(Rhoa POV's)
Halos nagulat kami ng may narinig kaming malakas na nabasag. Nagmadali ako para tignan ito, at naabutan ko, nahulog ang malaking larawan nila Master Cedrick at Monina na kasama nga kami sa larawan na naroroon.
Kasabay din noon ang pagsulpot ni Master Dominick dahil narinig niya din ito.
"Anong nangyari?" tanong niya. Ngunit bago pa man may sumagot sa kanya… si Butler Cheng naghihingalong sinabi na… nanganganib ang mag-asawa.
Heto na nga ba ang katigasan ni Monina.
Tumawag na ako kay Rhio, ngunit di niya sinasagot… si Mike na… di rin sinagot.
Ngunit maya-maya lang… si master Cedrick ang nasa kabilang linya…
Sinabi niya sa akin na protektahan ang kapatid nito. At naririnig ko nga sa kabilang linya ang barilan na walang humpay.
Maya-maya lang tunog ng palapit na chopper ang narinig ko kaya naibaba ko ang tawag ni Master Cedrick.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com