webnovel

Chapter Eight: Brown Eyes

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Umalingawngaw iyon sa buo kong kwarto, binabasag ang katahimikang bumabalot rito.

Napakurap-kurap ako ng mata bago naglibot ng paningin. Madilim na, hindi lang sa kwarto ko, pati na rin sa labas ng bintana. Mabilis kong pinatay ang alarm clock, at nakita ang oras mula roon.

Seven o' clock, pm.

Malapit na pala. Ilang oras na lang ay kailangan ko nang umalis ng bahay, kahit na kauuwi ko lang kaninang alas dos.

Matapos ang sandaling pagkukwentuhan namin kanina ng mga kaibigan ko, agad din akong umuwi ng bahay. Hindi na kami nagtagal dahil may usapan din naman kami na magkikita ulit ngayong gabi, mamayang alas otso. Syempre, dahil iyon sa utos sa akin ni Mom.

"Then make plans."

I can still hear her words at the back of my mind. Ang sakit lang, dahil sa halip na matuwa siya dahil libre ako at pwede ko siyang samahan sa birthday niya, siya pa itong nag-utos sa akin na gumawa ng plano. Para ano? Para hindi ako makaistorbo sa kanila ng mga pinsan ko.

How fucked up is that?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago ako pilit na bumangon ng kama. Wala rin namang magagawa ang pagmumukmok ko at pag-iisip ng kung ano-ano. Kakailanganin ko pa ring umalis dahil iyon ang gusto ni Mom, kaya sa halip na manatiling nakahiga ay nagmadali na lang ako sa pagligo.

Jc said he'll introduce me to Red later. At least, that's one thing I should be excited about. Para na rin mawala 'tong bigat sa dibdib ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Wala ako sa mood ngayon na magbihis ng maganda, kaya naman isang simpleng white cropped shirt, high-waisted ripped jeans, at pares ng Chucks lang ang isinuot ko. No dress, no high heels, no make up. I wore my hair in a ponytail, too. Dahil kagaya ng sa damit ay wala na rin akong ganang ayusan ang sarili ko.

Pagkakuha ko ng sling bag ko na nasa kama ay dumiretso na ako palabas ng kwarto. Nang bumukas ang pinto, si Mommy kaagad ang bumungad sa labas.

Natigilan ako. Bumilis din ang tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako nang napakalayo.

Mom is just standing outside, facing the big wall frame picture of her and Dad just on the opposite side of the hallway. Her back turned to me, while holding a glass of red wine. Napakaseryoso ng tingin niya roon sa litrato, kaya hindi niya siguro ako napansin.

Maybe she suddenly misses Dad, I thought.

I felt as if my heart melt. Parang biglang nawala ang galit at inis ko kanina kay Mom. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin ngayon, at sabihin sa kanya na narito lang ako. Pero bago pa man ako makahakbang papalapit ay nilingon na ako ni Mom, marahil ay naramdaman na sa presensya ko.

"Mom," I simply said.

She looked at me, from head to toe. Then after that, she averted her eyes and started walking towards her room.

"Nasa living room na ang mga pinsan mo," she said, then opened her bedroom door. "You should go greet them. But please, don't do anything that would make them leave."

Then, after a loud thud, our conversation ended. Ni hindi niya man lang ako hinintay na makasagot. Basta't pumasok na lang siya sa loob ng kwarto niya.

I sigh.

Kailangan ko ba talagang batiin ang mga pinsan ko? Well, even if I don't want to do it, makikita at makikita ko rin naman pala sila. They're in the living room, after all.

Matapos humanga nang malalim, bilang paghahanda ko sa pagkikita namin ng mga pinsan ko, bumaba na ako ng hagdanan at nagtungkol sa living room.

Kagaya ng sabi ni Mom, naroon nga sila. Naabutan ko sila doon na naglalaro ng Xbox namin. Masaya silang lahat, at nagtatawanan pa. Pero mabilis na napawi ang mga ngiti nang mapansin ako.

Pinasadaan ko silang lahat ng tingin at hinanap agad si Ice. Si Ice lang naman kasi ang gusto kong makita sa mga pinsan ko. Naroon si Kean at Iris na anak ni Tito Steve. Magkatabi sila na nakaupo sa sahig, habang ang mga nakaupo naman sa mahabang sofa ay sina Catherine, Denise at Eurin na mga anak ni Tita Nerissa.

Shit. Bakit ba kung sino pa ang hinahanap ko, siya pa 'tong wala?

"Oh!" malakas na sinabi ni Iris, na humatak sa akin mula sa mga iniisip ko, at ang siya ring bumasag sa katahimikan. "Narito na pala ang malandi nating pinsan."

"Iris!" saway sa kanya ng kapatid na si Kean, pero hindi pa rin siya nagpapigil.

"Bakit kuya? It's true naman e."

"More than malandi pa nga e. She's a pest you know," singit na rin ni Catherine.

"Stop it, guys!" saway muli ni Kean sa mga pinsan namin.

Napakagat ako sa labi dahil sa mga sinabi ni Iris at Catherine. Unti-unti nang umuusbong ang inis sa kalamnan ko, at gusto ko na siyang sagutin, pero pilit kong pinipigilan 'yon. Dahil alam kong maaaring ikagalit ito ni Mom.

Chill, Serina. Mga pinsan mo 'yan. Makipag-plastic-an ka na lang, tutal ay malapit ka na rin namang umalis.

Relax. Breathe.

"Nice to see you too, Iris. . ." I trailed off, then shifted my eyes to Catherine. "Cath. . . Kanina pa kayo?"

Natahimik sila sa pagsasalita ko. Siguro ay hindi nila inaasahan ang ganito kahinahon na sagot mula sa akin.

Si Kean na ang sumagot sa tanong ko nang hindi magsalita ang mga babae. "Kararating lang namin, Sel. Your mom invited them for dinner. Hinatid ko lang sila—"

"Yeah. Palagi ka naman daw kasing wala, kaya kami ang niyaya ni tita. I hope you're not joining us?" biglaang sabat ni Iris, kaya't hindi na natuloy ni Kean ang sinasabi.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nila. I didn't know that my mom was the one who invited them for dinner. Akala ko ay sila ang may gusto, iyon pala ay si Mom. Tapos ako na anak niya, hindi niya inimbita? Ni hindi niya nga ako masabayan sa pagkain.

Wow. Just. . . Wow.

"Don't worry, hindi ako sasabay. I have plans for tonight. Sige na, I'll go now. Just make yourselves comfortable," iyon na lamang ang sinabi ko bago humakbang na paalis.

Pero napatigil ako nang may nakalimutan akong sabihin.

Nilingon ko muli ang mga pinsan ko, at hinanap si Kean. Napatingin din siya sa akin. Ngumiti ako.

"By the way, Kean. . . Thanks," I said, in a grateful tone.

Tumango naman siya sa akin at ngumisi. Hindi kami close ni Kean, hindi kagaya ng closeness namin ni Ice. Pero kahit paano ay nirerespeto niya ako, at paminsan-minsan ay pinagtatanggol sa iba naming pinsan kagaya na lang kanina. At dahil doon ay nagpapasalamat ako sa kanya.

Pagkarating ko ng front door namin, hindi pa man ako nakakalabas ay narinig ko nang nagsigawan ang mga pinsan ko.

"Happy birthday, Tita Elina!" they all said in unison.

Napakapit ako nang mahigpit sa doorknob, hindi dahil sa bati nilang iyon, kundi dahil sa malakas na tawa ni Mom na umalingawngaw mula sa living room.

She laughed? Did I just heard that right? She laughed?

When did my mom started laughing again? Hindi ko alam na kaya niya na pala ulit gawin 'yon. Ganito ba talaga siya lagi kapag kasama ang mga pinsan ko? Kapag kasama ang mga kamag-anak namin? Kapag wala ako?

That last sentence I've thought pierced through my chest. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Nakaramdam ako ng bukol sa lalamunan ko, habang ang mga labi ko ay nanginig kaya naman kinagat ko ang mga 'yon.

I heard another laugh from the living room. It was from my mom again. So with my shaking hands, I opened the front door, hurriedly went outside and to my car.

Even without looking at Mom, I could already picture her in my mind. Ang mga mata niyang lumiliit kapag nakatawa, ang mga dimples niyang lumilitaw, pati ang paghawak niya sa kanyang bibig para takpan ang ngipin niya. She's happy. I know that. The kind of happiness that I never saw when she's with me.

As soon as I got into my car, the bitter feeling and loneliness swallowed me, like a thick sheet wrapping me up, suffocating me. Mabilis ko nang pinaandar ang kotse ko paalis. Gusto ko na lang na makarating sa pupuntahan ko. Gusto ko nang makalimot at maglibang.

Pero nang naroon na ako, nang makapag-park na ako malapit sa Moonlight Club kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko, doon pa mas lalong lumala ang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Basta na lang bumuhos iyon na parang gripo.

Lumabas ako mula sa sasakyan para magpahangin. Hoping. . . Praying, even, that it would dry my tears. But to no avail.

Sumandal ako sa kotse habang pinakikinggan ang malakas na trance music na nanggagaling sa Moonlight. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hangin na biglang umihip.

I'll forget everything tonight. . . Just like those those other nights. I need to forget.

Kaya ko 'to. I still have my friends, and they love me. Kahit sila na lang ang mayro'n ako, okay na ako doon.

Okay na ako.

May luhang lumandas na naman mula sa mga mata ko. "Ugh! Dammit!" I shouted out of frustration, then quickly wiped my tears.

"Break up?"

Bigla akong natigilan sa pagpapalis ng luha ko nang may magsalita. Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses, at nakita ang isang lalaki.

"What?" kunot-noo kong tanong.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi sa hindi ko malamang dahilan. "What I meant was, is break up the reason why you're crying? Did you fight with your boyfriend? Or. . . Was it rejection? Well, I doubt that."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Sino ba 'to? Ano bang pake ng lalaking 'to sa 'kin? Pinagti-trip-an ba 'ko nito? Kung maka-tanong parang magkakilala kami.

"Ano naman 'yon sayo? Close ba tayo?" inis kong sinabi.

Nagkibit-balikat naman siya. "I'm just wondering why a pretty girl like you is crying here all alone."

Pretty? I look like shit, yet he's calling me pretty? Niloloko yata ako nito e!

"Pwede ba kuya, wala akong time na makipaggaguhan sayo. It's none of your business if I'm crying the hell out of myself, okay?"

"Hey, I'm just concerned."

"Bakit? Tatay ba kita para maging concern ka sa 'kin?"

Mabilis kong pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nahiya sa itsura ko. Naiinis na rin ako dahil ayaw pang umalis ng lalaking ito sa harap ko.

Pretty girl. . . Mukha niya! Anong tingin niya sa 'kin? Uto-uto?

Biglang tumawa 'yong lalaki nang malakas na agad nakakuha ng atensyon ko. A laugh that I feel like I've heard before. I'm not sure why, but it just felt so familiar.

Pinasadahan ko siya ng tingin magmula ulo hanggang paa. Isang simpleng V-neck white shirt ang kanyang suot, na tinernohan niya ng ripped jeans at sneakers na halos katulad ng suot ko. Matipuno siya at may katangkaran. Nakasuot din siya ng wayfarers kahit pa gabi, kaya naman hindi ko siya gaanong mamukhaan, pero dahil naman doon ay mas nahalata ang ilong niya na perpekto ang pagkakatangos.

"You never fail to make me laugh," he suddenly said, a smile still intact.

What? I never fail to make him laugh? Wait— Nagkakilala na ba kami?

"Excuse me?" tanong ko, nakataas pa ang isang kilay.

Nginisian niya ako, at hindi ko naiwasang makaramdam ng pamilyaridad. I don't know why, but there's something telling me that we really have met. I just don't know when, where and how.

Pagkatapos ay tinaas niya ang kanang kamay niya para tanggalin ang wayfarers na kanyang suot. Nang matanggal niya ay isinabit niya 'yon sa kanyang t-shirt, bago siya tumitig nang diretso sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

No way! Those eyes! That face! He's the guy from the cemetery!

"Ikaw!" malakas kong naisigaw.

Halos hindi ko maisara ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko na rin napigilan na titigan siya nang mas matagal sa kailangan. Para bang hinihila ang paningin ko papunta sa kanya. Dahil kagaya ko, nakatitig din sa akin ang pares ng kulay tsokolate niyang mga mata.

Lumawak pa lalo ang kanyang ngiti, at sinabing, "I'm glad you remembered me."

Shit! Siya nga! Pero bakit siya nandito?

"What the hell are you doing here?" I said, despite the fact that I know that it's a dumb question.

He shrugged. "Bawal ba? I'm just here to meet a friend. My car's parked over there, so I'm not stalking you. If that's what you're thinking." Then he chuckled, sweetly and teasingly.

Hindi ko alam ang isasagot. Pakiramdam ko ay napahiya ako nang husto doon. Naramdaman ko pang namula ang mukha ko.

Damn it, Serina. Ang bobo mo kasi.

"Hindi naman 'yon ang iniisip ko!" I said, defensively. "Alam mo, ewan ko sayo. Makaalis na nga. Bahala ka na dyan!"

"Hindi mo man lang ba sasabihin ang pangalan mo?" pahabol niya pang sinabi, pero tinalikuran ko na siya.

"Hindi!"

Sunod-sunod ang hakbang ko papalayo ng kotse ko at papunta sa direksyon ng Moonlight. Pagkapasok ko roon, bumungad sa 'kin ang masasayang ilaw ng club at ang malakas na tugtog nito.

The party isn't still its peak, but it sure was loud and wild.

Naaninag ko kaagad ang kaibigang si Lewis sa dancefloor na may kasayawan nang lalaki. She was grinding her hips, while the guy has his hands on her. They were clearly enjoying themselves, pero nang makita ako ni Lewis ay agad siyang nagtatalon at iniwan ang kasayawan nang wala man lang pasabi.

"Oh my god, Z! Finally, you're here!" sigaw niya dahil hindi na halos kami magkarinigan.

Ngumiti ako. "Where's Jc and Nikka?" pasigaw na tanong ko rin.

"Nandoon sila sa taas na booth!" sabi niya sabay turo sa isang direksyon. "Pabayaan mo na muna sila! Malalaki na 'yong mga 'yon! Magsayaw muna tayo!"

"Pero sabi ni Jc ngayon niya ipapakilala sa 'kin si Red. Baka nandoon na sila."

"Oh, let them wait! You're worth the wait naman e."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Lewis habang nagpapatianod sa paghila niya sa akin papunta muli sa gitna ng dancefloor.

She's right. I should just chill and not worry about things. This is my happy place, after all. My safe-haven. And I'm with my friends who loves and understands me. So I shouldn't think much.

I promised myself that I'll forget everything that's happened tonight.

'Yon ang plano ko, at 'yon ang gagawin ko. Kaya naman kinalimutan ko na muna ang mga naiisip ko, at nilibang ang sarili sa pagsasayaw kasama si Lewis. I closed my eyes, got high with the music, and just danced with the crowd.

Maya-maya lang ay may mga dumikit na sa akin at sinabayan ako sa paggalaw. May humawak na rin sa beywang ko, pero nagpatuloy lang ako sa pagsayaw. Hindi naman na bago ito para sa amin ni Lewis. Getting touchy and intimate in the dancefloor is common in this kind of place. Kaya kahit pa mas lalo pa silang dumikit sa akin, hindi ko iyon pinansin.

Pero sa gitna ng pagsasayaw ko, may bigla na lang humigit sa beywang ko. Napamulat na ako nang dahil doon.

"Ano ba!" sigaw ko sa lalaki.

Inilapit niya ako sa katawan niya, na para bang wala siyang narinig at para bang itinatago niya ko sa mga lalaking kanina lang ay kasayaw ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, pero alam kong kilala siya ni Lewis dahil sa kanya ito nakatinggin habang may pigil na mga ngiti.

"Sorry, boys. This girl is mine, so I'm taking her back," the guy said, playfully.

Napanganga ako sa narinig. "Anong sayo! Hoy—" Pero bago ko pa man siya makausap ay hinila niya na ako paalis ng dancefloor.

Si Lewis ay nakita kong sumunod sa amin, habang may malawak na ngiti. Hindi ko alam kung kaibigan niya ba 'tong lalaking 'to o ano, pero nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa kanya.

Bakit ba kasi siya basta-bastang nanghihila!

"Hoy, lalaki! Bitawan mo nga ako!" sigaw kong muli sa kanya pero tuloy tuloy lang siya sa paghatak sa 'kin. "Hoy, narinig mo ba ko? Bitawan mo sabi—"

"Z!" Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ang pagtawag sa akin ni Jc.

Tumingin ako sa harapan kung saan nanggaling ang boses niya, at napansing papalapit na kami sa booth nila. Naroon na rin si Nikka sa tabi niya. Pero ang nakakapagtaka ay parang wala lang sa kanya na hinihila ako ng lalaking 'to sa harapan ko.

"Oh!" sabi pa niya sabay turo sa akin, sa amin. "Magkakilala na pala kayo!"

Ano? Anong magkakilala?

Nang makalapit sa booth ay binitiwan na ako ng lalaking humatak sa akin dito. Pero walang pasabi naman siyang umakbay sa akin, at idinikit pa ako papalapit sa kanya.

"Yep. Magkakilala na kami," he even said, with a familiar cheerful tone. "Right, Serina?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Alam niya 'yong totoo kong pangalan? Pero sina Nikka, Lewis at Jc lang ang nakakaalam no'n!

Mabilis kong tiningala ang lalaking ito na nakaakbay sa akin. Agad kong napansin ang puti niyang V-neck shirt at wayfarers na nakasabit sa kwelyo noon, pero hindi ko kaagad napagtanto ang lahat hanggat hindi nagtama ang mga mata ko at ang kulay tsokolate niyang mga mata.

That gorgeous set of brown eyes, high-bridged nose and sexy smile that's so familiar to me.

"Ikaw!"