webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · แฟนตาซี
Not enough ratings
11 Chs

BABAYLAN

Nagkalat ang taboo na inilabas ni Ra ela, at naalarma Ang tatlong demonyo dahil sa lakas kapangyarihan na ipinaparamdam ni Netro. Unti-unting nakaramdam ng takot Ang tatlong demonyo sa mga taboo na nagkalat sa lupa at ere. Tumalon ang mga ito ng mataas at nag abang sa ere upang tignan ang mga susunod na mangyayari.

Ngunit planado na pala ito ni Ra ela. Ang mga taboo na nag kalat ay may kakayahang magpagaling ng pinsala ng mga nasa paligid nito. Mula sa ere ay Nakita ng tatlong demonyo si Ra ela. Wala namang kaalam alam si Ra ela dahil Hindi nito matanaw ang paligid dahil sa hamog ng lugar.

Agad na nalaman ni Koro Ang kakayahan ng mga nagkalat na taboo na iyon, sinabi ni Koro Kay Jess na manatili lamang sa tabi ng mga taboo upang mabilis na gumaling. Ilang minuto Ang nakalipas ay napansin ni Koro ang Isa sa mga demonyong nasa ere.

Hindi sinabi ni Koro Kay Jess Ang Nakita dahil baka biglang magpadalos dalos si Jess at umatake ng Hindi nag iisip. Mas intindi ni Koro kung paano maisasama at makokombinsi Ang babaylan nito upang sumama at turuan si Jess. Sigurado si Koro na dahil sa mga taboo na iyon ay umaaksyon na ang babaylan na ito, ngunit Ang problema ay Hindi Kilala ni Koro kung sino ito.

Labis ng naiinip si Lamia sa pag hihintay sa ere. Nais na nitong Kumain Kaya naman bumaba muli ito. Kakayahan ni Lamia na mang-akit ng tao, ibigay Ang libog na nararamdaman nito. Sa Oras na nakalapit sya ay naaakit sa kanya ang tao, Saka nya ito kakainin. Bukod sa kakayahang Mang akit, ay si Lamia Rin Ang pinaka mabilis pumaslang sa mga demonyo.

Sa pag baba ni Lamia ay tila napadpad ito malapit sa kinaroroonan ni Jess. Si Jess ngayon Ang Nakita nitong biktima. Ngunit agad Naman napansin ni Koro si Lamia. Sinabi ni Koro Kay Jess na nasa paligid lamang si Lamia at sinabing pumikit upang Hindi sya maakit ni Lamia. Sinunod ni Jess Ang payo ni Koro, pumikit ito at sinabi ni Koro na kahit Anong mangyari ay huwag titingin sa mga mata ni Lamia.

"Hindi Rin Naman mag tatagal Ang laban na ito" Sabi ni Jess Kay Koro. Nagulat Naman si Koro sa sinabi ni Jess. Bago pa man sabihin ni Koro na huwag muna lumaban si Jess, ay agad nang nakakilos Ang binata upang umatake.

Nakapikit na umatake si Jess Kay Lamia. Nakita ni Lamia na papalapit si Jess sa kanyang kinaroroonan ng nakapikit.

"minamaliit mo akong Bata ka!" sigaw ni Lamia sabay labas ng mga matutulis na ngipin nito. Nag ngingitngit sa gigil si Lamia, nakahanda na Rin ang matutulis at mahabang kuko nito. Maging Ang pambaba nito ay nakahanda na upang puluputan si Jess sa Oras na makalapit Ang binata.

Sumugod Rin si Lamia papalapit Kay Jess. Magsasalubong Ang dalawa sa pag atake. Batid ni Jess na Hindi sya mananalo at mabilis syang mapapatay ni Lamia gamit Ang mga kuko at ngipin nito. Ngunit may kakaibang Plano si Jess na naisip. Nais nyang subukan ito. Naintindihan Naman ni Koro Ang Plano at nais na mangyari ni Jess, Kaya Naman Hindi na nito pinigilan si Jess.

Habang pasalubong Ang dalawa ay ibinato ni Jess si Koro sa likuran nito, at sakto Naman papatusok na Kay Jess ang mahahabang kuko ni Lamia. Ikinabigla ni Lamia na tumagos dito si Jess, tumagos rin si Jess maging sa katawan ni Lamia. Sa pag tagos ni Jess sa katawan ni Lamia, ay unti unting Nakita ni Lamia si Koro sa kanyang harapan, naka abang Ang naka bukas na bunganga ni Koro. Ang perpektong kopya ng kalawan sa bunganga ni Koro.

Nakapasok ang kalahating katawan ni Lamia sa bibig ni Koro. Agad na isinara ni Koro Ang kanyang bibig, dahilan para mahati Ang katawan ni Lamia. Sa tulungan ni Koro at Jess ay napag tanto nila na ito na siguro Ang pinaka mabilis na laban nila, at nagawa nila ito sa isang demonyo.

"Walang hiya ka Jess! Sa susunod ay Balaan mo Naman ako kung gagamitin mo ako sa mga Plano mo, Lalo na at sa krititkal na sitwasyon. Hindi mo ba alam na labag sa akin na naglagay ng buhay na nilalang sa loob ng bibig ko? Hindi ito magiging mabuti sa aking kalusugan" sermon ni Koro Kay Jess.

"walangya ka talaga!" – Hirit pa ni Koro. Natatawa naman si Jess na naka tingin Kay Koro. "base sa Nakita ko ay mukhang lubusan ka na ngang gumagaling Jess, Hindi ba?" tanong ni Koro Kay Jess.

"Oo, gumaling nga akong tuluyan. Nagagamit ko na Rin Ang kanang braso ko. Nakakaramdam Rin ako ng malaking pagbabago sa takbo ng mana at ora ko sa loob ng aking katawan. Nag simula ito noong naramdaman ko Ang pag galing ko dahil sa taboong nag kalat."

"Ganyan talaga kalakas at kakaiba ang kapangyarihan ni Netro." Nakangiting Sagot ni Koro

"Totoo. Papasugod pa lamang ako kanina Kay Lamia ay agad Kong nagamit Ang Utakora, nagawa Kong tumagos sa demonyo. Pero siguro kung Hindi ko nagawa agad ito ay paniguradong Patay na ako."

"Talagang buwis buhay ang ginawa mo Jess. Ngunit Jess, alam Kong Hindi ka sigurado ng mga Oras na iyon kung magagawa mo ba talaga, paano mong nagawa at buo Ang kompyansa mong ituloy Ang Plano mo?" tanong ni Koro Kay Jess. Nakatingin ito sa binata at nag hihintay ng sagot.

"Dahil ko alam at nararamdaman ko na kayang Kaya kong Gawin ito. Hindi yon naituro sakin ni Pinyin o ni Chu an. Nakita ko lang na ginawa ni Chu an ito noong oras na nag lalaban kami. Pero kahit ako ay Hindi ko alam kung paano ko nagawa Ang teknik na iyon kanina." Sagot ni Jess

"Napapansin ko na bilang isang hinirang ay napaka raming misteryong bumabalot sayo simula nang magpasya kang umpinasahan ang iyong paglalakbay Jess." Ulat ni Koro.

"Sa sinabi mong iyan, ay sana nakilala ko si Pinyin at Chu an. Mukhang napakarami mo talagang natutunang bagay ng makilala mo sila" – dagdag pa ni Koro. Hindi man nakilala ni Koro sila Pinyin ay malaking pasasalamat ni Koro na natagpuan ito ni Jess. Talagang napakalaking parte nila sa pag lakas ni Jess.

"Isa nga sila sa mga rason kung bakit ako nag tatagumpay sa misyon ko ngayon bilang isang hinirang. Patutunayan at tutuparin ko ang mga pangako ko sa kanila".

"Sana nga Jess. Sana nga." Matapos mag usap ng dalawa ay nagtungo na sila sa kinaroroonan ni Netro. Sinusundan nila pinagmumulan ng napakalakas na kapangyarihang nararamdaman ni Koro.

Naramdaman Naman ng dalawang demonyo Ang pag kawala ng ora ni Lamia, Kaya Naman naisipan nitong bumaba sa lupa upang hanapin si Lamia. Bago pa man mag hiwalay Ang dalawang demonyo ay nagpakita na si Ra ela.

Nakita ni Lechies si Ra ela Kaya Naman agad na umatake itong si Lechies, ngunit naiwasan Naman agad ito ni Ra ela. Bago pa man muling umatake si Lechies ay napansin na nito ang itim na posas sa kamay, paa at kanyang leeg. Nailagay pala ito ni Ra ela nang sya ay umatake papalapit dito.

Sinubukang tanggaling ni Lechies Ang mga posas na ito, ngunit Hindi nya ito mahawakan. Damang Dama ni Lechies Ang bigat ng mga posas na ito kahit pa Hindi nya mahawakan ang mga ito. Binaliwala ni Lechies ang mga posas na ito dahil wala namang sakit na naidudulot Ang mga ito sa kanya.

Sinubukang muling gumamit ni Lechies ng kapangyarihan , ngunit bigo na ito. Hindi magawang makagamit ni Lechies ng kapangyarihan, dito nya napagtanto na marahil dahil ito sa mga posas na nakakabit sa kanya.

Tinitigan ng maigi ni Lechies Ang mga posas na nakakabit sa kanya. Napansin nya na Hindi pangkaraniwang posas lamang ang mga iyon. Binabalot at binubuo ng enkantasyon Ang posas na nakakabit sa kanya. Kaya pala Hindi nya naramdaman ito ng ikabit ito sa kanya ni Ra ela.

Aminado si Lechies na isang pagkakamali Ang umatake agad sya kanina Kay Ra ela.

"Hindi na magiging problema Ang demonyong iyan. Hindi nya nagagawang maka wala at tanggaling Ang posas na iyan dahil sa enkantasyon. Madali na lang patayin Ang isang iyan, pero bigyan muna natin sya ng ilang Oras para subukang kumawala sa enkantasyon na gamit ko." Kompyansang Sabi ni Ra ela.

"Huwag Kang mag pakasiguro Sarah, kahit pa na Hindi katulad ng mga prinsipe ang demonyong iyan, ay Hindi mo pa Rin maaaring ikumpara Ang kanilang kakayahan sa isang inutil na halimaw." – sagot ni Netro. Batid ni Netro na kahit pa mahina pa Ang demonyong si Lechies ay maaari pa Rin itong makaisip ng paraan upang makawala.

"Hayaan mo na lamang ako kung wala Kang tiwala saakin. At pwede ba, habang nandito Tayo sa Tyche ay wag mo akong tawagin sa tunay Kong pangalan! Bwisit ka!" naiiritang sigaw ni Ra ela Kay Netro.

"Nasanay lang ako. Bakit kasi Ang Dami mo pang nalalaman at kailangan mo pang baguhin Ang pangalan mo" mataray Rin na sagot ni Netro dito.

"Argh! Manahimik kana lang at tapusin na natin Ang isang to" sa pag uusap ni Ra ela at Netro ay muli Naman nyang itinuon ang kanyang pansin sa demonyong si Leonard.

"Bago mo ako tapusin, ay sabihin mo, makakaya nyo kayang talunin Ang mga prinsipe at ang namumuno na Jakan?" nakangising tanong ni Leonard. Mapahinto si Ra ela at natulala ng marinig Ang katanungang ito.

Bakit sumagi sa isip ng demonyong iyon ang katanungan na ito? Bakit parang may alam ito sa misyon ng hinirang at tulad nitong babaylan.

Ilang minuto Rin Di nagsalita si Ra ela. Tila malalim Ang iniisip nito tungkol sa tanong ni Leonard

"walang problema kung Hindi mo ito sasagutin. Gusto ko lang sabihin na bilang demonyo ay mas mataas ang pride ko kesa sa mga hampaslupang Kasama Kong ipinatawag sa Mundong ito."

"ayokong mag sunud-sunuran sa mga prinsipe. Mas gugustuhin ko pang bumalik sa impyerno at pahirapan Ang mga mahihinang mga nilalang na napunta sa impyerno. Talagang nararamdaman ko ang kalakasan ko sa Lugar na iyon kesa sa mundong ito! Nag mumukha kaming mga alipin ng mga prinsipe! Ilang araw pa lang kami namamalagi sa lupa pero nararamdaman ko na kamatayan ang kahahantungan naming lahat dito. Hindi ko ginustong ipatawag at maging alipin ng mga prinsipe kaya naman opportunidad ko na ang oras na ito." Bahagyang huminto si Leonard sa pag sasalita. Nakatingin ito Kay Ra ela at naglakad kakaunti papalapit, saka binuka ang kanyang mga kamay at sinabing

"Hindi na ako lalaban, magandang dalaga. Gawin mo na ang dapat mong gawin"

"Traydor ka talagang demonyo ka!! Ano bang ginagawa at sinasabi mong demonyo ka!" sigaw ni Lechies Kay Leonard. ..

"Mamamatay kana Rin Naman Lechies. Patay na si Lamia at sa sitwasyon mong iyan ngayon ay wala kana Ring magagawa. Kaya Naman hayaan mo na lamang ako. Sa kapangyarihang tinataglay ko ay nadarama ko ang nalalapit na katotohanan. Alam ko na ang mangyayari dahil sa sitwasyong nagaganap sa kasalukuyan. Isa Rin sa dahilan kung bakit ako sumama para sunduin sila Machocias ay dahil alam ko na may makakaharap tayong pambihirang kalaban."

"Wala Kang kwenta! Alam mo na palang kamatayan Ang kahahantungan natin dito! Bakit Hindi mo man lang kami binalaan ni Lamia?! At Anong sinasabi mong mamamatay na Rin ako ha?!" Galit na sigaw ni Lechies.

Sinubukan rin nitong kumawala Mula sa enkantasyon na nakalagay sa posas. Ngunit walang nagbago sa itsura nito at tila pabigat ng pabigat ang mga posas.

"Tignan mo, ngayon ay marahil naiinintidihan mo na kung Anong sitwasyon Ang kinalalagyan mo ngayon. Kung Hindi ako nagkakamali ay habang buhay na Hindi titigil sa pag bigat Ang posas na iyan. Patuloy itong bibigat Hanggang sa bumaon ka sa lupa at magkadurog durog Ang katawan mo" Nakangiting Sabi ni Leonard Kay Lechies.

Tumingin Naman ito Kay Ra ela at sinabing "Ang posas na iyan ay Ang kopya ng hikaw Mula sa kaliwang Mukha ng bantay sa impyerno. Tama ba ako, magandang dalaga?" wika ni Leonard Kay Ra ela.

"Hindi ka nagkakamali, taglay ng libro na ito Ang buong kapangyarihan ng Mundo at daigdig. Maging Ang langit at impyerno." Sagot ni Ra ela dito.

"Magaling! Tapos na akong magsalita, magandang dalaga. Huwag mo na Rin pahirapan pa ang isang iyan. Apat na pung tao ang namatay sa bayan na ito, ang mga kinain at pinatay ni Lamia at Lechies. Silang dalawa lamang ang Kumain at pumatay, ngunit sa aking palagay ay mas maraming napaslang si Lamia. Nasa tatlong put dalawa ata ang nakain nito. Pero sigurado akong Patay na si Lamia, at ang pumaslang dito ay Ang kasamang binata ni Koro."

"Salamat sa impormasyon. Hindi ko gagawing masakit ang kamatayan mo, makakaasa ka." Sagot ni Ra ela Kay Leonard. Nakangiting pumikit si Leonard at dahan dahang binitawan Ang baston na hawak nito.

Agad na inilabas ni Ra ela Ang taboo sa paanan ni Leonard. Nag liwanag ito Mula sa kinatatayuan ni Leonard, kasabay nito Ang biglang pagkawala ni Leonard. Naging abo na lamang Ang nakikitang bumabagsak sa lupa, marahil ay dahil ito sa matinding init at liwanag.

Nakita ni Lechies Ang buong pangyayari. Ginusto pa Rin nitong lumaban at pilit na pinipilit kumawala sa posas. Ngunit sa pag pupumilit ay sabay sabay na bumigat Ang posas na nasa kamay, paa at leeg nito. Unti unting bumabaon sa lupa Ang mga paa ni Lechies. Unti unti na ring madudurog at nagkakabali-bali Ang parte ng katawan nito.

Samantalang laking gulat Naman ni Ra ela Ng Mula sa itaas ng Puno ay bumaba si Jess.

"mukhang Hindi ka pinahirapan ng dalawang ito ah, Ra ela. O mas maganda siguro kung tatawagin kitang Sarah." Nakangiting bungad ni Jess Kay Ra ela.

"Kung ganon ay kanina Kapa nasa itaas ng mga Puno. Matalino ka Rin para gamitin Ang Utakora para Hindi kita maramdaman o ng nga demonyo" sagot ni Ra ela. Tinawanan lamang ng binata si Ra ela at nag pokus na sa dapat nyang Gawin.

Hinuli ni Jess Ang mga espirito ng dalawang demonyong nahuli ni Ra ela. "buti at alam mo na Ang dapat Gawin sa mga espirito na Yan. Ayaw mo bang mapahiya bilang Hinirang Kaya natuto ka ng pumaslang ng espirito?" Pang aasar ni Ra ela Kay Jess.

"Hindi ko papaslangin Ang mga ito dahil Hindi ko pa ito natututunan. Maya Maya ay may darating dito na syang responsable sa mga espiritong ito." Sagot ni Koro sa dalaga.

"Kamusta Netro! Kahit kailan ay Hinding Hindi ako magkukupas na hanapin kayo ng mga Kapatid mo" masiyang bati ni Koro Kay Netro.

"Tama ka, tulad ng dati ay mabilis mo pa Rin kaming nahahanap sa mga babaylang napili namin. Pero ako na mismo Ang nagsasabi sayo Koro, Hindi magiging madali Ang lahat para sa hinirang na mangkukulam ngayon!" mataray na sabi ni Netro sa ama nitong si Koro.

Sumingit Naman sa usapan nila si Ra ela. Mabuti ay wag na nilang askayahin Ang Oras nila sa pag uusap at tulungan ang lahat ng tao na naapektuhan sa pagkasira ng bayan. Marami Rin Ang namatay at kailangang malaman Ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Agad na umalis si Netro at Ra ela habang naiwan Naman si Jess at Koro upang hintayin Ang pag dating ni Sese.

Hindi pa tuluyang naaayos si Sese, ngunit sa tulong ng chakra ng Oramata ay nagawang ipasunod ni Jess ito sa kanilang kinaroroonan. Ilang minuto Ang nakalipas ay dumating si Sese. Mabilis na ikinulong ni Jess ang mga espirito sa katawan ni Sese.

Sira na Rin Ang gusali kung saan inaayos si Sese, Kaya Naman nag pasya si Jess na tama na Ang kalagayang iyon ni Sese, buo na Rin Naman Ang katawan nito at nagtataglay na lamang ng ilang lamat.

"kung Tama Ang pagkakaintindi ko, si Ra ela Ang babaylan, at Ang librong hawak ni Ra ela ay Ang takda." Panigurado ni Jess

"Oo, pero base sa babalang binigay ni Netro ay mukhang Hindi ito Ang swerte mo"

"anong ibig mong sabihin? Hindi ba at swerte na nga ako ngayon dahil nahanap na natin Ang isang babaylan. Sa totoo lang ay gusto ko na ulit tawagin si Ra ela at tawagin syang babaylan ko" Nakangiting Sabi ni Jess. Na para bang gustong inisin Ang dalaga.

"Iyon na nga mismo Ang problema Jess. Mukhang walang balak si Ra ela na maging parte ng paglalakbay o maging ganap na babaylan mo" babala ni Koro Kay Jess.

"teka, ano? Kung ganoon paano ako magtatagumpay sa misyon ko kung wala sila? Dapat ko bang nakawin ang takda na hawak nya, ganun ba?"

"Hindi mo magagawang nakawin ang takda Jess. Maihihiwalay mo lang Ang katapatan ng takda sa babaylan kapag bukas sa loob ng babaylan na ibigay ito sayo, o kung mamamatay Ang babaylan" paliwanag ni Koro

Alam ni Jess na malaking problema nga iyon. Lalo pa at dama nya na ayaw sa kanya ni Ra ela. Mukhang matatagalan talaga Bago nya mapilit ito.

"Huwag ka mag alala, napag daanan Rin ito ng mga naunang hinirang. Ang pinagkaiba nga lang ay mukhang mas mahirap Ang sitwasyon mo, bukod pa dito ay Hindi pa natin nahahanap Ang dalawang babaylan. Isa pa Jess, ay mas nag aalala ako para sayo dahil sa ugali ni Tengko. Ang takdang iyon lang Ang sumusubok sa lahat ng hinirang. Si Tengko lang lagi ang nagiging problema ng mga naging hinirang."

Sa pag uusap ni Koro at Jess ay nakarating sila kung saan tinitipon ni Ra ela Ang mga taong nakaligtas. Nang Makita ni Ra ela sila Jess ay inutusan nya itong tipunin at pag Sama samhin Naman Ang mga bangkay.

Alam ni Koro na mahina Ang sikmura ni Jess sa mga bangkay ng tao. Kaya Naman sinabi ni Koro na sila na lamang ni Sese Ang gagawa nito. Pumayag si Jess at isinuot sa ulo ni Sese si Koro.

Nang makaalis sila Sese ay sinamantala Naman ni Jess na mamahinga Kasama Ang mga mamamayan ng bayan ng Tyche.

Habang magkasama si Koro at Sese, ay nahahalata ni Koro ang pag babago minsan ng ugali at kilos ni Sese. May mga bagay na nagagawa si Sese na Hindi nito makontrol ang sarili. Noong una ay inisip ni Koro na baka dahil lang ito sa Hindi kumpletong pag aayos Kay Sese.

Napansin Rin ni Koro na Hindi Rin nagsasalita si Sese simula ng ikulong sa katawan nito Ang tatlo pang demonyo.

Taglay ngayon ni Sese sa kanyang katawan Ang pitong espirito ng demonyo. Nang matapos pag Sama samahin ang mga bangkay ay bumalik sila sa kinaroroonan ng iba pang tao.

Nagpapalipas ng Gabi Ang lahat sa ilalim ng Isang malaking ugat ng Puno. Nilapitan ni Jess si Ra ela upang kausapin ito.

"Huwag mo ng ituloy Ang kung ano Mang balak mong sabihin. Unang una ay Hindi ako sasama sayo kahit na ako pa Ang babaylan mo. Hindi ko ibubuwis Ang buhay ko sa misyong iligtas Ang Mundo, dahil bilang tao ay may karapatan kaming Hindi harapin Ang misyon na nakatadhana sa amin" mabilis na depensa ng dalaga. Ikinagulat Naman ni Jess Ang mga sinabi ni Ra ela.

Tahimik lang si Netro at Koro, walang gustong mag himasok sa usapan ng dalawa.

"Kung ganoon paano ako? Paano Ang misyon ko? Hindi ako magtatagumpay na wala Ang tulong nyo. Malaki Ang tiwala ng sinundan Kong hinirang na ako Ang magtatagumpay sa misyon naming mga hinirang" seryosong sagot ni Jess sa dalaga. Buo Ang desisyon ni Jess na Gawin at tapusin Ang masimulan ng mga hinirang, Kaya ganoon na lamang kalakas Ang loob nya na komprontahin ang dalaga.

"bakit nakasisigurado ka na mag tatagumpay ka sa misyon mo? Alam mo ba kung gaano kadelikado at kalakas Ang mga prinsipe bukod pa roon wala pang kahit sino Ang nakakapag Sabi kung gaano kalakas Ang Jakan"

"Hindi Naman Tayo agad agad na lalaban. Sabay sabay Tayong magpapalakas para tapusin Ang Jakan"

"magpalakas?! Bakit may Kaya ka na bang ipamalas?! Gaano kana ba kalakas?! Ang Sabi sakin ni Netro ay sa edad na dalawang put Isa ay hahanapin ako ng hinirang. Labing anim na taon pa lang ako Jess! Alam Kong mag kasing edad tayo. Kaya bakit ka nandito at kausap ako!? Bakit napaka aga mong hanapin ang mga babaylan ha?!" sigaw ni Ra ela. Kitang kita ni Jess Ang inis ni Ra ela habang sinisigawan sya nito.

"Pinapaaga mo lang ang kamatayan mo, at dinadamay mo pa kami sayo! Pinapaaga mo Rin Ang kamatayan namin, maswerte pa Ang ibang babaylan dahil Hindi mo pa sila natatagpuan! Kung alam ko lang na nandito sa bayan ng Tyche Ang hinirang na mangkukulam ay Hindi na sana ako tumungo rito para tumulong!"

"Maaga akong kumilos dahil Malaki Ang tiwala sa akin ng naunang dating babaylan kahit pa ang dating hinirang. Mas kailangan Kong kumilos ng maaga dahil habang tumatagal ay mas lumalakas Ang Jakan at Ang mga prinsipe. Hindi na dapat ito ipagpaliban at paabutin sa pang apat na henerasyon ng hinirang. Kailangan na tong matapos ngayon! Hindi mo ba nakikita Ang pagbabago? Naglalabasan na Ang mga demonyo sa impyerno na dati ay Hindi Naman nangyayari" depensa muli ni Jess. Alam ni Jess na malaking reponsibiladad nga Ang pagiging isang babaylan, ngunit Hindi nya inakala na magiging ganto kahirap kausapin Ang babaylan.

"Talagang Malaki Ang tiwala mo sa sarili mo na mag tatagumpay ka sa misyon noh. Hindi mo man lang naisip kung paano namatay Ang mga naunang hinirang kahit pa napakalakas na nila. Pero Ikaw, Anong maibubuga mo sa estado mo ngayon ha? Maaga mo lang na hinahanap Ang sarili mong libingan Jess! Saka wag mong gamitin Ang mga demonyo bilang palusot. Normal lang na lumabas sila dahil bukas Ang pinto ng impyerno!"

"Ayoko na. Ayoko ng makipag talo sayo. Oo Maraming Tama sa mga sinabi mo. At totoong malakas ka pero Hindi mo alam Ang totoong nangyayari. Ayoko na sabihin ito, pero Wala Kang alam sa pinag daraanan Ng Isang hinirang, Ra ela." Matigas na Sagot ni Jess.

"Hindi porket Ikaw Ang hinirang ay susunod kami agad sayo. Tandaan mo, may sarili kaming buhay na gustong ingatan"

"Talaga bang ganyan mo ko lalaitin? Sige, ako si Henry Jess Alsan, ay hinahamon ka sa isang laban. Kapag natalo kita ay sasama ka sakin bilang aking babaylan. Kapag ako Naman Ang natalo ay Malaya kana sa gusto mong Gawin sa buhay mo. Ako na mismo Ang puputol sa oblisgasyon mo bilang isang babaylan" Hamon ni Jess Kay Ra ela. Eto na Rin lamang Ang naisip na paraan ni Jess para maisama si Ra ela.

"Nababaliw kana talaga! Sa paanong paraan mo ako tatalunin sige nga ha?!"

"Problema ko na iyon. At bakit ko sasabihin sayo? Ikaw Ang kalaban ko Hindi ba?" Nakangising sagot ni Jess. Hindi sumagot Ang dalaga pero kitang kita ni Jess Ang gigil ng mga mata nito. "bukas ng hapon, mag aantay ako sa bukana ng bayan ng Tyche." Sabi ni Jess Bago tuluyang umalis.

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts