webnovel

20

Hindi ko namalayan na lunes na pala at kailangan ko nang pumasok sa eskwela. Sa nangyari noong isang gabi, 'yon nalang parati ang nasa isip ko. Naiisip ko tuloy kung ganito na ba talaga ako ka sama.

Hindi ako lumabas kahapon sa bahay dahil nagsisi pa din ako. Sa sobrang pag-iisip ko—wala na akong ganang kumain at hindi man lang magawang linisin ang sarili ko. Nag-aalala na si lola sa'kin kung napano na 'ko.

Ngayong makikita ko si John—wala na sa isip ko ang bantayan s'ya. Wala na akong pakialam kung bumalik ang trauma n'ya—wala na din akong pakialam kung magalit sa'kin si Kim dahil hindi ko s'ya binantayan. Ang gusto ko lang mangyari ngayong araw na 'to ay iwasan si John. Sa ginawa n'ya kagabi, sino bang gustong humarap sa kan'ya pagkatapos ng nangyari?

Nagpaalam na ako kay lola pagkatapos kong kumain. Nagmamadali ako dahil gusto kong pumasok ng umaga. Baka maabangan ko si John do'n sa campus.

Kaya nang makaposok ako sa eskwelahan ay wala akong lingon-lingon sa paligid. Nang nasa hallway na ako ay itinaas ko ang paningin ko at bahagya akong napatalon dahil sa gulat nang makita ko si John sa gilid ng hallway–nakahilig habang nakapamulsa at nakatingin sa'kin ng matiim. Nagsisimula nang tumibok ang puso ko nang makita kong wala pang masyadong tao at maliban sa'min ni John.

Kailangan kong gumawa ng paraan para maiwasan si John.

Nakayukong dumaan lamang ako sa harapan n'ya at dali daling naglakad pero nagulat ako nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko, pero kinibit ko lang iyon habang nasa paanan parin ang paningin. Hindi parin n'ya binibitawan ang kamay ko kahit ano pang gawin ko—pero hindi din ako tumigil sa pagkalas sa kamay n'ya.

"He–hey, Emy. Wait."

"Bitawan mo 'ko, John.." mahina pero may babalang sabi ko habang nakatungo parin.

Nagulat ako nang may maramdaman akong malambot na bagay na nakalapat sa likod ng kamay ko dahilan para manlambot ang tuhod ko pero nagawa ko parin ang manatiling tumayo at hindi tumingin kay John. "You can't avoid me, Emy."

Doon ako napatingin sa kan'ya at malakas na inagaw kay John ang kamay ko.

"Wala akong pakialam, John. Ayokong makita ang pagmumukha mo ngayon." Sabi ko at tinalikuran s'ya at dali daling naglakad at hindi s'ya pinakinggan kahit ilang beses na n'ya akong tinawag hanggang sa makaabot ako sa classroom namin ay nakita kong dalawa palang na classmate ko ang nrroon pero hindi ko sila pinansin at agad na umupo sa silya ko.

Inisip ko kung mas mabuti kung hindi nalang s'ya bantayan kesa sa magalit at iwan ako ng kaibigan ko.

...

Nag-iisa lang ako sa cafeteria habang kumakain at agad kong namiss si Kim. Namiss ko ang ingay at tawa n'ya sa tuwing magkasama kami. Naisip kong pwede ko naman siguro s'yang tawagan pero baka busy s'ya kaya itinext ko nalang s'ya muna at tinanong kung busy ba s'ya at anong ginagawa n'ya. Nang sinabi n'yang nasa kwarto palang daw s'ya at nakahiga sa kama ay agad ko s'yang tinawagan.

"Hello, Em! Kamusta?"

"Okay lang naman, pero ang tahimik kung wala ka."

"Asus. Miss mo lang ako eh." At bigla s'yang humalakhak.

Tumawa na din ako. "Oo na. Namiss na kita. Ikaw? Kamusta ka na d'yan? Sabihin mo lang kung anong problema mo, handa naman akong makinig."

"W-wala naman akong problema pero thanks, Em."

Ngumiti ako at ilang minuto pa kaming nagkwentuhan nang may grupong mga lalaki ang pumasok. Alam ko kung sino-sino ang mga iyon at isa na doon si John sa alam kong kakilala ko. Ang iba ay ang mga kaklase n'ya na kilala ko din.

Nagtagpo ang paningin namin. Tagos sa kaluluwa ang paraan ng pagkatitig n'ya at malalim iyon, parang may kung anong mensahe ang pinapahiwatig ng mga mata n'ya pero hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon.

"Em? Bes? Nand'yan ka pa ba? Hello..?" Doon lang ako natauhan sa boses ni Kim sa kabilang linya.

"Ha?"

"Nakikinig ka ba?"

"Ah ano nga sinabi mo? May sinabi ka diba?"

"Oo. Ang sabi ko, kamusta ba ang pinapagawa ko sa'yo? Maayos ba?"

Nakita kong may dalawang babaeng lumapit sa kanila at parang mga linta kung makadikit kay John. Inirapan ko nalang ng palihim at sinagot si Kim.

"Maayos naman. Maayos na maayos." Tumatango pa ako at tinitigan si John ng maigi.

Dapat ay babantayan ko s'ya ngayon. Naiintindihan ko din si Kim kung bakit babantayan pa si John dahil marami talagang nagkakandarapa dito.

Nanliit ang mga mata ko ng ngumisi si John sa mga babae at hinayaan lang na hawakan s'ya ng mga ito. Pero nabigla ako nang tumingin s'ya sa gawi ko at napawi ang ngisi sa mga labi n'ya.

"Good. Just don't keep your eyes off him."

Chương tiếp theo