webnovel

Miss me?

"Musta?"

Maiksing text ko kay Martin habang naka higa ako sa kama. Gusto ko sanang magpahinga ng maaga kasi kagabi anong oras ng umuwi si Martin kung di ko pa piningot at pinagbantaan na di ko itetext di pa talaga uuwi. Pero kahit papaano naisip kong kamustahin siya.

Naputol ang pag iisip ko ng tumutunog na yung cellphone ko tumatawag na yung tine text ko.

"Hello!"

"MISS ME?"

Exited na sagot ni Martin sa kabilang line na akala mo ang tagal na naming di nag-uusap.

"Parang di naman kita na-miss!"

Panira ko sa mood niya.

"Eh bakit mo ko tinetext?"

Malungkot niyang sabi.

"Teni-test ko lang yung bagong cellphone na bigay mo kung maganda gamitin, mukang okey naman."

"Hi Sir are you ready to order?"

Narinig kong nagsalita sa linya ni Martin.

"Wait lang Hon ha, tawagan kita ulit!"

"Okey lang! Kung busy ka mamaya na lang uli."

"Open mo yung data mo tawag ako sa messanger mo ha, saglit lang."

Di na ko hinintay ni Martin sumagot ng ibaba na niya yung tawag. Sinunod ko naman yung gusto niya at binuksan ko yung data ng cellphone ko.

Maya-maya tumatawag na siya uli na agad ko naman in-accept.

"Nasa meeting ka pa?"

Agad kong tanong nung kumonekta na yung tawag.

"Di na! Kakain na ko."

"Dinner?"

"Lunch!"

"Lunch eh alas otso na ng gabi ah!"

"Four pa lang dito."

"Huh four hours time difference?"

"Oo"

Matipid na sagot ni Martin sa akin. Maya-maya nakita kong may lumapit na waiter sa kanya at naglapag ng pagkain sa lamesa niya na agad naman niyang pina salamatan.

"Kain ka muna mamaya na lang!"

"Diyan ka lang!"

Sabi ni Martin habang pina tayo yung cellphone niya sa lamesa para kahit kumakain siya ay pwedi parin kami mag-usap.

"Anong oras ka dumating diyan?"

"Twelve tapos diretso na yun meeting."

"Pagkatapos mong kumain may meeting ka uli?"

"Mamaya pang six, may pahinga akong two hours."

"Bilisan mong kumain para makapag pahinga ka pa!"

"Concern ka sa akin?"

"Di naman kaya lang baka kasi di maganda yung kalabasan ng meeting mo. Ang laki ng eye bag mo paano kasi kagabi sabi sayo umuwi ka na ang tigas na ulo mo!"

"Sinusulit ko lang naman na makasama ka kasi nga matagal tayong di magkakasama."

"Sus ang drama alam mo namang may biyahe ka!"

"By the way tapos ka ng mag dinner?"

"Oo tapos na!"

"Anong ginawa mo ngayong araw?"

"Naglaba ako ng mga damit namin. Hapon na nga ako natapos paano kasi tinanghali na ko ng gising may isang tao kasi diyang makulit."

"Dapat kasi kumuha ka na lang ng labandera para di ka mapagod!"

"Naku gastos lang yun!"

"Hon sa susunod kumuha ka na ako na magbabayad!"

"Naku Martin tumigil ka nga nag uumpisina ka nanaman saka di naman ganun kahirap mag laba naka washing naman."

"Sana kahapon ka na lang naglaba para sana natulungan kita!"

"Naku tigilan mo nga ako maghugas nga ng pinggan di ka marunong maglaba pa kaya!"

"Uy marunong ako maghugas ng pinggan noh!"

"Sige nga pag uwi mo maghugas ka nga ng pinggan!"

"Sige akala mo di ko yun kaya! Pati paglalaba kaya ko, lalo na yung panty mo kayang kaya ko yung labhan!"

"Bastos nito mamaya may makarinig sayo! Kakahiya ka!"

"Haha...haha... Don't worry nasa sulok ako walang nakakarinig!"

"Kahit kailan ka talaga!"

"Hon, I miss you!"

Seryosong sabi ni Martin sa akin na may kasamang paglalambing.

"Di kita na miss!"

Irap ko sa kanya.

"Grabe naman samantalang ako gusto ko ng umuwi diyan para maka sama ka na uli tapos ikaw di mo man lang ako na miss."

"Naisip ko nga sana mga one month ka diyan para naman maka recover yung labi ko. Tingnan mo yung ginawa mo!"

Sabay lapit ko sa camera ng labi kong may kagat niya. Gawa niya yun kagabi bago siya tuluyang sumakas sa sasakyan niya.

"Haha...haha nagsugat pala!"

"Tuwang tuwa ka pa akala mo di masakit!"

"Sorry nakaka gigil kasi yang labi mo di ko maiwasan. Yaan mo next time di na yan mauulit. Pag balik ko ganti ka sa akin kagatin mo rin yung labi ko!"

"Kagatin ko itlog mo makita mo!"

Wala sa sarili kong nasabi ng marealize ko biglang nasampal yung bunganga ko. Pero biglang namula yung muka ko ng marinig ko yung sagot ni Martin.

"I will love it!"

Nakagiti niyang reply. Naisubsob ko na lang yung muka ko sa unan ko sa katangahan ko. Pinag hand job na ko ni Martin panu na lang kung ipagawa niya yun sakin OMG mukang binigyan ko pa siya ng idea. Tanga... tanga... tanga! Nasabi ko sa sarili ko.

"Honey!"

Narinig kong tawag ni Martin pero di parin ako nag angat ng muka sa pagkaka subsob sa unan.

"Honey... Don't worry di ko naman yun papagawa sayo ano ka ba!"

Seryosong sabi uli Martin kaya nag angat ako ng tingin para makita yung reaksiyon ng muka niya. Hawak ng dalawang kamay niya yung cellphone niya at naka sandal na siya sa upuan mukang tapos na siyang kumain.

"Tapos ka ng kumain pagbabago ko ng usapan!"

"Oo tapos na waiting na lang ako ng bill ko! Pero naisip ko lang kung gusto mong gawin yung sa akin willing akong magpa ubaya na walang pag aalinlangan!"

"Shameless!"

Sigaw ko sabay end ng video. Kahit kailan talaga! Buti na lang di na uli tumawag naisip kong matulog na rin at may pasok pa nga ng umaga.

Pero maya-maya tumunog yung cellphone ko indicating na may nag text.

"Matulog ka na may pasok ka pa bukas!

Good night! I miss you and i love you!"

Di ko maiwasang mapa ngiti dahil sa text niya.

"Ingat ka diyan, Miss you too!"

Reply ko sa kanya at tuluyan ko ng nilayo yung cellphone sa akin.

Pero maya-maya tumunog itong uli.

"Walang i love you?"

"WALA!"

Bold letter kong sagot sa kanya.

"Pag di ka nagreply ng i love you ipapakagat ko talaga sayo ito!"

"Kapag yan kinagat ko ewan ko na lang kung may susunod pa sa lahi mo!"

"Kung okey lang saya na wala tayong magiging anak walang problema yun sa akin! Kagatin mo hanggang gusto mo magsawa ka!"

"I love you!"

Huling text ko para matapos na sino ba naman gustong kumagat dun. Naiiling kong sabi di ko ma imagine na gagawin ko yun. Sabay patay sa cellphone na binigay niya sa akin para di ko na mabasa yung text niya or kung tatawag man siya di ko na maririnig medyo nahiya rin ako sa text ko di maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko. Habang pinapakalma ko yung puso ko biglang tumunog yung isang phone ko.

"I love you more!"

Napa iling na lang ako mukang basang basa na ni Martin yung ugali ko.

Chương tiếp theo