( Secretary Lee POV's )
Ngumisi si Dominic. Titig niya na tumabi ako at hayaang pakainin ang kamao sa kapatid.
Well, di ko maaring gawin yun. Trabaho ko ito. Kay Miss Monina mo na lang sabihin para libreng upakan ang kapatid mo. Siya lang naman ang di ko maharang-harang.
Infairness may nanakit na din ng physical kay Master Cedrick.
"Wag mo akong gawing tanga Cedrick. Wag mong ginugulo ang buhay nila."
"Monina want this."
"Anong gusto ko? Hoy! Kung mag-aaway kayong dalawa dito… Magsi-alis na kayo." sabat ni Miss Monina. Saka napatitig sa sapatos ni Dominick.
"Ah. Wag muna kayong umalis ha. Since parang taga rito kayo. Wag kayong aalis na di nililinis ang sahig!" lapit ni Miss Monina sa pinto at inilabas ang mga panlinis.
"Magsilinis kayo ha!"
Talikod nito. Di makapagsalita yung dalawa. Napatitig si Master Cedrick sa paa ng kapatid.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com