( Monina's POV )
Kinuha ko nga yung isang cushion pillow. Pang balance na di ito mahulog.
Kahit paano masaya naman ako sa aking nararamdaman. Ngunit wag lang talaga pahalata.
Namalayan ko na lang pinaglalaruan ko ang buhok nito. Pahinga ka muna. Awat na muna tayo sa pagiging Lion at aso. Hahaha.
Di ko namalayan. Dinadalaw din ako ng antok. Sa ganda pa naman ng pakiramdam diba, Monina?
kaya naisandal ang ulo sa upuan, tukod ang isang kamay sa aking noo. At dahan-dahan na pumikit ang mga mata ko.
Hinawaan ako ng puyat niya.
( Haiden's POV )
Naipagpag ko ang aking kamay sa damit. Nang humambalos nga ako sa labas pagkatapos patulak na itinapon nila ako.
Hahaha.
Ganoon pa rin Marlana ng paningin mo sa akin? Isang kawawang nilalang.
Napatayo ako at napakamot-kamot sa ulo. Hangang sa natawa na lamang ako.
Hulog na ang loob ng isang vampira kay Monina? Eh? Dapat ako ang nasa katayuan niya diba?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com