webnovel

I'm happy!

Mabilis na lumipas ang halos ten days ng nasa Dubai si Martin. Kahit papano naging maayos naman yung takbo ng araw ko maliban na lang wala akong taga hatid sa bahay kaya todo commute ako. Habang nasa biyahe andun na magtext kami sa isa't-isa minsan tatawag siya. Lagi niya kong pinipilit mag taxi pero pinipili ko paring mag bus kahit araw-araw niya kong pinapagalitan sa pagiging kuripot. Gastusin ko daw yung perang iniwan niya at kung sakaling kulang daw ay mag transfer na lang daw siya pero di ko parin yung ginastos.

Nung sabado napilitan akong bumili ng blower gamit yung pera niya. Paano sinermunan nanaman ako nung mag video chat kami habang nasa kotse ako ni Papa at nakitang basa ang buhok ko. Galit na galit paano kasi naka t-shirt ako ng puti at dahil nga basa yung buhok ko nabasa din yung damit ko dahil dun medyo bumakat yung suot kong bra at talagang galit na galit kaya napilitin akong bumili para matapos na. Ano daw bang problema ko sa pera niya at bakit ayaw kong gastusin eh pinaghirapan naman daw niya yung kitain.

Ewan ko ba para naka kuha ako ng isa pang nanaya sa kata uhan niya.

Ngayon papasok na ko sa office ng may biglang tumapik sa balikat ko.

"Musta?"

"Uy naka balik ka na?"

"Oo, kahapon lang!"

"Musta naman ang Palawan? Ang ganda ba?"

"Di ba dapat ako ang kamustahin mo at di ang Palawan?"

"Bakit naman kita kakamustahin eh muka ka namang okey?"

Sabi ko kay Alvin habang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo nangitim lang siya pero over all okey lang naman yung appearance niya.

"Akala mo lang okey ako pero hindi!"

Nagtatampong sabi niya habang naunang lumakad sa akin papunta sa elevator.

"Ang drama mo!"

"Totoo bang boyfriend mo na siya?"

"Oo nga diba sinabi ko na sayo."

"Wala na ba talaga akong pag-asa Michelle?"

"Nagtanong ka pa eh matagal ka namang walang pag-asa talaga!"

Sabay tawa ko pero nung nakita kong seryoso si Alvin bigla akong tumigil. Naging awkward tuloy yung atmosphere habang naka sakay kami sa elevator.

"Michelle nasaktan talaga ako!"

"I'm sorry pero alam mo naman kaibigan lang talaga ang pag tingin ko sayo. Sana naiintindihan mo ko!"

Seryoso kong sagot sa kanya buti na lang bumukas na yung elevator kaya humakbang na kagad ako palabas na naka sunod naman siya kagad.

"Morning!"

Masayang bati ni Dina sa amin na agad ko din na ginantihan ng bati.

"Morning din!"

"Bakit naka simangot yang kasama mo? Binasted mo ba?"

Natatawang biro ni Dina di ko tuloy alam kung anong isasagot ko. Itong Alvin di na kumibo at dumiretso na lang papunta sa pwesto namin.

"Problema nun?"

"Baka pagod lang sa biyehe! Una na ko!"

Paalam ko kay DIna at agad akong dumiretso na lamesa ko. Nakita ko si Alvin nasa pwesto niya at seryosong gumagawa ng papaer works niya. DI ko alam kung paano siya kakausapin kaya hinayaan ko na lang muna.

Makalipas ng ilang minuto pinatawag kami ni Boss Helen.

"Punta muna kayong dalawa sa Casa Milan Pasay kailangan ng mapagana yung system dun."

"Sige po Boss!"

Sabay naming sagot ni Alvin agad naman kaming gumayak at tuluyang umalis. Nag commute lang kaming dalawa at kasalukuyang naka sakay na kami pareho sa likod na upuan ng taxi. Habang naka tingin ako sa labas ng bintana biglang nag salita si Alvin.

"Di ko maisip kung paano ka niya napa sagot dahil ba mayaman siya?"

"Di yun dahil dun!"

Mabilis kong sagot na may halong inis, paano yun kagad ang pumasok sa isip niya na dahilan kung bakit ko sinagot si Martin.

"Eh bakit?"

"Gusto ko siya.... tapos!"

"Ngi di mo pa nga siya masyadong kilala basta mo nalang nasabi na gusto mo siya. Ano yung love at first sight?"

"Siguro!"

Matipid kong sagot at di ko na siya tiningnan.

"Michelle ilang araw mo pa lang siya kilala samantalang ako mag iisang taon na! Tapos bigla mo na lang siya sinagot tapos sasabihin mo sa akin love at first sight di ka na nga ata niligawan nun eh."

Naasar ding sabi ni Alvin.

Kahit yun naman ang totoo syempre di ko yun aaminin.

"Ano bang gusto mong mangyari? Ikaw ang sagutin ko?"

Sagot ko kay Alvin habang naka tingin sa mata niya. Di siya nakasagot sa tanong ko at agad umiwas ng tingin sa akin. Narinig ko na lang yung malalim niyang butong hininga.

Di na naming pinagpatuloy yung pag uusap namin at parehas na kaming tumingin sa labas ng bintana na akala mo di magkakilala.

Tama naman si Alvin almost one year na kami magka kilala kaya lang wala talaga akong nararamdaman sa kanya talagang kaibigan lang. Naiintidihan ko naman siya kung saan siya nanggagaling pero sana naiisip niya na di sa kayamanan ni Martin ang dahilan kung bakit ko siya sinagot.

"Matagal na tayong magkaibigan Alvin at alam mo na di kayamanan ang pamantayan ko sa lalaki. Sandyang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo at sana bilang kaibigan sana maintindihan mo ko at wag mo ng gawing kumplikado ang lahat. Ayaw kong masira yung pinag samaha nating dalawa."

"Mahal ka ba niya?"

"Yun ang sabi niya pero masyado pang maaga para masabi natin yun ang akin lang sana suportahan mo ko!"

"Are you happy?"

"I'M HAPPY!"

"Okey.... I'm happy for you!"

"Talaga?"

"OO"

"Eh bakit di ka naka tingin sa akin! Para kang di sincere na masaya ka para samin."

"Sayo lang ako masaya di siya kasama!"

"Haha... haha.. Ayos!"

"Kapag sinaktan ka niya bubugbugin ko siya!"

"Parang di mo kaya!"

"Bakit? Magaling ba siyang maki pagsuntukan?"

"Parang ang laki kasi ng katawan eh!"

"Nakita mo na yung katawan? May nangyari na sa inyo!"

"Taran-tado! Nakita ko lang yung katawan may nangyari na samin!"

Binatukan ko si Alvin dahil sa sinabi niya. Bumalik na yung dati naming samahan yung pagbabangayan namin at mas gusto ko yun kaysa maging magka relasyun kaming dalawa.

"Malay ko ba baka mamaya di ka na virgin diyan!"

Nandidiri pang sabi ni Alvin sa akin. Sumiksik pa ng bahagya sa may bintana na akala mo talaga madumi na ko.

"Tumigil ka diyan sasapatusin kita!"

Pagbabanta ko habang akmang huhubarin ko na yung sapatos ko.

"Manahimik ka nga Michelle ang baho pa naman ng paa mo!"

"Ah ganun! Ito sayo!"

Agad kong kinuhit ng daliri yung paa ko na nasa sapatos ko at agad kong dinukdok sa ilong niya. Mabilis naman siyang umiwas at hinawakan yung wrsit ko para di tuluyang maka lapit yung hintuturo ko sa ilong niya.

"Dito na po tayo!"

Sabi ng driver kaya agad kaming tumigil sa paghaharutan.

"Bayaran mo!"

Mabilis kong sabi at tuluyan na kong lumabas.

"Kadiri ka! Para kang di babae!"

Pahabol na sabi ni Alvin habang inaayos ang damit niya na na-gusot.

"Yun kaya nagustuhan mo sakin!"

Sabay dila ko sakanya bago ko sinara yung pinto ng sasakyan.

Nakita ko na lang na umiling siya habang nagbayad sa driver.

Dumiretso na ko sa lobby at di ko na hinintay si Alvin.

Chương tiếp theo