webnovel

Chapter 17 | The Croven's

Chapter 17 | The Croven's

Kyle Ethan's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ni hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o ano.

Lalo na ng malaman ko ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang at angkan namin.

Parang hindi kasi tama. Dahil kami ang unang nawala sa mundong 'to. Pero ito kami ngayon. Kaming dalawa na lang ni Nicole ang natira sa angkan namin. Kahit pa iba na ang mga pamilya namin.

But the fact that I was still with Nicole right now somehow made me feel at ease. Ang muling makasama ng mas matagal pa ang nag-iisang babae na minahal ko, ang isa sa mga rason kung bakit mas gusto kong lumaban at mamuhay pa ng matagal ngayon.

I was in my deep thoughts when suddenly, I felt Nicole's hand shaking. I look up and saw her face that seems so afraid.

I asked her if she's okay and her parents both stood up and went near her. But I didn't expect the response that I get and when she let go of my hand, then took a step back.

She turned her back to us and run away. Reiri suddenly shouted, trying to stop her.

"No! You can't leave, Ate!"

Pero hindi sila pinakinggan ni Nicole. Hahayaan ko na lang muna sana siya ng bigla naman akong hinila ni Miley.

"Kuya! We need to go after her!" Napakunot noo ako nang mapansin na ang lahat ay tila natataranta. Kahit ang mismong mga magulang ko na nauna ng lumabas.

"Yeah. But she's still shocked on everything. Kahit naman ako, eh. I know that she just wants a time alone to think over some things right now."

Umiling naman siya sa 'kin. "Hindi natin siya pwedeng hayaan na mawala sa paningin natin. She might be more powerful right now compare to us. But Rei had a vision. Hindi natin pwedeng balewalain 'yon."

Bigla kong nakaramdam ng kaba nang dahil sa narinig ko. That statement alone was already alarming. Ngayon ko lang din nalaman na nadiskubre na pala ni Reiri ang kakaiba niyang kakayahan.

Napatango ako at mabilis na tumakbo na kami palabas. Habang si Kira naman ay nag-teleport na.

Pero natigilan kami nang makasalubong ang mga kawal na papunta sa 'min at halata sa kanilang mga mukha ang pangamba. Kahit ang mga protectors.

"May problema ba?" seryosong tanong sa kanila ni Dad. Tumungo naman sila bago sumagot.

"Ang mga fledglings po, mahal na hari. Nagpapakalat po sila ng apoy sa kagubatan sa labas ng portal. Nangangamba po kami na baka mayroong madamay na mga tao at mapunta sila sa siyudad o di kaya ay may makakita po sa ginagawa nila," magalang niyang sagot.

Napatiim bagang ako bago mabilis na tumakbo palabas ng portal. Nagpaiwan naman ang mga magulang ni Nicole pati sina Miley at Reiri para tingnan kung nasa paligid pa ng palasyo si Nicole. Miley will just communicate with me through her mind.

But I didn't expect what I saw outside. Nicole is hugging her dad!

Pero nagulat na lang ako nang makita kung paanong unti-unti itong nagbago ng hitsura. Damn!

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Miley na nag-aalala dahil hindi nila makita si Nicole. Agad ko naman siyang sinabihan na nandito si Nicole sa labas. Kaya naman ay mabilis silang nakasunod sa 'min dito.

"Nicole! No!" I shouted. Akmang lilingon siya sa 'kin pero may tila posas na inilagay si Marcus sa magkabila niyang kamay dahilan para matigilan siya.

I was about to dash towards their direction when a bunch of fledglings blocked my way. "Shit!"

Sa paglibot ko ng tingin sa paligid ay napansin kong nagsisimula ng makipaglaban ang iba pa. Without thinking twice, I motioned my hand upward. Then, the next thing I know was that the fledglings in front of me were all tied up with the branch of trees. Killing them slowly.

Halatang nagulat din ang iba nang dahil sa ginawa ko. Lalo na ang mga royalties.

Marahil ay nakuha ko 'to mula sa kapangyarihan ni Dad na isinalin sa 'kin. My deceased father is an elemental vampire.

Napangisi na lang ako sa mahihinang klase ng mga bampira sa harap ko, bago nagpatuloy pagpunta sa direksyon ni Nicole.

But my smirk fades away the moment I heard a loud explosion from nowhere. The next thing I knew is that she's no longer anymore. Kasunod no'n ay ang sabay-sabay na pagtakas naman ng mga kalaban.

"Damn you! Marcus Croven!" Naramdaman ko ang paglakas ng ihip ng hangin nang dahil sa ginawa kong pagsigaw. Umabot pa sa punto na halos mapaluhod na lang ang mga kasama naming protectors.

"Kuya! Please don't be like that! Mababawi din natin si Ate." Miley hugged me from behind. I can also hear her sobs.

But I didn't budge. All I want right now is to kill that fucking vampire together with his weakling army!

"Naturingan akong mas malakas ngayon kumpara rati pero wala na naman akong nagawa! I was fucking useles again!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang dahil sa samot saring emosyon na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko kasi ay naulit na naman ang mga pangyayari sa nakaraan. 'No'ng araw ng kasal namin. Wala rin akong nagawa no'n ng kinuha at inilayo siya sa 'kin. I just watched her being killed and I didn't even manage to help and protect her because they got me too.

But I wouldn't commit the same mistake again. I wouldn't allow it to happen again. Never.

"Don't worry, son. I think I know a place where he will bring her." Dad tapped my shoulder. That made me calm down a little and nod.

"If that's the case, then we better go. Now."

-----

Nicole Jane's POV

"Sino ka ba at ano ang kailangan mo sa 'kin?" nanggigigil kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya kong linlangin kanina.

Tiningnan niya ko na tila hindi makapaniwala. "You didn't know who I am?"

I rolled my eyes at him. "Itatanong ko ba kung sino ka kung kakilala kita?" I answered sarcastically.

He shook his head. Amusement was evident on his face. "Well, let me introduce myself then. I'm Marcus Croven. Son of Hans Croven."

Natahimik ako. Kung gano'n ay galing siya sa angkan ng mga Croven. Ngayon ko nasisiguro na siya ang tinutukoy ng mahal na hari na nakatakas noong naganap ang huling hidwaan sa pagitan ng masasama at mabubuting bampira.

"To answer your second question, I need to kill you so that I can finally get your power." He let out a demonic laugh.

Napailing na lang ako. Masyadong uhaw sa kapangyarihan ang isang 'to. What a pathetic, silly vampire.

"Magpakasaya ka na habang may panahon ka pa. Dahil sa oras na makawala ko rito ay ako mismo ang tatapos sa 'yo."

Napatango siya at napangisi. "Sige. Kung makawala ka pa."

Nginisihan ko rin siya. Pagkatapos ay walang anu-ano na dinuraan ko ang bwisit niyang mukha. Kaming dalawa lang ang nandito at kanina pa ko naiirita sa pagmumukha niya.

Bigla namang namula ang kanyang mga mata at lumabas ang kanyang mga pangil. My head tilted to the side the moment he slapped me.

Nalasahan ko pa ang dugo mula sa gilid ng labi ko. Gusto ko sanang sumigaw pero pakiramdam ko ay nanghihina na ko. Kanina pa rin kasi ako nagwawala rito kahit alam ko naman na wala kong mapapala.

"Wag mong sagarin ang pasensya ko! Baka gusto mong sa pagkakataong 'to ay mauna naman ang mga magulang mo sa hukay!" halos mabingi ako nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya.

Pilit akong kumakawala mula sa pagkakaposas at pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Pero wala pa ring nangyari. Tila may kung anong malakas na aura kasi ang nakapalibot sa mga ito.

"Don't you dare lay even a single finger on them! Ako lang naman ang kailangan mo, 'di ba? Hawak mo na ko! Kaya wag mo na silang idamay pa rito!"

I can bear all the pain and sufferings that he will give to me. Pero ibang usapan na kapag idinamay niya pa ang mga magulang ko rito. Dahil hindi ko hahayaan na mayroong mamatay ulit ng dahil lang sa 'kin.

Tumingala siya at tila nag-iisip. "I'll think about it. But just on your parents." He grinned.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. "What do you mean? Ako lang naman ang gusto mong patayin, tama? Para makuha mo ang kapangyarihan ko?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. 'Yon naman kasi ang nabanggit niyang dahilan kung bakit niya ko kinuha.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Nakagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ko ang matulis niyang kuko na dumidiin sa leeg ko.

"Oh. Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na uunahin ko muna ang pinakamamahal mong prinsipe para patayin at kuhain din ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan mo. Dahil do'n magsisimula ang gagawin kong pagpapabagsak kay Zach at sa lahat ng mga natitira pang purebloods na walang ibang alam gawin kung hindi ang mang-agaw ng mga bagay na hindi naman talaga sa kanila!"

Kumunot ang noo ko. Tila may ibang rason pa siyang pinanghuhugutan ng galit sa 'min.

"Sa oras na mangyari 'yon ay saka naman kita papatayin para gamitin ang kapangyarihan mo sa 'king pamumuno!" Hiniwaan niya ang kanang parte ng leeg ko. Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa 'kin bago tuluyang lumabas sa kwarto na kinalalagyan ko.

Napapikit na lang ako nang mariin nang maramdaman ko ang paghapdi ng sugat ko. Doon ko lang din namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Matanggal ko lang talaga 'tong pesteng posas na 'to ay madali na lang para sa 'kin ang lahat.

Hindi ko alam kung nasaan ako eksakto ngayon. All I know is that this place looked like an abandoned building. Napapaligiran naman 'to ng mga nagtataasang puno na nakita ko mula sa labas ng bintana kanina.

"That's what I hate about humans like you. Mas pinaiiral n'yo kasi ang emosyon n'yo kaysa sa paggamit ng utak n'yo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may bigla na lang nagsalita mula sa likod ko. Agad akong napadilat at alerto na nagpalinga-linga sa paligid.

"Who are you?" I asked.

Sa isang iglap ay may isang lalaki ang biglang lumitaw sa harap ko. Walang emosyon ang kanyang mukha na bahagyang natatabingan ng bangs niya. Kung titingnan ay tila kasing edad lang namin siya ni Kyle.

"It doesn't matter who I am. Dahil nasisiguro ko na ito na ang una at huli nating pagkikita." Namulsa siya bago ako talikuran at nagsimulang maglakad paalis.

Hindi ko alam kung sino o kaanu-ano ba siya ni Marcus. But there's one thing that I am sure of.

He's not an ally. But he's not an enemy too.

Palabas na sana siya ng tawagin ko siya. "Wait!"

Tumigil naman siya habang nananatiling nakatalikod sa 'kin.

"Whoever you are. Please help me get out of here," I pleaded. Hoping that he gave in.

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na masasabi ko ang mga salitang 'yon. Pero iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking 'to.

Bigla siyang tumawa nang malakas na nagpatulala sa 'kin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What makes you think that I'm going to help you? Kung anuman ang problema n'yo ni Papa ay labas na ko ro'n. Wala akong pakielam sa mga bagay na gusto niyang gawin. Pero mas lalong wala akong pakielam sa isang taong katulad mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. Anak pala siya ng Marcus na 'yon. Pero kahit rude at snob siya ay nasisiguro na hindi siya katulad ng magaling niyang ama.

Hindi ko alam kung bakit. Pero iba lang talaga ang pakiramdam ko sa isang 'to.

"Sana magbago pa ang isip mo. Dahil sigurado ako na hindi ka rin sang-ayon sa kung anumang pinaplano ng Papa mo."

Hindi siya umimik.

Napatungo na lang ako at napabuntong-hininga. Kailangan ko ng mag-isip ng paraan kung paano ako makakatakas dito. Hindi ko pwedeng iasa na lang ang lahat kay Kyle.

"Just a piece of advice." Napaangat ako ng tingin nang bigla siyang magsalita.

"Wag na wag kang basta magtitiwala sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Dahil hindi mo alam kung sino ang totoo at ang nagpapanggap lang sa 'yo." Tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong nakaawang ang bibig. What did he mean by that? May mga nalalaman ba siya tungkol sa 'kin na hindi ko naman alam?

Bigla akong napaisip. Kung tama ang pagkakaintindi ko ay binibigyan niya ko ng babala.

I smiled. It looks like not all of the Croven's were bad at all.

Well, I hope that my instincts are right.

-----

Miley's POV

Ilang oras na kong nakatayo at nakatitig sa saradong pinto ng kwarto ni Kuya. Pero hanggang ngayon ay wala naman akong naririnig na kung ano mula sa loob.

Masama ang loob niya dahil wala kaming napala sa naging lakad namin kanina. Hindi na namin sila naabutan sa lugar na sinabi sa 'min ni Dad. Alam namin na nanggaling ang mga kalaban do'n dahil naiwan pa ang mga amoy nila ro'n.

Pero mukhang sa ibang lugar na nila diniretso si Ate dahil wala siyang bakas na naiwan do'n.

I turned my back and looked outside the glass window here in the hallway. Magmula ng pumasok siya sa loob ay wala ng tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sa sobrang lakas nito, pakiramdam ko ay magagawa na nitong buwagin ang buong kaharian, eh.

Mas gugustuhin ko pang marinig siyang sumisigaw at nagbabasag ng kung anu-ano kaysa ganitong nananahimik nga siya pero ibinubuhos naman niya ang lahat ng galit niya sa pagkontrol ng kapangyarihan niya.

"There you are, my princess." Gulat akong napalingon sa nagsalita. Then there I saw Kira leans his back against the wall with his hands buried in his pockets.

My princess. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa dalawang salita na 'yon. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"Hey, you okay? Natulala ka na riyan."

I blinked. Bahagya pa kong napaatras nang mapansin kong sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin.

"Y-Yeah. I'm fine. Nag-aalala lang ako kay Kuya. Ano nga palang ginagawa mo rito?" Muli akong bumaling sa saradong kwarto ni Kuya para makaiwas sa mapanuri niyang tingin.

Naiilang ako.

"Kung mayroon lang sana kong magagawa. Pero wala, eh. Dahil kahit ang hari at reyna ay hindi na niya pinapakinggan. Sarado na masyado ang isip niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan na nagpapadala sa emosyon niya." He paused that made me look at him.

"Nandito pala ko para samahan ka. Iniwan ko muna silang nag-uusap-usap." He smiled.

Napatango na lang ako. Kahit naman ako ay ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Palagi siyang kalmado at mas pinaiiral ang utak kaysa sa nararamdaman niya. Alam ko naman na hindi niya kami magagawang saktan.

Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng takot. Parang hindi ko na kasi siya kilala.

Lalong-lalo na no'ng makita ko ang hitsura niya kanina. Pulang-pula ang mga mata niya, nakalabas ang mga pangil niya, kitang-kita ko ang mga ugat niya at sobrang haba at tulis ng mga kuko niya.

For a second, I doubt if he's still my brother.

Nagulat na lang ako nang bigla akong niyakap ni Kira.

"Ngiti ka na riyan. Hindi ako sanay na malungkot ang prinsesa namin, eh. Sige ka. Papangit ka niyan." He chuckled.

Natulala na lang ako. Ewan ko ba. Pero pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha.

Nang makabawi sa pagkabigla ay niyakap ko siya pabalik. A smile automatically formed on my lips.

"Thank you for being here with me now," I whispered.

Tila ang lahat ng alalahanin at bigat ng loob ko ay saglit na nawala nang dahil lang sa yakap niya. I didn't know that Kira was capable of making me feel this way. Parang ayoko ng maging kapatid lang ang turing niya sa 'kin. Parang...

I sighed. I know that right after this moment, my life will be in trouble and it will never be the same.

Chương tiếp theo