webnovel

Ysla Paraiso Part 63

"Ysla Paraiso" Part 63.

Fiña's P.O.V.

Binunot ko ang aking rebolber mula sa lagayan nito sa aking sinturon, sapagkat may mga yabag akong nadirinig mula sa gubat. Papalapit nang papalapit.

"Dito lamang kayo." Utos ko sa mga kasamahan bago lapitan ang mga yabag.

Lumakad ako papalapit sa kakahuyan ng dahan-dahan hanggang sa mapansin ko ang paggalaw ng isang nilalang, katamtaman lamang ang laki nito ngunit hindi ko pa mawari kung anong itsura ang kaniyang taglay.

Yumukod ako at tahimik na lumapit, hanggang sa aking mapagtantong isa itong usa na may naglalakihang mga sungay. Napakaganda ng usang iyon, at siguradong masarap at sariwa ang kaniyang laman.

Sinipat ko ito gamit ang aking rebolber.

Ngunit bigla akong natauhan nang tumingin sa akin ang usa, tila ba nakikita ko ang kaluluwa nito mula sa kaniyang mata.

Hanggang sa malinawan ang aking paningin at makita ang masaganang mga bunga ng mangga sa likuran.

Lumakad ako paroon dahilan para tumakbo ang usa, kinuha ko ang aking kutsilyo at tumaga ng isang bunga ng mangga.

Hinog na hinog iyon at napakatamis nang aking tikman, siniyasat kong mabuti ang paligid bago tawagin ang aking mga kasamahan.

Hindi ko inaasahang mangunguna pang pumarito si Ysla dala-dala ang kaniyang pana kasunod ang mga kalalakihan.

Talagang napaka-seksi ng babaeng ito at habang siya'y naglalakad ay titig na titig ang mga lalaki sa kumekembot at tumatalbog niyang puwetan.

"Ano yung nandito kanina?" Tanong ni Ysla.

"Usa, ang laki nga eh." Sagot ko.

"Hindi mo nahuli?"

"Hindi ko talaga hinuli, naawa ako bigla eh. Pero heto oh, ang dming bunga ng punong iyon." Aking tugon bago ipakit kay Ysla ang napitas kong mangga.

Inabot ni isla ang mangga ko at kumagat ng laman roon, tumulo pa ang katas nito mula s labi ni Ysla hanggang sa maganda niyang leeg.

Ewan ko ba pero pati ata ako ay nabihag na sa kaseksihan ng kaibigan kong ito.