ZHIO>>>>
" Deo, mabuti pang mauna ka na sa Venue. Tawagan mo na lang ako kapag sumama si Claire kay Derick."
" Yes, sir."
Sa loob ng office ni Deo naroon ang office ko...at sa office ko nasa loob ang sang silid kung saan ako nagpapahinga at natutulog.
Doon ako dumiretso at nahiga.
Bakit kasi bigla na lang sumusulpot sa isipan ko ang babaeng yun simula ng makilala ko siya.
Nakikialam na rin ako sa buhay niya... Tss na di ko naman ginagawa sa iba lalo na tungkol sa kaligtasan niya...
Mamaya... Malalaman na niya ang totoo... Oo itataya ko ang pagkakaibigan namin para sa kalayaan niya kay Derick... Kung hindi mapapahamak lang siya.
Di ko namalayan unti-unti akong nakatulog.
Nanaginip...
" Layuan mo ko!'
" Tsk. At ngayon ikaw pa ang umaasta ng ganyan. Huh , tulad nila basura ka lang naman na dapat itapon.!'
Pak! sinampal ako ni Claire...
Bigla akong nagising...
Pinagpawisan...
Bakit ganoon...
Natulala ako ...
At ginising ang isipan ko...
Ng tunog nang cellphone ko.
17 missed calls.
Si Deo.
" Hello.."
" Sir, kala ko kung ano ng masamang nangyari sa inyo. Kaninang 32 minutes... Dumating na si Derick...at kasama nga niya si Miss Claire.."
" Sige susunod na ako."
Nang bumangon ako...
Naitanong ko...
Anong klaseng panaginip yun. Bakit galit na galit si Claire?... At kahit kailan di ko masasabi sa kanya ang bagay na yun.