(Mrs. Zalazin POV)
"Oh ayan na Papa. May maniningil na naman. Ikaw na ang magbukas. Magpaliwanag at maghanap ng palusot kung bakit hindi tayo makakapagbayad ngayon."
"Mama naman. Asawa ko. Ikaw na." Hinampas ko it ng damit ni Jing-Er na nakasabit sa tabi ng higaan nito.
"Ayoko. Masyadong makapal na ang mukha ko Papa." pakita ko sa kanya ng mukha kong puro na nga lang kahihiyan ang dinudulot ng baon naming utang.
"Si Mama, natatakot? Simple lang yan." kaya muli ko siyang hinampas.
"Anong simple doon. Sige, gawin mo para malaman mo kung—." bigla ako nitong kiniliti sa bewang kaya napatili ako. Saka siya natawa.
"Oo ako na." kindat niya sa akin. Oo, sa ganoong paraan ata ako nakuha ng asawa ko. Pero mabait siya.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com