webnovel

Chapter 16

Two months after...

"Baby.. " tawag ko kay Jimmy. Kasalukuyan kaming nasa restaurant na naging favorite place na namin. Second monthsary na rin namin ngayon and hindi ako makapaniwala na nakakadalawang buwan na kami. Hihi.

"Yes, Baby?"

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko rito habang nakatutok ang pansin ko sa menu.

Lumapit ito sa akin at binulungan ako."May gusto sana ako kaso alam kong di pa pwede e." Tumayo ang balahibo ko. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa ginigising nitong bagong damdamin sa akin.

Humarap ako rito. "Alam mo 'by, ang landi landi mo. Alam mo yun?"

Narinig kong nag chuckle ito. "Alam ko. Pero kahit malandi ako, loyal naman ako sa babaeng mahal ko."

Natameme ako. Ano pa bang sasabihin ko? Wala na, finish na. Hahahaha!

"Oo na, loyal ka na." Hinawakan ko ang mukha nito at tinitigan ito sa mata. "Kaya nga nagpapasalamat ako kasi bumalik ka. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit binasted mo ko noon, ang mahalaga nandito ka na. Anyway, ano nga gusto mong kainin?"

Tumawa ito. "Ano ba yan, minsan mo na lang ako ganyanin sinira mo pa. Touch na touch na ako e! Hahaha! Steak na lang siguro... Basta bahala ka na, kung ano gusto mo, gusto ko na rin."

Binuksan ko ulit ang menu at tinignan ang pwedeng orderin. "Sabi mo yan ha, kahit ano."

"Yes po, Boss!"

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang order naming rib eye steak pati na rin red wine. Kulang na lang ay maglaway ako sa nakikita ko, pati na rin ata tiyan ko naglalaway na rin sa sobrang gutom. Naglagay naman si Jimmy ng wine sa aming mga baso at we toast for our second monthsary.

"For two months of love and more to come?"

"More to come!"

Nag cheers kami at sabay naming ininom ang wines namin. Magsisimula na sana akong kumain ng makita ko ang isang taong dalawang buwan ko ng hindi nakikita.

Si Bernard.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at napadako ang mga mata ko sa katabi nito. Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae pero ang nakakagulat para sa kanya ay kung sino ito.

Ang babaeng naging dahilan ng pagkawasak din ng puso ko. Mula sa isang nakaraan, heto siya ngayon, nakatingin rin sa akin habang nakataas ang isang gilid ng mga labi nito. Tila nanunukat, tila nang-aasar, ang babaeng dating minahal ng taong mahal na mahal ko: si Elah.

Lumapit ito sa table namin ni Jimmy habang si Bernard naman ay umupo sa katapat na table namin.

"Oh, fancy meeting you two here! Kamusta?" Sabi nito sabay yakap at beso. Una sa akin at sunod naman kay Jimmy. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Jimmy dahil hindi lang simpleng beso ang ibinigay ni Elah dito kundi isang matunog na halik sa mga labi.

Natulala ako sa ginawa nito gayundin si Jimmy samantalang parang balewala lang ang ginawa nito para dito. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis, selos o .. takot.

"Why did you do that?" Gigil na tanong ni Jimmy rito.

"Oooops, I'm sorry! Okay ka lang ba, Jonnie?" Patuloy na sabi nito habang halata sa mukha nito na hindi talaga ito apologetic. "Pasensya ka na talaga ha, old habits are hard to die e. Sige balik na ako sa table namin ha. Nice meeting you again, Jonnie." And with that, she left us two, with a ruined second monthsary.

I have a feeling that my happy times will be over. I need to breathe. I need to get out of here even a second!

Akma akong tatayo ng pinigilan ako ni Jimmy. "Where are you going?"

"Magsi-CR lang ako." Mahina kong sagot rito.

"Are you sure... you are not mad?"

"Why should I? Di mo naman ginusto yung ginawa ng ex mo di ba?"

"Siyempre hindi! Why will I be?"

Habang nag-uusap kaming dalawa ni Jimmy ay napadako ang tingin ko sa table na katabi namin. Doon, matiim na nakatuon lang sa pagkain si Bernard habang si Elah naman ay nakatingin sa amin, rather nakangiti kay Jimmy. Kapal ng mukha! Konting-konti na lang talaga ingungudngod ko na talaga ang mukha ng babaeng ito sa rib eye steak ko e!

Binalingan ko ulit si Jimmy na kitang-kita ang concern sa mukha nito. "Bitawan mo na ako, Jimmy. Don't worry, hindi ako galit. Magsi-CR lang talaga ako." Pagbibigay assurance ko rito kahit pa nga taliwas iyon sa kung ano talaga ang nararamdaman ko. Tumango naman ito at binitawan na ang kamay ko.

Dire-diretso ako sa paglalakad at hindi man lang tinapunan ng tingin ang table nina Elah at Bernard. Bakit pa? Mababadtrip lang ako. Hindi dahil kay Bernard kung hindi dahil sa bruhang Elah na yun.

Buti na lang at walang tao sa CR kaya nakaihi ako agad ngunit laking badtrip ko ng makita ko ang naghihintay sa labas ng cubicle ko. Sino pa ba? Siyempre ang kontrabida sa kuwento naming dalawa ni Jimmy. Dineadma ko lang ito at dumiretso ako sa salamin upang magretouch.

"Well, well, well. It's been years since the last time we saw each other. Kamusta ka naman, Jonnie?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Ayos naman. Masaya. Ikaw, masaya ba?" Sagot ko rito habang nakatingin din sa repleksyon nito. Hah! Akala siguro nito ay uuruan ko ito. Kung nung bata ako ay lumalaban ako sa kanya, ngayon pa kaya na nagkaedad na ako?

Nakita kong tumaas ang kilay nito pero maya maya ay bumaba rin ito.

"Of course masaya ako. E ikaw kaya, hanggang kailan magiging masaya kapag nalaman mo ang totoo kung bakit bumalik si Jimmy rito sa Pilipinas? Akala mo siguro mahal ka niya ano? Gumising ka! Kung binasted ka na niya noon, bakit siya babalik ngayon para sabihing mahal ka niya? Niloloko ka lang niya! Anyway, wala naman sa akin iyon kaso naaawa ako para sa'yo. Ikaw din. Basta huwag mo akong sisihin kapag umiyak ka ulit ha. Sige, alis na ako. Sigurado hinahanap na ako ng ex-bestfriend mo." Mahabang litanya nito sabay tapik sa braso ko.

Naiwan naman ako rito sa CR. Tulala at di alam kung ano ang naganap.

Chương tiếp theo