webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
53 Chs

CHAPTER FORTY-NINE

💙💙💙

"SA TINGIN MO AY natakot talaga siya sa banta mo?" tanong niya sa kaibigan.

Nagtaas ng tingin si Brix at pinakatitigan siya. Ngumiti ito sa kanya. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

Sumimangot siya sa tanong nito. "Alam mong may tiwala ako sa iyo pero hindi sa babaeng iyon. Kagaya nga ng sabi mo, ang namayapa niyang asawa ay dating kasamahan ni Trixie sa sindikato. Paano kung may ka---"

"Matagal ng nabuwag ang sindikatong kinabibilangan ni Hermand at ni Trixie, Anniza. Matagal na silang napuksa ni Patrick at Asher. Dapat alam mo iyan dahil kaibigan sila ng asawa mo."

Bumuntonghininga siya. Gusto niyang mapalagay pero hindi niya magawa dahil nasa paligid lang nila si Jassie at pwedeng manggulo kahit anong oras. Mukhang napansin ni Brix ang pag-aalala niya.

"Do you want me to keep her silence?"

Nagtaas siya ng tingin at tinitigan ang kaibigan. Seryuso itong nakatingin sa kanya. Napasimangot siya dahil sa sinabi nito. Sinamaan din niya ito ng tingin.

"Nagpapatawa ka ba? Gusto mo ulit makulong?" Inis niyang sabi dito.

Tumawa lang ng mahina si Brix. Uminum ito ng tubig bago nagsalita. "If you want me to keep her silence like what I did to Andria's father before, just say so. In one snap of my finger I can do everything. Hindi din ako makukulong sa gagawin ko."

Nanindig ang palahibo niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Nang mag-usap sila ng tungkol kay Jassie ay nabanggit nito ang ama ni Andria. Kaya naman pala bigla na lang itong tumigil sa pang-gambala sa pamilya Wang. May ginawa pala si Brix sa kompanya nito sa China. She then realizes how powerful Brix is. Kahit na nasa loob nito ng kulungan ay nagawa pa rin nitong protektahan ang anak nitong si Troy.

Umiling siya sa kaibigan. "Wag mong bahiran ang kamay mo ulit, Brix. Hindi ako worth it noon. At saka, di ba, nangako ka sa kanya na hindi ka na gagawa ng masama o ikasasama ng loob niya. Baka nakakalimutan mo, sinusuyo mo palang ang babaeng nilalaman niyang puso mo."

Napatingin si Brix sa kamay niya na tinuro ang dibdib nito. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng kaibigan. Inalis nito ang daliri niya na nakaturo pa rin sa dibdib nito.

"I know." Muli itong uminum ng tubig.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng kaibigan. Mabuti na lang at dumating na ang wedding coordinator na kinuha nila ni Joshua. Akala niya ay aalis na ang kaibigan ng dumating ang coordinator na si Rose pero sumama pa rin ito sa restaurant na pupuntahan nila at hinintay nitong matapos ang meeting niya. Nag-volunteer pa ito na ihatid siya. Dahil wala siyang dalang sasakyan ay pumayad siya sa pa-anyaya nito. Hinatid siya nito hanggang sa gate ng bahay.

"Thank you," aniya sa kaibigan.

"You're welcome. Anything for you, Anniza." Hinawakan ni Brix ang buhok niya at ginulo.

Tinabig niya iyon at sumimangot. "Gusto mo bang pumasok sa loob. Ipakilala kita sa anak ko."

Umiling si Brix. "Maybe next time. Wag mo lang kalimutang padalhan ako ng invitation."

Tumawa siya. "Opo. Hindi-hindi ko makakalimutan."

Ngumiti si Brix at hinawakan ang manubela. Napansin niya ang biglang paglarawan ng lungkot sa mga mata nito.

"Brix?"

Napalingon sa kanya ang kaibigan. "Oh!"

"Wala ka bang balak magpakilala sa anak mo?" Malungkot niyang tanong dito.

Tuluyang binalot ng lungkot ang mga mata ni Brix. Hindi nito itinago sa kanya ang sakit na naramdaman. "I don't have the rights to introduce myself to her. Sapat na sa akin ang kaalaman na inaalagan siya ng mga Saavadra at tinuturing na totoong anak ni Lincoln."

Hindi niya mapigilan na masaktan at malungkot para sa kaibigan. Alam niyang nangungulila ito sa panganay na anak. Hindi man sabihin ni Brix ang nararamdaman nito ay alam niya dahil isa siyang ina. Masyado lang kasing komplekado ang lahat sa buhay nito. Nalulungkot siya dahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na maging ama kay Jewel dahil lang sa itinago ito ng babaeng siyang minahal nito noon.

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "I wish your happiness, Brix. Thank you for today."

"You're welcome."

May lungkot man sa mga mata ay binigyan pa rin siya ng ngiti ng kaibigan. Those smiles that she knows that no happiness at all.

Pagkatapos magpaalam sa kaibigan ay bumaba siya ng kotse nito. Sinundan niya ng tingin ang papalayo nitong kotse.

'I wish you all the best in this world, Brix. Alam ko naman na hindi ka ganoon kasama. Sadyang nagmahal ka lang ng maling tao,' aniya sa isipan habang malungkot na nakatingin sa papalayo nitong kotse.

ANNIZA AND JOSHUA are in a famous restaurant. Ang restaurant na iyon ay pagmamay-ari ng pamilya ni Liam. Kasama nila ang anak na si Peter. Joshua close a big deal. Kaya naman niyaya siya ng asawa ng kumain sa labas.

"Sigurado ka na ba na padadalhan mo ng invitation letter si Brix?"

Tanong ni Joshua na siyang umagaw sa pansin niya. Inilapag niya ang hawak na table napkin na ginamit pampunas sa kumalat na pagkain sa mukha ng kanilang anak.

"Bakit? May problema ba kung padadalhan ko siya? I mean, he is my best friend and he been there for us."

"Alam ko. At nagpapasalamat ako sa ginawa ni Brix pero alam mo naman na kaibigan na rin ng pamilya namin ang mga Cortez. Isa sila sa pupunta sa kasal natin. Maaring magkita si Lincoln Saavadra at Brix. At pareho natin alam ang nakaraan nila."

Hindi siya nagsalita. Alam niya ang ibig sabihin nito. Pero anong gagawin niya. Gusto niyang pumunta si Brix sa kasal niya. Hindi na nga ito ang kinuha nilang best man sa kasal tapos hindi pa ito pwedeng pumunta. Wala ba talagang paraan para makapunta ang kaibigan niya?

"Wala ba tayong magagawa? Gusto ko talagang pumunta si Brix. He is my best friend, Airen." Hindi niya itinago dito ang lungkot na nararamdaman.

Nang lalamung huminga ng malalim si Joshua. "I will do something."

Iyon lang at napangiti na si Anniza. She is sure that her husband will do something. Kapag sinabi nitong gagawa ito ng paraan gagawa ito ng paraan. May tiwala siya dito.

"Mommy, I want to pee."

Ang maliit na boses ng anak ang siyang kumuha sa atensyon niya. "You want to pee?"

"Yes, mommy."

"Okay. Come on." Tinulungan niyang tumayo ang anak mula sa pagkaka-upo.

Hindi na siya nagpaalam pa sa asawa. Tinahak na nila ng anak ang daan papunta sa ladies' room. Isa sa mga cubicle niya ipinasok ang anak para makapag-CR. Tinulungan niya din ang anak na makapaghugas ng kamay. Dahil hindi na siya nagtatrabaho at taong bahay na talaga siya. Mas focus siya sa pag-aalaga sa anak at sa pagiging asawa kay Joshua. Mas malapit sa kanya si Peter kaysa sa ama nito.

Naglalakad na sila pabalik sa kanilang upuan ng mapansin niya ang babaeng ka-usap ng asawa. Agad na tumaas ang isang kilay ni Anniza ng makilala ang hitad na umaaligid sa asawa. Minsan ay na-iinis siya. Bakit ba kasa lapitin ng babae ang asawa kahit na nga may anak na ito.

"What are you doing here?" mataray niyang tanong sa babae.

Nagtaas ng tingin ang babae. Agad na ngumisi ito. Anniza want to snap the woman in front of her but she can't. Nasa mataong lugar sila at maraming makakakita kapag pinatulan niya ito. She tried to compose herself. Reminding that this woman are not worth of her emotion.

"Oh! The legal wife is here." Tumayo ang babae at ipinantay ang sarili sa kanya.

"Tinatanong kita, Mrs. Javier. What are you doing here?" matigas niyang tanong dito.

Ngumiti lang ang babae. "This is a public restaurant. I can go here anytime I want. Hindi ang isang tulad mo ang pipigil sa akin. Naging princesa lang ng pinakasalan ni Joshua."

Napakuyom siya ng kamao. The face of this woman. Baka nakakalimutan nito na alam niya ang lahat ng baho nito. Hindi ba ito natakot sa banta nila ng kanyang kaibigan. Kung ganoon ay ipapakita niya dito kung sino ba talaga ang isang Anniza Jacinto-Wang.

"Yes. I'm a modern Cinderella. Nagpakasal ako sa isang mayaman at ako ang legal na asawa ngayon. Kaya sana tumigil ka na sa pangarap mong maging mistress ng dati mong nobyo."

"Hon!" Joshua get up and hold her arms.

Napataas kasi ang boses niya at nakakuha sila ng atensyon. Pumiksi siya sa pagkakahawak ni Joshua at mas inilapit ang sarili kay Jassie na namumula ang mukha dahil sa pagkapahiya.

"Hindi ka ba nahihiya. Ang hinahabol mong lalaki ay kasal na sa akin at muli kaming ikakasal. Wala ka na bang pangbili ng luho mo kaya bumalik ka sa asawa ko para tustusan iyang kapretsuhan mo. Hinahabol mo ang asawa ko dahil alam mong kaya ka niyang buhayin at ang anak mo. Gusto mo pa nga ipaako ang anak mo sa namayapa mong asawa sa kay Joshua. Ang kapal ng mukha mong babae ka."

Nanlaki ang butas ng ilong ni Jassie. Tumaas ang kamay nito upang sampalin na sana siya ng may kamay na pumigil dito.

"Don't ever tried to hurt my wife." Galit na may pagbabanta ang boses ni Joshua. Nanlilisik ang mga mata na tinitigan nito si Jassie.

"JJ..." Nasasaktan na tawag nito sa asawa niya.

Gusto niyang matawa dito. Napaka-desperada nito. Siguro nga at mahal pa nito ang asawa niya pero ang katutuhanan na kasal na si Joshua sa kanya ay dapat na nitong tanggapin. Dapat ay tumigil na ito sa kabaliwan nito.

"Hinayaan kita sa panluluko mo sa akin, Jassie. Hinayaan kita kahit nalaman ko ang katutuhan na hindi ko naman talaga anak si Jamie. Wala kang narinig sa akin na kahit na ano. Pero hinding-hindi ko palalampasin kapag sinaktan mo na ang asawa ko." Joshua's voice screams dangerous.

"Pero nagawa ko lang naman kasi iyon dahil mahal pa rin kita. Alam ko naman na mahal mo pa----"

"I don't love you anymore." Putol ni Joshua sa iba pangsasabihin nito. "Nang araw na pumunta ako sa puntod niyo ni Jamie. Iyon ang araw na pinalaya ko na ang sarili ko sa pagmamahal ko sa iyo. Iyon ang araw na binuksan ko ang sarili kong puso kay Anniza. Kaya sana ay tinigilan mo na ako. Tigilan mo na kami ng asawa ko dahil kapag hindi. Sisiguraduhin ko na pagsisihan mo na bumalik ka sa buhay ko."

Bumalatay ang lungkot at sakit sa mga mata ni Jassie. Dumaloy ang luha sa mga mata nito. Kinuha nito ang sling bag na nakapatong sa upuan at patakbong lumabas sa lugar na iyon. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua ng tuluyan maka-alis si Jassie. Hinarap siya ng asawa.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti siya at agad na inilagay ang braso sa leeg ni Joshua. "I'm fine, Airen. Thank you for standing beside me."

"I will stand beside you because I love you."

Mahinang tumawa si Anniza. "I love you too, my Airen."

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay idinampi niya ang mga labi sa labi ng asawa. Wala siyang paki-alam kung nasaan sila ng mga sandaling iyon. Since she married this man, showing affection in public is not hard. As long as they are happy, she will show to this man how much she loves him. Gumanti din ng halik si Joshua. Lalong binalot ng saya ang puso ni Anniza.

Naririnig niya ang malakas na palakpakan ng mga tao pero hindi nila iyon pinansin.

"Eww, Mommy, Daddy." Ang malakas na tiling iyon ng anak ang siyang nagpaputol sa halikan nila.

Sabay nilang niyuko ang anak na nakangiwi pa ang labi at may disgusto ang mukha. Natawa na lang sila ni Joshua dahil ganoon lagi ang reaksyon ni Peter Andrew kapag nakita silang naghahalikan.

"HINDI PA RIN ako makapaniwala hanggang ngayon na kasal ulit ako kay Shan." Narinig niyang sabi ni Ate Carila.

Nasa private beach house sila sa Bataan. Isa iyon sa mga beach house ng mga Wang na talagang inaalagaan ng mga ito. Nasa kabilang panig ang hotel ng pamilya pero walang nakakapunta sa kinaruruonan nila dahil pinagbabawal ng magkapatid.

"Kaya nga eh. After what happen between you too," aniya sa kaibigan.

Kung sa kanila ni Joshua ay madrama. Ganoon din ang love story ni Ate Carila at Kuya Shan. Mas nakakalungkot pa nga ang sa dalawa dahil talagang maraming pinagdaan ang mga ito. Masaya siya at ang mga ito pa rin ang nagkatuluyan. Hindi nila sinukuan ang isa't-isa.

Tama nga siguro ang kasabihan na kapag talagang kayo ang para sa isa't-isa kahit paglaruan at ipaglayo man kayo ng tadhana kayo pa rin hanggang sa dulo.

"Pero wala ng mas tatatag sa iyo, Anniza. After what happen to you, losing a child. It must be painful and hell," sabi ni Maze.

Ngumiti siya sa kaibigan. "Nakaraan na iyon, Kaze. Masaya na din naman kami ni Joshua ngayon dahil dumating sa buhay namin si Peter Andrew."

"May tamang panahon talaga para sa lahat ng bagay."

"Kagaya ba ng sa inyo ni Shilo. Tamang panahon na maging kayo. Ilang taon mo din siyang lihim na minahal noon tapos kayo din pala talaga sa huli." May lakip na panunuksong sabi niya.

Namula ang mukha ni Kaze dahil sa sinabi niya. Sabay silang tumawa ni Ate Carila dahil sa reaksyon na iyon ng kaibigan. Ilang taon na ang lumipas. Kasal na ito kay Shilo at may anak na rin pero heto at ganoon pa rin ang reaksyon nito kapag tinutukso kay Shilo.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Kaze. Nakuha na ni Shilo ang virginity mo at binuntis ka na niya bago pa kayo kinasal, namumula pa rin iyong mukha mo. Ano ka teenager?"

"Anniza!!!" sigaw ni Kaze.

Tumawa si Ate Carila at ganoon din siya. Lalong namula kasi si Kaze. Kasing pula na nito ang suot niyang singsing na kulay strawberry. Kaze is very adorable.

"Grabe pa rin talaga iyon bibig mo, Anniza. Parang ikaw din naman ah. Buntis ka na ng kinasal kayo ni Joshua sa huwes. Kaya wag ako." Ganti ni Kaze na siyang ikinatawa lang niya.

"So! I'm proud that Joshua is the only man touch my beautiful body. At siya lang din ang tanging lalaki na lumaway sa katawan ko."

"Anniza Wang!" sigaw ni Kaze at binato siya ng hawak nitong stick.

Naka-ilag naman siya. Tinawanan lang niya ang kaibigan. Wala naman kasi siyang problema kung ganoon siya magsalita sa harap ng dalawa. Kaze and Carila are very good friend of her. Kilala na siya ng mga ito. Alam na ng mga ito kung ganoon katalas ang dila. Kaya nga sa dalawa lang niya na-ilalabas ang ganoong klasing ugali.

"Anong masama sa sinabi ko, Kaze? Ikaw din naman ah. Hindi ba si Shilo lang din ang nakahawak sa ka---"

"Anny..." Tumayo na si Kaze at balak sana siyang sugurin kaso mabilis siyang tumayo.

Tumakbo siya palayo sa kaibigan. Hinabol naman siya nito. Tawa lang siya ng tawa habang nagpapahabol dito. Para silang bata ni Kaze naghahabulan. Si Ate Carila naman ay natatawa lang na pinanuod sila. Natutuwa talaga siyang asarin si Kaze dahil mabilis itong pumatol lalo kapag ganoon ang topic.

Lumipas man ang panahon. May mga asawa at anak na sila pero nanatili pa rin ang inosenteng pagkatao ni Kaze. Ito pa rin ang babaeng nais nilang protektahan at alagaan.

Natigil siya sa pagtakbo ng may dalawang malakas na braso na humawak sa kanyang baywang. Sisigawan na sana niya ang pangahas ng makita ang gwapong mukha ng asawa.

"Anong ginagawa niyo?" sabay na tanong ni Joshua at Shilo.

Shilo is also holding Kaze's waist. Pinipigilan din nito ng sariling asawa.

"Nothing!" sabay nilang sabi ni Kaze.

Nagtagpo ang kilay ng dalawang lalaki.

"Nothing?" tanong ni Shilo habang nakatingin sa asawa.

"Ya! Nothing!" Umayos ng tayo si Kaze. Inalis nito ang braso ni Shilo sa baywang at hinawakan sa kamay. "Tapos na ba kayo sa paggawa ng tent?"

"Yes. Nakapagluto na rin naman kami ni Kuya."

"Okay. Let's go." Hinila na ni Kaze si Shilo paalis doon.

Natawa na lang siya sa ginawa ng kaibagan. Alam niyang umiiwas lang ito dahil baka bigla niyang sabihin kung anong pinag-usapan nila na nauwi sa habulan.

"Hon..." ang pagtawag ni Joshua na iyon ang siyang napabalik sa kanya.

Napatingin siya sa asawa. "Yes!"

"Anong pinag-uusapan niyo ni Kaze at naghabulan pa kayo." Pinakawalan n ani Joshua ang kanyang baywang at hinawakan na lang ang kanyang kamay.

Ngumiti siya asawa. "It's nothing."

Sumimangot si Joshua. "Akala ko ba walang lihiman."

"It's really nothing, Airen. At saka, it's a girl stuff. Hindi namin pwedeng ekwento sa inyo."

Lalong napasimangot si Josua kaya naman tumawa siya ng malakas. Minsan ay umasal bata pa rin si Joshua. Pero kahit na ganoon ang ugali ni Joshua ay mahal na mahal niya ito. Kung may nabago man sa relasyon nila ay iyong hindi na sila nag-aasaran kagaya ng dati. Wala na rin ang dating bangayan nila. Aminado siyang nagbago siya simula ng ikasal siya kay Joshua pero kahit isang beses ay hindi niya pinagsisihan ang pagbabagong iyon.

Alam niyang kung ano siya ngayon ay ang pinakamagandang version ng sarili.

"Airen, it's a girl stuff and it's private. And those stuff won't hurt you." Pinalupot niya ang dalawang braso sa leeg nito.

Mas inilapit niya ang sarili sa asawa. Pinakatitigan naman siya ni Joshua sa mga mata. May napansin siyang ningning sa mga mata nito. They are happy. They finally found their own happiness.

"I can't wait to marry you again, Joshua Jhel Wang." Bulong niya.

Isang magandang ngiti ang sumilay sa labi ni Joshua. "I can't wait to see you walking in the aisle. I know, I will spend the rest of my life with you, Hon. I love you so much."

"I love you too, wode airen (my husband)."

Mas inilapit ni Anniza ang mukha sa asawa. Pinadikit nito ang dulo ng kanilang ilong bago niya ikiniskis ang dulong bahagi. She did that while looking at her husband eyes. Dahil sobrang lapit nga ng mga mukha nila. Nababasa ni Anniza ang ningning sa mga mata ni Joshua.

Love, contentment, and happiness. And she knows, she has the same emotion right now. Sa lahat ng pinagdaan nila ni Joshua, wala na siyang mahihiling pa. Those pain that they face is now part of the past that makes them strong. And those pain are now memories that they will forget soon. Those memories that makes them who they are right now.

"I will always be your man, Hon. I will treasure and keep you and Peter. I do everything to make you happy."

"I know, so stop talking. And..."

Ibinaba niya ang tingin sa labi nito. Agad naman na nakuha ng asawa ang ibig niyang sabihin dahil walang salitang sinakop nito ang labi niya. Anniza return the kisses. She fights back. She doesn't care if someone see them kissing. They are happy. This is their way to show how much they love each other.

After all this year, she finally can say that the happy-ever-after that she asking is finally come true. Her own version of happily-ever-after.

Kissing her husband in a broad day light. Kissing like they own the world. Kissing like there's no tomorrow. And this is their way to say 'I love you' to each other.

💙💙💙

HanjMie