[Jillian's POV]
"Bakit ba kasi ako ang naisipan mong piliin ha? Sa dinami-rami ng tao sa buong mundo, bakit sa akin ka kailangan umilaw?"
Napa-buntong hininga ako habang naglalakad ako papunta sa labasan ng barangay namin at papasok sa trabaho. Mukha na kasi akong sira rito na kinakausap ang gold compass na hawak ko. Wala namang nangyayari. Sinubukan ko paikot-ikutin ang kamay nito pero wala namang kakaibang mahika ang lumalabas dito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni Cupid na ako lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa mga tao. Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yun.
Pagka ba pinagdikit ko ang mga palad nila eh magkakaroon na sila ng koneksyon? O kailangan ko rin magkaroon ng pana? Kaso palpak nga ako pumana! Mamaya lalong magulo ang lahat!
Paano ko ba gagawin iyon?
"In an old fashion way!"
Halos mapa-talon ako sa gulat nang bigla-biglang may nagsalita sa likuran ko. Nakita ko doon si Cupid na pormang porma ang suot at naka shades pa ang loko.
"Wag ka ngang bigla-biglang sumusulpot! Tsaka saan ba ang lakad mo at nakaporma ka ng ganyan ha?"
"Punta akong abs-cbn, mag a-audition ako bilang leading man ni Maja Salvador."
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Joke lang! 'To naman! Masama bang i-try ang fashion ng mga mortal?"
Tinalikuran ko siya.
Ngayon ko lang napagtanto na minsan talaga hindi matinong kausap ang God of Love.
Pero kung sabagay, mismong ang love ay never naging matino. Ang God of Love pa kaya!
"Uy teka lang! Nangiiwan 'to! Hindi pa tapos ang sinasabi ko! Tinatanong mo kanina kung paano mo magagawang magkaroon ang dalawang tao ng koneksyon 'di ba?"
Napahinto ulit ako at tinignan ko siya. "O, paano?"
"Do it in an old fashion way."
"Huh? Ano ba kasing ibig mong sabihin dyan?"
"Magiging matchmaker ka!"
Tinaasan ko siya ng kilay, "at paano ko naman gagawin yun, aber?"
"Ewan. Mag bas aka ng mga libro kung paano maging matchmaker. O mag search ka doon sa internet. Masyado nang high-tech ang mga mortal kaya marami ka nang paraan para makakuha ng tip kung paano maging matchmaker."
"Wait. You mean to say, magiging isang literal talaga ako na matchmaker? As in matchmaker talaga? As in mano-mano kong paglalapitin ang landas nung dalawa? Walang magic? Walang hocus-pocus?"
"Wala."
"Eh anong silbi ng gold compass na 'to?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya habang itinataas sa leeg ko ang pinaka compass.
"Secret. Malalaman mo rin balang araw. Pero may kailangan ka munang malaman ngayon."
"Ano?"
"8:45am na."
"Oh eh ano naman kung 8:45 am na---sheet! 8:45 na! Ma-l-late na ako!"
Nagsimula na akong tumakbo papuntang labasan. Anak ng tokwa! 15 minutes na lang late na naman ako! At bwiset, ang taas pa naman ng takong ko! Nakakainis na naman! Malilintikan na naman ako kay Sir West!
Napahinto ako bigla sa pagtakbo.
Teka nga, eh bakit ba ako nagmamadali ah? Hindi naman ako papagalitan ni Sir West eh. Well, hindi na ngayon kasi kasalukuyan siyang in love sa akin at hindi niya ako magagawang bulyawan.
Napa-ngisi ako.
Alam kong masama ang mag take advantage sa kapalpakang naidulot ko sa kanya. Pero ngayon lang naman. Hindi ko na 'to uulitin. Promise Cupid!
Petiks na petiks akong rumampa papuntang labasan at nag abang ng jeep. Punuan. Pero petiks din akong nag abang. Pinauna ko pa yung dalawang estudyante na mukhang mal-late na.
Bandang 9:40 na ako nakarating sa office. I'm 40 minutes late. Pero cool na cool pa rin akong pumasok sa opisina namin.
"Good morning Jill!" naka-ngiting bati ni Luke sa akin.
Natigilan ako bigla. Hindi natuloy ang movie date namin. Kahit labag sa loob ko ay maka-durog puso ko siyang tinext na hindi na matutuloy kasi may biglaan akong kailangan gawin. Kaya naman kinabukasan, dumayo ako sa malayong lugar para manuod ng sine at mag senti.
At nung panahon na 'yun, unti-unti ko nang nakukumbinsi ang sarili ko na hindi ako ang para kay Luke. Na hindi kami sasaya sa isa't-isa. And that time, muntikan nang manalo ang isip ko sa puso ko.
Pero anak ng tinola naman! Isang ngiti lang niya, nanghihina na naman ang isip ko at nag wawagi na naman ang puso ko.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya bago pa niya ako tuluyang maimpluwensyahan.
"Good morning din."
Dali-dali akong nag punta sa table ko. Pero nagulat ako sa nadatnan ko doon.
May isang malaking bouquet ng flowers ang nakapatong sa desk ko. Meron pang isang box ng Ferrero chocolates.
"Kanino 'to galing?" tanong ko kay Elise na nasa kabilang table lang.
"Ewan. Pag pasok naming lahat, andyan na 'yan," ngiting-ngiti naman niyang sagot.
"Wow! Mukhang may secret admirer ka ah?" naka-ngisi ring sabi ni Luke sa akin. "Sino kaya siya?"
Napa-buntong hininga ako. Sino pa nga ba? Malamang si Sir West 'yan!
"Oh, ba't mukhang hindi ka masaya?" tanong ulit sa akin ni Luke. "May problema ba?"
"Wala naman," matipid kong sagot sa kanya without even looking at him.
"Nga pala, Jill. Gusto mo mamaya na natin ituloy ang panunuod ng movie? After work. Tapos tara mag dinner! My treat."
Oh god help me. Bakit ganyan si Luke? Bakit nagyayaya na naman siya? Ha? He's making it harder for me!
Mahina ako sa ganito. Mahina ako pag dating sa kanya.
Pero kasi...
Nilingon ko si Luke at nginitian.
"Naku, hindi ako pwede mamaya eh. Sorry talaga Luke."
"Ganun ba? Sayang naman..."
"P-pero baka feel ni Elise manuod!"
Napalingon bigla sa amin si Elise, "ha?"
"Gusto mo bang manuod ng movie?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"O-okay lang naman.."
"Okay then! Ayun nuod kayo ni Luke oh."
"Sige. Later?" tanong ni Luke kay Elise.
"Sure! Later."
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila at naupo na lang sa pwesto ko.
Wow lang. Nakagawa ako ng paraan para makapag solo sila. You must be really proud, Cupid!
Medyo masakit.
"Pero sino kaya ang secret admirer mo 'no, Jillian?" naka-ngiting tanong ni Elise sa akin.
"Hindi ko nga alam eh," sabi ko sabay buhat ng pagka-laki-laking bouquet ng flowers.
Fresh na fresh pa ang isang 'to. Saan kaya ito binili ni Sir West? At infairness gumastos pa talaga siya ha. Ang mahal na kaya ng bulaklak na ganito ngayon!
Sayang ang pera niya. Pinagkagastusan niya ang babaeng hindi naman nakatadhana sa kanya. Nakaka-gulity tuloy.
Napangiti ako habang nakatingin sa bouquet na hawak ko.
Well, at least naranasan kong mabigyan ng bulaklak. First time ito!
"Jillian!"
Halos mabitiwan ko ang bouquet na hawak-hawak ko dahil sa biglang pag-tawag ni Sir West sa akin.
Napalingon ako sa kanya. Nakita ko naman na napatingin siya sa hawak kong bulaklak at ibinalik niya ang tingin niya sa akin habang unti-unting kumukunot ang noo niya.
"Y-yes sir?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Teka bakit ang sungit na naman ng aura niya? Hindi ba siya natutuwa na na-aappreciate ko ang binigay niya sa akin?
"Come into my office," he told me coldly at tumalikod na siya.
Tahimik ang lahat at ako naman, parang tinatagaktakan na ng pawis kahit ang lakas ng aircon sa office namin.
Inilipag ko ang bouquet sa desk ko at sumunod sa office ni Sir West.
Nadatnan ko siya sa office niya na nakapangalumbaba habang naka-simangot.
"Sir.."
"Jillian, tambak na ng trabaho pero nakuha mo pang maging late!"
"S-sorry po. T-traffic eh.."
"Then wake up extra early! Hindi dahilan ang traffic! I need the manuscript today. Hindi ka uuwi hangga't hindi mo 'yun tapos!"
"O-okay po..."
Balik masungit na naman siya. Ano kayang problema nito? Hindi kaya nawawalan na ng bisa ang pana ni Cupid?
Teka, pwede ba yun mawalan ng bisa?
O sadyang heartless lang talaga si Sir West at hindi niya kayang mag mahal ng matagal?
Siguro nga.
"And one more thing," pag papatuloy niya.
"A-ano po?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. Bigla siyang may inabot na supot sa akin. Tinignan ko kung ano ang laman nito.
Pandesal.
Nagtataka akong napatingin kay Sir West at nakita kong biglang namula ang tenga niya.
"B-baka hindi ka pa nag b-breakfast.."
"Ha?"
"S-sabi ko kainin mo 'yan para ganahan ka sa pag p-proofread! Sige na, lumabas ka na at mag trabaho!"
This time buong mukha na niya ang namumula kaya naman tumalikod na siya at bumalik sa harap ng computer niya.
"Thank you po," halos pabulong kong sabi sa kanya at dali-dali akong lumabas sa opisina niya.
Mukhang mali ako.
Ibang klase talaga ang pana mo, Cupid.