Nahiga na ako. Walang patutunguhan ang usap-away naming dalawa na di ko alam kung saan ba patutungo.
Nanatili siyang nakaupo at umiiyak.
Ganyan ang mga babae... Manghihina ka kapag umiiyak na sila.
"Claire..."
Humagulgol na siya ng iyak.
Iniisip ko na lang dala ito ng emosyon niya kailangan ko kontrolin ang inis na kanina pang gustong makawala. Bumangon ako.
"Alam mo nagulat ka lang kaya ganyan ang drama mo. Kalmahin mo muna ang sarili mo at kailangan mong handain ang sarili mo para sa dinadala mo. Nariyan na yan, wala ka ng magagawa."
"Ang galing mo rin manalita no?! Porque hindi ikaw ang naag-agrabyado!... Wala akong magagawa?! Eh kung sabihin ko hindi siya lalabas sa mundong to!"
Halos di ako makapaniwala sa narinig ko.
Natulala ako...ngunit agad natauhan ng pumasok sa kukuti ko ang sinabi niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?!"
Pilit ko parin kinukontrol ang sarili ko. Tinignan ko siya... Sana mapansin niya na napupuno na ako sa mga sinasabi niya.
Tumayo na ako.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com