@International_Pen
@International_Pen ((( Missamy POV's ))) Yung scene sa loob ng convenient store, nakuha namin ang pansin ng mga tao. Lalo na ng may makakilala kay Jeff. Na siyang ikinapasok na ng tauhan ni Jeff. Isa kong kamay hawak ni Jeff, at yung isa ko si Jude. Ang swerte ko, dalawang tao ang gustong ipaglaban ang karapatan nila sa akin. Yung isa tungkol sa kontrata at yung isa sa mga pangako naming ibinulong lang. Ano ito Missamy? Love triangle? Anong love triangle? Wala namang gusto sa akin si Jeff at habol nga lang talaga niya yung kontrata at hinila niya ako ng ganito, para maalarma si Jude na pakiramdam ko talaga may alam na siyang umaarte lang kami ni Jeff. Lalo na yung reaction ko kanina na parang nakita ko lang yung kapatid ko. I'm sorry Jeff parang nahalata na nga ni Jude. "What the hell, di mo bibitawan ang asawa ko?!""Wala siyang ginagawang masama Mr. Lee Chan.""Tss. Flirting with you is enough reason."Support your favorite authors and translators in webnovel.com