( Monina's POV)
Gaya nang sinabi niya kailangan kong itahimik ang aking bibg. Masisira ang gabing ito. Saka dahil sa pinag-usapan namin, kaya nga nangyari ito. Ano nga ba ang iniisip nang matino kong isipan. Bakit ko ito ginawa? Akala ko ba makokontrol ko nang ganito lang si Cedrick?
Sa totoo lang nagpaubaya ako dahil baka nga magkaroon ako nang chansa sa kanya. Ang dating nga ng nangyari parang pinipikot ko lamang ito.
Sa katahimikan nga naming dalawa… namalayan ko na lang nakatulog ako. Sa pakiramdam ko nga na masaya ako sa nangyari sa aming dalawa.
Kinaumagahan, nang magising ako. Wala na si Cedrick sa tabi ko at halos tumalon ako sa gulat dahil si Rhoa itong nagisnan ko. Abalang maglinis sa silid ni Cedrick.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ginagawa ang trabaho ko." saka tinitigan niya ako at tumaas ang mga kilay. Agad kong pinulupot ang kumot sa katawan ko.
Napangisi si Rhoa.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com