webnovel

Pabalik sa Azure Flower Continent (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ayon sa isipan ni Zhao Feng, mas mabuti kung dadalhin siya ng Purple Saint Partial Spirit sa mas eksaktong lugar.

Ang Sacred True Dragon Gathering ay patapos na at sasakit lamang ang ulo ni Zhao Feng sa pagsagot ng mga katanungan ng lahat.

Matapos ang lahat, ang inheritance na kanyang pinasukan at hindi kilala at hindi alam ni Zhao Feng kung paano niya ipaliliwanag kung nasaan si Zhao Yufei dahil malaking lihim ito.

Ang lugar na gusto niya talagang puntahan ay hindi ang ancient arena o Canopy Great Country ngunit ang kanyang bayang kinalakhan.

Bago siya umalis, ang bagong Clan Master na si 'Haiyun Master' ng Broken Moon Clan ay nagpadala ng mga papatay sa kanya sa Thirteen Countries.

Ngayon.

Tinantya ni Zhao Feng ang oras at ang kanyang lakas ay sapat na upang makabalik siya sa Cloud area.

"Ang iyong kahilingan ay higit pa sa inaasahan ko, ngunit mayroon akong Purple Saint Token na maikukumpara sa dimension marking."

Ang Purple Saint Partial Spirit ay ngumiti at kinaway ang kanyang kamay kasabay ng pagtungo ng rippling purple token sa kamay ni Zhao Feng.

Tinanggap ni Zhao Feng ang Purple Saint Token na naguguluhan.

"Ang Purple Saint Token na ito ay mayroong koneksyon sa Purple Saint Ruins at kapag bumalik kang muli sa Purple Saint Ruins o kapag kinailangan ni Yufei ng tulong maaring ang token na ito ay maaring magbukas ng daan."

Paliwanag ng Purple Saint Partial Spirit.

Natuwa si Zhao Feng noong marinig ito.

Ibig sabihin nito ay may pagkakataon pa siya na makabalik dito matapos niyang pumunta sa Azure Flower Continent.

"Ito ang huling Purple Saint Token at tatlong beses lamang maaring gamitin. Gamitin mong maigi."

Paalala ng Purple Saint Partial Spirit.

Tumango si Zhao Feng at nangakong poprotektahan ang Purple Saint Token.

"May ilang mga bagay din ako para sa iyo."

Ang Purple Saint Partial Spirit ay muling itinaas ang kanyang kamay at ang ancient metal ring, jade talisman ng dragon at maliit na itim na bola ang lumitaw sa hangin.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Ang kanyang natural na isipan ay nagsasabi sa kanya na ang tatlong bagay na iyon na ibibigay ng Purple Saint Partial Spirit ay hindi normal.

Ang Purple Saint Partial Spirit ang kumokontrol sa Ruins, kaya bakit niya basta-basta binibigay ang mga gamit?

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay biglang lumitaw at mukha ito sobrang sabik.

"Ang jade dragon talisman na ito ay may pangalan na 'Jade Dragon Protection' at ang isa sa mga materyales nito ay bloodline ng isang ancient dragon. May pagka katulad ito sa Void God Protection ngunit mas puro ito. Maari itong umatake at dumepensa at magagamit ng dalawang beses."

Pakilala ng Purple Saint Partial Spirit.

Nagliwanag ang mata ni Zhao Feng matapos itong marinig.

Noon, nakita niyang gamitin ni Ye Yanyu ang Void God Protection. Ang mapanirang kapangyarihan mayroon iyon ay napinsala ang Towering Tree Yao.

Ang Void God Protection ay mayroong one-tenth a lakas ng Void God Realm King at maaaring gamitin pang opensa at depensa.

Kung gagamitin ko ito ng maayos, ang atake mula sa Void God Protection ay maaring pumatay ng Sovereign sa Origin Core Realm.

Ang Jade Dragon Protection at Purple Saint Partial Spirit ay binigyan siya ng kakaibang gamit na maari niya pang magamit ng dalawang beses.

"Ang ancient metal ring ay special interspatial rin at maaring magdala ng maraming gamit at sobrang tibay nito; halos hindi na kayang sirain. Ang espasyo sa loob ay ilang daang beses ang lawak sa lahat ng interspatial items na pinag sama-sama at maari ring gamiting Spiritual Pet Bag."

Ngumiti ang Purple Saint Partial Spirit at sinabi ito.

Nagulat si Zhao Feng at noong ilagay niya ang kanyang kamalayan sa ancient metal ring, naramdaman niya ang espasyo sa loob ay halos isang milya.

Ang normal na interspatial items ay kaya lamang maglaman ng mga gamit na nasa ilang yarda ang laki at ang iterspatial ring na mayroong isang milyang radius ay hindi pa naririnig sa Azure Flower Continent.

Isa pa, ang ancient metal ring ay maaari ring maglaman ng Spiritual Pets.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay lumitaw at naglaho sa ancient metal ring.

Sa singsing na iyo, mas mapapadali nito ang mga bagay para kay Zhao Feng.

Sa wakas.

Ipinakilala na ng Purple Saint Partial Spirit ang huling maliit na itim na perlas.

"Ito ang Ten Thousand Ghost pearl, isang sagradong bagay para sa Dao of Ghosts na naglalaman ng air of yin at ghosts. Ito ay bagay sa pag eensayo ng Ghost Corpses at ang normal Ghost Corpses sa loob nito ay higit na mas mabilis mag cultivate. Noon, ang Ten Thousand Ghost Emperor ay sinanay ang sampung libong ghost corpses sa loob na tumalo sa ilang makapangyarihang two-star sects."

Matapos makuha ang Ten Thousand Ghost Pearl,nalaman niya na ang bagay na ito ay ilang beses na mas mataas ang ranggo sa kanyang Black Lotus.

Halatang napansin ng Purple Saint Partial Spirit na interesado si Zhao Feng na magpalaki ng Ghost Corpses kaya binigay niya ang Ten Thousand Ghost Pearl.

Ang Ten Thousand Ghost Pearl, Jade Dragon Protection at ancient metal rong ay malaking tulong kay Zhao Feng.

Naghanda na si Zhao Feng matapos na makuha ang tatlong bagay.

"Yufei, magkita tayo mamaya."

Bago siya umalis, tumingin ng malalim si Zhao Feng kay Zhao Yufei.

Bilang tagapagmana ng Purple Night Saint Lord at Purple Saint Dimension, ang kanyang kinabukasan at presyur sa kanya ay hindi maliit.

Ang munting magnanakaw na kuting ay binigay kay Zhao Feng ang mga kagamitan umaasang matulungan siya ni Zhao Feng bago pa ito tuluyang lumaki.

Sa totoo lamang, kahit wala ang mga kagamitang ito, tutulungan siya ni Zhao Feng dahil sa kanilang relasyon.

Sa sumunod na sandali.

Ang buong Purple Saint Ruins ay bahagyang nagyanig. Naglaho rin si Zhai Feng mula sa Purple Saint dimension sa sandaling ito.

Naglaho ang makinang na kulay lilang pintuan.

"Yufei, kahit walang bloodline ang taong ito mula sa Ten Thousand Ancient Races, ang kasaysayan ng kanyang kaliwang mata ay konektado doon. Kung magiging asawa ka niya, marami kang magiging benepisyo…"

Puno ng ngiti ang Purple Saint Partial Spirit.

Si Zhao Yufei na nakaupo sa sahig at nagrerefine ng crystal key ay namula.

Kasabay nito, sa isang karagatan.

Shua Shua Shua!

Nagsulputan ang mga tao sa hangin.

Lahat ng ito ay mga disipulo mula sa tatlong sekta. Ang iba ay puno nang pagkabigo, ang iba ay saya at ang iba ay hindi pagkasaya.

Tatlong Hari sa Void God Realm ang nanigas sa pagitan ng isang libong milya at ang bawat henyo ay tinatanong ng upper echelons ng tatlong sekta.

Sa huli, pinalabas din sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er.

"Ang Purple Saint Ruins Inheritance ay tapos na."

Walang emosyon na saad ng gintong kalansay.

Weng~

Ang tatlong Void God Realm Kings ay biglang may kakaibang naramdaman.

"Sa oras ding iyon isang ang hindi kilalang tao ay pinalabas sa Purple Saint Ruins."

Ang Moon robed goddess aunt ay tumaas ang kilay noong ipikit niya ang kanyang mata at may kakaibang naramdaman.

"May kakaiba rin akong nararamdaman."

Sumang-ayon ang gintong kalansay at King of Demonic Path.

Sa sandaling pinalabas si Zhao Feng, ang tatlong hari sa Void God Realm ay nakaramdam ng kakaibang bagay.

Sino ang nilalang na pinalabas?

Nasagot agad ang tanong ng tatlo.

Ang tagapagmana ay hindi kabilang sapagkat ang tagapagmana ay kailangan nang mahabang panahon upang manahin ang ruins at hindi ito makaalis.

Ang mga disipuki sa tatlong sekta ay mayroong inheritance tokens at maaari ring hindi mapabilang.

Isa pa, ang Purple Saint Partial Spirit ay maglalaan ng maraming enerhiya para lang magpalabas ng isang tao mula sa malayong lugar.

Hindi ito gagawin para sa mga disipulo sa tatlong sekta.

Ang sagot ay halata na.

Tanging si Zhao Feng lamang na tumulong sa kanila ang makakatanggap ng ganitong bagay.

"Hindi ko na maramdaman…."

Ang moon robed goddess aunt ay sinubukang kumonekta gamit ang youngling scorp sa kanyang palad.

Mayroong mahusay na ablidad ang Void God Realm Kings at madali sa kanila ang kontrolin ang batang scorpion.

Gayunpaman, dahil sobrang layo ng batang scorpion kay Zhao Feng at mahina ito, hindi nito naramdaman si Zhao Feng.

"Mukhang hindi sa Tianlu Island galing si Zhao Feng ngunit ang kakayahan ng Purple Saint Partial Spirit ay limitado at hindi nito kayang palabasin siya sa malayong lugar."

Ang moon robed goddess aunt ay mayroon ng mga hula.

Sa ngayon, kailangan niyang matiyagang pataasin ang lakas ng batang scorpion hanggang sa kaya na nitong tantyahin kung nasaan ang amo nito.

Matapos mglaho sa Purple Saint dimension, ang batang scorpion n ito ang tanging makakaalam sa kinaroroonan ni Zhao Feng.

Sa lugar na malayo, sobrang layo.

Sa isang pinabayaan kagubatan.

Weng~~

Isang makinang na kulay lilang pintuan ang lumitaw na naging dahilan upang gumulo ang Heaven Earth Yuan Qi.

Sa sandaling ito, nagsasanib ang hangin at kidlat.

Kahit na mukhang itinutulak ng Heaven Earth ang pintuan, pwersahan pa rin itong nagbukas.

Shua!

Isang kabataan na may asul na buhok ang lumabas sa pintuan na naging dahilan upang manginig sa takot ang mga halimaw.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagbukas at bumulong siya sa kanyang sarili: "Hindi masukat ang kakayahan ni Purple Saint Partial Spirit. Direkta akong ibinalik nito sa Azire Flower Continent mula sa Ruins."

Naamoy ni Zhao Feng ang pamilyar na aura sa kanyang pinaglabasan.

Ang aura ng Azure Flower Continent ay ibang-iba sa Purple Saint dimensions at ang lugar kung nasaan si Zhao Feng ay malaoit sa Thirteen Countries.

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng at naisip na siya ay pinadala sa maliit na sulok ng Cloud area.

Ang Cloud area ay mayroong Thirteen Countries at dalawang malakas na bansa.

Maliban sa mga siyudad, ang lahat ay mga tigang na lugar at kadalasang pinamumugaran ng maraming mga halimaw. Maging ang ibang mga True Spirit Realms ay hindi nag lakas-loob na pumunta rito…

Dahil ng mga tigang na lugar ay masyadong malaki at si Zhao Feng ay lumitaw sa kung saan, hindi siya sigurado kung nasaan ba siya.

Ceng!

Lumitaw ang pigura ni Zhao Feng kasabay ng kanyang paglapag sa isang puno at minulat niya ang kanyang God's Spiritual Eye upang makaligtas sa lupain.

Gayunpaman.

Sa sandaling binuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye, nagbago ang kanyang ekspresyon.

Sii!

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kailaliman sa kanyang kaliwang mata ay lumawak at nasaktan siya.

"Anong nangyayari?"

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay pumasok sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata at ang nagyeyelong lawa ay umabot sa 9.8 na yarda at malapit na sa 9.9 na yarda.

Chương tiếp theo