webnovel

12

Pagkatapos n'yang sabihin iyon ay umupo ako ng maayos. Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan s'yang ihatid ako sa bahay. Walang nagsalita sa'min, ayoko nang magsalita dahil parati nalang ako nitong inaayawan lalo na sa mga opinion ko.

Hanggang sa madaanan namin ang bahay nila Kim. Nagulat ako nang makita ko si Mr. Fortaliza. Naglalakad s'ya palayo sa bahay nila Kim at nakasalubong namin s'ya pero hindi s'ya tumingin sa diriksyon namin.

Tumingin ako kay John pero nakatuon lamang ang atensyon n'ya sa daan. Napatingin ako sa gilid sa likuran ng medyo malayo na kami sa nilalakaran ni Mr. Fortaliza at sa bahay nila Kim. Bigla akong nagtaka pero hindi ko nalang inisip iyon at agad na inayos ang pagkakaupo ko.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Hindi naman pangmayaman pero hindi masyadong mukhang mahirap ang bahay namin pero puno ng mga antigong.

Akmang lalabas na ako nang bigla na naman n'ya akong hinawakan sa braso. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing humahaplos ang kamay n'ya sa balat ko. Parang may milyon-milyong boltahe ang tumatakbo galing sa kamay nito patungo sa ugat ko. Bigla nalang tumitibok ang puso ko dahilan para mapasinghap ako.

"Oh?"

"You're leaving, right?" Matiim ang pagkakatitig n'ya sa mga mata ko. Hindi ko magawang iiwas iyon dahil parang nakadikit na sa mga tingin n'ya. Biglang tumindig ang balahibo ko at hindi magawang gumalaw.

"Bakit ba?" Biglang tanong ko.

"I can't..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Hindi kita maintindihan. Ano bang ibig mong sabihin?"

"Dito ka lang." May halong awtoridad na sabi n'ya.

"Hindi, John. Kailangan ko nang umalis."Sabi ko.

"No. You're not leaving, okay?" Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko s'ya maintindihan.

"Anong hindi? Hahanapin ako ng lola ko. Mag-aalala 'yon. At saka nandito naman na ako, kailangan ko nang lumabas."

"You're. Not. Leaving." Naweweirduhan na ako sa kan'ya. Ano ba ang nasa isip n'ya at hindi n'ya hahayaang umalis? Parang may timang tsk.

"Pasensya na pero hindi. Hindi ako katulad ng iba." Pagkokompara ko sa iba.

Huminga s'ya nang malalim at ilang segundong pumikit bago tumingin sa'kin. Malalim ang paghinga n'ya at unti-unti nang numumuo ang butil na pawis sa noo n'ya pero nagawa pa din n'yang magsalita. "Fine," sabi n'ya at muling pinaandar ang kotse. "You can leave now."

"Ha?"

Tumingin s'ya ng masama sa'kin. "Leave,"

Inayawan ko lang naman s'ya pero bakit ang lamig na ng tono ng boses n'ya. Nagtataka man sa iniakto n'ya ay lumabas parin ako at dumiretso sa bahay namin. Hindi ko s'ya tiningnan dahil alam ko sa sarili ko na hihinto na naman ako at mas pipiliin na makasama s'ya.