webnovel

♥ CHAPTER 65 ♥

♡ Syden's POV ♡

Pagkatapos naming mag-usap ni Oliver, iniwanan ko na siya dahil kailangan niya pa raw ng oras para makapagisip-isip. Kaya bumalik na rin ako para makapag-pahinga. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at sumilip ako sa loob. Good thing at wala ang mga ungas na Vipers para asarin ako. Siguradong tulog na sila. Pumasok na ako at dahan-dahang isinara ang pinto.

"Saan ka galing?" laking gulat ko na lang at halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Sigurado akong walang tao kanina pero ano bang meron sa nilalang na 'to at bigla-bigla na lang siyang sumusulpot out of nowhere?

"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong ko habang gulat pa rin.

"Huwag mong ibahan ang usapan, ang sabi mo babalik ka din agad. Ano ng oras?" tumingin ito sa relo niya. At ano naman ngayon kung hindi ako agad bumalik?

"Mahigit isang oras ka ng hindi bumabalik?" sabay tingin niya sa akin. Kailangan ko bang sabihin sa kanya lahat ng gagawin ko?

"Ano naman sayo kung hindi ako bumalik agad tsaka nakabalik naman ako ng maayos ah. Ano bang problema m- " hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita, hinarangan na niya ako.

"Kasi alalang-alala ako sa'yo. Akala ko kung napano ka na!" sigaw niya sa akin kaya natigilan ako at nabigla sa narinig ko. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakapagsalita ulit.

"A-ano naman sayo kung may mangyari sa akin?" -S

Lumapit siya sa akin ng bahagya kaya napaatras ako ng konti habang nakatingin sa kanya, "Gusto ko lang ipaalam sayo, na kung hindi ka nagaalala sa sarili mo. Pwes ako, nagaalala ako para sayo. Ayaw na ayaw ko sa lahat yung pinag-aalala ako so don't do it again"  pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran na niya ako. 'Yon lang ba ang ikinagagalit niya? Tsk!

"Bakit? Sino ka ba para alalahanin ako?" tanong ko kaya natigilan si Dean sa paglalakad, "Hindi naman tayo magkaanu-ano pero bakit nag-aalala ka?"

Mula sa pagkakatalikod ay hinarapan niya ako at nagtama ang mga mata namin, "Hindi nga tayo magkaanu-ano but remember we have a deal. The one who escapes will be killed kaya nga inaalam ko ang bawat kilos mo para maghanap ng rason para hindi kita patayin. Hindi pa man tayo nag-uumpisa, nilalayuan mo na ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natalo" nagtaka ako sa sinabi niya dahil siya ang kaisa isang tao sa eskwelang ito na hindi nagpapatalo. Dahil sa sinabi niya, nabigla ako. Anong ibig niyang sabihin? Nilapitan ko siya na napayuko naman pagkatapos niyang sabihin yon.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong. Wala akong balak na takasan o iwasan siya o baka naman sadyang hindi ko lang talaga napapansin ang sarili ko na palagi ko siyang nilalayuan. Sa ngayon, hindi ko pa lubos na maintindihan ang lahat. Siguro kailangan ko lang talaga ng oras.

"I should have killed you since from the start dahil nilalayuan at tinatakasan mo na ako. But in the end, I couldn't still kill you and it makes me feel like I am the loser in our game because I've broken my own rule" sambit nito habang nakayuko pa rin.

"Hindi pa naman nag-uumpisa bakit nagpatalo ka na?" lalo pa akong lumapit sa kanya at natitigan ko siya ng husto.

At dahil sa ginawa ko, tumingala siya at nagtama nanaman ang mga mata namin, "Kase kahit ilang beses mo akong layuan at takasan, hindi ko magawang patayin ka" sagot nito.

"Bakit nagpatalo ka na? Hindi ba marunong kang lumaban? Then fight" -S

"I admit that I am a loser and it's all because of you" -D

Is this a new prediction Dean? Sa sinabi niyang iyon, kinabahan na ako na parang isang babala na may mangyayaring hindi maganda sa kanya ng dahil sa akin. 

"You know what, nakakatakot ka pero ayaw na ayaw kong naririnig mula sayo na sinasabi mong talunan ka dahil lang sa akin. Kung ang paglayo at pagtakas ko ang magpapatalo sa'yo, then I promise, I will stay beside you. I won't leave unless you want to get rid of me, doon lang kita lalayuan" -S

"Ikaw lang naman ang pilit na lumalayo sa akin"

"Kung mangyari ulit na layuan kita, kunin mo ako pabalik, at sinisigurado kong babalik at babalikan kita" -S

Finally he smirked at hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya lalo na't lalo itong lumapit sa akin. Sapat na para magtapat ng husto ang mukha namin, "Layuan mo man ako, pero sinisigurado kong sa huli....sa akin pa rin ang bagsak mo. What I want, is what I get. At sa lahat ng yon, ikaw ang pinakamahirap abutin"

Hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahan niya akong itiningala kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-freeze ang katawan ko noong mga oras na iyon at sobrang bilis ng tibok ng puso ko, "Sana noon pa lang nandito ka na. Sana ikaw na lang" sambit nito habang nakatitig sa akin.

"Kung ganon lang sana kadali ang lahat...sana ikaw na lang din" sambit ko pero bigla kong naalala ang nakaraan kaya kahit masakit, tinanggal ko ang kamay niya at pumasok sa kwarto ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit!

And I did it again, I left him.

Alam kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya, isa na siguro sa dahilan kaya nilalayuan ko siya. I don't want to fall for him deeper. Dahil hindi pwede. Pasensya na. Kung lagi kitang iniiwan, my devil.

How I wish na sana siya na lang.

Sana ikaw na lang. 

............................................................

Raven's POV

Nakaupo ako ngayon sa labas ng tirahan namin. Kung dati, isa lang itong tambayan para sa amin, ngayon isa na itong tahanan at tirahan sa paningin namin. Marami-rami na rin ang nangyari at alam namin na mas marami at mas delikado pa ang mga susunod na mangyayari. Hindi rin namin alam kung anong binabalak ng mga estudyante dahil sadyang napakatahimik ng campus ngayon kaya siguradong may pinaplano silang hindi maganda. 

Kasalukuyan akong nakatitig sa kalangitan at parang tanga na nakatingin sa kawalan. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ko sa buhay ko sa mga oras na ito lalo na't hindi ko naman maramdaman ang antok kahit pagod ako. Mahigit tatlong oras na rin akong nakaupo rito at tinignan ko ang orasan ko. 3 am na at wala pa ring pinagbago, hindi ko talaga maramdaman ang antok. Napailing na lang ako at muling tumingin sa kalangitan. Pero naisipan kong bumalik na lang sa kwarto namin dahil nakakainip rin namang mag-isa dito sa labas. 

Bago pa man ako makalagpas sa kwarto ni Syden ay nakita ko na ang kapatid ko na lumabas ng kwarto niya. Mukhang kakagising niya pa lang mula sa mahimbing na pagkakatulog kaya nilapitan ko siya at napansin naman niya ako, "Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" bungad nito sa akin.

Napangiti na lang ako bago siya sinagot, "I'm not sleepy. How about you?" 

Kinusot-kusot pa nito ang mga mata niya habang nagsasalita, "I was supposed to have a good rest but then, I had a bad dream" sagot nito sa akin.

"Then, could you tell me about that bad dream?" tanong ko sa kanya. Ngunit imbis na sagutin niya ang tanong ko ay nilagpasan niya lang ako kaya pinigilan ko siya at iniharap siya sa akin. I know if there's problem or not. 

Sandali siyang napatitig sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti. There's really something wrong here, "It was really a bad, bad...dream, about Heaven" pagkabanggit niya pa lang sa pangalan na 'yon, hindi na ako kaagad na nakakibo at unti-unti kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Akala ko nung last time na napanaginipan ko siya iyon na ang pinakahuli. Pero hindi pala. He bid his last farewell to me and he was so happy" pagkasabi niya pa lang sa word na happy, nagtaka na ako.

"Happy?" -R

"Oo. Masaya siya sa kalagayan natin ngayon kaya hindi niya na daw tayo kailangang bantayan but you know what? Our little brother was so happy...pero ako, hindi"

"W-what do you mean?" nakita ko ng maayos ang mga mata ni Syden at alam kong naluluha siya.

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Ako ang dahilan kaya nawala siya. Kung hindi dahil sa akin, buhay pa sana siya ngayon at nabubuhay ng masaya" mula doon ay nakita ko na ang luha niya na matagal na niyang kinikimkim dahil sa sobrang pagsisisi. Kung sinisisi niya ang sarili niya, mas sinisisi ko ang sarili ko dahil wala akong nagawa.

Hinila ko siya at nagmadali ako para pumunta sa kalagitnaan ng Viper's house, ang pinakamaluwang na parte. Binitawan ko ang kamay niya at hinarapan ko siya, "A-anong gagawin natin dito Raven?" tanong niya ng may pagtataka. 

Inikot ko muna ang tingin ko sa buong lugar bago ko siya tinignan ulit, "Let's end this here" sambit ko.

"Ha? Hindi kita maintindihan"sagot niya sa akin ng may pagtataka.

"Hindi ba kakasabi mo pa lang na masaya tayong iniwan ni Heaven? Ibig sabihin kailangan na nating kalimutan ang lahat dahil wala tayong mapapala kung palagi na lang nating sisisihin ang sarili natin. Let's fight" sambit ko sa kanya. This is the only way to burst out the pain. 

Napakunot ang noo niyang nakatingin sa akin, "Are you sure?" 

"Sa labang ito, dito natin ilabas lahat ng sama ng loob at pagsisisi natin dahil sa nangyari noon. At pagkatapos nito, kalimutan na natin lahat at harapin ang hinaharap. Kung nagsisisi ka Sy, mas nagsisisi ako at ayaw ko ng mangyari ulit iyon, kaya nga nagpalakas ako dba? Nawalan na ako ng bunsong kapatid, at hindi ko hahayaang mawalan pa ulit" pagkatapos kong sabihin iyon, inayos ko na ang sarili ko para labanan ang kapatid ko at ganoon din naman ang ginawa niya.

Hanggang sa nag-umpisa na ang laban.

Dinig na dinig sa buong lugar ang ingay ng bawat pagsipa namin. Pareho kaming tumitira at pareho rin kaming nakakailag kaya walang nasasaktan. Hindi man kami nasasaktan physically, but emotionally daan-daang milyong kutsilyo na ang sumasaksak sa amin. 

..............................................

Mr. and Mrs. Fuentes were known as big investors of certain companies and other businesses in the country. Once they had a very trusted business partner, hindi lang kaibigan ang turing nila sa lalaking ito ngunit parang pamilya na rin nila. Just because of these businesses, nawalan na rin sila ng oras sa aming tatlo, Heaven was the youngest. 7 years old pa lang kami ni Syden noon while Heaven was just a 4 year-old innocent kid. Sa aming tatlo, si Heaven ang pinakapaborito ngunit hindi iyon naging dahilan para pagselosan namin siya. Mahal na mahal namin siya at ganoon din siya sa amin ni Syden. Pero sa aming kambal, si Syden ang paborito ni Heaven dahil lagi nitong pinagtatanggol si Heaven sa tuwing may kaaway ito. Nangulila kami sa pagmamahal at oras ng magulang namin dahil mas itinuring pa nilang anak ang business kaysa sa amin. Kung uuwi man sila, palaging may pasalubong si Heaven pero hindi na lang namin pinansin ni Syden iyon. Kahit kami na lang tatlo ang natitira sa mansyon namin, mas pinili naming maging masaya na lang sa pamamagitan ng paglalaro at kung anu-ano pang mga bagay. 

Pero isang araw, bigla na lang nabulabog ang tahimik na mansyon ng biglang umuwi ang mga magulang namin kaya nagtaka kaming tatlo sa biglaan nilang pagdating. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa pintuan, nagsisigawan na sila at tinatawag ang pangalan naming tatlo kaya nagmadali kaming lapitan sila para alamin kung ano ang nangyayari. Pagkalapit namin sa kanila ay nakita na lang namin ang mga katulong sa bahay na may bitbit na maleta at natukoy naming gamit namin ang nakaimpake. Itatanong sana namin kung ano bang nangyayari ngunit pinagmadali kami para pumasok na sa kotse kaya wala kaming nagawa kundi sumunod na lang dahil halatang nagmamadali talaga sila Mom at Dad para makaalis na kami.

Pagkaandar ng kotse, napansin naming tumitingin sa paligid sina Mom at Dad na parang may pinagtataguan. Tinanong sila ni Syden kung saan kami pupunta ngunit ang tanging sagot lang nila ay, "Sa malayo" kaya hindi na lang kami kumibo hanggang sa tumigil na ang sasakyan at bumaba na kami. Nakita naming nasa airport na lang kami at nagmamadali talaga sila Mom at Dad para makaalis na kami. Pagkababa palang ng mga gamit namin mula sa sasakyan ay pinapasok na kami agad sa loob. Ngunit may napansin kaming bag na hindi matanggal ni Dad sa kamay niya, kahit saan kami pumunta, hindi niya ito binibitawan. Bago pa man kami makapasok sa boarding area, may tumawag kay Mom sa cellphone niya kaya natigilan kami. Bago niya sinagot ang phone niya ay sinabihan niya kami na huwag daw aalis. Tinalikuran niya kami dahil sa kausap niya sa cellhphone niya at nilapitan naman siya ni Dad. 

Habang busy sila sa pakikipag-usap sa cellphone, nakakita si Heaven ng ice cream store at dahil paborito niya ito, kinulit niya kami upang samahan namin siya doon.

"Sige na ate Sy" pagmamakaawa nito.

"Hindi pwede Heaven, narinig mo naman si Mommy dba? Huwag raw tayong aalis dito" sagot naman ni Sy. 

"But ate I'm hungry and matagal na akong hindi nakakain ng ice cream dahil nasa mansyon lang tayo buong araw" pangungulit niya habang nakahawak pa rin sa braso ni Sy.

"Hindi nga tayo pwedeng umalis dito" 

Sinimangutan niya si Sy at ako naman ang kinulit, "Kuya Sean, sige na" tinignan ko lang siya bago ako napatingin kay Syden na halatang gustong pagbigyan ang kapatid namin. 

"Samahan niyo na lang ako ate Sy, kuya Sean" pangungulit niya.

"Fine" sagot ni Syden kaya napatingin ako sa kanya. 

Aaminin kong napakatahimik kong tao kaya sunud-sunuran lang ako kay Syden dahil siya ang pinakamalakas ang loob sa aming tatlo. 

"Yeheeyyyy! Thank you ATE!" sabay yakap niya kay Syden. 

Sinamahan na namin si Heaven doon sa may ice cream shop ng hindi nalalaman ng parents namin dahil busy pa rin sila sa taong kausap nila sa cellphone. Nasa harapan namin siya at medyo malayo ang distansya namin sa kanya pero sinigurado naming nakatingin kami sa kanya dahil nasa likuran kami. Habang naglalakad kami papunta sa shop na iyon, tuwang-tuwa si Heaven kaya napangiti rin kami ni Syden. 

Pero habang naglalakad kami, bigla siyang nawala sa paningin namin kaya agad naming inikot ang paningin namin. Pagkatingin ko sa kabilang side, nakita kong may humahawak sa kanyang mga grupo ng lalaking naka-itim at wala siyang malay. Kaya tinawag ko si Syden at hinabol namin sila. Hindi rin namin nagawang makapagsumbong sa parents namin dahil medyo malayo na kami at siguradong mawawala na sa paningin namin ang mga dumukot kay Heaven kaya mas pinili naming sundan na lang ang mga lalaking dumukot sa kapatid namin. Dahil sa paghabol namin sa kanila, napunta kami sa may parking lot at biglang may humila sa amin at tinakpan ang bibig namin hanggang sa manghina kami. 

Nagising na lang kaming tatlo sa isang madilim na kwarto at nakatali. Biglang may pumasok na mga lalaki at nakatakip ang mukha nila. Ang nasa pinakagitna nila ang may pinaka-kakaibang aura at nakakatakot siya. Bigla siyang may kinuhang cellphone sa bulsa niya at may tinawagan siya. Nang banggitin niya ang pangalan ng tinawagan niya,  nabigla kami ng banggitin niya ang pangalan ni Mommy. 

"Bring me the money Mrs. Fuentes kung gusto mo pang makitang buhay ang mga anak mo. No more, no less. 30 billion" nabigla kaming tatlo ng marinig ang halagang binanggit niya. 

Pagkatapos niyang ibaba ang cellphone niya, tinignan niya kami ng masama at kinausap niya ang iba pa niyang kasama na naka-itim. Habang nag-uusap sila, nag-usap rin kaming tatlo ng patago. 

That 30 billion, sa pagkakaalam namin, iyon ang halaga na naipon ng parents namin para sa pamilya. They made sacrifices para maipon ang perang 'yon. At mapupunta lang iyon sa wala kung basta-basta na lang ibibigay iyon ng parents namin sa mga lalaking ito. Dahil bata pa kami noon, basta-basta na lang kaming nagdesisyon. 

Nakinig kami sa plano ni Syden at sinabi kong sasama ako sa kanya para lituhin ang mga nangidnap sa amin. Habang nililito namin ay tatakas naman si Heaven para humingi ng tulong at kailangan naming magsakripisyo para sa kanya. Para makaligtas siya. Habang busy sa pag-uusap ang mga kumuha sa amin ay natanggal din ni Syden  ang pagkakatali sa kamay niya kaya patago niya kaming pinakawalan ngunit hindi kami nagpahalata. 

Ng harapan na kami ng lalaki nakaitim, tumakbo kami ng mabilis ni Syden at naghiwalay kami ng direksyon. Habang hinahabol kami, tumakbo naman si Heaven palayo para makatakas. 

.......................

Author's POV

Ng malaman nilang nakatakas na si Heaven ay nagpahuli na ang kambal dahil alam naman nila na wala ng daan na malulusutan para makatakas pa sila. Ng dahil sa sobrang galit ay binaril sila sa binti kaya napasigaw sila sa sakit. Narinig ito ni Heaven habang tumatakas siya kaya napatigil siya sa pagtakbo. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa ate at kuya niya, hindi niya kinayang iwanan sila kaya nahuli siya. Nagulat ang kambal sa nakita nila na hawak ng leader ng mga nakaitim na lalaki ang kapatid nila. Habang hawak nito si Heaven ay itinutok niya sa kambal ang baril niya kaya't kinagat ni Heaven ang kamay nito  na naging dahilan para mabaril siya sa binti kaya't napaluhod na rin ito. 

Tutulungan sana ng kambal ang kanilang kapatid ngunit tinutukan sila ng baril, kaya't nabalutan sila ng takot. May isang lalaking nagtutok ng baril sa ulo ni Raven at isa kay Syden habang ang leader naman ay tinutukan ng baril si Heaven kaya't hindi na nakagalaw pa ang tatlo. 

"Kung marunong kayong maghintay, edi sana maisasalba pa ng magulang niyo ang buhay niyo. Pero nagmamadali kayo, kaya tatapusin ko na ito" sambit ng lalaki. Nang marinig ni Syden iyon, doon na siya nag-umpisang magsisi dahil sa naging plano at desisyon niya na lalong nagpalala sa sitwasyon nilang magkakapatid.

Sa parehong pagkakataon, parehong naisip ni Raven at Syden na humarang upang isalba ang buhay ng kanilang kapatid ngunit hindi na nila ito nagawa dahil nabalutan sila ng takot at huli na ang lahat upang iligtas pa nila si Heaven dahil nabaril na ito sa dibdib. Unti-unti nilang nakita ang pagbagsak nito ng tuluyan sa sahig.

Kaya pa nilang humarang,  ngunit ng dahil sa takot, wala silang nagawa. 

........................................

Syden's POV

Sinubukan kong abutin ang kamay niya kahit na hinang-hina na ako dahil nagsisisi ako. Napahiga na rin ako sa sahig dahil sa sobrang pagkahina at napaiyak na ako dahil sa kalagayan ng kapatid ko. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at nakatingin siya sa akin. Kitang-kita ko kung paano niya hinahabol ang hininga niya habang inaabot din ang kamay ko. Kahit anong pilit kong ibukas ang bibig ko, hindi ko magawa. Hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang salitang, "Patawad kapatid ko" dahil bago ko pa man maabot ang kamay niya, nakita ko na lang na hindi na siya gumagalaw at ang pinakamasakit sa lahat, ay namatay siya ng nakabukas ang mata, may luha habang nakatingin sa akin. 

To be continued...

Chương tiếp theo