webnovel

Chapter 66

My Demon [Ch. 66]

 

"I remember you! Ikaw ang kausap ni Keyr the night at his birthday party, right?"

"Uh . . . oo. Ako nga."

Ang ganda ganda ni Jia. Sophisticated and very much lady-like. A girl that every guy could wish to have.

"Can we join you, guys? If you don't mind." Habang nililibot niya ang kanyang paningin, sinulyapan ko si Demon.

Nakatingin rin siya sa'kin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya basta seryoso lang siya. Hindi mo malalaman kung galit ba o kung wala lang siyang pakialam. He was wearing his mask again.

Nilabanan niya ang titig ko sa kanya. Sa huli, ako ang natalo. Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Wala na kasing vacant. Gusto ko kasi ang menu nila dito. Pwede ba?" she pleased, then smiled brilliantly.

Tumingin ako saglit kay Johan para malaman kung ayos lang ba sa kanya. He smiled and nodded his head.

Nagpasalamat sa'min si Jia. Si Johan naman tumayo at lumipat ng pwesto sa tabi ko. Apat naman ang upuan sa table namin. Dahil nga sa maraming tao dito kanina, hindi kami nakakuha ng pangdalawahan lang.

Nang maayos na ang lahat, saka ko lang na-realize na kaharap ko si Demon. Pumwesto talaga siya sa mismong tapat ko. I don't know why I was feeling uneasy. Para akong natataranta na kinakabahan. Parang gusto kong tumakbo paalis sa lugar na 'to sa di malamang dahilan.

Matapos umorder nila Jia (siya na rin ang pumili ng kakainin ni Demon kasi wala itong kibo), nagkwentuhan kami.

Para akong nakikipag-usap sa isang celebrity. Yung tipong nakakailang sa una kasi alam mong magkaiba kayo ng estado sa buhay, but later on, mawawala na yung ilang. She's beautiful  inside and outside. Ngayon ko lang siya nakausap, kami ni Johan, pero ang gaan na agad ng loob namin sa kanya.

Hindi na ako magtataka kung malaman ko ang bilang ng mga lalaking nagkakandarapa sa kanya.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni Demon noong umalis ito.

"Wait, Soyu, I think I once heard your name." Tumingin si Jia sa leftside niya habang nag-iisip. "Ah! I remember na. You are the one Keyr's dad talking about." She glanced briefly at Demon, na napag-alaman kong nakatingin pa rin saakin.

Umiwas agad ako ng tingin at pinilit ang sariling makinig kay Jia.

"Ikaw ang tutor niya, am I right? Or maybe magkapangalan lang kayo."

"Oo, ako yung tutor niya."

"At ang nililigawan ko," dugtong ni Demon sa sinabi ko.

Nagtinginan kaming tatlo sa kanya. Kung paano niya ako tingnan kanina, ganun pa rin niya ako tingnan ngayon.

Tumingin ako kay Jia para makita ang reaksyon niya. Her lips parted but didn't say something. Si Johan na katabi ko nakita ko through the corner of my eye na uminom ng iced tea.

Jia looked at me, then back to Demon's. She blinked twice before saying, "Should I trade my seat?"

"No need. Mukhang mas gusto niya ang kung sino mang katabi niya," aniya ng walang bahid na emosyon.

Nilipat niya ang tingin niya kay Johan tapos saakin na naman. Pakiramdam ko para akong anak na pinapagalitan ng tatay through staring.

Awkwardness filled the restaurant. Very thanks sa dumating na waiter para i-serve ang order nila Jia at Demon.

***

"Soyu, pwede bang pahawak?"

"Oo naman." Kinuha ko ang mga paper bag na inaabot saakin ni Johan. Ito yung mga binili niya kanina sa mall.

Gabi na kaya nagpumilit siya na ihatid ako pauwi. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa bahay. Matapos namin manggaling sa restaurant kasama sila Jia at Demon, nagbago ang mood sa'ming dalawa. As if nabawasan kami pareho ng energy unlike kanina na ang kulit namin pareho.

"Salamat, Soyu. Ang saya mo talaga kasama," sabi niya nang nasa tapat na kami ng pinto.

"Mas masaya ka kasama." I smiled at him, who smiled back.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Mga limang segundo atang nakadampi ang malambot niyang labi sa noo ko. Hindi ako nakakilos. Basta ang alam ko lang nanlalaki ang mga mata ko.

Nakatalikod na siya at naglalakad nang matauhan ako. Tinawag ko siya tapos pinaalala yung mga binili niya sa mall na hawak-hawak ko ngayon.

"Para sa'yo yan. Sana magustuhan mo," nakangiting sabi niya. Kumaway siya bago muling tumalikod.

Nakaalis na si Johan pero hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Para sa'yo yan. Para sa'kin 'to. Ako ang tinutukoy niya na reregaluhan niya. Naalala ko yung conversation namin kanina sa mall:

"Sa tingin mo ba magugustuhan 'to ng pagbibigyan ko?"

 

"Hmm, depende sa taste sa mga damit ng pagbibigyan mo."

 

"She's beautiful, anyway. Kahit anong damit sigurado akong babagay sa kanya. Atsaka hindi rin naman siya maarte. And that's one of many reasons why I like her: her simplicity."

 

Ibig ba nitong sabihin...

"Nice." Someone interrupted my deep thought.

Pagtingin ko sa gilid kung saan nanggaling ang boses, nakita ko si Demon na nakasandal sa motor niya.

"A-anong ginagawa mo dyan?" Ang daming tanong na pumasok sa utak ko. Like, kanina pa ba siya dyan? Kung oo, nasaan na si Jia?

Instead na sagutin ang tanong ko, naglakad siya palapit sa'kin. He looked down to what I were holding at, then up to my forehead. "May pahalik-halik pang nalalaman."

Ang lapit na niya sa'kin pero patuloy pa rin siya sa paghakbang kaya naman umatras na ako.

"When it is me asking you to go out, marami kang gagawin. Palagi kang busy. Pero bakit pagdating kay Johan hindi ka busy!"

Napapikit ako nang magtaas siya ng boses.

Huminga ako ng malalim, gathering all my strenght para masabi ko ang gustong sabihin. "Hindi tayo bagay. Hindi ako bagay para sa'yo."

Lalong dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Nararamdaman kong gusto niyang magwala ngunit pinipigilan niya ang sarili, at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Nandyan na si Jia. Hindi ka na niya iiwan. Hindi ka na ulit─" I was cut off nang sipain niya ang trash can. Nagdulot ito ng malakas na ingay.

Nabitawan ko ang mga hawak ko.

Alam kong naririnig kami ni Mama sa loob ng bahay. Hindi lang siya lumalabas.

"What I'm thinking, is that what you mean, huh?"

Hindi ako sumagot.

"Damn it!" he cursed under his breath, glaring at me. "So that's what your fuckin' so immature excuse! Ikaw ang nililigawan ko diba? You are a certain girl I wanna be with, and I would not be wasting my time pursuing you: doing and saying stuffs I'm not a fond of, when I'm not sure about my damn feelings.

Do you think ganun ako kababaw? Na kapag dumating ang babaeng una kong nagustuhan magbabago na ang lahat." He paused. Breathing bewildering he continued, "O baka naman dahilan mo lang yan para maiwasan ako, at para magkaroon kayo ng napakaraming time ni Johan. Una palang siya na talaga ang gusto mo, hindi ba?"

Tumingin siya sa paligid at sarkastikong ngumiti. He stared back at me with his hurt cold eyes. "Sabihin mo lang kung ayaw mo sa'kin. Maiintindihan kita."

He left, and I wept.

Chương tiếp theo