Sana pala ay hindi nalang ako nagtanong kung alam ko naman pala na ganito pala kasakit si John magsalita. Ngayon ko lang naman nararamdaman ang magmahal. Minsan lang naman ito, pero bakit sa maling tao pa? Sa isang katulad ko, hindi naman karapat-dapat sa akin ang taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko.
Hindi ko alam kung lahat ba na kapareho ko ay ganito magmahal—na nagmahal ng buo pero hindi pwede—hindi dapat. May tinatawag kasi tayong napagandang pakinggan, pero hindi ko 'yon makuha-kuha. Ayos lang naman sa'kin kung hindi ako minamahal ng mahal ko pero hindi dapat ako sinasaktan ng ganito kasi hindi ko kaya.
"A-ahm.. pwede mo bang ihinto ang sasakyan, saglit lang?" Nahihiyang utos ko kay John. Hindi s'ya kumibo pero sinunod naman n'ya, "bababa nalang ako, mukhang nakakahiya naman kasi sa'yo eh." Sabi ko. Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon ay may halo iyong pait. May nararamdaman akong kunting galit sa puso ko pero hindi dapat umasta ng ganito.
Hahawakan ko na sana ang bukasanan ng pinto nang bigla s'yang nagsalita.
"What? What do you think you're doing? Are you insane?"
Lumaki ang mata ko at agad na napaharap kay John. Para s'yang bata na takot na iwan ng nanay n'ya.
"Kaya ko naman sarili ko. Ilang liko lang naman bago maabot 'yong bahay namin." Sabi ko at bubuksan na sana ang pinto nang bigla na n'ya akong hinawakan sa braso. Mahigpit iyon at nasasaktan na ako. "A-aray..."
Bigla n'ya akong binitawan at nag-iwas ng tingin. Hinihimas ko ang braso ko na hinawakan n'ya ng mahigpit.
"Don't leave me," biglang sambit n'ya.
Napatigil ako at napatingin sa kan'ya. Muli kong nararamdaman ang pagtibok ng puso ko. "Ano?"
"'Wag mo 'kong iwan." Umiiwas parin ang tingin n'ya sa'kin.
Hindi ko alam pero bigla kong nakaramdam ng kasiyahan. Para bang nasisiyahan akoo dahil ako lang at wala ng iba ang gusto n'yang makasama. Para bang pinipili n'ya ako at pinaramdam sa'kin na espesyal ako.
Ngumiti ako. Ito 'yong isang beses na ngumiti ako sa iba ng napakalapad. Sobrang naglalagablab ang puso ko dahil sa kasiyahan. Mahalaga sa'kin ang sabihan ako ng, "'wag ko s'yang iwan" dahil para bang sobra n'ya akong pinagkakatiwalaan. "Marunong ka palang magtagalog? Akala ko habang buhay ka nang englisero." Pang-aasar ko.
Ang kaninang parang nahihiya ay napalitan ng supladong ekspresyon at tiningnan n'ya ako ng gan'on.
Tumikhim ako at muling nagtanong. "Bakit?"
"Tsk. Just don't. I just want to be with you."