tila kumislap naman ang mga mata ni Rei. "Kiss Ate Nicky on the cheeks!"
"Ayie!"
Ako naman ngayon ang napagkaisahan! Sabagay ay sa pisngi lang naman. Hindi naman big deal 'yon kaya kalma ka lang, Nicole.
Kyle started to lean forward and my left cheek is now facing him. Pero imbis na sa pisngi ko tumama ang mga labi niya ay pinihit niya paharap sa kanya ang mukha ko at hinalikan ang mga labi ko.
My eyes widened and I can feel that my face reddened. This is the first time that he kissed me in front of them!
Bago pa man ako makaangal ay mabilis na siyang nakahiwalay. "You're so unfair! Rei said a kiss on the cheeks!" I pouted.
Nagtawanan naman silang lahat. Bigla ko tuloy gustong maglaho na lang ng parang bula o lamunin na lang ng lupa nang dahil sa kahihiyan.
He shrugged. "I just think that a kiss on the lips is much better."
"So sweet!" tila kinikiliti na sabi ni Miley.
Hindi na lang ako nakipagtalo pa dahil alam ko naman na sila-sila pa rin ang magkakampihan.
Nakailang ikot na rin ang bote at hindi ko naiwasan ang makaramdam ng inis dahil puro dare ang pinipili nila. They are really avoiding answering a question. Ang dami ko pa namang gustong itanong sa kanila sa totoo lang.
"Let's call it a night. Gusto ko ng magpahinga." Napaangat kami ng tingin nang biglang tumayo si Vince.
I was about to protest when a familiar voice spoke from behind.
"Woah! Did we miss something?"
Slowly, I turned my face at the back and I almost jump in surprise when I saw the three of them standing near the door.
"Kuya! Althea and Athena!"
"Hope you don't mind if we join the sleep over?" Athena asked awkwardly.
Napatayo naman kami mula sa pagkakaupo at mabilis na lumapit sa kanila. Doon ko lang napansin ang mga bagahe nilang nakalapag sa sahig.
"Of course we don't mind! This is going to be fun!" Miley and Rei screamed.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nilibot ko ang tingin sa paligid at halos maiyak ako sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. I can say that I have found a second family to them. A bigger one. Our differences don't become a hindrance for us to be united.
When my eyes met Kyle, I know that he is the one behind all of this. I smiled at him and whispered.
"Thank you."
-----
Someone's POV
"I didn't expect him to be defeated just like that. Kahit kailan talaga ay wala akong maaasahan sa kanya."
Ang buong akala ko pa naman ay maaabutan ko pa siyang buhay. Pero nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya.
The pale and thin girl in front looked up at me. "It's not true! He did everything! It just happens that they have a bigger army. The protectors and the vampire hunters are now on their side. Even the white witches!"
Naiiling na itinapon at tinapakan ko ang hinithit na sigarilyo. "It's not about the number. It's all about the strength. Keep that in mind. Kaya ikaw ay kailangan mong magpalakas. Hahayaan mo na lang ba na mapunta sa wala ang sakripisyo ng mga mahal mo sa buhay? Kinuha na nila sa 'yo ang lahat. Palalampasin mo na lang ba 'yon?" I grinned evilly at her.
Sunod-sunod naman siyang napailing. "No! Sisiguraduhin kong mararamdaman din niya ang sakit na mawalan ng lahat-lahat sa kanya. I'll make sure of that," she said and determination is evident on her eyes. Well, at least ay hindi siya katulad ng isang 'yon.
I tapped her shoulder and walked passed her. Pero bago pa man ako tuluyang lumabas ng pinto ay muli ko siyang nilingon.
"Maghanda ka na. Dahil magsisimula pa lang ang tunay na laban."