(Jing-ER POV)
"Kung ayaw niyo maniwala akin na lang yun." na aalis na nga ako ng biglang sabay-sabay nilang pinigilan ang bike ko.
"Bak nakakalimutan mo Jing-Er, kung pagdating lang naman sa chismisan, wala tayong lihiman." pagpapakita ni Even ng mahahaba niyang kuko.
"Sabihin mo na. Since nasuspense na din kami." Si Lost na may mga innosenteng ngiti ngunit bida din ang ka-kuryusidad kung anong usap-usapan ang meron sa school na ito. At numero uno nga kesa kay Sena kung may chismis nga pagdating kay Zendeo, but gladly wala naman talaga. Misteryoso ang Zendeo nila.
"Sinungaling. Tsk. Wag kayong maniwala dyan." Si Sena na di siya makapaniwala na naunahan ko pa nga siya malaman ang tungkol sa iniibig ni Prince Kean. Ngunit sa sinabi niya parang hinahamon nga ako nito umamin. Haist. Mga kaibigan kong to, wala ba silang bilib sa akin? Sabagay dahil minsan gumagawa din ako na tinatawag nating… White lies.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com