My Demon [Ch. 67]
Nakatingin ako sa bintana habang pinapanood ang pagbagsak ng ulan. Walang pasok ngayon dahil signal number 2 dito sa town namin. Thursday ngayon at hanggang bukas walang pasok. Ibig sabihin apat na araw kong hindi makikita si Demon.
Baka nga dahil sa nangyari kagabi, kahit Monday na hindi ko pa rin siya makita. Well, posibleng makita ko siya pero hindi naman niya ako papansin. Mas mabuti na sigurong hindi kami magkita kaysa naman iwasan niya ako ng harap-harapan.
Naiinis ako. Hindi ko alam kung ang sarili ko, dahil sa pagiging immature ko. Lahat ng mga sinabi ni Demon kagabi ay totoo. Lahat nang iyon sapul na sapul ako. Ang iniisip ko lang naman ay ayokong maging malungkot siya.
Kapag in love, nagagawa mong magbago dahil sakanya. At ganun ang ginawa ni Demon dati para kay Jia. Hindi katulad sa'kin. Kaya nga naisip ko na si Jia ang mas higit. Naguguluhan lang siguro si Demon sa nararamdaman niya. Maybe later on, mare-realize niya na si Jia lang talaga. And besides, sila naman kasi ang bagay.
Waaah! Nababaliw na ko sa kakaisip.
Si Mama lahat na ng bagay na makakapaglibang sa'kin ginawa na. Alam ko namang nakikinig siya sa'min ni Demon kagabi. Ang pinagpapasalamat ko lang talaga sa nanay ko ay umaarte siya as if walang nangyari. Hindi niya pinamumukha sa'kin ang nangyari.
Saturday, tumawag si Tita Juliet kay Mama. She's asking for my mother's permission. Gusto niya kasi akong isama sa pag-shopping that. Si Mama naman, iniisip ata na mababaliw ako kapag nagmukmok pa ako sa baay e pumayag.
Si Tita Juliet pa mismo ang nagsundo sa'kin sa bahay. After nilang magchickahan ni Mama umalis na kami.
Nagpunta kami sa Mall tapos pumili siya ng damit para sa'kin.
"Try this, iha." Nilantad niya sa harap ko ang white hanging blouse, I am star printed on it. "Bagay sa'yo," todo ngiting komento niya.
"Tita, may iba pa po ba tayong pupuntahan bukod dito sa mall?" Kasi naman kung pilian niya ako ng damit...
"Wag kang mag-alala, iha. Wala tayong ibang pupuntahan." Hinila niya ako papunta sa Fitting Room.
Pagpasok ko, inaabot niya sa'kin ang maong shorts na terno ng hanging blouse. Bago pa niya isara yung kurtina, "Sa bahay lang naman." She winked.
Sa bahay ... ibig sabihin makikita ko siya. Oh noes! I'm not ready to face him yet!
***
"Sabi sa'kin ng Mama mo majorette ka daw sa lugar niyo," ani Tita Juliet.
Nasa sasakyan na kami papunta sa Village nila. Pakiramdam ko kinakausap niya ako tungkol sa mga bagay-bagay para malibang at paimpisin ang kabang nararamdaman ko. Katulad ni Mama, nanay rin siya kaya may pakiramdam ako na may alam siya sa kung ano ang kalagayan namin ni Demon ngayon.
"Ahhh, opo."
"Dapat lang. Ang ganda ng legs mo eh," puri niya.
Natawa ako at nagpasalamat. Magkaiba ho kayo ng komento ni Demon sa legs ko. LOL. Ano namang papel ng legs ko dito?
"Kilala mo na ba si Jia?"
Shoot. Sabi na eh. May alam si Tita Juliet. Sino naman kaya ang nagsabi? Si Mama? Hindi malabo.
"Opo."
"Keyr's childhood sweetheart." Kitang-kita ko ang makahulugang ngiti ni Tita Juliet sa rearview mirror. "You know I like her as my daughter."
Napa-Ahhh nalang ako kasi wala akong masabi.
"But I like you as my daughter-in-law."
"HUH?" Okay, ang exagge ko.
Matamis na ngiti lang ang itinugon sa'kin ni Tita Juliet. Tumigil na ang sasakyan, nandito na pala kami.
"Oh, Demon! Here Soyu comes!" Tita Juliet announced as we climbed out the car. Naka-wide stretch pa ang mga braso niya as if saying Welcome!
Natawa nalang ako sa kakulitan ng mommy ni Demon. Talagang ginaya pa niya ang nemesis ko sa anak niya.
Pagpasok nami sa kanilang malaking bahay, nasalubong namin si Sam.
"Nasaan ang napakagwapo kong anak?"
"Ma'am, puro gwapo po ang anak niyo. Sino po doon?"
Tumingin sa'kin si Tita Juliet. Ako naman napa- Luh. Bakit ka po saakin nakatingin? reaksyon.
"Ah, si Sir Keyr." Tumaas ang isa kong kilay. Ansabe? Kapag ako, Keyr agad? Pwede namang si . . . (sino ba pwede?) Ah! Pwede naman yung batang-batang si Khaisler ah.
"Nasa dinning room po."
Sinipat ni Tita Juliet ang relo niya. "Lunch na pala," aniya.
Ni-link ni Tita Juliet ang braso niya sa'kin tapos nagtungo kami sa Dinning Room nila. Dug dug. Dug dug. Sa bawat paghakbang namin papunta doon─ papunta kung nasaan si Demon, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
I wonder kung ano ang mangyayari once na magkaharap na kami. Magwawala ba siya sabay papalayasin ako? Bubugbugin ako . . . or wala lang as if hindi ako nag-e-exist.
"Tita, uuwi na po ako," biglang atras ko.
Nakahawak na si Tita Juliet sa knob at pipihitin nalang ito pabukas.
She just smiled assuringly. "It's okay, iha. You have nothing to worry about. Maganda naman ang legs mo eh."
Huwaaat?! Ano namang kinalaman ng legs ko?
Binuksan na nga ng tuluyan ni Tita Juliet ang pinto. Hindi naman ako makatakas kasi nakalingkis ang braso niya sa'kin. Alam ko na kung kanino nagmana si Demon.
Sa hinaba-haba ng lamesa, dalawang tao lang ang kumakain. Nakatayo sa gilid yung butler at maids. Hindi ko alam kung bakit wala ang dalawang kapatid ni Demon. Siguro may date yung dalawang yun.
Si Khaisler, may ka-date?!!
Si Tito Romeo, hindi na ako magtataka kung bakit wala. Define businessman.
"Savoring your lunch, guys?" bungad ni Tita Juliet na kumuha ng atensyon ni Demon, at ni Jia.
Nginitian kami ni Jia. Habang si Demon, tumingin lang sa'kin saglit then nag-focus na ulit sa kinakain niya. Sa inasta niya para akong stranger na wala siyang pakialam kung sino man ako.
"Tara, saluhan natin silang dalawa," yaya ni Tita Juliet.
Sinulyapan ko saglit si Demon. Kain siya ng kain pero halata namang nakikinig sa'min. Mukha mo, Demon! As if naman hindi kita kilala. As if hindi ko alam ang mga body language mo.
"Pero kakakain lang po natin kanina sa mall," paalala ko.
"Really?" She acted surprised. "Kumain ba tayo? Di ko alam yun ah. Nagugutom na kasi ako, iha. Tara, kain ka na rin."
Wala na akong nagawa kasi hinila na niya ako. Pinagpilitan pa niya na doon ako uupo sa tabi ni Demon tapos siya daw sa tabi ni Jia. Take note: Inusog pa niya ang upuan, dikit na dikit sa upuan ni Demon bago ako hinawakan sa braso at hinila paupo.
Plug ko lang po yung story kong "Breaking The Last Rule". Pag may time po kayo, you can check it out po. Thank you :)