Chapter 35 | Vampire Hunters
Nicole Jane's POV
"Bakit kasi magkahiwalay pa tayo ng sasakyan?"
Pinasadahan ko muna ng tingin sa huling pagkakataon ang sarili ko sa harap ng salamin, bago nilingon si Mikan na halos masira na ang unan ko nang dahil sa kakasuntok niya.
"Hayaan mo na. Magkikita rin naman tayo pagkarating do'n, eh. Besides, you're with Steph, Vince, Hiro and Rei. So, you don't have nothing to worry about."
Hindi kasi ako sa seksyon namin napasama. Well, actually ay si Kyle ang may gusto no'n. Nakahiwalay ako kasama sina Miley at Kira. Kasama namin ang kalahati ng section B, bago ang buong section C. Naghiwa-hiwalay kami para may kanya-kanyang nakabantay sa dalawang bus. Pwede namang sumama ang mga nasa lower levels. As long as part sila ng student council.
She looked up at me, then pouted. "Sabagay. Pero medyo hindi pa rin kasi kami gano'n kalapit ni Steph, eh. Maging no'ng iba pa," she said sadly.
Napataas ako ng kilay. Mabuti na lang at kahit papaano ay nauna ng lumabas si Steph kanina dahil tutulong lang daw siya sa mga kailangang asikasuhin kaya mapag-uusapan namin ang mga ganitong bagay ngayon.
"Sa totoo lang ay pansin ko rin ang tungkol sa bagay na 'yan. Pati nga sa ibang royalties ay parang may awkwardness ka pa ring nararamdaman kahit matagal na tayong magkakasama. Why is that?"
Hindi ko napigilan ang mabalot ng kuryosidad. Kasi parang sa 'kin lang talaga nadikit masyado ang babaeng 'to. Nakakasama lang naman niya ang iba pa kung kasama rin ako. Kung wala ako ay madalas na mag-isa lang siya.
She shrugged. "I don't know. Siguro kasi mas malapit at magaan lang talaga ang loob ko sa 'yo kaya gano'n. But promise, I don't have something against them." Itinaas niya pa ang kanang kamay na tila nanunumpa. Natawa na lang ako.
"Alam ko naman 'yon. Well, it's better if you take this opportunity to be close to Steph and to the others. Even in a small span of time."
Napatango naman siya at nag-thumbs up.
Pagkatapos kong mag-ayos at mag-asikaso ng mga dadalhin ay niyaya ko na siya palabas.
Dumiretso kami sa main building kung saan naghihintay ang iba pang mga estudyante at ang mga bus na sasakyan namin. Medyo inaantok pa nga ko dahil alas-singko pa lang ng umaga. Mahaba-haba rin kasi ang magiging biyahe namin.
The disadvantage of our school being located at the middle of nowhere.
Pero napakunot noo ako nang hindi mahagilap ng mga mata ko si Kyle. Nasaan naman kaya ang lalaking 'yon?
"Okay. So I guess everyone is here already. Umakyat na kayo sa mga respective bus n'yo para makaalis na tayo," Sir Maurer said.
Oo nga pala. Adviser nga pala siya ng seksyon namin.
"Tara na, Mikan. Doon na tayo sa bus natin," anyaya ni Steph kay Mikan.
I was about to ask Steph where Kyle is, but she quickly grabbed Mikan's hand and run towards their bus.
"Bye, Nicole! See you later!" They both waved their hands before going up. Kasunod na rin nila sina Vince, Hiro at Rei.
I just smiled to them.
Ang totoo niyan ay gusto ni Steph na sa 'kin din siya sumama para mabantayan niya raw ako. Pero sinabi ko na wag na lang. Baka kung ano pa kasi ang isipin ng iba pa naming mga kaklase at ni Mikan kung pati siya ay kasama namin.
Besides, it's the student's safety that we need to prioritize and not mine. I can handle myself for crying out loud.
Nang makita ko naman sina Miley at Kira ay agad akong tumakbo papunta sa kanila.
"Nasaan si Kyle?"
"Nauna na siya, Ate. He just wants to check and secure the location."
Napasimangot ako dahil wala naman siyang nabanggit sa 'kin na mauuna siya. Sana ay sinama na lang niya ko. Ang daya talaga ng isang 'yon. Ang hilig kumilos mag-isa.
Umakyat na rin kami sa bus na sasakyan namin. Sa likod kami umupong tatlo. Pinili ko namang pumwesto sa tabi ng bintana.
Napansin ko rin na suot na ng mga vampire students ang mga kwintas na dumating kahapon. At sa pagkakaalam ko ay naipaliwanag na rin ni Kira sa mga human students kung bakit wala sila nito.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas. Hanggang sa unti-unti ng maging pamilyar ang daan na tinatahak namin.
Napangiti ako. Namiss ko rin ang mamuhay ng normal at ang buhay mismo rito sa labas. 'Yong tipong wala kong ibang ginagawa kung hindi ang pumunta sa iba't ibang lugar at ang makipagkasiyahan tuwing gabi. Ang pamimili ko sa tuwing bored ako, maging ang pag-roadtrip ko.
"Mukhang ang saya ng iniisip natin diyan, ah. Ngiting-ngiti ka, eh."
Napalingon ako kay Kira na nasa pagitan namin ni Miley. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang nakasandal ang ulo ni Miley sa balikat niya at nakapikit.
"Yeah. Naalala ko lang ang buhay ko rati. 'Yong carefree at normal lang."
"Wag kang mag-alala. Sa oras na mawala na sa mundong 'to si Marcus ay magiging normal na ulit ang buhay mo. Nating lahat." Kira gave me an assuring smile. Napakapositibo talaga niyang mag-isip lagi at isa 'yon sa hinahangaan kong katangian niya.
Napatango naman ako at muling binaling ang tingin sa labas. Sana nga lang ay maging okay na ang lahat.
-----
"Wow! Ang daming paintings! Tapos ang ilan pa sa mga 'to ay no'ng 15th at 16th century pa. Paano kaya nila nagawang ipreserve 'to?"
Kanina pa daldal ng daldal at namamangha sa tabi ko si Mikan, pero hindi ko na lang siya pinansin dahil hinahanap ko pa rin si Kyle. Nasaan na ba kasi ang bampirang 'yon?
Kasunod rin namin si Steph at nagawa ko na rin siyang tanungin. Pero wala naman daw siyang ideya.
Sina Miley naman ay ayaw magsalita. Basta maghintay lang daw ako at tiyak na magpapakita ang Kuya niya. Kaya naman ay nanahimik na lang ako dahil napagod na rin ako sa kakakulit sa kanila. Sinubukan ko na rin namang basahin ang nilalaman ng isip nila pero wala rin akong napala.
Nandito kami ngayon sa National Museum of Fine Arts. Pagkababa ko pa lang ng bus kanina ay agad ng may humila sa 'kin patungo rito at hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yon. Bukod kasi kay Kyle ay si Mikan lang naman ang madalas na nakabuntot sa 'kin.
"Nicole? Steph? Ano ba naman kayong dalawa riyan? Ni wala man lang kayong reaksyon. Ang seryoso n'yo naman masyado."
That made me turn to Mikan, who's staring at the two of us with her hands crossed. Natawa naman ang iba pang royalties.
"Ano ba ang dapat naming maging reaksyon? Sanay naman na kong makakita ng mga ganito no'ng nasa Romania pa ko," bulong ni Steph pero narinig ko naman.
Napansin ko rin ang biglaang pagsama ng tingin ni Vince sa kanya. But she just shrugged.
"Huh? Saan?" Mabuti na lang at hindi narinig ni Mikan ang mga huling sinabi ni Steph.
"Wala. Ang sabi ko tara na at mag-ikot pa tayo."
Sa building na 'to pala nakalagay ang mga sinaunang paintings at maging ang mga sculptures. Kung titingnan ay tila isang normal na imahe ang mga 'to. Pero alam kong may kuwento sa likod ng bawat isang obra na 'to. Napansin ko ring ang ilan sa mga 'to ay mayroon pang nakalagay na pangalan sa kung sino ang gumawa at kailan 'to nagawa. Habang ang iba naman ay nanatili na lamang na anonymous.
Sa mga sumunod na palapag ay mayroon na ring modernong painting. Nandito na ang mga abstract paintings kung tawagin. Pati na rin ang mga kagamitan na ginamit ng mga sikat na pintor at ng iba pa ay nandito rin. Tila ba wala silang ginalaw na kahit ano ro'n at kung paano nila 'to nakuha ay gano'n pa rin ang hitsura ng mga 'to.
"Astig! Kapag ginamit ko kaya ang mga 'to ay magiging magaling na rin akong pintor?" biglang sabi ni Rei.
"Eh, di wow! Alam mo kahit may magic pa 'yan ay hinding-hindi ka magiging magaling na pintor," pang-aasar naman ni Hiro sa kanya. Kaya naman ay hindi rin nagtagal at nagbangayan na naman silang dalawa.
Nakita ko rin ang kaisa-isang playable tarot cards ng bansa na mayroong titulo na CARTAS PHILIPPINENSIS. Pati na rin ang isang itim na libro na mayroong dedication ni Dr. Jose Rizal para kay Josephine Bracken pagkatapos nilang ikasal.
"Nicole! Smile!"
Napalingon ako kay Mikan na nasa tabi ko, habang hawak-hawak ang kanyang cellphone na naka-front cam. Nang dahil sa gulat ay ni hindi man lang ako nakangiti.
"Hey! Erase that one. I'm not yet ready. Take a new shot." Babawiin ko sana ang phone niya upang burahin ang kuha naming dalawa, pero inilayo niya lang 'to sa 'kin.
"Ang cute mo kaya rito. Your face was so priceless." Napahagikgik pa ang loka.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pagkatapos ay hinila na naman niya ko sa kung saan. "Tara pasok tayo rito!"
Napatingin naman ako sa dalawang naglalakihang pinto na nasa harap namin ngayon. Binasa ko ang mga salitang nakalagay sa tabi nito.
Senate Hall
Pagkapasok ay bumungad sa 'min ang malawak at tahimik na hall na walang kahit ano na nakalagay. Maliban na lang sa mga naglalakihang pillar na nasa magkabilang gilid.
"Oh. So ito pala ang senate hall dati? In fairness ang classic ng dating at talaga namang nakakalula," manghang sabi ni Mikan habang inililibot ng tingin ang kabuuan ng hall. May mangilan-ngilan na rin kaming mga kaklase na nandito at kumukuha ng pictures.
"Kaya nga. Sadyang napakalawak talaga ng history ng bansa natin," komento naman ni Miley.
Pati na rin ang iba't ibang architectural designs ng mga establishments, train stations, universities at buildings sa iba't ibang parte ng siyudad ay nakita naman namin sa sumunod na palapag.
Tumagal din kami ng mahigit dalawang oras sa paglilibot dito, bago nagkayayaan na lumipat sa kabilang building. Ang National Museum of Anthropology. Pagkatapos kasi namin dito ay sa Fort Bonifacio naman kami pupunta. Kaya medyo limitado lang ang oras ng paglalagi namin sa bawat destinasyon.
Nauna na silang pumasok dahil may hinahanap pa ko sa bag ko ng may biglang nagtakip sa mga mata ko. Napasinghap ako nang maamoy ang pamilyar niyang amoy.
Finally!
"Kyle!" Dali-dali akong tumalikod para kumpirmahin ang hinala ko.
And there I saw him.
He's wearing a fatigue V-neck shirt, black short and a white converse. With matching shades pa.
"Miss me? Grabe ka makatitig sa 'kin, eh. Matunaw ako niyan." He grinned.
Malawak ko siyang nginitian bago malakas na binatukan. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa 'kin.
"What's that for?"
"That's from leaving without even telling me where will you go." Binatukan ko pa siya ulit at sa pagkakataong 'to ay sinamaan na niya na ko ng tingin.
Napansin kong napapalingon na rin sa gawi namin ang iba pang mga tao at mga kaklase namin pero hindi ko na lang inintindi.⁰
"And that's for being missing in action for how many hours already."
He pouted and I just rolled my eyes at him. Hindi niya ko madadaan sa pagpapa-cute niya ngayon.
"Sorry na. I just need to make sure that everything will be okay for this day and for the coming days as well." Seryoso siyang tumingin sa 'kin.
"And in the coming days?" I asked out and he nodded. Napabuntong hininga na lang ako. "Okay, fine. Tara na nga sa loob. Tell me everything that I need to know." He nodded, then held my hand.
Sa isang iglap ay biglang nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya nang dahil sa simpleng paghawak niya lang sa kamay ko.
Mukha namang magiging okay ang araw na 'to.
Sana.
-----
Kyle Ethan's POV
I'm happy to see Nicole taking some pictures here in the museum. Sa unang palapag pa lang ay nakita na namin ang iba't ibang uri na akala mo ay tila mga buhay na hayop, habang ang iba naman ay mga fossils. Pati na rin ang Ifugao house kung tawagin. Malaking kubo 'to na sobrang lapad ng pawid ay halos yumuko na ko para lang makapasok sa loob.
"Ang galing! Ganyan pala ang tirahan nila," she said still with a smile plastered on her face, while admiring the house in front of her.
Lumapit naman si Vince sa 'kin at bumulong. "Did you make it?"
I nodded at him in response and he sighed in relief, then tapped my shoulder.
Sa mga sumunod na palapag naman ay ro'n nakalagay ang mga sinaunang kagamitan ng mga Pilipino. Katulad ng mga damit noon, instrumento, mga gamit pang habi at ultimo ang mga natural na kasangkapan sa bahay. Pati na rin ang lumang coins at ang magkakaibang klase at laki ng mga banga.
I roamed my eyes all over the place. And there I saw the protectors and the vampire hunters that was being scattered to guard us.
Tinanguan lang ako ng mga vampire hunters at muling nagmatyag.
Binalik ko naman ang tingin ko kay Nicole at do'n ko lang napagtanto na sa 'kin na pala siya nakatingin.
"Care to tell me now who are they?"
Hindi na ko nagulat sa tanong niya. Pagkapasok pa lang namin kanina ay agad na siyang hinila nina Miley kaya hindi na niya ko nagawa pang tanungin. But knowing her, she's observant and determined to know something that she's curious about.
"They're the palace protectors and the vampire hunters."
Her eyes wide opened. "You go and talk to them?" Her voice was low, but it still sounded shocked.
I nodded.
Ang pagpunta at pagkumbinsi sa mga vampire hunters ang nilakad ko kanina. I convinced them to help us. They're on our side, that's a fact. But I know that as much as possible, they didn't want to interfere with our fight towards Marcus. Dahil hindi sila katulad ng mga naunang hunters na handang makipaglaban para lang matulungan kami.
Mabuti na lang at nagawa ko silang pakiusapan. Dahil naniniwala ako na sobrang laki ng maitutulong nila sa 'min. Lalo pa't mayroon silang mga armas na malaki ang maitutulong para magsilbi naming proteksyon.
Now that we are all united, I hope that Marcus Croven will finally experience his greatest downfall.