webnovel

Who Stole Cupid Arrows

Tác giả: itsyowbabygirl
Kỳ huyễn
Đang thực hiện · 49.9K Lượt xem
  • 16 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Chapter 1Prologue

"Alam ko ang ginawa mo," sabi sa'kin nung lalaking naka-sandal sa pader ng apartment ko.

Naka-crossed arms siya habang naka-ngisi siya sa akin na para bang nahuli niya akong gumagawa ng kasalanan.

"S-sino ka?! Magnanakaw ka 'no! Wala kang makukuha sa apartment ko! Magpapatawag ako ng s-security!"

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa'kin.

"Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw."

Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa'kin.

"You broke into my lair and you stole my bow and arrow."

Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlamig ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo sa noo ko. Napalunok ako bigla. This isn't happening. Nag hahallucinate lang siguro ako.

Hindi totoo ang mga nangyari kanina at nung mga nakaraang araw. Yung magandang babaeng naka-belo, yung kumikinang na compass at love potion, pati yung malaking bahay na pinuntahan ko at yung pana ni kupido... hallucination lang lahat nang yun. Epekto siguro ito nang pagbabasa ko ng maraming manuscript. Bukas na bukas talaga mag re-resign na ako sa trabaho ko!

"You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari sa'yo," sabi sa'kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?" Napalunok ako bigla.

Totoo ang sinabi niya. Ninakaw ko ang pana niya at ibinuhos ko doon ang love potion na ibinigay nung babaeng naka-itim na belo. Pero nung papanain ko na si Luke, biglang dumating si West at siya ang tinamaan ng pana. Si West. Ang boss kong terror. Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong ginawa mo."

He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso. Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil sa sobrang kaba ko sa kanya. "At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka..."

Bạn cũng có thể thích

THE LAST SUNSET

Kimberly was diagnosed with neuroblastoma (a cancer of the nerve cells) when she was 6 years old. Ngunit pagkatapos ng surgery at chemotherapy ay napagtagumpayan niya ang sakit. Bumalik sa normal ang kanyang buhay. After she graduates from high-school, she spends her vacation at her older sister's place. There she meets Lawrence, a very mysterious boy. He lives in a house not very far from her sister's house. Maraming beses niyang sinubukang kausapin ito pero lagi lamang itong umiiwas. He won't even bother to glance at her. Pero dahil sa kakulitan niya ay pinansin din siya nito. Not so long after their first quite good conversation, a special bond between them started to grow. Lawrence on the other hand, tried his hardest to isolate himself from everyone. He lived life alone for so many years. He hates living but he doesn't have a choice. He doesn't age. He doesn't die. It hurts too much to see the people you love die one after the other. So he kept himself from falling in love. But what is he going to do when he can not resist the temptation of falling for Kimberly? 12 years after gumaling sa sakit na cancer ay tila multong nagbabalik ito kay Kimberly. Now it's back and this time it's already terminal. Handa na nitong bawiin ang buhay ng dalaga... Ngunit may isang bagay siyang nais na maranasan bago siya mawala... ang umibig! Destiny is playing its part. A dying girl meets a boy who doesn't die. Will they find their way to love together? Is Kimberly willing to take a chance at love even if she knows her time will soon be over? Is Lawrence brave enough to love... and lose? Find out how their love will teach you how to hold on and let go even if it hurts..

SamanthaEmanuelle · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
6 Chs