webnovel

Chapter 15

"Okay ka lang ba?" Narinig kong tawag sa akin ni Jimmy. Hindi ko ito sinagot at pinagpatuloy ang pagtingin sa bintana ng kotse. Naramdaman kong hinawakan at pinisil nito ang kamay ko na naging dahilan kung bakit ako napatingin rito.

"Okay ka lang ba, Baby?" Tanong nitong muli.

"Hindi ko alam. Ang bigat ng pakiramdam ko." Sagot ko rito habang ibinalik ko ang tingin ko sa bintana. Narinig ko ang buntung-hininga nito. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo." Narinig kong sabi nito pagkalipas ng ilang sandali.

"I hurt him, Jimmy. I didn't know that he has feelings for me... I thought..." my words hang in the air because I felt that he squeezed my hand once more.

"Hindi ko siya masisisi kung bakit minahal ka niya. You are lovable. You are worthy to be loved. Can't you see that?"

Napabuntung-hininga ako."You think okay lang siya ngayon?"

"Don't worry about him. Kanina nung nag-away kami, alam kong hindi siya langong-lango. He's sober."

"Okay, that's a relief then."

"Kaya nga 'wag ka ng mag-alala, okay? Kapag okay na siya kakausapin natin siya. Saka papasalamatan ko siya kasi habang wala ako ay nandiyan siya. Inalagaan ka niya for me. I owe that man a lot."

Napanatag ako kahit paano dahil alam kong hindi galit si Jimmy kay Bernard. Kung sa ibang lalaki kasi iyon ay baka pagbawalan na akong makipaglapit pa sa bestfriend ko.

"Thank you, Baby." I said with conviction to each words.

"For what?" Tanong nito.

"For being so ... understanding. For understang his feelings. Basta, salamat."

Ngumiti ito. "Wala yun. Saka I don't want to burden you more." Muli nitong hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa manibela. "Remember this: Now that I'm already with you, I will always be here for you. I will make you happy when you are sad. I will change the bitterness I gave you into sweet moments. I will always remind you that you are worthy to be loved. That you are special. That I love you, Jonnie."

His words strucked me. He loves me that much? Hindi ko namalayang may mga luha ng pumatak sa pisngi ko. I tried my best para hindi makagawa ng ingay pero I failed. He is looking at me right now, with a confused and concerned look at his face.

"Fuck." Narinig kong sabi nito. Binagalan nito ang kotse at itinabi ito sa isang bahagi ng kalsada.

"Jonnie..." tawag nito sa akin. "Look at me." Sabi nito sabay hinawakan ang mukha ko at pinatingin rito. Lalo tuloy akong naiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.

"I- I am starting to be afraid, Jimmy..." sabi ko habang pautal-utal at sumisigok sigok.

"Afraid of what?"

"This. This feeling. It makes me afraid. Natatakot akong baka masanay ako sa ganito tapos bigla ka na lang ulit aalis tapos- tapos ..."

"Ssssh ... I will never leave you again, mostly ang saktan ka pa. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa'yo noon and swear to God, I will never do that again. 'Wag ka na umiyak, okay?"

Tumango-tango ako habang pinipilit ang sarili kong pigilan ang mga luha ko. Heck does love making me weak? Hindi ako ganito. Hindi ako palaiyak pero dahil lang sa sinabi nito, eto ako ngayon, crying to my heart's content.

"Thank you, Jimmy. As in thank you."

"You're welcome. Pero mas masarap sana kung may kiss ako. So now, where's my kiss?"

"Here." And I kiss him wholeheartedly.

-------

Three days after na mula nang nangyari iyong sa bar at tatlong araw na ring hindi nagpapakita sa akin si Bernard.

Nakakaguilty sa part ko dahil tingin ko, ako ang dahilan kung bakit wala ito ngayon sa school.

"Miss Jonnie, pinapatawag po kayo ni Ma'am Sanchez." Tawag sa akin ng isa kong ka co-teacher.

"Ah okay. Salamat, Ma'am." Sagot ko rito at hinanda ang sarili ko kung anupaman ang sasabihin ni Ma'am Sanchez. Naglakad na ako papunta sa Principal's office at naabutan kong nandun si Ma'am at si Bernard.

"Ms. Jonnie, come in."

Sinunod ko ang sinabi nito ngunit nakatutok ang mga mata ko kay Bernard. He looks so...dark. Nakayuko ito at di tumitingin sa akin.

"Yes po, Ma'am. Bakit po?"

"Ms. Jonnie, can you convince this man here to change his mind?"

Napamaang ako. Change his mind? Saan?

"Saan po Ma'am?" Tanong ko.

"Mr. Bernard told me that he is going to resign."

"Resign po? B-e-ernard?" Sabi ko sabay tingin kay Bernard. Nakayuko pa rin ito at hindi pa rin umiimik.

Bumuntung-hininga ako. "Ma'am, okay lang po bang mag-usap po kaming dalawa na kami lang po? I'll try my best to convince him."

Tumango ito at lumabas ng opisina nito.

"Okay," sabi ko. "Care to tell me why you're going to resign?"

Hindi pa rin ito sumasagot, ni hindi ito nagtaas ng tingin. "Naiinis na ako, Bernardo. Baka gusto mo akong sagutin."

"Ano ba ang dapat kong sabihin?" Mahina nitong tanong.

"Bakit? Bakit ka ... aalis?"

"Wala lang."

"Wala lang? Seriously, iyan ang isasagot mo sa akin?"

"Ano ba ang gusto mong sabihin ko? Na aalis ako dahil di ko gustong makita ang mukha mo? Na kahit likod mo pa lang kilala ko na? Na aalis ako kasi sobrang tindi ng nararamdaman ko sa'yo? Na aalis ako dahil mahal na mahal kita?! Sige. Oo, ikaw ang dahilan kung bakit ako magreresign. Masaya ka na?"

"Alam mong hindi ako masaya na maging ganito tayo, Bern.."

"Alam ko. Hindi naman kita sinisisi e. Hindi kita sinisisi na hindi ako ang mahal mo. Hindi kita sinisisi na ako lang ang nagmamahal. Ang hiling ko lang, hayaan mo akong makaabante mula sayo. Hayaan mo akong mapag-isa."

And with that, he left me. Dumbfounded. Tear-stricken. Feeling guilty.

Chương tiếp theo