(Monina POV's)
Dahil kasama ko nga ang financier ko, ayan mabibili ko na yung lumang camera! Kahit yun na lang. kasi minsan yung mga bagong camera pa yung madaling masira at saka matry ko din yung retro effect.
"Anong gagawin mo dyan?" tanong sa akin ni Cedrick.
"Picture."
"Monina… kahit di ka na—."
"Wag na wag mong papatayin ang kinakahiligan mong talento Cedrick." babala ko sa kanya dahil kung pati camera ilalayo niya ako, sasabog na talaga lahat ng bulkan.
"I can bu a lot of camera Monina, wag lang yan. Luma na." Buti naman.
"Gusto ko ito ma-try."
"Sira na yan." Bakit ang negative ng lalaking to?
"Kung sira, may mga technician ka naman, sa kanila mo ipakumpuni. No. Gumagana Cedrick!" na siyang kinunan ko nga kaagad ng larawan si Cedrick.
Hehehe. Inis ang gago.
Pero…. "Unfair ang gwapo mo parin kahit naiinis ka."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com