webnovel

Chapter Leader!

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa napabayaang kagubatan, salubong ang kilay ni Zhao Feng habang hinihilot niya ang kanyang sentido. Isang agos ng kasakitan ang dumaloy sa kanyang kaliwang mata.

Hindi niya alam kung siya lang ba, ngunit ang nagyeyelong lawa sa kanyang kaliwang mata ay nagsimulang umalon. Tila ang isang nagyeyelong bundok ay nagsimulang matunaw.

"Ang pakiramdam na ito…"

Bahagyang nakaramdam si Zhao Feng ng pagod.

Naramdaman niya rin ito noong ang kanyang God's Spiritual Eye ay dumaan sa pagbabago, ngunit mas masakit ito ngayon.

Maayos lamang ito noong hindi niya ginamit ang kanyang God's Spiritual Eye, ngunit sa sandaling ginamit niya ay ang sakit ay dumoble ng sampung beses hanggang isang daang beses.

Hindi alam ni Zhao Feng kung ito ba ay dahil sa nasobrahan siya nang paggamit sa Ruins o magbabago muli ang kanyang God's Spiritual Eye.

Marahil pareho at nagsisimula itong dumanas ng hindi matukoy na pagbabago.

Ang pagbabago sa God's Spiritual Eye at kung ano ang kalalabasan nito ay hindi kayang kontrolin ni Zhao Feng.

Gayunpaman, umaasa si Zhao Feng at medyo nag-aalala. Hindi niya alam kung ano ang sunod na pagbabago sa kanyang God's Spiritual Eye.

Hu~

Pinilit ni Zhao Feng na pakalmahin ang kanyang sarili at pinadaloy ang kanyang bloodline power.

Shua!

Isang malamig na sensasyon ang dumaloy sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata at hinarang ang nagyeyelong lawa.

Sa sumunod na sandali, ang kaliwang alik-mata niya ay naging itim muli.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang malamig at nakakanginig na aura ay nawala at napalitan ng banayad na pakiramdam.

"Ang elemento ng aking bloodline power ay konektado sa aking God's Spiritual Eye."

Napag-alaman ni Zhao Feng na ang estado ng kanyang bloodline ay sa pagitan ng yelo at tubig.

Pa!

Pinadaloy ni Zho Feng ang kanyang bloodline power at naglabas ng flower of ice and lightning sa hangin. Isang alon ng tubig - tila isang bagay na namukadkad gaya ng kristal.

Ang pagbabago sa kapangyarihan ng kanyang palad at hindi masyadong nag-iba, ngunit nalaman ni Zhao Feng na ang kontrol niya sa kanyang bloodline power ay dumoble ang pagka banayad.

Hindi alam ni Zhao Feng kung mabuti ba o masama ang pagbabago ng kanyang God's Spiritual Eye, ngunit malakas ang kanyang loob na kahit hindi niya gamitin ang kanyang God's Spiritual Eye, ang kanyang battle power at ang mga tinatago niyang alas ay sapat na upang matalo ng Thirteen Countries at ang Two Strong Countries.

Sa sandaling ito, hindi agad ginamit ni Zhao Feng basta-basta ang kanyang God's Spiritual Eye at hindi niya alam kung saan siya dadaan.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tumalon sa kanyang balikat at naghagis ng ilang lumang barya sa hangin at ngumiti bago ituro ang isang direksyon.

"Munting manghuhula, maniniwala ako sa iyo ngayon."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang ngumiti. Kalahating naniniwala at kalahating nagdududa siya sa kakayahan ng munting magnanakaw na kuting sa panghuhula.

Qiu---

Naging isang malabong arko si Zhao Feng at mabilis na nagtungo sa isang lugar.

Ayon sa direksyon na tinuro ng munting magnanakaw na kuting, si Zhao Feng ay lumipad ng ilang libong milya.

Sa harap nila ay ang mga walang silbing lugar, ngunit may ilang mga ilog at lawa na naging dahilan upang maramdaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pagka pamilyar

Nakatagpo si Zhao Feng ng ilang mga halimaw dito, ngunit pinatay niya ito sa isang pitik ng kanyang daliri.

Ang cultivation ni Zhao Feng ay umabot na sa peak True Mystic Rank at maaari nang maikonsidera bilang half-step True Lord Rank. Kahit na hindi niya gamitin ang kanyang God's Spiritual Eye, hindi siya natatakot sa mga normal na True Lord Ranks.

Matapos bahagyang mapagod, nilabas ni Zhao Feng ang Azure Swaloow mula sa kanyang ancient metal ring.

Ang ancient metal ring ay talagang napakahalagang regalo mula sa Purple Saint Partial Spirit. Maitatago nito ang mga normal na bagay maging ang spiritual pets.

Dahil hindi siya naka pokus sa pagpapalaki nito, ang cultivation ng Azure Swallow ay nasa half-step True Spirit Realm pa lamang, ngunit ang kakayahan nitong lumipad ay mas malakas sa mga nasa normal na True Spirit Realms.

Matapos lumipad ng ilang libong milya, hindi pa rin nakaalis si Zhao Feng sa walang silbing lugar at bahagya siyang galit; handa na siyang pagalitan at kwestyunin ang munting magnanakaw na kuting.

Sa sandali ring ito.

Sou Sou Sou----

Mula sa kanyon sa baba, sa tabi ng mahabang ilog, umusbong ang pito o walong pigura.

Ang mga pigurang ito ay may mataas na cultivation: ang pinaka mahina ay nasa Seveth Sky Ascended Realm, mayroong dalawang half-step True Spirit Realms, at ang pinuno ay isang eksperto mula sa True Spirit Realm.

"Bastardo mula sa Iron Dragon Alliance, mamatay ka~~~!"

"Paano sila naging sobrang bilis? Ang mga tao mula sa Iron Dragon Alliance ay umabot na dito?"

Ang mga tao ay kaka-kita pa lamang kay Zhao Feng at sila ay lumapit habang namumula ang mata at mayroong kagustuhang patayin ito.

Hindi man lamang alam ni Zhao Feng kung ano ang nangyayari at siya ay inosente na inaatake.

Mabilis niyang sinuri ang mga tao at nakita niya na ang pito o walo sa kanila ay maligalig. Halatang bagong sabak sila sa laban.

Ang pinuno ay brown-robed elder na nasa True Spirit Realm at mas malakas kay Master Haiyun noon.

"Lahat kayo ay magmasid. Kahit na bata pa ang taong ito, siya ay nasa True Spirit Realm na."

Hindi niya makita ang cultivation ni Zhao Feng, ngunit sigurado siya na nasa True Spirit Realm ito.

Kakalaban lang nila ng ilang mga labanan at ang kanilang kalakasan ay wala na sa rurok.

Ang ibang anim o pitong mga tao ay agad na naging maingat. Kahit na mas marami sila, magbabayad sila bago masaktan o mapatay ang isang tao mula sa True Spirit Realm expert.

Sa normal na sitwasyon, mawawala ang kalahati sa bilang nila bago manalo.

Ang gulat ni Zhao Feng ay naging saya at naging interesante siya matapos mapalibutan ng walong tao.

Mayroon na ring mga tao!

Bumuntong-hininga si Zhao Feng.

Nang makita nila na na natuwa pa si Zhao Feng imbis na magulat, ang brown-robed elder ay naging taimtim at nagmura sa kanyang puso.

"Bastardo, ibigay mo sa akin ang iyong pangalan bago ka mamatay."

Sumigaw ang half-step True Spirit Realm na may suot na mamahaling damit.

Sa sitwasyon na ito, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Eye of Heart upang makilala ang mga taong ito, ngunit ang sakit mula sa kanyang God's Spiritual Eye ang nagpasuko sa kanya sa ideyang ito.

Aye, hindi siya sanay na hindi gamitin ang kanyang God's Spiritual Eye.

Napa buntong-hininga si Zhao Feng, ngunit kung iisipin, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.

Sa nakaraan, mayroon siyang God's Spiritual Eye at ang abilidad nito ay nabunyag lahat sa kanyang harapan.

Ang pakiramdam ng pagkontrol ay makapangyarihan ngunit nakakawalang gana rin.

At ngayon? Hindi niya ginamit ang God's Spiritual Eye at mararanasan niya ang buhay ng 'normal na tao.'

Ang pagbabagong ito ay naging dahilan upang matunaw ang malamig na ekspresyon ni Zhao Feng at maging mapaglaro.

"Oh sige, hahayaan kong malaman niyo kung sino ako bago ako mamatay… ang Chapter Leader na ito ay si Zhao Feng."

Nagpanggap si Zhao Feng na misteryoso at ibinigay ang kanyang pangalan.

Noon, sumali si Zhao Feng sa Thirteen Countries Alliance Banquet at nanguna. Ang kanyang pangalan ay kumalat sa Thirteen Countries.

Kahit na dalawang taon na ang nakalilipas, naniniwala siya na hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao ang kanyang pangalan.

Zhao Feng?

Ang pito o walong mga tao ay natigilan at ang ilan sa kanila ay nagsimulang mag-isip ngunit wala silang maalala na True Spirit Realm expert na Zhao Feng.

"Hindi… kahit kailan ay hindi ko p naririnig ang pangalan niya."

Ang mga tao ay naguluhan at gulat na nagtinginan, at lumingon sa brown-robed elder.

Ang brown-robed elder ay marami ng akransan at kilala ang halos lahat sa True Spirit Realms sa Cloud area.

Gayunpaman, umiling lamang ang brown-robed elder.

Sa dalawang Strong Countries, ang kagaya niya henyo na True Spirit Realm ay dapat na kasama nila Bei Moi na nakapasok sa Sacred True Dragon Gathering ilang buwan na ang nakalilipas.

Nang makita niya ang ekspresyon ng mga tao, nagulat si Zhao Feng.

Noon ay isa siya sikat na tao sa Thirteen Countries, ngunit ang mga taong ito ay hindi man lamang alam ang kanyang pangalan.

Ikinagulat niya ito.

Tanging ang wealthy-robed n half-step True Spirit Realm ang bumulong sa kanyang sarili, "Ang pangalang ito ay tila lumabas na sa wanted-dead list, dalawang taon na ang nakalilipas."

Bigla na lamang.

"Chapter Leader Zhao… Chapter Leader!?" Ang puso ng brown-robed elder ay tumalon habang tinitignan niya ng may takot si Zhao Feng.

Sa Cloyd area, ang True Spirit Realm cultivators ay mataas at kadalasang Elder.

Ang titulong Chapter Leader ay tunog mid-tier na lebel, na imposible sa Cloud Area.

Tanging mga True Lord Rank cultivators lamang mula sa ilang daang taon ang nakalipas, noong halos pinag-isa ng Scarlet Moon Demonic Religion ang kontinente, ibinigay ang titulong Chapter Leader.

Lalo na noong mga nakaraang taon, ang mga tauhan ng Scarlet Moon Demonic Religion ay muling mga nabuhay sa mga sulok ng kontinente.

Ang Iron Dragon Alliance ay mukhang sinusuportahan ng Scarlet Moon Demonic Religion. Hindi na ito sikreto sa mga upper echelons sa Cloud Area.

"Hindi kaya ang taong iyon ay…?"

Ang brown-robed elder ay nagsimulang pagpawisan habang natataranta siya sa takot.

Kung tama ang kanyang hula, kahit na malakas ang kanyang grupo, hindi pa rin ito sapat upang matalo ang kalaban.

Kahit sinong Chapter Leader sa Scarlet Moon Demonic Religion ay kayang magpasunod ng marami.

Noon, kahit anong Chapter ng Scarlet Moon Area ay kayang sirain ang Cloud area.

"Tama iyon, Ako si Chapter Leader Zhao," saad ni Zhao Feng at sumang-ayon.

"Siya ay Chapter Leader sa Iron Blood Religion at mula sa reaksyon ng brown-robed elder, mayroon na siyang hula.

Hindi ito anv Thirteen Countries, at kung hindi Iron Dragon Strong Country ang lugar na ito, kung gayon ito ay Sky Rich Strong Country.

Wala sa Thirteen Countries ang hindi makaka kilala kay Zhao Feng.

Sa kabila ng lahat, nanalo siya sa Alliance Banquet at nakakuha ng mandamyento kay Master Haiyun.

Kung gayon, ang lugar ba na ito ay Sky Rich Strong Country o Iron Dragon Strong Country?

"Ang Iron Dragon Alliance ay masyadong mataas ang tingin sa akin upang utusan na patayin ka."

Ang brown-robed elder ay huminga nang malamig at kawalan ng pag-asa ang ankita sa kanyang mukha.

Ang aura ni Zhao Feng ay hindi maarok at mukhang binabalot ang mundo. Hindi ito makuta ng brown-robed elder.

Nang marinig niya na tinawag ng kalaban ang sarili bilang "Chapter Leader," ang brown-robed elder at 50-60% na sigurado kung sino siya.

"Third Highness, bilisan mong tumakas at makipag kita ka kay Old Su at Princess Jin. Iwan siya sa matandang iyon!"

Ang brown-robed elder ay sumigaw kasabay ng pag-alab ng kanyang Qi of True Spirit.

Sa sandaling iyon, ang radius na 20 hanggang 30 na yarda ang nabalot ng dilaw na ilaw at sumalpok kay Zhao Feng

Nagulat si Zhao Feng nang bahagyang bumigat ang kanyang katawan.

Upang mapigilan si Zhao Feng, ang brown-robed elder ay sinunog ang kanyang Qi of True Spirit upang magbigay kay 'Third Highness' at mga kasamahan nito na tumakas.

"Elder Jiang, ikaw-"

Ang wealthy-robed na kabataan o ang Third Highness, ay may pula at maiyak-iyak na mata habang tumatakas siya kasama ang anim na tao.

Bago siya tumakas, tinignan niya nang malalim ang batang may asul na buhok. Sino siya para makaramdam si Elder Jiang nang kawalan ng pag-asa.?

Stone Dragon Fort Domain!

Ang brown-robed elder Jiang ay sumigaw kasabay nang pag papaapoy sa kanyang True Spirit at naglabas ng ilang yellow stone dragon mula sa kanyang palad na bumalot kay Zhao Feng.

Chương tiếp theo