webnovel

Chapter 37 | Saving Her

Chapter 37 | Saving Her

Nicole Jane's POV

I tried to move my body, but I couldn't. I tried to open my eyes, but I feel so tired. I want to speak, but I'm too weak.

I don't know where I am. Oh, hell. Where am I anyway? Why does it feel so creepy?

Then a realization suddenly hit me.

Mikan

Slowly, my eyes started to open. My vision was blurred at first, until it finally became clearer. And the very first thing or person rather, that comes into my sight is none other than her.

"Why?" That was the first word that slipped out of my mouth.

My eyes started to water, but I blinked it away. Hangga't maaari ay ayokong isipin na may kinalaman siya at na kalaban siya. But I know that I'm just fooling myself. The truth is slapping me hard now, right here in front of me.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa 'kin. The Mikan that I used to know is far different from the Mikan that's now staring with a blank expression at me.

"You know what, Nicole, it's just this simple. I hate you, the royalties, the pureblood clan and most especially..." tiningnan niya ko ng masama at ramdam ko ang kinikimkim niyang galit mula ro'n. "Your clan."

Napakunot noo naman ako nang dahil sa sinabi niya. Wala kasi akong matandaan na may ginawa akong masama, ang mga kaibigan ko, ang pamilya ni Kyle at lalo na ang pamilya ko laban sa kanya.

"What do you mean? I don't understand!" I shouted at her.

Tumawa siya ng malademonyo na talaga namang nagpakilabot sa 'kin. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon na kailangang mabigyan niya ng sagot. I was too shocked and confused on what the hell is really going on here.

She's about to speak when the door suddenly opened. Iniluwa no'n ang kaisa-isang nilalang na kinamumuhian ko at hindi ko na gugustuhin pang makita sa mundong 'to.

"Oh. I'm glad you're awake. Did you have fun talking to my daughter?" Tumabi siya kay Mikan at tinapik ang balikat nito.

Kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Mikan na para bang sobrang saya niya. Na tila isa siyang anak na napuri maigi ng magulang niya.

Ako naman ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Ni hindi ko maigawang ikurap ang mga mata ko nang dahil sa narinig, habang nakanganga.

Daughter

Naguguluhang napabaling ako kay Mikan. "Your... Your his what? But how..." halos pabulong kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hinang-hina ako ngayon.

"Nanghihina ka na ba? Wag kang mag-alala dahil mamaya ay tuluyan ka ng mamamahinga! Kasama ang magiting mong prinsipe at tuluyan ng hindi matutuloy ang nakatakda n'yong kasal!" Umalingawngaw sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan ko ngayon ang nakakairita niyang halakhak.

Damn you, Marcus Croven!

Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang kapangyarihan namin ni Kyle. Hangga't hindi niya nahahadlangan ang pag-iisa naming dalawa.

Ngayon ko lang napagtanto na nakapalibot na naman pala sa mga kamay ko ang bakal na nagkokontrol ng kapangyarihan ko. Damn this thing! Saan ba nila nakuha ang ganitong klase ng kagamitan? Siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng panghihina.

"Ikaw ng bahala riyan, anak. Kailangan ko ng ihanda ang lahat. Ngayon na ang araw na itinakda." Muli siyang tumawa ng nakakaloko bago tuluyang lumabas.

Napataas naman ang kilay ko. Ano raw? Araw na itinakda?

When he's already nowhere in sight, I looked at Mikan with pleading eyes. Alam ko at naniniwala ako na hindi siya masama. Ramdam ko 'yon sa tuwing magkasama kami. I know that all of her actions are genuine and true.

"Mikan, please. Pag-usapan natin 'to. We're friends, right? The royals were your friend as well, so why? Can you please explain to me? You're not his daughter, right? I know that he's just lying," mahinahon kong tanong sa kanya.

Naghihintay ako na lapitan niya ko para tulungan. Na mas mananaig ang pagkakaibigan namin kumpara sa kung ano mang pinagsasabi sa kanya ng Marcus na 'yon.

But she just smirked and shook her head. Gone was the sweet and innocent Mikan I know. "Do you really think that we're friends? That they're my friends? How pathetic and assuming you can be." She rolled her eyes.

"But—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng mga baril at kaguluhan mula sa labas.

Right at that moment, I know that I will be saved.

Napangiti ako bigla. Hindi talaga nila ko binibigo. Dahil kahit saan pa ko dalhin ni Marcus ay natutunton at natutunton pa rin nila ko.

"Oh, shit! Let's go."

Nagulat na lang ako nang bigla kong hinila ni Mikan patayo at kinaladkad palabas. Kung hindi lang talaga ko nakaposas!

Pero pagkalabas pa lang namin ng pinto ay agad ng may humarang sa 'min. Bigla kong nabuhayan ng loob pagkakita ko pa lang sa kanya.

But wait. If Mikan is really Marcus' daughter, then they're...

"Stop this, Mikan! Kailan ka ba matatauhan na ginagamit ka lang ni Papa?" pagalit at pasigaw niyang tanong.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Mikan na hindi man lang natinag. "You know what, Dave, I pity you. Pwede ba? Huwag ka ng makielam. Kung wala kang balak tumulong, just go away! We don't need you like what I have said before!"

Hinila na niya ko ulit. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ay bigla siyang napatigil ng sa isang iglap ay nasa harap na ulit namin si Dave.

"Sleepwell, my dear sister."

Napasinghap ako nang makita ang biglang pagturok niya ng isang syringe sa braso ni Mikan. Dahan-dahan naman ako nitong nabitiwan hanggang sa unti-unti na siyang napahiga sa sahig at nawalan ng malay.

"Mikan!" Akmang dadaluhan ko siya ng pigilan ako ni Dave at dali-daling inalis ang posas ko.

"Let's go. We are running out of time. Just trust me. I will get you out of here." His eyes and face was full of sincerity.

"Pero si Mik—"

"Mikan will be fine. Trust me. Kailangan lang talaga nating umabot kaya dapat na tayong magmadali."

Nilahad niya ang kanang kamay niya sa 'kin. Naguguluhan man ako sa kung ano ba ang tinutukoy niya ay walang pag-aalinlangan kong tinanggap 'yon.

Muli kong sinulyapan ang nakahandusay na katawan ni Mikan.

"Babalikan kita. Pangako magiging maayos ang lahat."

With that, together, we run away to face the real fight.

-----

Third Person's POV

KYLE'S EYES were in a deep shade of red right now. Ang bawat umaatake at humaharang sa dinaraanan niya ay walang anu-ano na tumitilapon o 'di kaya naman ay napupugutan ng ulo at nadudukot ang mga puso.

He's in raging fire right now. Lalo pa't hindi pa rin niya nakikita kung nasaan si Nicole.

Pero natigilan siya nang makita si Marcus patungo sa kabilang direksyon. Tila ba may hinahabol ito at nagmamadali. Saktong kasunod na pala niya ang ama kung kaya naman ay nagtanguan sila at palihim 'to na sinundan.

It looks like aside from declaring this war, he seems to be up to something that they didn't know.

NAGMAMADALING lumabas sina Dave at Nicole sa abandonadong gusali na 'yon. Magkatulong din nilang nilalabanan ang bawat rouges na humaharang sa daraanan nila.

Pero natigilan sila ng tuluyan ng makalabas at makita ang kaliwa't kanang labanan na nagaganap. Napaisip si Nicole sa kung paanong ang lahat ay nandito. Maging ang hari.

Agad siyang itinago ni Dave sa likod nito nang makita ang ilan sa mga kalaban na papunta sa direksyon nila. Dave is about to attack the enemy when Nicole did it first. Itinigil niya ang oras at isa-isang inatake ang mga 'to.

Nginisihan niya 'to. "Thanks for protecting me, Dave. But I can manage myself."

Napatango naman 'to sa kanya, bago ginulo ang buhok niya.

Pero sa isip-isip ni Nicole ay hindi niya dapat gaanong gamitin ang gano'ng klase ng kapangyarihan niya, dahil baka manghina agad siya katulad no'ng una niya 'tong ginamit.

Agad na hinagilap ng mga mata niya si Kyle, pero mabilis siyang hinigit ni Dave patungo sa kung saan.

"We need to hurry."

SAMANTALA, magkasama namang nilalabanan nina Reiri at Hiro ang bawat kalaban na sumusugod sa kanila. Hiro was using his strength and speed, while Reiri is backing him up. Hindi alam ni Rei kung bakit, pero gano'n na lang ang gulat niya dahil nakikita niya ang mga mangyayari, kung kaya naman ay alam niya kung saan manggagaling at kung ano ang mga magiging pag-atake ng mga kalaban nila.

"Ayos din pala ang powers mo. Mukhang ikaw pa ata ang magiging hero ko imbis na ako ang magtanggol sa 'yo," Hiro complemented.

Agad namang napaiwas ng tingin si Rei para itago ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ikaw lang, eh." She smiled while avoiding the enemies that keeps on attacking her.

Saglit siyang tinitigan ni Hiro, bago 'to ngumisi. "Well. Sa ngayon lang 'yan."

Bigla namang nawala ang ngiti ni Rei at napasimangot. Kahit kailan talaga ay hindi 'to papatalo sa kanya.

NANG DAHIL naman sa ginagawang panghihipnotismo ni Miley ay nagiging kakampi na nila ang ilan sa mga kalaban at ang mga 'to na mismo ang kusang tumatapos sa mga kasamahan nila. While Kira, on the other hand, is using his speed as well to take out each of the enemy's heart.

Pero dahil masyadong abala sa ginagawa si Miley ay hindi niya agad napansin ang isang kalaban na mayroong dalang punyal na palapit sa likuran niya.

"What the!" Gulat siyang napalingon sa likod niya nang may naramdaman siyang kung anong tumalsik sa kanya. There she saw a stain of blood on her dress.

"Don't worry. I'm just always on your side," nakangiting sabi sa kanya ni Kira habang dinudurog nito sa kamao ang hawak-hawak na puso.

Napailing na lang si Miley at nagsimula na ring makipaglaban. Two is better than one in this fight.

ISA-ISANG pinapaputukan ni Steph ang bawat fledglings na umaatake sa kanya. Direkta ang mga 'to sa puso ng kalaban at walang mintis.

Pero masyado na silang dumarami. Mabilis na nakaiwas si Steph sa pagsugod ng isa sa mga kalaban, pero ng dahil dito ay nawalan siya ng balanse at tuluyang nadapa. Nabitiwan naman niya ang hawak na baril.

"Shit!" Nang dahil sa sama ng pagkakabagsak niya ay hirap siyang maigalaw ang kanyang kanang binti.

Halos masuka naman siya nang makita ang kalaban sa harap na tila naglalaway pa, habang nakalabas ang dalawang mahahabang pangil nito. She didn't want to die that way. Most especially not because of that creature.

Napatingin siya sa kanan niya kung saan tumilapon ang baril niya. Masyado 'tong malayo at hindi niya agad magagawang abutin. Muli siyang napatingin sa harap niya at halos mapapikit na lang siya nang makitang sobrang lapit na nito sa kanya.

Mukhang wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi tanggapin ang katapusan niya.

Pero gano'n na lang ang pagtataka niya nang wala siyang kung ano na naramdaman. Kaya naman ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at doon ay nakita niya ang apat na bampirang nakalutang sa harap niya.

She then looked right in front of her. A smiled formed on her lips upon seeing Vince. He was always been her savior.

"Wag kang assuming diyan. They're my enemy too."

Mas lalo siyang napangiti nang dahil sa sinabi nito. Vince and his pride.

No matter what he says, she still believes that he saves her. Ayaw lang nitong aminin ang bagay na 'yon. And because of that, she knows that their friendship still has a chance.

PATULOY lang sa pagtakbo sina Dave at Nicole ng may biglang humarang sa daraanan nila. Ang kanang kamay ng tatay ni Dave na si Raphael kasama ang anim na rouges.

"Mauna ka na Nicole. Susunod ako. Go find Kyle."

Napatango naman si Nicole at dali-daling tumakbo paalis.

"Ano po ba ang nangyayari sa inyo at tinutulungan n'yo ang babaeng 'yon?" Raphael gritted his teeth.

Dave smirked. "That's none of your business."

"If that's the case, then you leave us with no choice young master." Sabay-sabay na sinugod ng mga 'to si Dave.

Napailing na lang si Dave at kampanteng hinarap ang mga 'to.

"Nakakalimutan n'yo siguro na ako si Dave Croven. Ang kaisa-isang makapangyarihang Damphyr na nabubuhay ngayon."

AGAD NA napatigil sa pagtakbo si Nicole nang makita ang pamilyar na likod ng lalaking mahal niya habang nakikipaglaban.

"Kyle!" she called him out. Agad naman 'tong lumingon sa kanya at mabilis siyang pinuntahan.

"You're here." Halos maiyak siya nang makalapit 'to sa kanya.

But for the nth time, she's caught and fooled again.

"Of course I'm here, my dear princess." Agad na nag-iba ang anyo nito at halos manginig ang kanyang buong katawan nang masilayan ang nakakasukang hitsura nito.

"Wala ka ng ibang mapupuntahan pa, Marcus. Mabuti pa ay tumigil ka na."

Sabay silang napalingon sa nagsalita at agad na nabuhayan ng loob si Nicole nang makita ang hari.

Kusa namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang lalaking pinakamamahal na nakatayo sa tabi nito. Sobrang namumula ang mga mata nito at nakalabas ang mahahabang pangil. And she knows that this time, he's real.

"Kyle," halos pabulong niyang tawag pero alam niya na narinig siya nito. Biglang lumakas ang ihip ng hangin na para bang mayroong parating na bagyo.

Tumawa naman nang malakas si Marcus at napailing. "Mapatay n'yo man ako ngayon ay sisiguraduhin kong hinding-hindi pa rin kayo matatahimik!"

Halos ubos na ang kalaban sa paligid. All of them were gawking at their direction. The royal guards were all pointing their swords towards Marcus' spot. Even the guns of the protectors and the arrows of the vampire hunters.

All of it was aiming to kill him.

Inilabas ni Marcus ang isang punyal at akmang isasaksak 'to kay Nicole. Pero mabilis na tumungo sa direksyon nila si Kyle at tinabig si Nicole. Sa likod dapat ni Kyle tatama ang punyal. But to their surprise, someone had caught it.

"Dave!"

Nabitiwan ni Marcus ang hawak na punyal at akmang tatakas ng magsimulang lumipad sa ere ang maraming pana at umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril.

Nicole Jane's POV

"Dave!"

Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko at agad na dinaluhan ang isa sa mga tao, o bampira na itinuring kong kaibigan.

"N-Nicole... I-I made it. I-I protected you."

Samot saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, takot at kaba. I can't lose a friend right now.

He was about to speak, but I just shook my head. "Don't speak, okay? We will save you." Sinenyasan ko si Kyle na buhatin siya pero umiling lang si Dave.

"You don't really remember me, don't you?"

Mas lalong tumindi ang pag-iyak ko nang dahil sa paglabas ng dugo sa kanyang bibig. Naguguluhan man ako sa kung ano ang sinabi niya, pero mas importante ang buhay niya ngayon.

"Don't speak. Just hold on."

"A-Ako ang batang lalaki na ipinagtanggol mo laban sa m-mga nang-aaway sa 'kin no'n sa ice cream parlor. Ako a-ang batang lalaki na tumulong sa 'yo no'ng nadukot ka. A-Ako... Ako ang batang 'yon na nangakong poprotektahan ka kahit anong mangyari..." nakangiti pa niyang sabi habang patuloy lang sa paglabas ang dugo sa kanyang bibig.

Sa isang iglap ay nanumbalik lahat sa 'kin ang mga nangyari no'ng bata pa ko. Ang batang lalaki na bigla na lang susulpot at mawawala. 'Yong sa tuwing nagkikita kami ay nakakapag-usap naman kami, pero ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Siya ang lalaking 'yon na gusto kong hanapin nitong mga nakaraan. Ang lalaking nasa panaginip ko.

"A-At ngayon ay masaya na kong mawawala sa mundong 'to d-dahil alam kong masaya ka na at n-nagawa ko na ang ipinangako ko. Just please be happy." Nakangiti niyang inabot ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.

Hanggang sa unti-unti na siyang pumikit at dahan-dahang dumulas ang mga daliri niya.

"No! No, Dave! Please, hold on!" Nagpatuloy lang ako sa paghagulgol hanggang sa unti-unti akong makaramdam ng pagod.

Nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Kyle hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Chương tiếp theo