Kisame
Pagkababa namin sa sasakyan tinulungan ko agad si Mang Ben sa paghahakot ng gamit. Hindi naman ako tinutulan ni Piper. Tumitig siya sandali sa lumang bahay bago tuluyang pumasok.
Sumunod kami sa kanya.
May babaeng tila naglalakad sa kusina ngunit isang iglap ay nawala iyon. Sa paglalakad namin sa loob ng bahay ang yabag ng paa namin ay sinasabayan ng kung anong ingay. Ingay mula sa labas. Simoy ng malamig na hangin.
"Why am I feeling this?", sabi ni Piper ng hinaplos niya ang magkabilang braso. Ang balahibo nito ay nagtaasan.
Tinignan ko rin ang sa akin. Marahil ay dala lamang ng lamig ng hangin.
"Hindi ka pa rin nagbabago matatakutin ka pa rin", kaunting tumawa si Mang Ben sa likod namin. Nagdalawang tingin ako sa likod niya.
Sino iyon?
May nakatayo sa hindi kalayuan at nagmamatiyag. Kumurap ako ng ilang ulit bigla siyang nawala.
Napatalon ako sa gulat ng dahil sa hawak ng isang babae sa akin.
"Ok ka lang ba, Kuya? Is there something wrong?", tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso.
"Wala naman", sabi ko kahit meron naman talaga. Dahil alam kong may nakamasid sa amin kanina. Imposibleng mawala siya ng isang iglap don.
"Mang Ben alam mo naman siguro kung alin yung kwarto namin dyan. Nakakamiss dito. Huling punta ko dito ay highschool ako", kwento niya sa amin.
Kinuha ni Mang Ben ang gamit sa akin at binigay iyon sa kanya. Parang may gusto akong tignan sa mga mwuebles dito sa sala. Lalo na itong mga larawan na nakapatong sa maliit na cabinet.
Pinasadahan iyon ng mga daliri ko. Sa tagiliran ng aking mga mata kita kong nakatayo si Piper at nakatitig sa larawang disenyo na nakalagay sa taas na bahagi ng dingding.
Bakas ang kalumaan ng larawan ng binalik ko ang atensyon ko rito. Halos mawalan ng tinta ang mga larawan. Ang iilan doon ay may sapot. Sa palagay ko'y matagal ng hindi natitirhan ang bahay na ito.
"Kuya, ang sabi sa akin ni Tita kumpleto ang lutuan dito. Buti nga at may dala akong canned goods at noodles. I'll cook for us para makapaghapunan na tayo"
Habang pinagmamasdan ang larawan, ako at si Piper lang ang nakilala ko. Mga bata pa kami doon at magkaakbay kasama iilan pang mga bata. Siguro mga pinsan ko ang mga ito. Meron bukod na picture kasama ang apat kong kaibigan. Hindi ko matandaan na nakasama ko pala dito sina Marcus. Sabagay, hindi pa ko nabalik sa dati.
Ang huling larawan ay ang nakapukaw ng atensyon ko. Kasama ko ang isang batang babae. Ngiting-ngiti kaming pareho sa larawan. Pero bakit unti-unting lumalawak ang ngiti niya habang pinagmamasdan ko iyon?
"Promise? Hanggang sa huli?", rinig kong sabi ng isang babae habang natawa siya. Ang tawa niya'y palakas ng palakas habang natagal. Habang ang picture naman ng batang babaeng pinagmamasdan ko ay nagkakaroon ng dugo. Unti-unti itong dumaloy hanggang sa makarating sa kamay ko.
"Wyn! Sabi mo, promise!", humalakhak siya sa huli niyang sinabi . Nakakabingi iyon. Ang tingin ko sa bawat dingding ay unti-unting lumuliit ang espasyo tila ba sinisikip ako nito. Tinignan ko ang kisame. May gumagapang na babae.
Nanuyo ang lalamunan ko. Asan ba sila Mang Ben at Piper?
Nakatingin pa rin ako sa kisame at mas lalo akong kinabahan ng tumingin sa akin ang babae. Wala siyang mukha at umiikot paunti-unti ang leeg niya habang nagiging malinaw ang mukha nito.
Aamba siyang bumaba ng biglang...