webnovel

Chapter 16 | Eclipse

Chapter 16 | Eclipse

Third Person's POV

ILANG ORAS na ang nagdaan at kanya-kanya pa rin ng hanap kay Kyle ang iba pang royalties sa loob at labas ng kaharian. Tila aso't pusa pa rin na nagtatalo ang magkasamang sina Hiro at Reiri na kasalukuyang iniikot ang likod na bahagi ng palasyo. Seryoso naman si Vince na naglalakad at iniisa-isa ang bawat silid na kanyang nadaraanan. Habang sina Kira at Miley naman ay mas piniling sundan ang hari at reyna na kasama pa rin ang dalawang mortal na nagdala kay Nicole sa lugar na 'yon.

Ngunit sa kanilang pagliko sa dulong bahagi ng mahabang pasilyo ay nagulat na lamang sila nang makitang wala na ang kanilang sinusundan.

''Shit! Mukhang naramdaman ata nila na may sumusunod sa kanila!'' Napasabunot si Kira sa kanyang buhok habang napabuntong-hininga na lang si Miley.

Sa isip-isip ng dalawa ay bakit nga ba nila nakalimutan na masyadong makapangyarihan ang mga magulang ng huli at imposible talaga na maisahan nila ang mga ito?

Sa kabilang dako...

''NASAAN PO pala ang mahal na prinsipe?'' tanong ng lalaking mortal at ama ni Nicole sa hari ng maihiga na niya ang kanyang anak sa isang mahabang mesa na gawa sa bato at tanging isang kulay pula na tela lang ang sapin nito.

''Nasa isang silid kung saan ay hindi siya magagawang makita ng mga naghahanap sa kanya,'' kampante nitong sagot habang malaya nilang pinagmamasdan ng kanyang asawa ang payapang mukha ng dalaga.

Katulad ng kanilang anak ay wala ring nagbago ni katiting sa hitsura nito. Siyang-siya pa rin ang Jade na nakilala nila.

''Matalino talaga ang mga batang 'yon, Zach. Kaya kampante ako na magagawa nilang gampanan ng maayos ang kanilang magiging responsibilidad sa hinaharap.'' Nakangiting nilingon ng reyna ang kanyang asawa.

Sumang-ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi. Muli nilang sinulyapan ang natutulog pa ring si Nicole bago nila tuluyang iwan ito.

SA ISANG luma at madilim na palasyo naman ay naghahanda na ang mga kawal ng pinuno ng kalabang aristocrat vampire para sa kanilang gagawing pagsugod at pagkuha sa pureblood princess. Ilang oras na lang ang kanilang hihintayin para sa nalalapit na pagdating ng Eclipse. Ang panahon kung saan ay manunumbalik ang lakas na nawala rito at mas madadagdagan pa ang kapangyarihan nito.

''Paano po natin magagawang sumugod ro'n, Master? Alam naman po natin na hindi tayo makakapasok sa kanilang kaharian,'' nakatungong tanong ng kanyang kanang-kamay na si Rafael.

Kampante lang na nakatingin sa labas ng bintana ang kanilang pinuno na para bang hindi man lang nangangamba na maaaring pumalpak ang kanilang plano mamayang gabi.

''Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip 'yon? Siyempre hindi tayo papasok sa loob,'' nakangisi nitong tugon.

Gulat na napaangat ng tingin sa kanya ang alagad. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kanilang pinuno. ''Ano po ang ibig n'yong sabihin, Master Marcus?''

''Hindi tayo pwede pumasok sa loob, 'di ba? Puwes tayo ang gagawa ng paraan para sila mismo ang kusang lumabas at humarap sa 'tin.''

Unti-unting sumilay ang mala-demonyong ngiti ng alagad. Pinaghandaan talaga ng kanilang pinuno ang araw na 'to.

''Dahil sa pagkakataon na 'to ay sila naman ang pababagsakin natin,'' paninigurado pa nito bago tuluyang nawala sa kawalan.

 -----

GISING NA ang diwa ni Nicole. Pero nananatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Kanina pa rin siya may naririnig na iba't ibang boses at sabay-sabay na bumibigkas ng kakaibang lengguwahe na animo'y isang ritwal.

At habang tumatagal ay mas lalo niyang nararamdaman ang tila malakas na kapangyarihan na dumadaloy sa kanyang katawan. Higit na malakas kaysa sa orihinal na mayroon siya.

Hanggang sa tuluyan ng natahimik ang buong paligid. Tanging ang mga yabag at pagbukas-sara na lang ng pinto ang kanyang narinig.

Sa puntong 'yon ay unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kasabay ng pag-agos ng mga alaala mula sa kanyang nakaraan.

Magmula sa kanyang pagkabata, ang pagkakakilala nila ni Carl dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, noong maging magkaaway sila, ang unti-unting pagkahulog ng loob nila sa isa't isa, ang pagiging crowned princess niya ng lahi nila, pati na rin ang kasal nilang dalawa na hindi natuloy...

Maging ang pagkamatay nila.

Hanggang sa panibagong buhay na kanyang kinamulatan at ang kasalukuyan. Naaalala na niya ang lahat-lahat.

Kaya pala pakiramdam niya ay parang may kulang sa kanya at tila may kung anong kakaiba sa kanya. Pati na rin ang hindi maipaliwanag na koneksyon na mayroon sila ni Kyle.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Tila naramdaman ulit niya ang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan nila na nabalewala lang noong mga panahon na 'yon.

She wiped her tears away when she have finally decided to stand up. Her eyes roamed all over the unfamiliar room until her gaze stopped at the window, then look up at the sky.

Eclipse

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na tumayo at lumabas. She needs to know what really happened.

On how did they able to come back.

NAGISING SI Kyle sa pakiramdam na tila mayroon siyang tinataglay na isang malakas na kapangyarihan. Isang klase ng kapangyarihan na ngayon pa lamang niya naramdaman.

Bumangon ito at malayang inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Nasisiguro niyang nasa loob pa rin siya ng palasyo, pero hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan ngayon.

Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isip. Mga tanong na hindi niya alam kung gugustuhin pa ba niyang malaman ang mga sagot.

Tumayo siya. Ang pinakaunang bagay na nakakuha ng kanyang atensyon ay ang nag-iisang libro na nakapatong sa isang mataas na mesa.

Kinuha niya ito at sinimulang basahin. Ngayon lang niya napagtanto na ito pala ang libro na matagal na niyang hinahanap.

All of the questions that have been bugging in his mind before he fell asleep and since he woke up finally got an answer.

Dali-dali siyang lumabas ng silid na 'yon bitbit ang libro. He needs to confirm something.

Miley's POV

Ilang minuto na rin kaming nakaupo at nagtititigan sa harap ng mahabang mesa. Katatapos lang naming matanggap ni Kuya Vince at Rei ang dagdag na kapangyarihan nang dahil sa pagdating ng eclipse. Nahuli rin naman kaming lahat kanina kaya wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa ipinag-uutos nina Mom at magpahinga sa kanya-kanyang silid namin para paghandaan nga ang gabing 'to.

Nakaupo sa magkabilang dulo ng mesa sina Mom at Dad. Ako naman ay nakaupo sa bandang gitna sa bandang kanan at kaharap si Reiri. Nasa kaliwa ko si Kira na ang kaharap naman ay si Kuya Hiro. Habang bakante naman ang dalawang magkasunod na upuan sa bandang kanan ko. Sa harap nito ay si Kuya Vince na may dalawang katabi sa kanyang kaliwa na napag-alaman naming mga magulang pala ni Ate Nicole. 'Yong mga taong nagdala sa kanya rito.

Pero 'yon pa lang ang impormasyon na sinabi nila sa 'min. Hintayin na lang daw muna namin na dumating 'yong dalawa bago nila ipaliwanag ang lahat. Ni hindi nga nila nabanggit sa 'min kung nasaan ba talaga sila.

Malalim akong napahugot ng hininga. Kanina pa ko kinakabahan at hindi mapakali sa kinauupuan ko.

Nabanggit na rin namin kina Dad ang tungkol sa vision ni Rei. Masaya rin silang malaman na natuklasan na niya ang sariling kakayahan na nasisiguro naming malaki ang maitutulong sa 'min. Marahil ay namana raw niya ito kay Grandpa. Kaya naman ay mas lalo nilang pinahigpitan ang seguridad sa loob at labas ng palasyo. Dahil hindi namin alam kung kailan ba aatake ang mga kalaban at kung ano ang balak nila.

Nabasag lang ang katahimikan nang marinig namin ang paglangitngit at dahan-dahang pagbukas ng dalawang naglalakihang pinto ng dining hall.

Agad akong napatayo at napangiti nang makita ko si Ate Nicole. 'Yon nga lang ay mas dumoble ang kabang nararamdaman ko nang dahil sa malakas na aura na nakapalibot sa kanya.

''Ate!'' Akmang lalapit ako sa kanya ng mapatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa likod niya. ''Kuya!''

Nicole Jane's POV

Patuloy lang ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng sa tingin ko ay kaharian ng pamilya Clarkson, nang bigla kong maramdaman ang iba't ibang klase ng aura na magkakasama sa iisang lugar. Sinundan ko ang pinanggagalingan nito hanggang sa tumigil ako sa tapat ng dalawang nagtataasan na pinto.

I pushed the two wooden doors open. Natigilan ako nang bumungad sa 'king paningin ang mga tao at bampira na gusto kong makausap.

''Ate!''

Miley called me out while smiling. Doon ko lang napansin na nandito rin pala ang iba pang mga royalties.

Lalapit sana siya sa 'kin nang biglang mabaling ang tingin niya sa tabi ko. Just by smelling his scent, I already know who it is.

''Kuya!''

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Noong huli kaming magkita ay kami pa si Nicole at Kyle na isang simpleng tao at bampira na magkarelasyon at wala pang gaanong komplikasyon sa buhay. Pero ngayon..

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa 'kin. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Hindi siya mababakasan ng kahit anong emosyon. Kumpara sa 'kin na halatang naguguluhan pa rin sa mga nangyayari at nangyari.

Bakit kami nandito? Bakit iba na ang pangalan namin? Ang mga magulang namin? Bakit nawala ang mga alaala namin? Bakit tao na ko?

Ang importanteng tanong sa lahat ay kung bakit kami muling nabuhay?

Nagsimula na siyang maglakad kaya napasunod na rin ako. Tumigil siya sa pagitan ng isang bakanteng upuan at ni Miley bago diretsong tiningnan ang hari. Ramdam ko rin na nasa amin lang ang atensyon ng lahat.

Kitang-kita rin sa mukha ng mga magulang ko na natutuwa sila na makita ako. Parang gusto nila kong puntahan at yakapin pero pinipigilan lang nila ang mga sarili nila.

''Tamang-tama lang ang dating n'yo. Alam ko na naaalala n'yo na ang lahat at nagtataka kayo kung bakit—''

Hindi na nagawa pang ituloy ng hari ang kanyang sinasabi ng may bigla na lang inilapag si Carl... I mean si Kyle na isang libro sa gitna ng mahabang mesa. Nakabuklat na ito sa isang partikular na pahina.

Napamaang ang lahat sa kanyang ginawa. Pero agad namang nakabawi ang mga magulang namin.

''So, you have already read it,'' the King stated.

Kinuha naman ito ni Miley. ''Ito na ba 'yong libro na hinahanap natin, Kuya?'' Tinanguan at hinarap naman siya nito.

''Mas maigi siguro kung babasahin mo 'yan sa harap ng lahat. Para maintindihan n'yo na rin ang mga nangyayari.''

Sumulyap si Miley sa hari na para bang humihingi ng permiso. Tinanguan lang din siya nito. Kahit naman ako ay gusto kong malaman kung ano ang nakapaloob dito. Dahil baka nasa librong 'yon ang mga sagot na hinahanap ko.

Miley stood up, then started to read it.

Sila ay namatay. Hindi dahil sa ito na ang kanilang katapusan. Kung hindi dahil sa rito pa lamang lubos na magsisimula ang lahat. Sa paglipas ng isang daang taon ay sabay na muling isisilang sa mundo sa araw ng eclipse at may parehong pulang marka ang dalawa sa pinakamakapangyarihang nilalang na siyang tatapos sa hidwaan ng mabubuti at masasamang bampira. Sila ang magpapalaganap ng kapayapaan at kabalansehan ng mundo.

Ang isa sa kanila ay mabubuhay muli bilang isang bampira na magmumula sa isa sa pinakamalakas na angkan nito. Ngunit ang isa naman ay mabubuhay bilang isang tao na magmumula sa angkan ng isa sa malalakas na protektor ng makapangyarihan ding angkan ng mga bampira na matagal ng wala sa mundong ito. Pero kahit gano'n ay nakatakda pa rin silang magkita at magmahalan upang ipagpatuloy ang naudlot na pagpapakasal at pagsasanib pwersa na dulot ng kanilang pagkamatay sa nakaraan nilang buhay.

Ngunit kasabay ng muling pagdating ng eclipse sa mundo ay siya ring pagbabalik ng kanilang alaala at kapangyarihan na nawala. Dito muling magsisimula ang isang panibagong laban sa isang kalaban na ang buong akala ng lahat ay wala na.

Natahimik kaming lahat. Pero halata ang gulat sa mukha ng mga royalties. Si Kira ang unang nakabawi at nagsalita.

''Ibig sabihin, ang tinutukoy sa propesiya na dalawang nakatakda ay sina Nicole at Kyle?'' nag-aalangan niyang tanong.

The King nodded. ''Yes. Sila nga. At ngayong araw ay tuluyan ng naganap ang mga nakatakdang mangyari. Bumalik na ang alaala at kapangyarihan nilang nawala. Muling magsisimula ang lahat.''

''So we're both really meant to born again,'' wala sa loob kong sabi. Nakatulala lang ako at alam kong gano'n din si Kyle. Ngayon ko lang lubos na naintindihan ang mga nangyari. Sadya pa lang nakatakda na talaga ang lahat.

Hindi ko nga lang alam kung dapat ba kong matuwa o hindi. But right now, I just can't feel anything. Parang ang hirap pa ring paniwalaan ng lahat.

May mga tanong pa rin sa 'king isip na nangangailangan ng sagot. Pero bago ko pa man 'yon maitanong ay naunahan na ko ni Vince sa pagsasalita.

''I can't believe this. Who would have thought that the two of you had already died? Parang palabas at istorya lang sa telebisyon ang buhay n'yo. Now I already know the reason why you little brat does have the same ability like us,'' iiling-iling na sabi niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mukhang hindi na talaga kami magkakasundo ng isang 'to.

''Kaya pala noong unang beses ko pa lang kayong makita ay may naramdaman na kaagad akong spark sa inyo. Because the two of you were really meant to each other from the very start!'' Tiningnan lang namin si Miley at agad naman siyang tumahimik.

''Nasaan na po pala ang tunay naming mga magulang?'' Napatingin ang lahat kay Kyle nang dahil sa tanong niya.

Pareho lang pala kami ng iniisip.

Sa totoo lang ay matagal na naming kilala ang pamilya ng mga Clarkson. Hindi nga lang masyadong involve ang pamilya namin ni Kyle sa kanila.

Mukha namang hindi na sila nagulat sa tanong na 'yon.

The King cleared his throat. Tila bigla na lang siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya at pawang mga nakaiwas ang tingin nila sa 'ming dalawa.

''They're...'' he sighed heavily. ''They're already dead.''

Napapikit na lang ako nang mariin at ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Kyle sa kamay ko.

''H-How?'' I trailed off. Pinipigilan ko ang mga luhang nagbabanta na namang bumagsak sa mga mata ko.

Napatingin sa malayo ang hari na para bang may inaalala. Habang ang mga magulang ko naman ay nakatingin lang sa 'kin na puno ng pag-aalala.

''My father told me that your parents learned about the prophecy after the two of you died. Alam n'yo naman na naglipana ang mga alagad na rouges at fledgelings ng kalaban natin noon at tayong mga purebloods ang pangunahing target nila nang dahil na rin sa kapangyarihan na mayroon tayo." Malalim siyang bumuntong hininga.

"Nang dahil doon ay sila mismo ang pumunta at humiling sa mga white witches na kuhain ng mga ito ang kanilang kapangyarihan para mailipat sa inyo balang araw. Sa oras na mangyari 'yon ay magiging mahina na sila at wala ng mahahabol pa na malakas na kapangyarihan ang mga kalaban sa kanila. Kaya noong muling nagsimula ang panibagong labanan ay namatay sila nang dahil na rin sa kawalan nila ng lakas para makipaglaban." Napailing siya at napatungo.

"Ang buong akala namin no'n ay tuluyan na kaming matatalo. Pero hindi namin inaasahan ang pagdating ng mga common vampires at iba pang mga aristocrat na kampi sa 'tin. Maging ang council kasama na ang angkan nina Kira at Hiro para tulungan kami. Dahil doon ay nagawa namin silang sugpuin lahat." Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom niyang kamao na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Ang hindi namin alam ay mayroon pa lang nakaligtas at siya ang patuloy na kumakalaban sa 'tin hanggang ngayon. Ang Foster clan na angkan ni Nicole noon ang siya talagang namumuno sa buong angkan ng mga bampira. Tatlong angkan na lang kami ng mga purebloods na natitira noon at sila ang pinakamalakas at nangunguna sa 'ming lahat. Pangalawa ang Thompson clan kung saan galing si Kyle at pangatlo lamang tayong mga Clarkson. Mas malapit sa bawat isa ang dalawang mas malakas na angkan kaya hindi rin kami masyadong involve sa inyo." Napaangat siya ng tingin sa 'ming dalawa.

"Pero ng dahil nga sa pagkamatay at pagkawala ng dalawang angkan na 'yon ay kami na ang humalili sa kanilang trono dahil kami na lamang ang natitira sa angkan ng mga purebloods,'' paliwanag pa niya.

Muling napuno ng katahimikan ang paligid. Ang bawat isa ay tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

I bit my lower lip. Our parents don't deserve to die just like that. Kung nagawa lang sanang tanggapin ng lahat ang pamumuno namin at hindi nagpadala sa kasakiman sa kapangyarihan, malamang ay hindi na umabot pa ang lahat sa ganito at paniguradong buhay pa sana ang pamilya namin.

Sana ay masaya na kami ni Kyle at mayroon ng sariling pamilya.

''Kaya pala may mga naririnig akong nagsasabi na hindi talaga ang angkan natin ang siyang dapat na nasa puwesto ngayon,'' halos pabulong na sabi ni Reiri.

''Ipagpaumanhin n'yo po ang itatanong ko mahal na hari. Pero sino po pala ang nagsulat ng librong 'yan?'' Hiro asked curiously. That question caught our attention.

The King smiled. ''It's none other than my father. He already had the vision about it even before the wedding. Pero hindi pa niya ito lubos na naintindihan no'ng una dahil medyo malabo rin ang mga eksenang nakita niya noon. Ilang dekada pa ang lumipas at nagkaroon ulit siya ng pangitain tungkol sa kung sinu-sino ang mga nakatakda n'yong maging mga bagong magulang. Bata pa ko no'n pero maaga kong namulat sa isang responsibilidad na nakatakda kong gampanan sa hinaharap." Nilingon niya ang reyna na tila maiiyak.

"Noong malapit ng dumating ang nakatakdang panahon ay ginawa ko ang lahat para makita ang Mommy mo, Kyle. Kahit ang mga magiging magulang ni Nicole. Nang sa wakas ay nakita ko na sila ay roon ko ipinaliwanag ang lahat. Kami ang tinutukoy na isa sa makapangyarihang angkan na pagmumulan mo, Kyle. At sila...'' he pointed my parents. ''Ang galing sa angkan ng mga protectors ng angkan n'yo, Nicole.''

Napakurap ako. Kung gano'n ay protectors pala ang mga magulang ko ngayon?

''Tama ang mga naririnig mo noong bata ka pa, anak. Hindi pa man din kita isinisilang ay kayo na talaga ni Kyle ang nakatakdang ikasal balang araw. Kyle is your fiance, Nicole. Kailangang matuloy ang anumang naudlot noon,'' nakangiting sabi ni Mom.

Dati sa tuwing naririnig ko ang tungkol sa magiging fiance ko raw ay nakakaramdam ako ng pagkairita kahit hindi ko pa man siya nakikilala.

Pero ngayon ay masaya kong malaman na ang kaisa-isang lalaking minahal at patuloy kong minamahal ang siyang maikakasal pa rin sa 'kin.

''Nasisiguro ko na matutuwa ang buong council at mga elders kapag nakita ka nilang muli, Nicole. Sa litrato ko lang nakita ang hitsura mo noon. Pero masasabi kong katulad ni Kyle ay halos wala ka ring ipinagbago.'' Tipid ko lang na nginitian ang reyna.

''Kahit wala kayong ipinagbago, gusto ko pa ring makita ang hitsura n'yo rati." Napanguso naman si Reiri. Natawa na lang kami sa inasta niya.

''Ngayong kumpleto na tayong lahat ay maaari na nating pagplanuhan ang mga hakbang na kailangan nating gawin para maprotektahan ang mga kalahi natin at ang mga tao,'' seryosong sabi ni Kyle. Alam kong galit din siya nang dahil sa mga nalaman niya. Pero hindi siya 'yong tipo na nagpapadala sa emosyon niya.

''Kyle has a point. Sa pagkakataong 'to, dapat ay tuluyan na nating mapigilan ang kasamaan ng Croven clan,'' nagtitimping sabi ng reyna.

Nagpanting naman ang tainga ko nang marinig ang pangalan ng angkan na nagtraydor sa 'ming lahat. Ramdam ko ang biglaang pag-usbong ng galit sa kaloob-looban ko. Sa isang iglap ay muling bumalik sa alaala ko ang mga nagkalat na dugo sa mismong araw ng kasal ko.

''Nicole! Are you okay? You're shaking,'' I heard Kyle asked. Halata sa boses niya ang pag-aalala.

Nakita kong tumayo sina Mom at Dad na mabilis namang nakalapit sa 'kin. Napatungo ako at doon ko lang napansin na nanginginig nga ko.

Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Kyle at bahagyang lumayo sa kanya. ''I-I'm fine. I just want to be alone,'' may diin kong sabi bago ko sila tinalikuran.

''No! You can't leave, Ate!'' Reiri shouted, but I didn't mind her.

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang mga sinabi dahil sa isang iglap ay namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang tumatakbo sa labas ng palasyo. Napansin ko ang pagkakagulo ng mga kawal at protectors na patakbo namang pumapasok sa loob pero nilagpasan ko lang sila. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may mga humaharang sa 'kin.

Gusto ko lang naman mapag-isa. Ano bang masama ro'n?

Hindi na ko nagulat nang biglang tumalsik ang bawat isang humaharang sa daraanan ko. If Hiro has a super strength, mine is way stronger than his.

Gusto kong makapag-isip. Gusto kong intindihin ang lahat pero ang hirap at ang sakit talaga, eh. Akala ko ay magagawa kong tanggapin ang lahat. Pero hindi pala. Hindi 'yon gano'n kadali.

I'm sorry, Mom and Dad.

Hindi ko naiwasang mainis din sa sarili ko dahil alam kong nasaktan ko na naman ang mga magulang ko ngayon.

Hanggang sa makalabas ako ng portal ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Pero napahinto ako nang makita ko si Dad, 'yong una kong Dad na nakatayo ngayon sa harap ko.

Napakurap ako. Pero nananatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko ngayon. Kinagat ko ang ibabang labi habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya.

''Dad...'' ngumiti siya sa 'kin kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin siya.

''Dad, you're here,'' mangiyak-ngiyak kong sabi. I really, really missed him as well as Mom.

Niyakap niya ko pabalik. Wala na kong pakielam kung isa lang siyang imahinasyon. Ang mahalaga ay nakita ko ulit siya pagkalipas ng mahabang panahon.

''Nicole! No!'' I heard Kyle shouted.

Lilingunin ko sana siya. Pero natigilan ako nang maramdamanan ko ang isang malamig na metal na nakapalibot sa dalawa kong kamay.

''Anong—'' nanlaki ang mga mata ko nang sa pag-angat ko ng tingin ay iba na ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Gusto ko siyang sugurin. Pero tila pinipigilan ng bagay na nakapalibot sa 'king mga kamay ang paglabas ng kapangyarihan ko.

I'm just a normal person right now. Shit! How stupid of me!

Lumingon ako. Tumambad sa 'king paningin ang mga royalties, ang mga magulang ko, maging ang hari at reyna na nagsisimula ng makipaglaban.

Please. Not again.

Napapikit ako nang mariin nang bigla na lamang akong makarinig ng malakas na pagsabog. Naramdaman ko pa ang mahigpit na pagkakahawak sa 'kin ng lapastangang lalaki maging ang mabilis na pagdaan ng hangin sa paligid.

Pero sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa ibang lugar na kami.

Chương tiếp theo