webnovel

♥ CHAPTER 66 ♥

♡ Syden's POV ♡

Huli na ng malaman namin ang lahat. Ang business partner na pinagkakatiwalaan ng parents namin ay ang lalaking nagpadukot sa aming tatlo at ang walang hiyang bumaril kay Heaven, hindi lang namin siya namukhaan dahil nakatakip ang mga mukha nila noong oras na iyon. Lubos ang galit niya sa pamilya namin at nainggit siya sa milyun-milyong halaga na mayroon kami kaya inakusahan niya ang pamilya namin na nagnakaw ng 30 billion sa account niya kaya nagmadali ang magulang namin na makaalis sa bansang ito at balak nilang isama kami. Sa halip na ipaglaban ang katotohanan, mas pinili ni Mom at Dad na umalis na lang kami at pumunta sa abroad dahil frame-up daw ang lahat at walang magbabago kahit na sabihin nila ang totoo na ipon ng pamilya namin ang perang iyon. Kung pupunta raw kami sa America ay makakalapit kami sa mga kamag-anak namin upang mapabilis ang paghahanap ng ebidensya na frame-up ang lahat para makasuhan kami ng pagnanakaw. 

Iyon ang araw na aalis dapat kami pero dahil sa katangahan ko, pinayagan ko ang kapatid ko at doon na nag-umpisa ang kalbaryo ko. Dahil sa nangyari, nakulong ang lalaking pumatay kay Heaven at kami ang sinisi ng mga magulang namin sa pagkamatay niya dahil siya ang paborito nila. Simula noon ay palagi silang galit sa amin ni Raven dahil sa nangyari kaya wala kaming ginawa at tinanggap ko na lang ang totoo na kasalanan ko naman talaga ang lahat. 

..........................................................................

Dahil sa mga alaalang iyon, hindi na namin napansin ni Raven na ang tagal na pala naming naglalaban at sobrang pagod na kami pero dahil sa nangyari, hindi naging sagabal ang pagod para itigil ang laban. Pagkatapos ng labang ito, papakawalan ko na ang kapatid ko at tatanggapin ko na ang lahat. 

"Sy..." habang naririnig ko ang pangalan ko mas naaalala ko ang katangahan ko kaya mas inilabas ko pa ang sama ng loob ko.

"Syden, stop" narinig ko si Raven pero hindi non nabago ang nasa isip ko at patuloy pa rin ako sa paglaban sa kanya.

"I said stop!" kahit na ilang beses niya akong tawagin, wala akong maramdaman. Pakiramdam ko gusto kong patayin ang sarili ko.

Dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko napansin na si Dave na pala ang kalaban ko pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako tumitigil sa pakikipaglaban. Hindi ko maramdaman ang pagod kahit na sobrang pawis na ako. 

"Syden, calm down!" sigaw ni Dave habang kinakalaban ako pero wala pa ring talab sa akin 'yon. Mas lalo ko pa siyang kinalaban sa ginawa niya. 

Hanggang sa isa-isa ko na lang namukhaan ang mga nakakalaban ko...

Dave....

Dustin....

Nash.....

Nang makalaban ko si Nash, mas lalo kong inilabas ang lahat ng sama ng loob ko kaya kahit ilang beses nilang tawagin ang pangalan ko, walang talab at parang hindi ko na makontrol ang sarili ko. Dahil doon, sabay-sabay nila akong nilusob at inatake pero wala akong naramdaman na kahit na anong sakit kaya ginawa ko rin sa kanila ang ginawa  nila sa akin. Finally, napatumba ko sila sa sahig pero hindi ko sila nasugatan at bigla akong may nakapa na kutsilyo sa bulsa ko kaya't kinuha ko ito agad at nandilim ang paningin ko. 

Gusto kong matapos na ang paghihirap ko. Dahil sa kamalasan na nangyayari sa buhay ko, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, gusto ko ng manaksak ng tao at tuluyan akong nawalan ng kontrol sa sarili ko. Nilapitan ko si Raven at bigla kong itinaas ang hawak kong kutsilyo ng hindi ko nalalaman. Akmang papunta sa kanya ang direksyon ng kamay ko ay may humawak dito. Hindi ko matukoy kung sino siya pero kinalaban ko siya. Pero bago ko pa man siya atakihin ay hinigpitan na nito ang pagkakahawak sa kamay ko kaya nasaktan ako at nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko. Nang marinig ko ang pagbagsak ng kutsilyo sa sahig ay tila bumalik ako sa dati at nakontrol ko na ang sarili ko lalo na ng makita ko kung sino ang humahawak sa kamay ko.

"What do you think you're doing?" tanong nito sa akin na parang hindi makapaniwala sa ginagawa ko. Kahit ako, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa iyon.

Naluha ako at napatingin sa paligid ko, nakita ko ang buong members ng Black Vipers' na parang hindi sila makapaniwala habang nakatingin sa akin, "I-i'm sorry" halos mawalan na ako ng boses dahil ngayon ko lang na-realize ang nangyari at muntik ko pang masaksak ang kakambal ko.

"Sy, matutuwa lang ako kapag tama ang sagot mo sa itatanong ko" sambit ni Raven. Inayos nito ang tayo niya at tinignan ko siya ng maayos at naramdam ko rin na unti-unti ng binitawan ni Carson ang kamay ko.

"Masakit pa ba?" tanong niya. 

Napapikit na lang ako at alam kong ito na ang huling luha ko para sa kapatid ko. Napangiti ako ng bahagya bago ko sinagot ang tanong ni Raven, "Naaalala ko pa. Pero hindi na masakit...dahil tanggap ko na" pagkasabi ko noon ay binuksan ko na ang mga mata ko at ang gaan sa pakiramdam.

Nakita kong napangiti din si Raven pero hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad dahil sa nangyari kanina, "A-alam kong hindi pwede ang word na sorry dahil sa nagawa ko, pero gustung-gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko sinasadya ang lahat" sabay tingin ko sa kanila isa-isa.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Dave kaya napatingin ako sa kanya, "Tingin mo ba ng dahil lang doon, magagalit kami? We're not like those people out there. We know how to value friendship. Yes we're Vipers but we are not traitors like snakes. Naiintindihan ka namin Syden. Kung iyon lang ang paraan para mawala ang paghihirap mo, we're glad na kinalaban mo kami" pahayag nito sa akin sabay ngiti kaya napangiti na rin ako ng bahagya. I didn't expect na ganon ang sasabihin nila after all what I've done. 

"Nabigla lang talaga kami dahil sa way na kalabanin mo kami. The result is good but what's not good there is the way na hindi mo nakontrol ang sarili mong emosyon, muntik mo ng mapatay ang kakambal mo" sambit ni Dustin kaya nawala ang ngiti ko at napatingin kay Raven.

"I'm sorry" mahina kong sabi.

"Muntik mo nga akong mapatay but I know na hindi mo pa rin itutuloy iyon sa bandang huli. It's alright, buhay pa naman ako dba?" sabay ngiti nito sa akin kaya ganoon rin ang ginawa ko. Kahit nakagawa ako ng hindi maganda sa kanila, they still accepted me. This is the group that I want to protect for the rest of my life at kaya kong tanggapin sila kahit na ano pa sila dahil tinanggap rin nila ako kung sino talaga ako.

"Thank you Vipers. Ngayon alam ko na kung sino ang dapat katakutan" sagot ko sa kanila at naging seryoso ako kaya nagtaka sila.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Nash. Lahat sila, nagtaka sa sinabi ko. Tinignan ko muna sila isa-isa bago ko sinagot ang tanong nila.

"The students. Kung dati natatakot ako sa inyo, ngayon mas natatakot ako sa kanila dahil anytime pwede nila akong saksakin ng hindi ko nalalaman. Right now, mas mapagkakatiwalaan ko kayo kaysa sa kanila" pahayag ko. 

"There you said it" sagot ni Dave kaya napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. 

"Ha?" 

"We..." habang nagsasalita si Dave ay ngumisi siya at isa-isa silang nagtinginan kaya mas lalo pa akong nagtaka. May balak nanaman ata silang asarin ako?

"...could take orders from you. If you want something, we can give it to you right away" sagot niya.

"Dave, I don't get it. Take orders from me? Bakit? I'm not even your leader" tanong ko naman. 

"That's it Syden!" harang naman ni Dustin kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko. Bakit ba sila lang ang nakakaindtindi sa sinasabi nila?

"That's it! You are not the leader but the leader commands us to" sabay tingin nila sa leader nila.

"What?" parang unti-unti ng nagsisink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi nila kaya dahan-dahan akong tumingin sa harapan ko at nakita ko nanaman siya, Dean Carson. TSK! Nginitian niya lang ako, isang mapanlokong ngiti pero hindi ko na lang pinansin 'yon dahil  naghihintay ako para magsalita siya.

"I think dapat kayong dalawa ang mag-usap so we better go" sambit ni Dave kaya sumunod na rin sila sa kanya pati na si Raven na nginitian lang ako.

"Syden" tawag naman ni Nash kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo ba kung bakit hindi kami nakagalaw kanina ng aktong sasaksakin mo ang kakambal mo?" dahil sa tanong niya nagtaka nanaman ako. 

"Because we were all shocked. That was the most dangerous fight we had at hindi kami makapaniwalang kaya mo na pala kaming tapatan. Keep it up but be sure to control your emotions because losing it might make you a killer" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya at naiwan nanaman kaming dalawa ng nilalang na 'to. Bakit ba lagi na lang kaming iniiwanan?

Finally, hinarapan ko na siya at tinignan ng  masama, "Explain that to me" sambit ko sa kanya dahil mukhang wala naman siyang balak na magsalita.

Napayuko siya at nagbuntong hininga bago ako ulit tinignan, "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, I know what you're talking about, but why do I need to explain it kung ayaw mo naman akong kasama?" tanong nito kaya nagsalubong ang mga kilay ko. 

"And what do you mean by that?" tanong ko.

"Isn't it nilalayuan mo ako? Bakit hindi ka pa umalis at umiwas ngayon? Kung ayaw mo sa akin, you don't need to pretend. You may leave now" hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa sinabi niya. Nasaktan ako para sa kanya at nasaktan ako para sa sarili ko. Ganon na ba ang pananaw niya sa kinikilos ko?

"It looks like ako pa ata ang kailangang mag-explain. Fine. First of all, hindi kita iniiwasan or  nilalayuan at wala akong balak na gawin 'yon, hindi ko alam kung bakit sa tuwing magkasama tayo laging may tumutulak sa akin papunta sa ibang direksyon but I swear, I'm not avoiding you. Second, I'm not pretending. I'm here to ask you why do you need to command your members to take orders from me when in fact wala naman talaga akong posisyon sa grupo niyo?" sapat na siguro yon para mag-iba ang pananaw niya sa akin. TSK! Why do I need to explain this?

Humakbang siya ng isang step papunta sa akin pero hindi ako gumalaw at tinignan ko lang siya, "Simple lang. Because we want you to feel our presence in times of trouble. Kung gusto mong gumanti o lumaban, just call my members. Right away, kaya ka nilang tulungan. That's how we value friendship. Remember, we're Vipers but we are not traitors like snakes" pahayag niya sa akin kaya hindi ako agad na nakakibo. I don't know how to repay them but I will find a way to protect them, especially this person infront of me who's currently changing my life without me even realizing it. 

"Iyan lang ba talaga ang rason kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" tanong ko.

"For now oo. Pero malay mo, pagdating ng araw, iba pala ang rason ko kung bakit ko ginagawa 'to para sa'yo. When that time comes, you should know it kahit hindi ko sabihin sa'yo because I know it's becoming deeper" 

Hindii ko alam pero parang may something sa word na 'becoming deeper' na parang kahit ako nafifeel ko iyon pero hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.

"Susubukan kong intindihin at alamin" sagot ko sa kanya. Ewan ko, pero sa tuwing kausap ko siya feeling ko ang weird ng conversation namin.

Mula sa normal na aura ay lumapit siya sa akin at naging seryoso siya, "Now tell me, bukod sa mga Phantoms meron pa bang nananakit sa'yo?" tanong nito. 

Umiling lang ako bilang sagot pero dinugtungan niya nanaman ito, "Is someone threatening you?" katulad ng kanina ay ganoon rin ang ginawa ko dahil totoo namang medyo tahimik na ang buhay ko sa poder nila. 

"Good" pagkatapos noon, medyo lumayo na siya sa akin.

"Basta kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin. I can give anything to you. And those hands..." sabay tingin niya sa kamay ko kaya napatingin rin ako dito bago ko siya tinignan ulit.

"Should not be tainted with blood" ano bang meron sa lalaking ito at ganito siya ngayon?

"If you want revenge, I can give it to you. Kung may gusto kang puntiryahin, just tell it to me, understand?" dahil doon nagtaka nanaman ako sa sinabi niya. Looks like may deeper meaning ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"What do you mean?"

"It's just simple. Kaya kong dungisan ang kamay ko para lang manatiling malinis ang kamay mo. If you want someone to be killed, don't do it. I'll do it for you" tila namanhid ang katawan ko ng marinig ko ang mga salitang iyon.

To be continued...

Sorry po sa mga typos, errors and other mistakes. 

Thank you for the support!

Chương tiếp theo