webnovel

You Are Mine (Tagalog)

"She only treats him like her older brother after she was adopted by his mother. But for James, Sierra is not his little sister. She is his woman. And he will do everything to own Sierra." * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * (Read more by adding this story to your library. Please don't forget to give it your vote a high rating. Thanks!) B.M. Cervantes All Rights Reserved Copyright, 2019

Blessedy_Official1 · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
13 Chs

The Game Begins

"Felicia Island. What a nice place!" Hindi maiwasan ni Sierra na mamangha sa ganda ng beach na napapalibutan ng matatayog na puno ng niyog. Ang puting buhangin nito at ang mala-kristal na tubig ay nakakaenganyo sa sinumang magtungo roon.

"This way po." Paggiya sa kanila ng isang tourist guide na kasama na nila mula pa sa eroplanong sinakyan.

Kasama nila ang mga executives at iba pang opisyales ng kumpanya.

Dumiretcho sila sa hotel doon at magkahiwalay na kwarto ang ibinigay para sa kanila ni Terry. Malayo pa ang mga kwarto nila sa isa't isa. Ang silid niya at ang isa pang silid sa kaliwa ay nakabukod sa iba pang mga silid.

Pahilata niyang inihigaw ang pagal na katwan dahil pagod sa biyahe. Bukas pa naman daw ang umpisa ng programa, pictorials at mga fashion shows na kanyang pupuntahan kaya naisipan niyang mag-swimming muna.

Napangiti siya ng makita ang sarili sa salamin habang sout ang two-piece bikini. Tiyak na lahat ay mapapalingon sa kanya dahil sa alindog na taglay.

Tama nga ang kanyang iniisip dahil paghubad niya ng kanyang dobleng tshirt sa labas ng hotel at napukol na agad siya ng mga mata ng mga kapwa niya maliligo sa dagat.

"Hi!" Bati sa kanya ng isang matipunong lalake na maganda rin ang hubog ng katawan na tila nakakakit sa suot nitong swimming trunks.

"I'm Joshua Villa Verde, President for Research. I guess you are our new model." Maaliwalas ang mukhang pakilala nito sa kanya na naglahad pa ng mga palad. Natatawa naman niyang tinggap ito.

"I'm Alexia." Pakilala niya dito na tinggap ang mga palad ng lalake. Mukha naman itong mabait at maginoo kahit na sa sandaling iyon ay pareho silang parang habud na sa suot.

"My kasama ka ba dito?" Tanong nito habang naglalakad sila sa baybayin ng dagat.

"Yung manager ko lang. Ikaw?" Tanong niya dito habang pinagmamasdan ang mga taong nagtatmpisaw sa tubig.

"Of course, my co-executives." Natatawa nitong sagot sa kanya sa ginawang tila pamimilosop. Napangiti naman siya dito., ngunit agad din iyong napawi ng makita si James na palapit sa kanila. Nakasuot ito ng shades, white sando, at shorts. Ang simple nitong pananmit ay lalong nagbibigay ng appeal dito.

"Pare!" Bati ni Joshua dito saka nag-appear ang dalawa. Bigla ring sumulpot si Veronica na naka-two pice swim suit din na agad sumunod kay James.

"You probably meet our new model?" Ani ni James na tumingin sa kanya na tila blanko ang ekspresyon sa mukha.

"New model?" Pag-uulit naman ni Veronica, na bakas ang pagtataka sa mukha.

"You're right. Alexia is really so gorgeous. Sino ba namang hindi makakapansin sa kanya?" Nakangiting sabi ni Joshua na sumulyap sa kanya. Tila hindi naman nagustuhan ni James ang sinabi nito ng makikita ang pagtatagis ng bagang nito at pagdilim ng mukha.

"Yes. And very sexy! Nice meeting you..Alexia." Sangat naman ni Veronica sabay lahad ng palad sa kanya. Makikita ang kakaibang ngiti nito sa labi na parang nababasa na ang mga pangyayari. Naiilang naman niyang tinganggap iyon at pilit itong nginitian.

"Thanks. Nice meeting you guys." Ani naman niya na pilit pinatatag ang tinig. Madali niyang tinalikuran ang mga ito at patakbong sinalubong ang alon gn dagat at nagtampisaw sa tubig.

Kita niya ang paghihiwalay ni Joshua at James, samantalang tila ahas namang pinulupot ni Veronica ang mga braso nito sa bewang ni James. Sumulyap pa ito sa kinaroonan niya at bingyan siya ng isang mapang-asar na ngiti.

"I am seeing Sierra, but I feel she's a different person now?" Tanong ni Veronica kay James ng sinundan niya ito patungo sa bar.

Bagkus na sumagot ay nag-order ito ng beer at saka lumagok ng alak. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rink ay Sierra na tila walang pakealam sa lakas ng alon na tumatama dito habang nagtatampisaw.

Nakikta niyang may mga lumalapit na lalake dito ngunit agad ding iniiwan ang babae.

Napangiti siya sa mga alaala kung gaano kasungit ang babae sa mga nanliligaw dito 'pag nagkwekwento ito. Napabuntong-hininga siya at malungkot na tinanaw ang babae.