webnovel

Chapter 36 | The Enemy

Chapter 36 | The Enemy

Miley's POV

Everything seems okay and is happening according to the plan. Sana lang talaga ay matapos ang araw na 'to ng maayos at masaya.

"I'm just hoping that what you saw will not happen today." Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman ko ang pagtabi sa 'kin ni Rei.

"Yeah. I don't know if it's just me or what, but I can feel something different right now."

I looked up at her and she seems so bothered. Kinagat ko ang ibabang labi. Sa totoo lang ay gano'n din ang pakiramdam ko.

Magsasalita pa sana ko nang makita ko si Ate Steph na papalapit sa 'min.

"Did you do it?" I asked her.

"Yes. No worries. Whatever happens, I know that everything will be under control," paninigurado pa niya.

"That's good to hear then." I smiled at her.

"Let's grab some lunch. I'm hungry already."

Napalingon naman kami kay Ate Nicky na papalapit na rin sa 'min habang nakahawak sa tiyan niya.

Nagkatawanan na lang kami. "Alright. Let's go then."

I take one last glance at the museum before we leave.

-----

Nicole Jane's POV

Katatapos lang namin kumain ng lunch. Sa wakas ay nalamnan din ang tiyan ko dahil kanina pa talaga ko nagugutom.

Ala-una pasado na ng hapon at papunta naman kami ngayon sa Fort Santiago. Malapit lang daw 'yon sa National Museum at baka abutin lang kami ng mga sampu hanggang kinse minutos bago makarating do'n. Depende rin kasi kung gaano katindi ang traffic.

Katabi ko na ngayon si Kyle na kahit nasa loob pa man kami ng bus ay akala mo ang taas pa rin ng araw dahil nakasuot pa rin siya ng shades.

"Don't you know that it's rude to stare. Gwapong-gwapo ka na naman sa 'kin." He smirked. Natawa naman sina Miley at Kira na nasa kabilang dulo.

"Ang kapal mo talaga!" I rolled my eyes and just looked outside the window. Baka bigla na lang akong hanginin nang malakas dahil sa tindi ng self-confidence ng katabi ko.

Muli kong kong naalala ang sunod naming destinasyon. Ayon kay Mikan ay maganda raw sa lugar na 'yon, base na rin sa mga nakita niyang larawan nito sa social media at matagal na raw niyang gustonga mapuntahan 'to. She just can't find a time to do so.

And me? Wala. I'm just curious.

"We're here!"

Miley announced the moment we stepped out of the bus. Nakaabang na rin ang iba pa sa mga kaibigan namin at pawang mga nakasuot na rin ng shades. So I took mine and put it on as well.

Kung sa pinuntahan namin kanina ay malamig pa kahit papaano, ngayon naman ay mukhang mabibilad kami sa initan. Pare-pareho pa naman kaming mga tamad gumamit ng payong.

Pero ayos na rin 'to. Para mabawasan naman ang kaputlaan nitong mga kasama ko.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko ay nasa sinaunang panahon ako.

Saktong pagdating din ng mga van na nakasunod sa 'min, kung saan nakasakay ang mga protectors at vampire hunters. Kung titingnan ay para lang din silang normal na mamamasyal dito.

I looked up at the signage of the entrance.

INTRAMUROS

Oh. Dito na rin pala 'yong Intramuros na tinatawag. How interesting.

"Okay, class. Just follow me. Wag kayong pupunta kung saan-saan," Sir Marcus said.

We all nodded. Napansin kong nagbibigay na rin ng instruction ang dalawa pang adviser ng dalawang seksyon.

"Ang weird. Kaming dalawa lang ni Miley ang junior dito. Pero pakiramdam ko ay seniors na rin kami."

Natawa na lang kami nang dahil sa binulong ni Rei.

"Para sa 'min naman kasi talaga ang field trip na 'to. Ewan ko ba kung bakit may naligaw." Hiro shook his head. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rei at nag-umpisa na naman silang magbangayan.

Nagsimula na rin kaming maglakad. Nauna na ang ibang sections at panghuli kami.

Kyle took my hand and intertwined our fingers. I looked at him and he just winked at me. Ang PDA talaga ng isang 'to.

Pagkapasok pa lang namin ay bumungad na sa 'min ang isang tila matagal ng university.

COLEGIO de SAN LETRAN

Sa labas pa lang ay kita mo ng malaki at malawak din ang university na 'to. Halatang ilang taon na rin 'tong nakatayo rito.

Naglakad-lakad pa kami hanggang sa makita naman namin ang isang napakaganda at malawak na simbahan. Teka, ito ba ang...

"Oh! The Manila Cathedral! Tara pasok lang tayo sa loob saglit. Hindi naman nila mahahalata dahil nasa hulihan tayo." Hinila na ko ni Mikan pero nanatili lang ako sa pwesto ko.

"You go first. I'll just follow." Hindi naman na siya nakipagtalo pa at nauna na sa loob.

Napalingon ako sa likod ko at do'n ay nakita ko ang royalties na ni hindi man lang magawang humakbang kahit sa unang palapag ng hagdan.

"Wait for us. Saglit lang kami." Napatango naman si Kyle at hinila ko na rin si Steph.

"Just make it fast," Kyle said before we enter.

Pagkapasok sa loob ay agad kong namataan si Mikan na naglilibot sa bawat stations na mayroon dito. Hinayaan ko lang siya at agad akong tumungo sa isang aisle at lumuhod. Nakasunod lang sa 'kin si Steph.

I'm not religious type of person, but this time I can't help it but pray. I closed my eyes and clear my mind, then talk to God.

Pinagdasal ko na sana ay maging okay na ang lahat. Na sana ay matapos na ang lahat ng kaguluhan at mamuhay na kaming lahat ng maayos at mapayapa. Na manatili na lamang na lihim ang tungkol sa mga bampira dahil normal din naman silang nakikihalubilo sa mga tao. At na sana'y tuluyan ng masugpo ang mga masasamang bampira.

Nang matapos sa pagdadasal ay inaya ko na rin sila paalis dahil baka hanapin na kami ni Sir Marcus. Dapat kasi ay diretso lang kami sa mismong lugar na pupuntahan namin katulad ng sinabi niya kanina.

"May entrance fee pala rito. I thought this place can be visited for free," I said more on myself.

Pagkaabot kasi sa'min ng ticket pagkapasok ng Fort Santiago ay nakita ko ang price na P 50.00. Pero pang student price lang daw 'to at para sa mga adults naman ay P 75.00 na.

"Hey! Bakit balot na balot kayo riyan? Samantalang ang init-init!" nakangiwing sabi ni Mikan.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakasuot na ngayon ng cardigan at jacket.

"You don't care. Just mind your own business." Pagsusungit naman ni Vince at nauna ng maglakad habang nakapamulsa. Imagine a vampire like him walking under the sun.

"Wag mo na lang kami pansinin. Ayaw lang naming mangitim," katwiran naman ni Miley.

Napailing na lang ako. These vampires and their lame excuses.

Hindi makapaniwalang napatingin sa kanila si Mikan.

"Eh? Ang putla n'yo na kaya! Dapat nga mas lalo pa kayong nagpapaaraw, eh!"

Napansin kong naningkit ang mga mata ni Rei. Kaya bago pa man may masabi ang babaeng 'to ay hinila ko na siya palayo.

"Don't say that again. Just let them do what they want in their lives."

Bahagya namang lumungkot ang mukha niya. "Sorry. Nagalit kaya sila sa 'kin?"

"No, they're not. Just don't be like that next time." She pouted, then nodded.

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kaming maglibot-libot. Agad na bumungad sa 'min ang magkakatabing souvenir shops. Kasunod nito ay ang isang lumang building na sira-sira na at wala ng bubong. Pero nagawa pa ring ma-preserve.

Ang dami ring iba't ibang rebulto na nakakakalat sa paligid. May mga nakatayo at kanya-kanya ng pose. Ang iba naman ay nakaupo sa mga bench na akala mo ay tila mga totoong tao talaga.

"Kyle! Kuhanan mo ako ng picture rito!" Pangungulit ko sa bampira kong boyfriend na bigla namang sumimangot.

"I really don't get it why you girls like to take some pictures. Can't you just capture the memories in your minds and hearts?"

Napasimangot ako. Kung ayaw niya, eh, 'di wag! Hindi 'yong humuhugot pa siya.

"Wag na nga! Magse-selfie na lang ako!" Nag-walk-out na ko pero sumunod rin naman siya.

"Okay, fine!"

Napangisi na lang ako. Susunod naman pala magrereklamo pa.

"Girls."

I stuck my tongue out to Vince. Isa pa 'to, eh.

"Huwag na kasi kayo umangal. Can't we just enjoy the day?" Miley said and she winked at me.

"Oo na po mahal na prinsesa." Kira tapped her head that made her blushed. How cute.

Ilang minuto rin kaming nagpicturan, bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakakatuwa ang mga printed footprints papasok sa main gate ng Fort Santiago. Nandito rin ang Raja Sulayman Theater at Dambanang Rizal sa Fort Santiago, base na rin sa mga karatulang nakasulat. Nakatayo rin sa pinakagitna ang rebulto ni Jose Rizal. May mangilan-ngilan ding turista na nandito.

"Dito siguro sila nakakulong dati," Hiro commented.

Napasilip naman ako sa tinutukoy niya at do'n ay tumambad sa 'kin ang isang masikip at madilim na lugar sa ilalim. May karatula itong nakalagay na THE DUNGEONS. Gusto ko sanang bumaba sa bahaging 'yon, pero nakakandado ang daan papunta ro'n. Though I can still make it inside, even if it's locked.

Mahigit isang oras pa lang ang nakalilipas pero nalibot na namin ang kabuuan nito. Mabuti na lang at medyo kumulimlim kaya keri lang maglakad-lakad.

Kung tutuusin ay hindi naman 'to gano'n kalawak. Kayang-kaya nga 'tong ikutin sa loob lang ng isang oras. Ang picture taking lang naman ang nagpapatagal.

"Okay, class. Time's up. We need to get back at the academy before it gets dark," Sir Marcus announced. Kaya naman ay bumalik na kami at nagkanya-kanyang akyat na rin sa bus ang iba.

Palapit na rin kami sa bus namin ng biglang nagyaya si Mikan na pumunta muna ng restroom. Bigla naman akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya tumango ako sa kanya.

"Where are you going? Paalis na ang bus." Kyle held my wrist that made me face him. Kami na lang tatlo ang hindi pa nakakaakyat.

"We're just going to the restroom. Mahaba pa ang biyahe at baka anong oras na tayo makauwi," I explained.

"I'll go with you." Biglang sumeryoso ang mukha niya.

Napatampal na lang ako sa noo. Gusto ko lang namang umihi.

"Just stay here. Bantayan mo na lang sila. Isa pa may mga susunod namang protectors sa 'min, okay? We'll be right back. Iihi lang talaga kami. Please."

Halata ang pag-aalangan sa mukha niya pero mayamaya pa ay napatango na rin siya. "Okay. Just be fast. Ako na lang ang magsasabi kay Sir."

"Yes. Promise." Sumaludo pa ko sa kanya, bago ko hinila si Mikan at dali-daling pumunta sa pinakamalapit na restroom. Nakita ko naman ang dalawang hunters at dalawang protectors na sumunod sa 'min.

Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ko. Naabutan kong nag-aayos si Mikan, habang nakaharap sa salamin. Kaya naman ay kinuha ko na rin ang iba ko pang gamit sa loob ng bag ko para makapag-ayos na rin. Pakiramdam ko kasi ay na-haggard ako nang dahil sa naging lakad namin maghapon.

"Mikan, ang ganda pala talaga—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla ko na lang siyang narinig na humihikbi.

"Hey! What's wrong?" Dali-dali ko siyang dinaluhan at agad naman siyang yumakap sa 'kin.

"I'm sorry."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "What—"

Pero hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Tila naging slow motion ang lahat nang may naramdaman akong bigla niyang itinurok sa likod ko.

"M-Mikan... A-Anong..."

"Sorry. But I'm not what you think I am," I heard she said before everything had gone blank.

-----

Kyle Ethan's POV

Ilang minuto pa lang ang lumipas magmula ng umalis sila. Pero hindi na ko agad mapakali.

"Susundan ko lang sila," paalam ko kay Sir Marcus. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dali-daling umalis. Narinig ko pa na tinawag ako nina Miley pero hindi ko na sila nilingon pa.

"Where's Nicole?"

I immediately stopped in my tracks the moment I heard that familiar voice.

My eyes wide opened upon seeing the witch sisters, Althea and Athena, standing in front of me.

From my peripheral view, I saw Miley and Kira stepped out of the bus. I know that even the two of them were shocked to see the sisters.

Nauna na kasing umalis ang bus na sinasakyan nina Vince, Hiro, Rei at Steph. Halos kaaalis lang. Sinabihan ko rin sila na sa 'min na sasabay si Mikan. Nakasunod rin sa kanila ang isang van. Kaya kami na lang ang naiwan dito. Mga apat na minuto naman magmula ng umalis sina Nicole.

"She just went to the restroom. I was about to go there actually. Wait. What are the two of you doing here?" nagtataka kong tanong sa kanila. Sa huling pagkakaalam ko kasi ay nasa Romania sila.

"Sinong kasama niya?"

Nalilito kong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila na ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. Pansin ko rin na naguguluhan na sina Miley at Kira sa inaasta nila.

"Wait. Just calm down. What's happening? She's with Mikan." Pinipilit kong magpakahinahon kahit na ang totoo ay nakakaramdam na rin ako ng kaba.

They both gasped. "What? You shouldn't let her go with that girl! Let's go quickly find her. We need to see her as soon as possible."

Kahit naguguluhan ay dali-dali naming tinungo ang pinakamalapit na restroom dito. Nakasunod naman sa 'min ang ilan pa sa mga naiwang hunters at protectors.

Sinundan lang namin ang daan kung saan naiwan ang amoy nina Nicole. Gustuhin ko mang magtanong pa ay hindi na lang ako umimik pa.

But I didn't expect what I saw when we get there. Duguan at wala ng malay ang apat na taong pinasunod ko para bantayan sila.

"Shit!"

Dali-dali akong pumasok sa loob. Mabuti na lang at walang ibang tao rito.

"Nicole! Nicole!"

Napansin kong nagkalat ang mga gamit niya sa lababo, pero patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya. Inisa-isa ko rin ang lahat ng cubicle. Nanginginig na rin ang mga kamay ko nang dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Pero wala. Kahit saan ko siya hanapin ay hindi ko siya nakita.

Fuck!

"We're late! Shit!"

Namumula ang mga matang lumapit ako sa magkapatid. Lalapitan sana ko nina Miley at Kira pero hinawi ko sila. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Althea at wala na kong pakielam kung nasasaktan man siya. I need to know what's fucking happening!

"Tell me! Ano bang mayroon kay Mikan? She's just a human! Alam kong kayang-kaya siya ni Nicole kung tutuusin!" nakatiim bagang kong tanong, habang nakalabas na ang aking mga pangil. Naramdaman ko rin ang malakas na pag-ihip ng hangin sa paligid.

Napabuntong hininga naman sila. "We learned that Mikan is the spy inside the academy. She's an enemy. She's the one who asked a help at the black witch. She's the one who's responsible for the incident that happened in the academy. Now let go of my sister because she's damn hurting already." Marahas na inalis ni Athena ang mga kamay ko sa balikat ng kapatid niya.

"Ano? Teka paano nangyari 'yon? Bakit?" tanong ni Miley habang nakakuyom ang mga kamao niya.

"Wait. Just stay here. I'll try to contact Dad with my mind to ask help," sabi pa niya bago bahagyang lumayo sa 'min.

Pinagpatuloy naman ni Althea ang pagpapaliwanag. "She's a human, alright. But there's one more thing..." pigil ang hininga naming dalawa ni Kira habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"What is that?" mahinahon pero may pagbabantang tanong ni Kira.

They both gave us a worried expression and Athena looked straight into my eyes. Pakiramdam ko ay para akong nabingi sa sunod niyang sinabi.

"She's Marcus' daughter."

-----

Third Person's POV

Nagsimula ng maghanda ang lahat sa palasyo. The protectors and the royal guards were all set and ready.

"Ang hilig talagang magdeklara ni Marcus ng giyera. But this time, I'll make sure that it will be the last," kalmadong pahayag ng hari sa kanyang asawa.

Dad, Ate Nicole is in trouble. Please help us.

Pagkarinig palang niya ng mensaheng ipinadala ng kanyang bunsong anak ay agad na niyang pinakilos at pinaghanda ang lahat sa palasyo. Hindi naman niya naiwasan ang mapangiti dahil sa wakas ay nagawa ng kanyang anak na makapagpadala ng mensahe sa kanya gamit ang isip nito mula sa malayo.

"I'll go with you," the Queen said. But the King just shook his head.

"No you can't. Alam naman natin pareho na isa ka sa pinupuntiryang makuha ni Marcus. Mabuti pang dito ka na lang sa palasyo. Don't worry, we'll come back as soon as possible." He assured her and kissed her temple.

Tumayo na siya at tinanaw ang labas ng palasyo mula sa bintana. "This will be the death of you, Marcus Croven. And this time, it's for sure."

Chương tiếp theo