webnovel

21

Nagtataka ako kung bakit wala si Mr. Fortaliza nung sumunod na araw, Hindi naman iyon mahilig umabsent. Siguro may inaasikaso pa iyon. Naghintay lang muna kami sa susunod namin na subject nang bigla akong tinawag ng isang kaklase ko na nasa harapan.

"Hoy, Emilita. Naghahanap sa'yo si John. Gusto ka daw n'yang makausap." Mataray na ani Litley, ang president namin.

"Ah, bakita daw?" Tanong ko habang dali daling nililigpit ang mga gamit ko sa bag.

"Ewan ko." Umirap s'ya sa'kin at ibinaling sa harapan ang tingin.

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko at ibinaon ko nalang ang sarili ko sa mga braso sa upuan. Ilang beses pa akong tinawag ng mga kaklase ko pero hindi ako nakinig.

Ayoko na namang gumawa ng ikakasama ko at ni Kim. Nag-aalala ako sa kan'ya, baka isipin niyamg ginagawa ko ang gusto n'ya pero sa totoo lang ay hindi ko ginagawa. Hanggang sa dumating ang lecture namin ay hindi pa rin ako lumabas.

Hanggang sa matapos ay dali-dali akong nagligpit at halos tumakbo na ako palabas ng classroom at luminga-linga kung nandoon ba si John at nakahinga naman ako ng maluwag at dumiretso sa cafeteria at doon kakain. Pagkatapos kong bumili ng makakain ay hindi pa ako nakakatatlong subo ng may agad nang tumayo sa harapan ko, at nang tumingala ako ay nagulat ako nang makita ko si John na may dalang tray ng pagkain at inilagay iyon sa lamesa ko, nakita kong nakangisi s'ya ng nakakaloko pero agad akong tumikhim at itinuon nalang ang paningin sa pagkain.

Naramdaman kong umupo s'ya sa harapan ko. "You're avoiding me, Emy, I see." Hindi ako sumagot at isang tingin lang ipinukol ko sa kan'ya at agad na bumaling sa pagkain. Hindi ako masyadong makakain ng maayos dahil nararamdaman ko ang mga titig n'ya. "There's something that has changed you a bit."

Bumaba ang paningin ko sa damit na suot ko at agad na namula. Bakit naman ako mamumula?

"My kisses has something to do with you." Ngumisi s'ya at sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Anong kailangan mo?"

"Ikaw." Umiwas ako ng tingin.

"May kasintahan ka."

"But she's not here." Nainis ako sa sagot n'ya. Niloloko lang ba n'ya si Kim?

"Oh, tapos?"

"Emy, you know that I cannot stand with my own." Sambit n'ya at napahinto naman ako sa pag kain.

"Anong hindi mo kaya? John, may kasintahan ka, sa kan'ya ka magpaturo kung paano gawin ang hindi mo kaya. Hindi lahat ng tao ay kaya kang supurtahan. Mawawala din ang mga taong nagsusupurta sa'yo. Kailangan mong matuto dahil hindi lahat sila ay nand'yan para sa'yo. May kasintahan ka, ba't hindi 'yon nagagamit? Pagmamahal lang ba ang kayang ibigay sa'yo ni Kim? Subukan mong magpatulong sa kan'ya. Anong gamit ng apat na taon na 'yan? Nagsasayang lang kayo ng oras, akala ko ba sa kan'ya ka lang natututo sa lahat, eh ba't hindi mo kayang mapag-isa?" Hindi ko alam kung saan ko nahanap ang mga salitang iyon. Kusa nalang iyong lumabas sa mga labi ko.

Parang medyo nainsulto si John sa sinabi ko at agad na nagdilim ang paningin. "Sinasabi mo bang walang kwenta si Kim?"

Tumikhim ako at ako naman ang hindi makasagot. Ilang segundo pa bago ako sumagot. "Huwag mo din sabihing niloloko mo lang si Kim? Kung makapagsabi ka na wala s'ya dito ay dapat ka nang lumandi sa kung sino-sino." Doon ko na nakitang nainsulto na talaga s'ya. Magsasalita na sana ako pero tumayo na ako. "Pasensya na. Mukhang nainsulto yata kita." Sabi ko at kinuha ang bag ko at dali daling lumabas ng cafeteria.

Wala na siguro akong mukhang ihaharap kay John. Sa inasta ko, para akong walang hiya. Ang kapal din ng mukha ko para sumbatan si John ng ganoon.

Chương tiếp theo